top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Mar 6 - One Savior, One Lord!

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Mar 6, 2022.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


Here's the video of the sermon if you need a review:

 

Topic: De-escalate - Operation: Hinay

Series: D2D - Disciplined to Disciple

Date: Feb 27, 2022


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


(Please open your Bibles with your CC kapag may mga verse na nabanggit sa ibaba)


Since the beginning, God has already you and I in mind. Ang tao ay nasa isip na Niya, kinalulugdan Niya at gustong-gustong makapiling at pagpalain? The One God Who created the whole earth according to Genesis 1:1 loves us.


Ngunit ayon sa kasaysayan ng Bibliya, nagkasala ang unang tao. Nireject nila ang Dios dahil nakinig sa sarili nilang pagnanasa at huwag magtiwala sa sinabi at plano ng Dios sa kanila. Ni-reject nila dahil nagduda sila na ganoon kaganda talaga ang plano ng Dios.


Kaya simula noon, nananalaytay na sa ating pagiging tao ang pagiging makasalanan dahil nag NO ang ating ninuno sa pagiging Dios ng Dios sa kanilang buhay.


· Instead of having LIFE…PHYSICAL AND SPIRITUAL DEATH kasi nga INAYAWAN ANG ALOK NG DIOS NA BUHAY NA KASAMA SIYA.

· Instead of being with Him forever…LAKE OF FIRE/HELL kasi nga INAYAWAN ng tao ANG ALOK NG DIOS NA BUHAY NA WALANG HANGGAN NA KAPILING SIYA.

· Instead of being intimate or close to Him…The sin of man CREATED A GAP BETWEEN MAN AND GOD kasi nga INAYAWAN ng tao ang PAKIKIPAGRELASYON SA DIYOS

· Instead of having a purposeful and abundant life…A MEANINGLESS, SELFISH, WAYWARD LIFE kasi nga INAYAWAN ng tao na ang Dios ang MAGHAHARI SA KANILANG BUHAY upang ang kanilang buhay ay sumagana.


Ngunit sa kabila ng pag-reject sa Kanya, paulit-ulit, sa iba’t ibang henerasyon, patuloy na ginawa ng Dios ang Kanyang planong pagliligtas ng tao sa mga nananalig sa Kanya. Kahit konti lang, kahit isa lang, itutuloy pa rin Niya ang pagliligtas.


Mga halimbawa:


1) Si Noah, sa kanyang panahon po, ay nag-iisa lamang na nagsabing YES sa planong pagliligtas ng Dios sa malaking delubyo. Bakit magkakadelubyo? Dahil punung-puno na po ng kasamaan ang mundo. Nalungkot ang Dios na ang tao ay nalikha at lumayo sa Kanya. Binigyan Niya ang mga ito ng pagkakataon na manumbalik sa Kanya ngunit pinagtawanan lamang nila ang idea na magkakaroon ng malaking baha. Si Noah o Noe po ay kinausap ng Dios upang sabihin sa mga tao roon na may kaligtasan pa. Nag-YES si Noe, at napaYEs na rin ang kaniyang pamilya sa pagliligtas ng Dios sa pamamagitan ng malaking arko. Ilang taong sinikap ni Noe na sabihan ang ibang tao ngunit pinili pa rin ng mga ito na sundin ang sarili nilang direksyon sa buhay. Lahat po ay nag NO ngunit ang natatanging PAMILYA NIYA AY NAG—YES kaya na-wipe out po ang buong sangkatauhan liban sa pamilya ni Noah. Nagsimula po ang bagong tao sa panahon ni Noe. Nagpatuloy ang buhay.


2) Nagpatuloy ang bagong buhay hanggang sa panahon ni Abraham. Siya rin ay nabuhay sa paligid na ang mga tao ay sumsamba sa mga nilikha ng Dios imbes na sa Dios. Kaya nang tinawag ng Dios si Abraham upang lisanin na ang lugar na iyon, siya po ay nag YES sa tawag ng Dios na magtiwala sa Kanya, na pagpapalain Siya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Kahit mahirap umalis sa environment na may kinagisnang pagsamba sa mga nilikha lamang ng Dios, pinili ni Abraham na mag-YES sa nag-iisang Dios na buhay. Makikita natin ang buhay niya at ng kanyang salinlahi na nabigyan ng mga pagpapalang lagpas lagpas sa maaaring iimagine. He was blessed, his family was blessed, his name became great, and he became a blessing to many nations thereafter.


3) Si Joseph, si Jacob, David, at kung sino-sino pa po.


Maraming mga taon ang lumipas na nakasaad sa Bibliya na lagi na lang tinatalikuran ng mga tao, bayan, at bansa ang Dios. Pinapakitaan sila lagi ng Kanyang kabutihan, mga himala, pag-giya, probisyon sa gitna ng kawalan sa disyerto, at iba pa, ngunit pinipili pa rin ng maraming tao ang Siya ay salungatin at pinipilit nilang sila mismo ang maghahari sa sarili nilang buhay. Ayaw nilang may Dios na mangunguna sa kanila dahil hindi nila magagawa ang sarili nilang pita.



Sa kagandahang-loob ng Dios, may mga taong piniling magpasakop sa Kanya, at nag-Yes sa Kanyang panawagan…hanggang dumating sa ating panahon.


Hanggang may mga taong Siya ang hinahanap at pinananaligan, hindi nanatili ang poot ng Dios sa mga tao. Ang plano Niya na ibigay ang Kanyang perfect and ONE and ONLY SON, JESUS, ay tinotoo Niya. Siya lang ang naging paraan upang ang galit ng Dios sa tao ay maparam. Ngunit kailangang tanggapin Siya. Siya lamang kasi ang TANGING DAAN, TANGING KATOTOHANAN at TANGING BUHAY!



Basahin: Isaiah 43:11-13, Hosea 13:4-6, Titus 3:4


Nag-iisang Diyos! Nag-iisang Tagapagligtas! Nag-iisang Panginoon na dapat pananaligan ng lahat kung gustong maligtas! Say YES TO JESUS!


Bagay kung bakit napakabuti na magsabing Yes sa alok ng Dios na kaligtasan:

· Romans 10:11 For the Scripture says, “Everyone who believes in him will not be put to shame.” – HINDI KA IKAKAHIYA NI HESUS SA KANYANG AMA (you will become His trophy!) THE WAY

· John 17:3 And this is eternal life, that they know you, the only true God, and Jesus Christ whom you have sent - SIYA LANG ANG HINDI MAAARING MAGSINUNGALING THE TRUTH

· John 10:10 I have come that they may have life, and have it to the full. – BIBIGYAN KA NIYA NG MASAGANANG BUHAY (you will have meaning to life!) THE LIFE


Reflection [Magnilay-nilay]


1. Tinanggap mo na ba si Hesus sa iyong buhay at inamin na hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili? Kung hindi pa, ano kaya ang pumipigil s aiyo?

2. Kung oo, ikwento ang istorya kung paano mo nakilala personally si Jesus sa iyong buhay.

3. Ano ang dapat nating ‘response’ o tugon / reaksyon sa pagliligtas ng Diyos sa atin? Anong buhay ang ating dapat ipinamumuhay?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Kung hindi mo tinatanggap si Hesus ngayon na ang tamang panahon! Gagabayan ka ng iyong CC Leader sa kung ano ang maaaring gawin.

2. Patuloy na ibahagi si Jesus sa iba. Hindi ito natatapos sa Seeker Service. Imbitahan ulit ang mga kaibigan next week.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

5 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page