top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - June 12 - Jesus Walks with Them

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for June 12, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan] and Reflection [Magnilay-nilay]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


And these words that I command you today shall be on your heart. You shall teach them diligently to your children, and shall talk of them when you sit in your house, and when you walk by the way...​

Deuteronomy 6: 6 -7a


Read: Luke 24: 13 - 35 (On the Road to Emmaus)


A. Jesus will COME UP and WALK ALONG with you.


Jesus himself came up and walked along with them. Luke 24: 15b

Come Up means to have a positive outcome

Walk Along means to keep someone company


Kapag kasama mo si Jesus sa paglalakad, may POSITIVE OUTCOME at DI KA NAG-IISA!


… When we lack spiritual dimensions – Luke 24:18

… When we prioritize personal expectations – Luke 24:21

… When we doubt the power of His resurrection – Luke 24:24


REFLECT:

1. Nakaka-relate ka ba sa mga sitwasyon sa itaas na challenges sa ating walk with the Lord? Paano? Ishare sa grupo.

2. Bakit kaya nagiging POSITIVE ang outcome at HINDI tayo nag-iisa kapag kasama natin si Jesus sa ating mga ‘lakarin’?


Read: Luke 24: 31 – 32


their eyes were opened - ophthalmos dianoigo epiginosko

their eyes were completely opened and they came to fully comprehend

our hearts burning within us

Hindi natapos sa kahalagahan at pagkaunawa kung sino si Jesus bagkos eto ang nagbigay ng passion o motivation sa mga katotohanan na naririnig natin tungkol sa Kanya.


REFLECT:

3. Nakakaranas ka ba na parang hindi mo masyado maintindihan ang mga truths about Jesus? Nakaranas ka na rin ba ng parang nawawalan ng passion o motivation?

4. Ayon sa passage, ang naging solusyon ay noong pinag-usapan at ‘binuksan’ ni Jesus ang Scripture kasama sila. Kamusta ang iyong pagspend ng oras sa pag-meditate ng Salita ng Diyos? Kamusta naman ang pagtuturo mor in ng Salita ng Diyos sa iba? Nagagawa mo ba ito?

B. Jesus will COME IN and STAY with you.

He went in to stay with them. Luke 24: 29b

Come In means to become involved

Stay means to live with you

Kapag kasama mo si Jesus sa paglalakad, He BECOMES INVOLVED at MANANATILI SYA SA 'YO!


… When we remember what He has done – Luke 24:30-31

… When we realize what He has to do - Revelation 3:4


Conclusion: Revelation 21: 18 – 21 / Revelations 21: 3b – 4


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Ngayong linggo, mag-spend ng oras sa “paglalakad” with the Lord sa pamamagitan ng pagbabasa at pagninilay-nilay ng Kanyang salita at pananalangin.

2. Lumakad rin tayo kasama ng iba – magschedule ng walking trip with a friend na pwede mong mabahagian tungkol kay Jesus. Baka ikaw na ang hinihintay na magpapaliwanag sa kanila tungkol sa pag-ibig ng Diyos para rin mabuksan ang kanilang isipan.

3. Isali palagi ang Panginoon sa lahat ng mga ‘lakad’, desisyon o gawain ngayong week at ipagpatuloy ito hanggang sa Kanyang pagbabalik.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page