top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - May 2 - Jesus: Raised for our Sake

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for May 2, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Series: Raise Me Up

Topic: Jesus Raised for Our Sake

Date: May 2, 2021



Rewind [Balikan ang Napakinggan]

  1. Ayon sa pinag-usapan sa sermon, may iba’t ibang mga “unang” nakakita at nakaalam na nabuhay na muli si Hesus. Sinu-sino ang mga ito?

  2. 40 days na nakasama ni Jesus ang kanyang mga disciples in a glorified body. Sa mga araw na iyon, marami bang nakakita sa kanya?

  3. Binangon si Jesus mula sa mga patay upang patunayan ang katotohan. Ano ba ang nasulat tungkol noon na natupad na?

    1. Ang Messiah ay: _________________.

    2. Maippreach sa iba ibang nations ang: _____________________.

  4. Buti na lang at TOTOONG nabuhay muli si Jesus! Kung ‘fake news’ pala ito at hindi totoo, ano ang masasayang, at ano ang magiging ‘walang kwenta’?

  5. Bago umalis si Hesus, pinagpala pa niya ang mga tao. Bukod doon, umupo Siya sa kanang kamay ng Diyos Ama. Ano ang benepisyo sa ating mga naniniwala kay Jesus na Siya ay nasa “right hand” na ng Father?

  6. Sa muling pagbabalik ni Hesus, ano ang mangyayar sa atini? Maiiwan lang ba tayo dito sa lupa?

  7. Hanggang kalian natin dapat alalahanin ang ginawa ni Jesus para sa atin sa pamamagitan ng pag-celebrate ng “Lord’s Supper”?

  8. Ayon sa John 6:53-54, sino raw ang may eternal life?

  9. Hindi tayo dapat manghinawa sa ating pananampalataya. Si Hesus ay binangon sa mga patay! Para kanino ito ginawa?


Reflect [Magnilay-nilay]

  1. Are you really convinced that Jesus was RAISED up from the dead? Explain.

  2. Hindi ka ba nagsisisi na INIANGAT ka ni Hesus mula sa pagiging makasalanan patungo sa pagiging taga-sunod Niya? Ipaliwanag mo.

  3. How excited are you in the Last Days when He will RAISE YOU UP and MEET Him in the air and REIGN WITH HIM? May mas gusto ka pa bang matutunan tungkol dito?


Practice [I-apply ang Natutunan]

  1. Sa paggising mo tuwing umaga ngayong linggo, magpasalamat sa Diyos na BUHAY SI HESUS at hindi balewala ang ating pananampalataya sa Kanya.

  2. 2. Maging handa na ipaliwanag ang iyong pananampalataya sa iba. Ugaliing suriin ang Salita ng Diyos para lubos na maintindihan kung bakit ka naniniwalang BUHAY SI HESUS at ibinangon Siya sa mga patay.

  3. Hindi “saying” ang ating paglilingkod sa Kingdom ng Diyos. Why not look for an opportunity na makapag-serve pa rin sa ministry kahit na may pandemic? Message our Facebook page kung nais mong maglingkod.


 

Care Circle Accountability Questions


Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).


Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.


  1. Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?

  2. Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?

  3. Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?

  4. Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?

  5. Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?

  6. May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?

  7. Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?

  8. Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?

48 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page