top of page

CC - May 2026 - Roadmap

  • Writer: Marikina Foursquare
    Marikina Foursquare
  • 3 days ago
  • 3 min read


ROADMAP

How do we actually plan our lives—and are we really aligning with God’s plan?


Introduction


Lahat tayo may plano sa buhay. May timeline, may goals, may sariling direction. Pero minsan, kahit maayos ang plano natin, napapansin natin: • Nalilihis tayo • Nagkakaroon ng detours • Hindi nangyayari ang inaasahan natin Sa Bible, malinaw: may plano ang Diyos—at iba ito sa natural nating paraan ng pagplano. Paano ba tayo nagpa-plan ng buhay—at aligned ba ito sa plano ng Diyos?


Discussion


Question 1:


Kapag nagpaplano ka ng buhay (decisions, future, goals), ano ang kadalasang basehan mo?


💡 Leader Guide / Teaching Anchor:


Let them answer honestly first. Then help them see common patterns:


  • Sariling kagustuhan / pangarap

  • Practical considerations (pera, stability)

  • Emotions / feelings

  • Advice ng ibang tao


Ipabasa ang Proverbs 16:9.


👉 Key Point: Natural sa atin ang magplano base sa sarili nating understanding.


Question 2:


Batay sa Proverbs 3:5-6, paano naiiba ang paraan ng Diyos sa paraan natin pagdating sa pagpa-plan at pagdedesisyon? 


💡 Leader Guide / Teaching Anchor:


Sa Proverbs 3:5-6, may tatlong malinaw na utos na kabaligtaran ng natural nating ginagawa:


1. “Trust in the Lord with all your heart”


Hindi partial trust—buong tiwala. Pero kadalasan:


Nagtitiwala tayo sa Diyos kapag hindi na gumagana ang plano natin (Siya yung Plan B or “last resort”)


Or humihingi tayo ng guidance pero tayo pa rin ang final decision-maker at parang “FYI” na lang sa Kanya ang gusto nating gawin


👉 Ibig sabihin: Ang paraan ng Diyos ay nagsisimula sa pagtitiwala sa Kanya, hindi sa sarili.


2. “Lean not on your own understanding”


Hindi ito natural na mindset kasi:


Gusto natin madalas na malinaw muna bago sumunod


Gusto natin kontrolado natin ang outcome


Pero sinasabi ng Diyos: Huwag mong gawing basehan ang sarili mong understanding.


👉 Hindi ibig sabihin na huwag mag-isip— pero hindi sariling logic ang final authority.


3. “In all your ways acknowledge Him”


Hindi lang sa “spiritual decisions”—kundi sa lahat ng aspeto ng buhay: career, finances, relationships, family, direction, etc.


Kadalasan, may parts ng buhay na sinasama natin ang Diyos at may parts na tayo ang bahala.

Pero sinasabi ng Diyos: Isama mo Siya sa lahat!


Result: “He will make your paths straight”


Hindi ibig sabihin magiging madali—pero magiging tama at directed ang daan.


Question 3:


Sa experience niyo, paano nangyayari ang “detours” sa buhay—yung lumilihis tayo sa mas maayos na direction?

💡 Leader Guide / Teaching Anchor:


Make it practical:


  • Nagdesisyon nang hindi nagtatanong sa Diyos

  • Alam ang tama pero pinostpone

  • Sumunod sa pressure / fear

  • Nagtiwala sa sariling plano


Ipabasa at icheck kung may mga additional thoughts na nais idagdag:


Jonah 1:1-3 (Storya ng hindi pagsunod ni Jonah sa sinabi na sa kanya na plan ng Lord)

James 4:13-14 (Pride sa ating mga sariling planuhin)


👉 Key Point: Ang detours nangyayari kapag alam natin ang direction ng Diyos—but we choose another way.


Question 4:


Kahit may detours, ano ang patuloy na ginagawa pa rin ng Diyos sa buhay natin?

💡 Leader Guide / Teaching Anchor:


 Guide them to see:


  • Hindi tayo agad pinapabayaan

  • Patuloy Siyang kumikilos

  • Kaya Niyang i-redirect ang buhay natin


Basahin:


Romans 8:28 (God can work all things for our good)

Psalm 37:23-24 (The Lord upholds with His hand)


👉 Key Point: Through His grace, kahit lumihis tayo, hindi tumitigil ang Lord to work in our lives.


Question 5:


Kung ganito—bakit masasabing mas “best route” pa rin ang pagsunod sa plano ng Diyos kaysa sa sarili nating plano?

💡 Leader Guide / Teaching Anchor:  


Let them conclude:


Diyos ang may mas malawak na perspective

Siya ang may alam ng tamang direction – and He wants to bring us to a good future!

Ang plano Niya ang tunay na magdadala ng meaning and purpose for our lives


Basahin:


Isaiah 55:8-9 (His thoughts are higher than our thoughts)

John 10:10 (He wants us to have a life – a life that’s to the full!)

Jeremiah 29:11 (God has a plan for us – to give us hope and a future!)


👉 Key Point: Hindi lang “okay” ang plano ng Diyos— ito ang pinakamabuting daan kahit minsan ay mukhang hindi pinakamadali.


Question 6:


Sa buhay mo ngayon—saang area ka mas sumusunod sa sarili mong plano kaysa sa plano ng Diyos? Anong adjustment ang pwede mong gawin tungkol dito?

💡 Leader Guide / Teaching Anchor:


Encourage honesty

Keep it specific

No pressure

Remind to rely on God’s grace – and not just own effort to fix ourselves


 
 
 

Comments


©2026 by Marikina Foursquare Gospel Church. Proudly created with Wix.com

bottom of page