top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - May 23 - Culture of Giving: Raised!

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for May 23, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Series: Raise Me Up

Topic: Culture of Giving: Raised!

Date: May 23, 2021



Rewind [Balikan ang Napakinggan]


1. True or False. Ang mga taga-sunod ni Kristo noong panahon ng ‘early church’ ay hindi sumusunod sa tithing. Para sa kanila, utos lamang ito sa lumang tipan na hindi na kailangan sundin.

Correct answer: False. THE FOLLOWERS OF CHRIST PRACTICED TITHING. Hindi na nila nakikita ito bilang UTOS sa Lumang Tipan o sa Law, kungdi isang tamang kulturang pang-espiritwal


2. True or False. Sa ating buhay bilang mga Kristyano, malaya na tayong magbigay ABOVE AND BEYOND our tithes. Nagagawa natin ito dahil naniniwala tayo na lahat ng mayroon tayo ay sa Panginoon!

Correct answer: True! Minimum na amount ang tithes – pwedeng pwede magbigay ng higit pa dito!


3. Ano ang mas mahalaga? Magbigay faithfully o maging mabuti at merciful sa kapwa?

Correct answer: Both! Dapat ay balanced at lumalago sa parehong aspeto.


4. Fill in the blanks: The followers of Christ became more S_______ G_________.

Correct answer: Sacrificially generous


5. Kailangan talaga ng material possessions para sa pamumuhay at para sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos. Kahit na ganoon, dapat ay maingat tayo na huwag mauwi sa masyado nang pagbibigay importance sa pera at prosperity. Bakit ba ito delikado?

Possible answers: Pwedeng mauwi sa kasakiman – o magdulot pa ng kasalanan (example: magnakaw, magsinungaling dahil sa pera). Maaaring mauwi sa pagiging madamot at ayaw na magshare sa iba. Pwedeng maging mas priority na ang pera kesa ang pag-ibig at pagsunod sa Panginoon. Etc.


6. Ang mga “mayayaman” lang ba ang pwedeng maging mapagbigay?

Correct answer: Hindi! Lahat tayo ay pwedeng matuto na maging mapagbigay sa iba.


7. Fill in the blank: The followers of Christ raised o_______ up in their giving!

Correct answer: Others. Dahil sa ating pagbibigay, may iba nang natutulungan!


8. Kapag Kristiyano ka na, hindi na mahalaga sayo ang pagho-hoard ng pera at mga gamit. Iba na ang pananaw mo sa iyong possessions. Ano na itong bago mong pananaw?

Possible answers: Ang mga possession natin ay para na maipamahagi sa iba. Nais na nating i-share sa ibang tao ang mga nakukuha natin. Hindi na focus ang magkaroon ng marami, kundi makapagbigay ng marami – para magkaroon din ang iba.


9. Magbigay ng isang example sa Acts (ayon sa diniscuss), kung paano nagpakita ng RADICAL giving ang mga early Christians.

Possible answers: Check Acts 16:15, Acts 18:24-27, Acts 28:1-2.


10. Sino ang makakatulong sa atin para maging mas mapagbigay?

Correct answer: Ang Holy Spirit! Gaya ng mga nabasa natin sa Acts – nagawang maging mapagbigay ng mga early believers dahil sila ay napuspos ng Banal na Espiritu.


Reflect [Magnilay-nilay]


1. How is your tithing? Choose one and EXPLAIN your answer:


a. Consistent and correct

b. Regular but at times, incorrect

c. Not computing, just giving any amount i desire

d. Giving only once in a while, not tithing

e. I do not believe in tithing f. Tither but not kind.


2. Choose all that apply to you and EXPLAIN your answer:

a. Inuuna ko siempre ang pangangailangan ng pamilya ko

b. Hindi namang masamang umangat ang kabuhayan basta hindi galing sa masama

c. Nagbibigay pa rin ako sa iba kahit may pangangailangan pa rin ako

d. Sa aking pananalapi, inuuna ko talaga ang Diyos at ang kanyang mga manggagawa

e. Hindi pa ako consistent pero naiintindihan ko ang benepisyo ng sacrificial giving


3. Anong ibig sabihin ng “SACRIFICAL” giving? Nagagawa ba natin sa ating pagbibigay na magkaroon ng “sakripisyo”? Mag-share ng iyong experience.


4. Nagbibigay ba tayo kapag meron lang nanghihingi? O sensitive tayo na i-observe kung sino ang nangangailangan at kusang magbigay?


5. Meron ka bang experience na ikaw naman ang NAKATANGGAP mula sa radical giving ng iba? Paano nito na-affect ang iyong buhay?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Give your tithes (and even more) to the Lord! Kahit hindi Sunday, pwedeng magbigay through our online channels o idaan sa church office.

2. I-assess o aralin ang iyong budget at kung saan napupunta ang iyong pera. Marami bang napupunta sa mga pansariling bagay? Meron bang nakalaan para sa iba? Tingnan kung may mga kailangan kang iadjust.

3. Naaalala mo ba ang pinili mo last week na isang tao na gusto mong ma-share-an ng Gospel? Noon nakaraang linggo, sabi natin ay sisimulan natin siyang ipag-pray at pakitaan ng concern. Ipagpatuloy natin ito! Mag-isip ng paraan para makapagbigay sa kanya – kahit gaano kaliit o kalaki, ayon sa leading sa iyo ng Holy Spirit.

Tanungin ang isa’t isa kung may iba pang naiisip na pwedeng maging application.

 

Care Circle Accountability Questions


Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).


Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.


  1. Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?

  2. Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?

  3. Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?

  4. Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?

  5. Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?

  6. May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?

  7. Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?

  8. Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?

22 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page