Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Mar 27, 2022.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Here's the video of the sermon if you need a review:
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan] at Reflection [Magnilay-nilay]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)
Ephesians 4:4-6
I. ONE GOD
A. Our God is the SUPREME GOD. - 1 Chronicles 29:11
B. Our God is the LIVING GOD. - Jeremiah 10:10
C. Our God is OUR FATHER. - Galatians 3:26, Galatians 4:6
Ephesians 1:3-5
II. ONE HOPE
A. One hope of ETERNAL LIFE. - John 14:2-3
B. One hope of HIS PRESENCE - 1 Thessalonians 4:16-17, John 5:24
CONCLUSION
We have One God our Father who is sovereign over all the earth and over our lives.
Our One HOPE is certain! We don’t need to be afraid of what lies in the future. God revealed it to us. He already prepared the best for His children.
How do we give glory to Him? When we treat Him the way He deserves to be treated.
How can we worship Him? … present your bodies a living and holy sacrifice, acceptable to God, which is your spiritual service of worship. Romans 12:1
Reflection [Magnilay-nilay]
1. Ano ang ‘impact’ sa buhay mo kapag alam mong ang Diyos ay SUPREME and LIVING GOD, at Siya ang iyong FATHER?
2. Sigurado ka na bang mayroon kang buhay na walang hanggan? Kung oo, paano mo nasabi? Kung hindi, kausapin ang iyong CC leader kung paano makakasiguro.
3. Ano madalas ang inaabangan ng mga tao kapag sinabing ‘langit’? Nilu-look forward mo ba ang pananatili sa presensya ng Diyos? Paano mo ito pwedeng ma-experience kahit ngayong buhay ka pa?
4. Saan / kanino nakasandal ang iyong tiwala? Kung hindi isa Diyos, bakit kaya? Kung sa Diyos, paano mo ito naipapakita sa iyong buhay?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Worship God together and praise Him for who He is!
2. Kung hindi mo pa tinatanggap ang Diyos sa iyong buhay o hindi ka pa siguradong meron kang buhay na walang hanggan, receive Him today!
3. Ano ang isang aksyon na pwede mong gawin para maranasan ang presensya ng Diyos sa araw-araw?
4. Ano ang isang aksyon na pwede mong gawin para ang Diyos ang maging source mo ng pag-asa?
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments