Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Nov 14, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Topic: Sweet Aroma
Series: Aroma of Testimony
Date: Nov 14, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
I. The majesty of our triumph in Christ (2 Cor. 2:14)
A. He leads us in triumphal procession
2 Corinthians 2:14-15: “thanks be to God who always causes us to triumph in His Name”. Ang sarap
And Paul is telling the Corinthians, ganito si Jesus! He leads us in triumph! Siya ang Conquering General na nangunguna sa triumphal procession!
Anong na-conquer ni Jesus?
- He disarmed the rulers and authorities. “He disarmed the rulers and authorities and put them to open shame, by triumphing over them in him.” - Colossians 2:15
Kaya kahit sino pa man ang maging presidente si Hesus pa rin ang Kataas-taasang Hari!
- He overcame the world “I have said these things to you, that in me you may have peace. In the world you will have tribulation. But take heart; I have overcome the world.” – John 16:33
Walang pagsubok ang hindi napagtagumpayan ni Hesus. Kahit na nang sinubok pa Siya ni Satan!
- He won against sin and death “For as by a man came death, by a man has come also the resurrection of the dead.” – 1 Corinthians 15:21
Kaya hindi na kailangan matakot kasi even in death or life, we are protected. Tinapos na ni Lord ang laban sa kasalanan at kamatayan!
It’s all about Jesus. Hindi po tayo ang bida. Ang pagliligtas ni Hesus ang pinakamalaking victory na maaari nating makamit sa buhay. We can be the richest, or the wisest or the most influential person in the world but without Jesus leading us, we are nothing. Ngunit kung si Hesus ang nangunguna sa bawat lakad natin, kahit nobody tayo sa harap ng marami, we are great in the kingdom of heaven.
Kaya dapat lang natin Siyang iparada! Dapat maging masaya tayo na Jesus is leading us in a triumphal procession! Napakasaya ng prusisyon, ng martsa, kasi siya ang nangunguna! Para sa kanya yun kasi nananagumpay tayo dahil sa kanya! Ngunit hindi lang yun.
B. He lets us spread His fragrance
Hindi lang po tayo passive participant dun sa triumphal procession na pinangungunahan ni Hesus. May mahalagang bahagi po tayo! And that is to spread the fragrance of the knowledge of Him. In short, ipamamalita po natin kung ano po ang nagawa niyang kadakilaan!
“We are ambassadors for Christ” – 2 Corinthians 5:20. Dala dala po natin ang pangalan ni Hesus saan man tayo magpunta. Suot po natin ang fragrance niya.
Ang tanong, kinakalat ba natin yung fragrance niya? O sinasarili natin? Siguro naman walang nagsusuot ng pabango na gusto niyang solohin ang amoy. Singhutin na lang natin yung bote! Pero kaya natin ito sinusuot sa ating damit o sa ating katawan kasi gusto natin mag-emanate yung amoy at mapansin ng iba!
Is Jesus victorious in our life? Is He leading our triumphal procession? Are we wearing His fragrance? Kasi kung hindi baka may problema tayo dyan!
II. The efficacy of our witness as Christians (2 Cor. 2: 15-16)
A. We have the aroma of life leading to life
If we have Jesus, we have the aroma of life – gustong gusto nila tayong kasama kasi nag-eemanate mula sa atin na totoong totoo si Hesus!
Hindi natin kailangang ipagduldulan ang mga nalalaman natin sa Bibliya sa mga unbelievers para makita nila si Kristo sa buhay natin. Ipaamoy lang natin sa kanila na totoo tayo, maa-attract na sila kay Kristo. Hindi sa lahat ng panahon kailangang ipakita sa kanila na mali sila, para maging effective witness tayo ni Jesus. We can simply display the principles we believe and let the love we have draw people in.
Matthew 5:16 – “In the same way, let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven.”
Hebrews 13:16 – “Do not neglect to do good and to share what you have, for such sacrifices are pleasing to God.”
