top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - May 16 - The Holy Spirit: Here to Raise Us Up!

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for May 16 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Series: Raise Me Up

Topic: The Holy Spirit: Here to Raise Us Up

Date: May 16, 2021



Rewind [Balikan ang Napakinggan]


  1. Ang book of Acts ay naglalahad ng mga story ng mga “acts” nino?

  2. Ano ang unang “C” na ginagawa para sa atin ng Holy Spirit? Clue: 7 letters. Paano ito ginagawa ng Holy Spirit para sa atin? Ipaliwanag.

  3. Ano ang pangalawang “C” na ginagawa para sa atin ng Holy Spirit? Clue: 7 letters din ito, at nag-testimony tungkol dito si Sis. Odette. Ipaliwanag kung paano ito ginagawa ng Banal na Espiritu.

  4. Sino ang example ng mga nakaranas ng pangalawang “C” sa Bible, ayon sa sermon?

  5. Ano ang pangatlong “C” na diniscuss? Clue: Si Sis. Lilian naman ang nag-testimony tungkol dito.

  6. May dalawang apostle na naging main example sa pagdiscuss ng pangatlong “C”. Hindi daw sila aral, pero naipaliwanag nila ang ginawa ni Jesus sa mga tao. Sino ang mga ito?

  7. Ano ang pang-apat na “C” na diniscuss at paano tayo natutulungan ng Holy Spirit na magkaroon nito?

  8. Sino ang example na dating server lang ngunit naging unang martyr?


Reflect [Magnilay-nilay]

  1. How has the Holy Spirit HELPED you BE RAISED UP in your CONVICTION? (Kung dati ay wala kang pakialam basta gagawin mo ang gusto mo kahit mali na ang mga ito… ngayon kaya? Mas mabilis ka nang nakikinig sa Banal na Espiritu kapag may sinasabi Niyang may mali?) Magbigay ng actual na experience mo.

  2. How has the Holy Spirit HELPED you BE RAISED UP in COMFORT AND JOY (Kahit na may mga pag-uusig at ibang pagtingin ng ibang tao, natutuwa ka pa rin sa Panginoon at sa Kanyang ginagawa sa iyong buhay.) Magbigay ng actual na experience mo.

  3. How has the Holy Spirit HELPED you BE RAISED UP in your KNOWLEDGE OF JESUS AND HIS WORD AND SHARING THEM TO OTHERS? (Kahit simpleng tao ka lang, pinapakinggan ka ng ibang tao habang binabahgi mo nang may katapangan si Hesus sa kanila…) Magbigay ng actual na experience mo.

  4. How has the Holy Spirit HELPED you BE RAISED UP in your COURAGE and BOLDNESS to proclaim Jesus?Alam mong wala ka pang masyadong alam pero ganun na lang ang pagtulong say o ng Banal na Espiritu upang masabi ang dapat sabihin sa iyong kausap. Magbigay ng actual na experience mo.


Practice [I-apply ang Natutunan]


  1. Your past, present and future sins are forgiven – kung totoong inacknowledge mo na si Jesus bilang iyong Lord and Savior. Gayunpaman, kailangan nating mag-“confess” ng ating kasalanan. Ang ibig sabihin ng pag-coconfess ay nag-aagree tayo na tayo ay nagkamali. Aminin natin na tayo ay nagkamali sa ating mga nagawang hindi maganda. Magpakumbaba sa harap ng Diyos, at mag-rely kay Jesus lamang para sa kapatawaran! Hindi ito nakabase sa “pag-bawi” mo sa Lord, o paggawa ng Mabuti.

  2. Maging “extension” ng comfort ng Holy Spirit sa iba. I-check ang iyong mga kaibigan at kamag-anak. Baka may nangangailangan ng “kasama” – kahit pa online lang.

  3. Mag-meditate sa salita ng Diyos araw-araw, at magpa-guide sa Holy Spirit. Sa gayon, ang nalalaman natin tungkol sa Diyos ay hindi dahil lang sa sarili nating talino kundi sa counsel ng Banal na Espiritu. Meron tayong guide at reading plan sa ating website. www.marikinafoursquare.com

  4. For the months of May to June, mag-isip ng isang tao na nais mong ma-share-an ng Gospel. Simulan mo siyang ipagpray at pakitaan ng care (‘wag naman plastic ang dating hehe). Sa mga susunod na linggo, magbibigay kami ng instructions kung paano mo siya masisimulang mabahagian ng Mabuting Balita.


 

Care Circle Accountability Questions


Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).


Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.


  1. Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?

  2. Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?

  3. Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?

  4. Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?

  5. Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?

  6. May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?

  7. Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?

  8. Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?

42 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page