Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Jun 27, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: You've Got a Friend
Topic: Friendship with a Mission
Date: June 27, 2021
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
1. Ano ang unang point na diniscuss noong Sunday tungkol sa friendship with a mission?
Correct answer: STAYING IN GOOD TIMES AND BAD TIMES
2. Sino ang example na nagpakita nito sa Bible? Paano nila ito napakita?
Correct answer: Ruth and Naomi. ANG DECISION ni Ruth to stay with her mother in law ay nagpapakita ng kanilang malalim na attachment, an extraordinary attachment na walang halong pag-iimbot (without wrong motive). As Ruth decided to be with Naomi in going back to Judah, abandoned her faith to their gods in Moab and completely embraced the God of Israel and culture of Naomi. It is 180 degrees turned for Ruth! What a loving expression of friendship to Naomi. Ruth and Naomi’s friendship is a kind of friendship that STAY both in GOOD TIMES and BAD times. As a family, they enjoyed GOD’s plan of marriage for Ruth.
3. Ano ang pangalawang point na diniscuss noong Sunday tungkol sa friendship with a mission?
Correct answer: CHOOSING THE GOOD YET CARING FOR THE BAD
4. Sino ang example na nagpakita nito sa Bible? Paano nila ito napakita?
Correct answer: Job and his friends Elifaz, Bildad, Zofar. Mayroon silang mga naging good traits (they came to him when he was suffering., they empathized with him, and they spent time with him) pero mayroon din silang naging bad traits. Hindi ito “tinolerate” ni Job at nirebuke niya ito.
5. Ano ang pangatlong point na diniscuss noong Sunday tungkol sa friendship with a mission?
Correct answer: FINDING NEW FRIENDS FOR OUR MUTUAL GOOD
6. Sino ang example na nagpakita nito sa Bible? Paano nila ito napakita?
Correct answer: Paul and Barnabas. Nang si Paul ay magtungo pabalik sa Jerusalem, very excited sya na makita ang mga disciples…kaso, natatakot sila kay Pablo dahil di sila naniniwala na sya ay disciple narin ni Christ. And there was Barnabas, tinulungan sya ni Barnabas at ipinakilala sa mga disciples/apostles. Ipinaliwanag nya kung paano Nakita ni Saul ang Panginoon sa daan, at kung paano nagsalita ang Panginoon sa kanya. During sa first week ng spiritual training ni Paul, God had placed to him the one man na binigyan ng nickname na “The Encourager” – ang ibig sabiihn pinapalakas niya ang loob ng iba.
Sinabi rin ni Barnabas na nung nasa Damascus si Saul, matapang syang nag-preach sa pangalan ni Jesus. Kaya mula noon, lagi na nilang kasama si Saul sa buong Jerusalem at matapang syang nagpreach sa Pangalan ng Panginoon. What a beautiful example Barnabas was: nung kinakailangan ni Saul ng kaibigan, he was there…a new friend to Saul.
Reflect [Magnilay-nilay]
1. Suriin ang inyong loyalty sa inyong kaibigan ngayon. Gaano ka ka-loyal sa kanila?
2. How are you as a friend – in good times lang ba nandyan? Ayaw ma-rebuke, kaya walk out?
3. Sino ang lagi mong kasama? Good company or bad company?
4. Sino ang bago mong kaibigan na maaari mo ring alagaan para sa panginoon? Papaano naging pagpapala ang iyong pakikipagkaibigan? Nagiging kalakasan ka ba sa iyong kaibigan?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Be a good friend to your current friends – at kung hindi pa nila kilala si Jesus, it might good to start sharing about your faith. You can also invite them to the church service on Sunday!
2. Make a new friend and learn to care about him/her practically and for eternal benefit.
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Komentarze