Maging mabuti, maging totoo at sila na mismo ang lalapit kay Kristo. Kasi kung totoong binago na tayo ni Kristo, maaamoy at maaamoy nila ito sa atin. We can’t keep the aroma of our testimony hidden.
B. We have the aroma of death leading to death
“for we are to God the pleasing aroma of Christ among those who are being saved and those who are perishing. To the one we are an aroma that brings death; to the other, an aroma that brings life.”
Jesus is the light. And anyone who lives in the light exposes the darkness. Sa isang madilim na silid, visible na visible kahit na napakaliit na liwanag. Sa madilim na gabi, kahit ang liwanag nang napakalayong bituin ay kaya pa rin nating makita. Sabi sa Ephesians 5:13, “But when anything is exposed by the light, it becomes visible”.
Alam niyo po kung bakit ayaw ng iba sa atin? Kasi natataranta sila. Kasi nae-expose sila. Nagu-guilty sila, naco-convict sila. E kung sila sila lang, wala naman problema e. Pero kapag pumasok na tayo sa eksena, nawawala na ang makamundong saya nila. KJ nga ang tawag sa atin minsan. Minsan pa nga, di na talaga tayo invited! Pero ok lang yun. Hindi dahil sa nagmamataas tayo o mas angat tayo sa kanila or mas magaling or mas banal. Hindi lang talaga nila type ang aroma ni Kristo sa atin.
“Everyone who does evil hates the Light and does not come into the Light for fear that his deeds will be exposed.” – John 3:20
“If you were of the world, the world would love you as its own; but because you are not of the world, but I chose you out of the world, therefore the world hates you.” – John 15:19
Kung si Jesus nga inaayawan ng mundo, tayo pa kaya na ambassadors lang Niya? Pero wag tayong malungkot kung nire-reject nila tayo dahil sa aroma ni Kristo sa atin. It’s not our loss, ika nga. Si Hesus ang una nilang nirereject, hindi tayo.
Dalawa lang po yan kapag tinanong tayo kung Christian tayo: “Christian ka? Ahhh, kaya pala!” o kaya, “Christian ka? Hindi halata ah!”.
What kind of scent are we giving away sa mga tao sa paligid natin? Do we have the aroma of death, or the aroma of life? Dapat po pareho! Hindi po yan option para sa atin, dahil iisang testimony lang po dapat ang meron tayo – ang testimony of aroma ni Jesus living in us. Reaction yan ng mga tao sa paligid natin and we don’t get to choose how they will respond. May mga taong maaattract sa bango ni Kristo sa atin, at may mga allergic na lalayo na lang sa atin dahil naaamoy nila si Kristo.
Ang problema ganito. Layo na nang layo ang mga tao sa atin. Iwas na lang sila nang iwas. Kahit mga kapatiran natin ayaw na sa atin. Hindi dahil sa ayaw nila kay Kristo. Kasi natatalisod na sila sa atin! All along akala natin suot suot pa natin ang aroma ni Kristo, akala natin si Jesus pa rin ang naaamoy nila, pero di natin alam yung amoy na natin ang nalalanghap nila!
III. The credibility of our daily Christian walk (Eph 4:25-5:2)
A. In our speech (25, 29)
Paano po ba tayo makipag-usap sa iba? With gentleness pa rin ba? Or palagi nang pabida? Nakaka-bless pa rin ba o nakakatalisod na? Ang reality po maraming umaalis sa church hindi dahil sa hindi nila gusto ang doktrina kundi dahil sa mga naririnig nila mula mga kapatiran.
25 Therefore, having put away falsehood, let each one of you speak the truth with his neighbor, for we are members one of another.
29 Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.
Una, tanggalin po natin ang falsehood sa ating mga sinasabi. Wag po tayong magsinungaling sa kapwa. Pero hindi po ibig sabihin na dahil totoo ang sinasabi natin e ipagduduldulan natin ito sa iba para ipamukhang mali sila. Maging gentle tayo. Always speak the truth but speak the truth with love!
