top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Mar 20 - One Body, One Spirit

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Mar 20, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan] at Reflection [Magnilay-nilay]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


Ephesians 4:4-6 Juan 14:16-26


I. ONE SPIRIT


We have one and the same Spirit that reside in each one of us. At ang Spirit (Paracletos) ang:


A. ONE SPIRIT THAT CONVICTS US OF OUR SINS Noong di mo pa nakilala si Hesus, namumuhay ka sa kasungalingan, paggawa ng mahahalay na bagay. Ang Spirit na parehong nasa bawat isa sa atin ay ang same Spirit na nagagalak sa pagtalikod sa mga kasalanan at paglakad sa righteousness ng God na ibinahagi sa bawat isa sa atin.


REFLECT:

1. If we have the same and ONE SPIRIT na tinanggap, are we also ONE pagdating sa paghate sa kasalanan? Do we have the same Spirit din ba na ang taong nagkasala at patuloy na nagkakasala ay pwede pa ring baguhin ng Dios? Ano ang iyong obserbasyon sa ating mundo ngayon?

2. Paano ka na natulungan ng Holy Spirit na maconvict (HINDI condemn) sa iyong mga kasalanan?


B. ONE SPIRIT THAT GUIDES US IN ALL OUR UNDERTAKINGS

Ang mga disciples ni Jesus ay palagi Niyang binibigyan ng guidance sa halos lahat ng mga bagay-bagay sa kanilang buhay.


At ng Siya ay bumalik sa Ama ang sabi Niya sa Juan 14:26: 26 Subalit ang Kaagapay, ang Banal na Espiritu na isusugo ng Ama sa pangalan ko ay magtuturo sa inyo ng lahat, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng sinabi ko sa inyo

And that same Spirit is at work sa ating mga buhay hanggang sa ngayon.


REFLECT:

3. Paano ka na natulungan ng Holy Spirit sa pamamagitan ng pag-guide sa iyo?


C. ONE SPIRIT THAT COMFORTS US IN TIME OF NEED

Kasama sa ibinibigay ng Banal na Espiritu ang pagbibigay ng Kanyang kaaliwan sa panahon ng ating pangangailangan.


REFLECT:

4. Paano ka na natulungan ng Holy Spirit sa pamamagitan ng pag-comfort sa iyong kalungkutan, struggle o need?


REFLECT:

5. Kamusta ang experience mo with the Holy Spirit? Nakikinig ka pa ba sa Kanyang direction sa iyo, o natatabunan na ang Kanyang boses?


II. ONE SPIRIT


We are one in following god’s principles, we are one in obeying his mandate, we are one in loyalty to God.


A. WE ARE ONE IN FOLLOWING GOD’S PRINCIPLES

Mag-unite sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos na nagbubuklod sa atin. Luke 10:27


Hindi tayo puedeng magkaisa sa kasinungalingan, sa pandaraya, sa paninirang-puri. Naguunite tayo sa PAGIBIG ng Dios na nagbubuklod sa tin,



B. WE ARE ONE IN OBEYING HIS MANDATE

Mateo 20:19-20


What is God’s mandate to us? Ang mandate sa Mateo 20:19-20 ay para sa LAHAT NG KUMILALA AT TUMANGGAP SA KANYA, HINDI LANG SA ATIN WHO ARE INSIDE THE FAMILY OF JCLAM, IT IS FOR ALL….SAAN MANG PANIG KA NG MUNDO NAROON AT TINANGGAP MO SI HESUS AS LORD AND SAVIOR…THIS IS FOR YOU!

This mandate ay napapaloob po sa mismong mission statement church: “To follow Christ and make followers of Christ”

REFLECT:

6. Sa tingin mo, ikaw ba ay kaisa sa ating mandato to FOLLOW CHRIST and MAKE FOLLOWERS OF CHRIST? Kung oo ang sagot mo, ano ang mga halimbawa ng “proof” na totoong sumusunod ka sa mandato ng Diyos? Kung hindi ang sagot mo, ano ang pumipigil sa iyo?


C. WE ARE ONE IN LOYALTY TO GOD


Nawa ang lahat ng ito ay ginagawa natin at nagagawa natin dahil sa ating loyalty una sa GOD. Ang pagiging loyal natin sa Kanya ay sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa Kanyang kalooban.


Bilang kabahagi ng church ng JCLAM, ikaw ba ay loyal sa church na ito? Ipinapakita mo ba, ipinaparamdam mo ba ang iyong marubodob na pagpapahalaga sa bawat planuhin, activities, programa, ministry ng church? Ipinaparamdam mo rin ba sa bawat kabahagi (kapwa members) ng church ang iyong pagpapahalaga sa bawat isa?


REFLECT:

7. Masasabi mo bang si Lord ang tunay na SENTRO ng iyong buhay at sa Kanya ka pinaka-loyal? Bakit o bakit hindi?

8. Sa tingin mo, ikaw ba ay loyal sa iyong mga kapatiran? Kung oo, paano mo ito ipinapakita? Kung hindi, bakit hindi mo ito nagagawa?

CONCLUSION:

THE HOLY SPIRIT, HINDI NATIN NAKIKITA, NGUNIT SUMASAKSI SA ATING ESPIRITU NA TAYO AY ANAK NA NG DIOS. SIYA RIN ANG TUMUTULONG SA KATAWAN NI KRISTO, ANG KANYANG CHURCH, NA MAGKAISA SA ISANG ADHIKAIN: NA IPANGALANDAKAN ANG KAHARIAN NG DIOS.



Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Sama-samang pasalamatan ang Holy Spirit sa Kanyang pagkilos sa inyong buhay!

2. Kung may struggle sa pakikinig sa Holy Spirit, anong mga aksyon ang pwede mong gawin para mas marinig Siya?

3. Paano ka magiging mas kaisa sa ‘mandate’ ng Diyos to follow Christ and make followers of Christ? Kasali ka na ba sa isang CC at sa one-on-one intentional discipleship?

4. Panao ka makakapagpakita ng loyalty sa iyong mga brothers and sisters in Christ? Magcommit sa aksyon na Pwede mong gawin.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

1 view0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page