Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for May 9, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: Raise Me Up
Topic: The Church: Raise to a Spiritual Lifestyle
Date: May 9, 2021
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
Matapos ‘umangat’ ni Hesus sa langit, ang mga naiwang disciples naman ay ‘umangat’ rin. Saang aspect ng buhay sila umangat—physical, material, o spiritual?
Nagpatuloy ang mga disciples noon sa pagtuon sa pananalangin (prayer). Sa paanong paraan? Tuwing kalian sila nananalangin?
Sa ating panahon naman ngayon, individual prayer lang ba ang mahalaga?
Nanahan ang mga disciples noon sa pagdiriwang ng pagsasalu-salo (breaking of bread). Ito ay tumutukoy sa pag-cocommunion, at pati na rin sa pagkakainan.
Ayon sa sermon noong Sunday, sapat na ba na basta iinom ng juice at kakain ng biskwit? Paano dapat tayo “umangat” sa larangang ito?
Ayon rin sa sermon, ano ang dapat nating attitude habang nagsasalu-salo sa pagkain?
Nanatili ang mga disciples noon sa pagsasama-sama ng mga taga-sunod ni Hesus (fellowship). Sa Greek, ang salitang ginamit ay “KOINONIA”. Ayon sa diniscuss noong Sunday, ano raw ang mga katangian / description ng totoong “koinonia”?
Fill in the blanks. Anu-ano ang mga elementong makikita natin sa early church?
W_____ of _____ dwelling (pinakamahalaga at hindi dapat kalimutan)
T________ and admonishing – equipping and Encouraging one another
Centered on ______ and His teachings
S________ together in worship
With g_______ in their hearts to God – sharing your testimonies
Namalagi din sila sa pagkatuto ng mga doktrinang itinuro ni Hesus sa mga apostol. Bilang application sa panahon natin ngayon, dapat ba ay palaging deeply Biblical ang mga turo, o dapat bang ‘man-centered’, o dapat ba ay balance?
Ang early church ay na-raise up hindi lang para maging mga ADMIRERS ni Jesus, kundi nagkaroon sila ng SPIRITUAL LIFE na CENTERED sa Kanya. Hindi lang sila devotees, kundi naging totoong devoted. Ano ang naging resulta nito? Lalo bang walang pumansin sa kanila, o maraming na-attract sa kanilang lifestyle?
Reflect [Magnilay-nilay]
Do you see yourself raised you higher in your prayer life? COMPARE YOUR GROWTH IN PRAYER BEFORE AND NOW.
Do you celebrate the Lord’s Supper with the right attitude and understanding? Describe your mealtimes with any person (close or acquaintances). Do they both glorify God? Umangat na ba ito sa paningin ng Dios at ng mga tao sa paligid? Nakakabigay ba ng kaluguran sa Panginoon ang ating pangongomunyon o pagsasalu-salo sa hapag kainan? Kadakilaan ba ni Hesus ang sentro nito? Ganun ba siya kasiya-siya na na-aattract talaga ang ibang taong magjoin, hindi sa kalokohan, kungdi sa mabubuting bagay na napupulot nila dito….na uuwi silang may baon (hindi lang take-out) kungdi pagpapalang espiritwal.
Is your home a place of worship?
Nagpapatuloy ka ba sa PAGSAMA-SAMA? Umangat ka na ba sa pakikibahagi sa ibang mananampalataya? Is your Christian life a SOLITARY life? Are you able to participate actively in our services? Are you able to share with those in need especially in the family of believers? Are you able to share your faith and not just keep your stories to yourself?
Is your knowledge of God and His Word increasing?
What changes are happening in every area of your life (mind, heart, body, spirit) because of God’s transforming Word? Kumusta ang iyong pagkakatuto sa Salita ng Dios! Umaangat ba?
Practice [I-apply ang Natutunan]
Give more attention to your prayer life and do it continually. MAGPATULOY SA PAGTUON SA PANANALANGIN.
Simulan nang mag-join sa FAMILY PRAYER CELL. Pinopost tuwing Wednesday ang material sa ating Facebook page. Kung mag-isa lang at walang kasamang mananalangin sa bahay, send a message sa Facebook ng Marikina Foursquare Gospel Church at tutulungan ka naming makahanap ng kasamang mag-FPC online!
Eating together can be an act of worship, expressing thankfulness to God for His provision of food and community. Kapag pwede na ulit, pwede ka sigurong mag-host ng kainan sa inyong tahanan para sa mga kaibigang believers and non-believers.
Ugaliing isentro ang lahat ng mga umpukan sa Panginoon.
Kadugay na! Mag-join sa isang Care Circle kung wala ka pang CC. Kung may CC ka man (at dinidiscuss niyo itong material na ito ngayon), isipin ang inyong mga kaibigan sa church na wala pang ka-Care Circle. Intentionally mo silang imbitahin na magjoin na ng small group! (Kung hindi man sa group ninyo sasali, pwedeng irefer kay Sis. Esther Simon, Sis. Rhythm Carolino, o sa FB ng Marikina Foursquare.)
Mag-join sa mga programa na mas makakatulong na lumalim ang iyong pag-unawa sa Salita ng Diyos gaya ng Bible School, OSL, etc.
Magbasa ng Bible araw-araw! Meron tayong guide at reading plan sa ating website. www.marikinafoursquare.com
Care Circle Accountability Questions
Note: Hindi po ito ang reflection questions from the sermon. Instead, ito po ay regular na tinatanong sa ating mga ka-Care Circle to check how they are with their walk with God as we “teach them to obey” (Matthew 28:20).
Ask WITHOUT judgment or condemnation, but with LOVE AND CONFIDENTIALITY. Mas maganda po itong itanong na one-on-one, o kung maliit lang ang grupo, o kung talagang may deep relationship na sa inyong ka-Care Circle.
Nag-spend ka ba ng oras in the Word and in prayer this week?
Nagshare ka ba ng Gospel o ng iyong testimony, o intentionally ay gumawa ng bagay para makapag-build ng relationship with an unbeliever (at ma-share-an sila eventually) this week?
Kamusta ang iyong relationship with your immediate family?
Ikaw ba ang nagbasa, tumingin o nakinig ng kahit na anong hindi honoring to God this week?
Nagkaroon ka ba o nagentertain ng lustful thoughts or tempting attitudes this week?
May naging behavior ka ba na nagdulot na may ibang masaktan?
Kamusta ang iyong paghawak sa iyong pera? Naging responsible ka ba? Have you been faithfully giving to the Lord?
Nagsinungaling ka ba sa kahit na anong naging sagot mo today?
Comments