B. In our emotions (26-27)
Are we people of hope? Of passion? O tuwing nakikita tayo ng iba nawawalan lalo sila ng pag-asa kasi tayo mismo hindi kakitaan ng pag-asa.
26 Be angry and do not sin; do not let the sun go down on your anger, 27 and give no opportunity to the devil.
Palagi na lang ba tayong galit? Palaging naka-angil? Hindi lang sa galit. May mga taong kapag nandyan sila parang bumibigat ang mood ng nasa paligid niya. Sana hindi tayo yun. Christians should be the most hopeful and joyful people, kasi si Lord ang source of hope natin at hindi ang mga temporal, material things.
Huwag nating hayaan na ikatisod ng iba ang mood swings natin. God is bigger than our emotions. If we think we can’t master our emotions, we can always bring it to God. Don’t let the enemy take hold of your mood swings.
C. In our actions (28)
Baka naman until now may duplicity pa rin po tayo. Parang mga artista. Iba ang buhay sa harap ng camera, iba sa likod ng camera. Kapag kaharap si pastor o si brother or sister mabait. Pero kapag nakatalikod na, nag-iibang anyo na tayo.
28 Let the thief no longer steal, but rather let him labor, doing honest work with his own hands, so that he may have something to share with anyone in need.
Pagiging hypocrite ang isa sa pinakamasakit na binibitiwan ng mga unbelievers against sa atin. Bakit hindi? Kasi we preach on holiness and faithfulness pero lustful naman ang thoughts natin. We preach on generosity pero tikom ang palad natin sa pagtulong at pagbibigay sa iba. We preach on submission pero simpleng pagtawid sa tamang tawiran, o pagtatapon ng basura hindi natin magawa. We preach on righteousness pero baka tayo pa ang unang nag-ooffer ng lagay sa mga enforcers or pulis. We preach about love pero may mga tao tayong tinatangi at tinatanggi dahil sa mga prejudices natin. And the list goes on!
Sino po tayo kapag wala nang nakakakita? This is a hard question to answer, lahat po tayo ay kailangang sumagot sa Panginoon. Hindi po natin sinasabi na dapat perfect na tayo dahil Christians na tayo, kasi nagkakasala at nagkakasala pa rin tayo. Hindi man tayo magiging sinless habang tayo ay nasa mundo, pero dapat somehow we sin less and less. Hindi na intentional. Hindi na tayo nakikilala sa mga gawaing mali. Nadudulas pero tumatayo, nadadapa pero bumabangon.
D. In our relationships (4:30-5:1)
Minsan po talaga we misrepresent Jesus in our relationships, kasi may time talaga na hindi tayo loving. May mga pinipili talaga tayo. Nagi-grieve po talaga natin ang Banal na Espiritu dahil sa pakikitungo natin sa iba. Remember po, Ephesians was written not to the unchurched, but to Christians like you and me.
30 And do not grieve the Holy Spirit of God, by whom you were sealed for the day of redemption. 31 Let all bitterness and wrath and anger and clamor and slander be put away from you, along with all malice. 32 Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you. 1 Therefore, be imitators of God, as beloved children.”
Nabanggit na natin yung bitterness, wrath and anger, pero punta tayo sa clamor. Minsan tuwang tuwa tayo kapag may mga nag-aaway. Binubuyo natin ang iba. Ginagalit natin.
Slander. Hindi man siguro tayo umaabot sa mga paninirang puri na maaaring humantong sa korte pero in small ways, guilty po tayo dito. Example na lang sa mga taong may special needs. Instead na maging mas gentle and patient tayo sa mga taong differently abled or differently wired, tinatawag pa natin sila using derogatory words: Mongoloid. Ngongo. Bingot. Beho. Sunog. Pandak. Peklat. Taba. Kuba. Putol. Etc. Minsan ginagawa natin kasi nakakatawa, pero hindi lahat nang nakakatawa ay nakakatuwa lalo sa harap ng Diyos.
