Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for June 19, 2022.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Here's the video of the sermon if you need a review:
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan] and Reflection [Magnilay-nilay]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)
Read: Mark 4:35-41
I. JESUS’ WAY 1. JESUS SLEEPS BECAUSE OF EXHAUSTION (Nakakatulog si Hesus dahil sa sobrang kapaguran)
Bakit napagod si Jesus? Naging busy dahil nagturo sa multitudes at nakipag-argue sa mga Pharisee.
Tandaan: SA IYONG KAPAGURAN… ANG PARAAN NI HESUS…AY IKAW AY SAMAHAN.
REFLECT: May mga panahon ba na ikaw ay hindi makatulog o antok na antok dahil sa kapaguran? Anong pakiramdam mo ngayong alam mong pati si Jesus mismo ay nagpahinga rin sa pagkapagod?
2. JESUS SLEEPS EVEN IN THE MOST UNCOMFORTABLE PLACE (Nakakatulog si Hesus kahit sa di maalwang kalagayan)
Tandaan: KAHIT KAPAG ANG SITWASYON AY DI MAALWAN…MAY PARAAN SI HESUS…SA KANYA MAAARING SUMANDAL.
REFLECT: Kapag hindi masyadong komportable ang iyong sitwasyon, nahihirapan ka bang magpahinga? Anong pakiramdam mo ngayong alam mong pwede mong sandalan si Hesus kahit sa mga ganitong pagkakataon? 3. JESUS sleeps even in MIDST OF CHAOTIC SURROUNDINGS (Nakakatulog si Hesus sa gitna ng magulong sitwasyon)
Tandaan: KAHIT KAPAG ANG KAPALIGIRAN AY MAGULO…MAY PARAAN SI HESUS…SA KANYA MAAARING MAGTIWALA
REFLECT: Bakit kaya nakatulog si Jesus kahit na magulo ang sitwasyon? Ikaw, ano ang nagiging reaksyon mo kapag napakagulo ng mga pangyayari sa buhay mo? Paano mo pwedeng mas mapagkatiwalaan si Hesus?
II. THE DISCIPLES’ WAY (IN CONTRAST TO JESUS’ WAY) 1. THE DISCIPLES WERE AFRAID (natakot ang mga alagad ni Hesus – V.35)
· May pagkabahala
· Agad ginising si Hesus
· May alinlangan sa maaaring sapitin na kapahamakan sanhi ng malakas na bagyo
REFLECT: Nakaka-relate ka ba sa nagging reaksyon ng mga disciples sa dinanas nila?
2. JESUS’ RESPONSE TO THE DISCIPLES’ WAY (vv. 39-40)
(ang tugon ni Hesus sa paraan ng mga disciples)
Sa gitna ng mga takot at panic ng mga disciples: Tingnan natin na hindi naalimpungatan si Hesus.
• Gumising sa paggising sa Kanya
• Inutusan at sinaway ang malakas na hangin, through His Word.
REFLECT: Bakit pwede nating mapagkatiwalaan si Jesus sa gitna ng mga bagyo sa ating buhay?
Conclusion:
Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin, at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing. Kahit hampas nitong bagyo ay dumating ng biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mangmang. - Kawikaan 3:24-25
TANDAAN:
ANG PARAAN NI HESUS AY PAGTITIWALA SA KANYANG MABUTING AMA NA SIYA AY MABIGYAN NG KAPAHINGAHAN SA GITNA NG ANUMANG UNOS, KAYA, ANG NAISIN NIYA NA ANG KANYANG MGA TAGASUNOD AY MABIGYAN NG KAPAHINGAHAN AT MAHIMBING NA TULOG.
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Kapag may pinagdaanang “bagyo” ngayong linggo, bago mag-panic ay alalahanin muna na kaya nating pagkatiwalaan ang Diyos na Samahan tayo.
2. Humanap ng mga kaibigan na matutulungan kang magtiwala sa Diyos.
3. Ugaliing magbasa ng salita ng Diyos para palaging maalala ang Kanyang mga pangako na pwedeng pagkatiwalaan!
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comentarios