Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for May 30, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: Raise Me Up
Topic: Raised Above the Turbulence
Date: May 30, 2021
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
1. Wala bang naging problema ang mga tao sa early church?
Correct answer: Meron din silang naging personal at doctrinal issues.
2. Bakit hindi kailangang magulat kung parang mas nagkakaroon tayo ng problema habang napapalapit sa Panginoon? Tatlong bagay ang sinabi sa sermon.
Correct answer:
(1) Akala lang natin dumadami kasi dati, kapag may problema, kung saan-saan tumatakbo na kahit minsan ay mali, kaya akala mo ay OK na.
(2) May kinalaman din ang Diyablo Diablo upang tuksuhin tayo na bumalik na sa dating lifestyle…imbes na BEING RAISED UP, ay BEING CAST or BROUGHT DOWN.
(3) Baka tayo rin ang nagpapalala. Hindi naman dapat maging conflict, hindi na dapat mag-away pero we exaggerate things, we go beyond our limits.
3. Ano ang unang point ng sermon? Fill in the blanks. From D______ to C________. Sa Tagalog, Mula H_______ patungong P________________.
Correct answer: From Discord to Concord. Mula Hidwaan patungong Pagkakasunduan.
4. Ano ang naging rason ng hidwaan nila noon at paano ito naayos? I-share ang lahat ng iyong naaalala mula sa storya.
Correct answer:
Hidwaan: Pagtuturo ng maling katuruan. May mga workers from Jerusalem church na dumating at nagturo sa kanila: Kailangan kayong matuli ayon sa turo ng batas ni Moses para kayo’y maligtas. Nagkaroon ng sharp dispute and debate dahil dito.
Pagkakasundo: Nagdesisyon silang papuntahin si Paul at Barnabas sa Jerusalem para linawin ang bagay na ito. Ni-resolve nila ang issue para mapanatili ang unity ng iglesya. Nilinaw ang katotoohan at nauwi sa: 1) Pagtanggap nang maluwag ang sinabi ng Dios, 2) Pagkilala sa mga ‘first-hand’ na karanasan ng mga saksi, at 3) Pagkakasundo na may ‘consideration’ sa isa’t isa.
5. True or False. Walang hidwaan na hindi makukuha sa malinis na usapan. Kapag ipinilit ng isang partido ang kanyang gusto, wala talagang maaayos. Kailangan ng transparency at maging handa na harapin ang pagkakasunduan. Sa kahit anong larangan ng buhay may nangyayaring hidwaan. Kanina lang ay maayos, maya-maya, mabubulabog ito ng isang bagay na nakakatrigger. Ngunit puede namang pag-usapan nang walang malisya. Ilabas ang ang damdamin nang wala munang panghuhusga.
Correct answer: True.
6. Ano ang pangalawang point ng sermon? Fill in the blanks. From P______ to C________. Sa Tagalog, Mula P_______ patungong P________________.
Correct answer: From Pretension to Correction. Mula Pagbabalatkayo patungong Pagtutuwid.
7. Ano ang naging halimbawa ng pagbabalatkayo noon at paano ito naituwid? I-share ang lahat ng iyong naaalala mula sa storya.
Correct answer:
Pagbabalatkayo: Noong una ay pinakita ni Peter na tanggap niya ang mga Gentiles pero noong may dumating na mga taga-Jerusalem, tumigil siya sa pakiki-Fellowship sa kanila. Hindi na siya kumakain kasama nila. Kung ganoon nga ang ginawa niya, 1) tila mali ang tinuturo niya, 2) naging mapagbalatkayo siya, at 3) nakahikayat pa siya sa mali
Pagtutuwid: Tinapat ni Paul si Peter nang siya ay dumating sa Antioch. Cinonfront niya si Peter at umamin nga ito sa pagkakamali. Paul spoke the truth out of concern for the body of Christ….grace of God was for everyone…not only for the Jews.
8. True or false. We can go above this turbulence ng pagbabalatkayo. We need to be authentic in our dealings for the sake of the body of Christ. Kung mahal mo, mahal mo. Kung masama ang loob, sabihin mong masama ang loob. At kung tayo naman ang cinocorrect, matutong tanggapin. Wala pang nabilaukan sa paglulunok ng pride :)
Correct answer: True.
9. Ano ang pangatlong point ng sermon? Fill in the blanks. From C______ to C________. Sa Tagalog, Mula P_______ patungong S________________.
Correct answer: From Conflict to Concurrence. Mula Pagtatalo patungong Sang-ayunan.
10. Ano ang naging halimbawa ng pagtatalo noon at paano ito nauwi sa sang-ayunan? I-share ang lahat ng iyong naaalala mula sa storya.
Correct answer:
Pagtatalo: Si Pablo, ayaw isama si John Mark sa missionary journey nila. Si Barnabas, mas gusto na kasama si John Mark.
Sang-ayunan: Kahit na nagkaroon sila ng disagreement, nagkasundo sila sa dulo na: 1) Magkaroon ng maghiwalay na ng journey, 2) Magsama ng kasundo nila, at 3) Maghiwalay sila nang may pangsang-ayon
11. True or false. May mga situwasyong magkakaroon talaga ng conflict – kasi iba iba ang interest or motibo. Ngunit dahil maayos na pinaguusapan, madali nilang nareresolve ang conflict to come up with a concurrence. Naghiwalay sila nang walang masamang tinapay.
Correct answer: True.
12. Unang biblical advice when going through turbulence: Huwag isiping ikaw lang ang _____________.
Correct answer: Huwag isiping ikaw lang ang nakakaranas. (Basahin ang 1 Peter 4:12.)
13. Pangalawang biblical advice when going through turbulence: H__________ at hindi takasan.
Correct answer: Harapin at hindi takasan. Baka mas lalo kang mawala at lumala.
14. Ikatlong biblical advice when going through turbulence: H____________ sa pakikipagtalastasan.
Correct answer: Hinahon sa pakikipagtalastasan. Walang mararating ang sigawan. (Basahin ang Ephesians 4:15, Proverbs 15:23.)
15. Ika-apat na biblical advice when going through turbulence: H___________ sa mga pagdedesisyon.
Correct answer: Hinay-hinay sa mga pagdedesisyon. Magkonsulta muna sa Panginoon
16. Ikalimang na biblical advice when going through turbulence: H_______ ang pagtitiwala sa Kanyang salita!
Correct answer: Hasain ang pagtitiwala sa Kanyang salita. Subok na titibay, subok na tatatag ka!
Reflect [Magnilay-nilay]
1. Compare your experience in handling turbulence…before you became a Christian and now that you are a follower of Christ. What area in your life that needs to improve when handling discord or conflict?
2. May pagka hunyango (an animal/chameleon who changes color, adjusts to color where he lands on) ka ba? Nagiiba ang prinsipyo depende kung sino ang kasama?
3. Nagkaroon ka ba ng pagtatalo with a brother or sister in Christ dahil sa pagkakaiba ng pananaw? Ano ang nangyari? Narealize mo ba na pwede naming hindi magkaroon ng masamang tinapay sa isa’t isa?
4. Ano sa mga 5 advice ang sa tingin mo ay kailangan mo pang mas tutukan?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Mayroon ka bang nakahidwaan? I-apply ang natutunan at sikaping magkaroon ng pagkakasundo.
2. Isipin sa iyong sarili kung hindi ka nagiging totoong tao (at higit sa lahat ay nagiging totoong Kristiyano) kapag may nakakasama kang kaibigan o kakilala. Sinu-sino ang mga ito? Bakit ka kaya nagbabalatkayo kapag sila ang kasama? Paano ito pwedeng itama? Gumawa ng personal na plano.
3. Anong mga issues ang hindi dapat “big deal” at pagmulan ng pagtatalo? I-assess sa iyong sarili kung paano ito ihahandle kapag nagkaroon ng ‘di pagsangayunan sa iba.
4. Sundin ang mga Biblical na advice na ibinahagi kung paano tayo makaka-rise above the turbulence.
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Commentaires