36 I tell you, on the day of judgment people will give account for every careless word they speak, 37 for by your words you will be justified, and by your words you will be condemned.” – Matthew 12:36-37
Actually kapag tinuloy pa po natin sa Ephesians 5:3 onwards, ang sabi, “there must not even a hint” walang bahid-dungis! Walang spot. Walang makikita kahit katiting na immorality, impurity, covetousness. Walang coarse joking, walang foolish talk… wala kahit ano!
Alam niyo po kung anong brand ng pabango ni Kristo? Pag-ibig. At iyon po ang dapat nating palaging suot suot. Dapat amoy na amoy sa atin.
Conclusion
Ang triumphal procession ni Hesus, kung saan tayo ang may dala ng mabangong aroma niya, ay assurance na may victory na tayong panghahawakan. Hindi pa man tapos ang laban, pero panalo na tayo sa gyera! Matagumpay na tayo. Magtatagumpay na tayo! So ang attitude dapat natin ay hindi pang-talunan, kungdi pang victor.
Let’s end with the reminder of Paul in Ephesians 5:2 – “And walk in love, as Christ loved us and gave himself up for us, a fragrant offering and sacrifice to God.”
As we walk in Jesus’ triumphal procession, we are expected to wear the sweet aroma of Jesus and spread His fragrance to others. Hindi po pwedeng kasama tayo sa prusisyon pero hindi kaaya aya ang amoy natin. Hindi fitting for a victorious celebration.
Church, let us walk fragrantly before God and before men. Let us walk pure before God and blameless before people. Hayaan natin na humalimuyak ang aroma ng testimony natin sa harapan ng mga tao. Yung wala silang maibabatong baho sa atin kasi our testimony speaks for ourselves. Our authentic Christianity precedes our name. Yung kahit saan tayo pumunta, malalaman at malalaman na Kristyano ka.
Let Christ’s aroma emanate from our testimony. Let our speech, emotions, actions, and our relationships prove that we are worthy to join Jesus’ triumphal procession.
Reflection [Magnilay-nilay]
1. Ano ang intindi mo kapag sinabing tayo ay “ambassadors of Christ”? Alam mo bang itong role na ito ay para rin sa iyo, bilang Kristyano, at hindi lang sa mga lider?
2. Nagkaroon ka na ba ng experience na ang iyong amoy ay naging aroma of life – ‘yung talagang “naaamoy” nga mga tao si Jesus sa iyong buhay at napapalapit sila lalo sa Kanya? Ishare ito. (Example: Ikaw ang lagging nilalapitan kapag kailangan ng panalangin, etc.)
3. Nagkaroon ka na ba ng experience na ang iyong amoy ay naging aroma of death – ‘yung talagang “naaamoy” nga mga tao si Jesus sa iyong buhay kaya ayaw na lang nila lumapit dahil na-ooffend sila o ayaw nilang ma-expose ang kasalanan? Ishare ito. (Example: Hindi ka na isinasali sa mga umpukan, etc.)
4. Kamusta ang “fragrance” sa iyong buhay in the area of SPEECH? Mabango ba o hindi? Bakit?
5. Kamusta ang “fragrance” sa iyong buhay in the area of EMOTIONS? Mabango ba o hindi? Bakit?
6. Kamusta ang “fragrance” sa iyong buhay in the area of ACTIONS? Mabango ba o hindi? Bakit?
7. Kamusta ang “fragrance” sa iyong buhay in the area of RELATIONSHIPS? Mabango ba o hindi? Bakit?
Practice [I-apply ang Natutunan]
1. Nawa ang preaching noong Sunday ay talagang tumama sa ating puso at nagtanim ng seeds sa atin para lumago. Hindi lang tayo na-inform kundi aaksyon tayo! Ano ang pwede mong gawing improvement sa mga sinagot mo sa #4-7 sa itaas na hindi masyado mabango?
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments