top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Nov 7 - Aroma of Sacrifice

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Nov 7, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:

 

Topic: Sweet Aroma

Series: Aroma of Sacrifice

Date: Nov 7, 2021


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan] and Reflection [Magnilay-nilay]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


I. STENCH OF MAN’S SIN AND DEATH (ALINGASAW NG KASALANAN AT KAMATAYAN)

October 2, 2014

Gen. 2:7 Then the Lord God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature.


God created man, but only when He breathed INTO HIS NOSTRILS that man became a living soul. BINIGYAN NG BUHAY…. It pleased God to breathe life into man!!


Everything around them was perfect in sight, in smell, in feeling, in condition… no pollution, no smell of patay na hayop, no smell of carbon monoxide, no smell of trash on the rivers and seas, – EUPHORIA – everything WITH LIFE WAS SWEET SMELLING.


A. THE STINKING SMELL OF UNBELIEF - Adam and Eve


1. Hindi na natin kailangang matutunan o pag-aralan na ang tao ay MASANGSANG NA ALINGASAW dahil sa kasalanan. (It is not necessary to learn to sin because we are already stinking with it!)


2. Kahit kanino pa natin isisi ang kalagayan ng ating buhay bilang makasalanan ay hindi na mababago ang katotohanang likas na tayong makasalanan.


Romans 3:23 all men sinned and fall short….


Romans 6:23 because we are sinners…we deserve death


THE STENCH OF THE CURSE OF SIN IS UPON US! Lumaon ang mga araw..nagkaroon na ng salinlahi ang unang pamilya. Ang masaklap, ang amoy ng kasalanan ay nanatili, nagpatuloy ang kasalanan ng tao hanggang sinabi ng Salita ng Dios sa Gen. 6:5-7

The Lord saw that the wickedness of man was great in the earth, and that every imagination of the thoughts of his heart was only evil continually. 6 And the Lord was sorry that he had made man on the earth, and it grieved him to his heart. 7 So the Lord said, “I will blot out man whom I have created from the face of the ground, man and beast and creeping things and birds of the air, for I am sorry that I have made them.


Binigyan naman ng pagkakataon na magsisi at tumalikod sa kanilang kasalanan ngunit pinagtawanan lamang ito at nilabanan ang lingkod ng Dios na si Noah or Noe. Nagpadala na ang Dios ng first-time ulan na tuluy-tuloy na nagpabaha.


Gen. 7: 22 Everything on the dry land in whose nostrils was the breath of life died.


THE SIN AND DEATH OF MAN BROUGHT STENCH TO GOD’S NOSTRILS.


B. STINKING SMELL OF REBELLION – Noah’s community


Hindi binalak ng Dios na magkasala ang tao bagkus pinili ng tao umayaw sa Kanya (God did not plan for man to sin, rather, man chose to rebel against God)


Nagbigay Siya ng taning sa buhay ng tao at Batas na maaaring sundin. (MORTALITY AND LAW)


PERO BAKIT GANOON? Hindi ba ang Dios ang nagbigay na buhay, bakit tila gusto ba Niyang makitang maranasan ng tao ang kamatayang pisikal, ang kamatayan espirtwal at panghabambuhay na kamatayan?


Isa. 59: 2 It’s your sins that have cut you off from God. Because of your sins, he has turned away and will not listen anymore.


Sadista ba ang Dios? Is it sweet-smelling sa ilong Niya ang kamatayan ng mga makasalanan! Of course not! It displeases God to SEE DEATH in man because of his sin!! Hindi nalulugod ang Dios sa kamatayan ng makasalanan ngunit……Pati ang amoy nito ay hindi kalugud-lugod sa Kanya dahil sa puso ng Dios, gusto NIyang maligtas ang mga tao.


“Do you think that I like to see wicked people die? says the Sovereign LORD. Of course not!


This is the BUT!!! “I want them to turn from their wicked ways and live.” Ezek. 18: 23


Kaya, may kailangang gawin! May intervention! May kailangang mangyari upang hindi na magpatuloy ang STENCH NA ITO! Hindi kaya ng KAUTUSAN/ BATAS NG DIOS ang magligtas sa tao dahil mas lalong pinakita nito na hindi kaya ng tao ang iligtas ang kanyang sarili. Mas lalong pinakita ng LAW ng BATAS na hindi arbitrary ang LAW, na kung ayaw sundin, ay okay lang sa Dios, lalo na pang pinakita ng Dios ang ‘amoy’ ng kabukutatan ng tao at ng kabanalan ng Dios.


God has long planned to RESTORE THE STINKING SMELL OF SIN INTO A SWEET-SMELLING SAVOR OF LIFE THROUGH CHRIST!


Sa OT, may mga SIN OFFERINGS para sa pagtubos ng kasalanan na nirerepresent ng mga saserdote o pari. May sukat, may bilang, may timbang, may kalidad na sinusunod.


The importance OR VALUE of a sacrifice’s aroma is not BASED on the smell but what the smell represents.


Gen. 8: 21 And when the LORD smelled the pleasing aroma, the LORD said in his heart, “I will never again curse the ground because of man, for the intention of man’s heart is evil from his youth. Neither will I ever again strike down every living creature as I have done.


Kaya bumabango ang burnt offerings ay dahil nagiging sagisag ito ng gagawin ni Kristo sa Krus ng Kalbaryo many years after.

CC Reflection: 1. Sang-ayon ka ba na hindi na natin kailangang matutunan o pag-aralan na “magkasala” kundi nasa kondisyon na natin ito bilang tao? Bakit? 2. May pagkakataon ba sa iyong buhay na ang tingin mo sa iyong sarili ay “mabuti ka naman” at hindi makasalanan gaya ng iba? I-share ito. 3. Sang-ayon ka ba na kahit kanino pa natin isisi ang kalagayan ng ating buhay bilang makasalanan ay hindi na mababago ang katotohanang likas na tayong makasalanan? Bakit? 4. May pagkakataon ba sa iyong buhay na naisisisi mo sa iba kung bakit ka nagkakamali o nagkakasala? I-share ito.

II. FRAGRANCE OF CHRIST’S DEATH AND RESURRECTED LIFE


Jesus’ death saved us and His resurrection gave us life again!


Hindi puede ang Dios Ama ang mamatay sa krus dahil Siya ang nagjajudge. Hindi puede ang tao mismo ang magliligtas sa sarili Niya dahil hindi tayo mabangong samyo sa Dios. Ang kailangan ng Dios ay PERFECT SACRIFICE – wala nang iba kungdi ang katauhan ng Anak Niyang perfect na si Hesus.


Eph. 5:2 "Therefore, be imitators of God as dear children. And walk in love, as Christ also has loved us and given Himself for us, an offering and a sacrifice to God for a sweet-smelling aroma."


Paano naging sweet-smelling? Paano naging sweet aroma ang sakripisyo ni Kristo!

The death of Christ satisfies all of God’s just requirements because the death of Christ was a vicarious substitution. That is, it was a death on our behalf. It was the death of a spotless lamb upon which God could pour out the wrath that His people deserved.

CC Reflection: 5. Sa iyong pagkakaintindi, bakit naging mahalimuyak / sweet-smelling ang sakripisyo ni Hesus?

Ang Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli ay nagpapakita sa atin ng:


1) Atonement – ‘covering’ – Lev. 17:11 For the life of the flesh is in the blood: and I have given it to you upon the altar to make an atonement for your souls: for it is the blood that maketh an atonement for the soul.


Removal of the Curse of the Law - Pag-alis ng sumpa ng Kautusan, ang parusa na ginagawad ng Kautusan, at mismong ang Kautusan. (removal of the curse of The Law, the penalty imposed by the Law and the Law itself)


Relevance: Hindi na kailangan ng “good works’ para maligtas! Hindi na natin kailangan ang KAUTUSAN (The Law) na sundin titik por titik para lamang maligtas tayo sa walang hanggang kamatayan dahil si Kristo na ang nagtatakip sa atin!


Hindi ba napakabangong-samyo sa Dios na, dahil kay Kristo, ang Kanyang mga nilikha ay pinuno Niya ng kagandahang-loob at naalis sa tanikala ng Kautusan!



2) Vicarious Substitution – suffered or done by one person as a substitute for another -

Not only carried but really substituted!


Si Hesus ang naging Kordero ng Dios – ang Kinatawan para sa kasalanan nating lahat! Kahalili – sa ating salita pero higit pa sa halili.


Relevance: Hindi mo kaya, hindi ko kaya, walang may kaya. Hindi ako sapat, hindi ka sapat, walang may sapat… pero sinama ka Niya, sinama NIya ako! Si HESUS lang ang TUNAY NA SUBSTITUTE. TUNAY NA VICAR. Kasi wala Siyang kasalanan.


Hindi ba napakabangong-samyo sa Dios na, dahil kay Kristo, ang Kanyang mga nilikha ay hindi na napako, hindi na tayo ang nahirapan kungdi may humalili sa atin? Imagine the joy set before Him while He endures the cross.


3) Propitiation with Reconciliation – two-pronged! pagpawi ng galit, partikular patungkol sa Diyos; turning away of wrath or appeasement at pakikipagbati; Dahil kay Kristo, ang poot ng Dios sa ginawa ng taong pagtataksil, pagtalikod sa Kanya, at pagbibida-bida, ay natanggal na.


I John 2:2 He is the propitiation for our sins, and not for ours only but also for the sins of the whole world.


Relevance: Ang Dios pa ang gumawa ng paraan para matanggal ang sarili NIyang poot sa atin. Siya rin ang gumawa ng paraan para ma-reconcile tayo sa Kanya.


Hindi ba napakabangong-samyo sa Dios na dahil kay Kristo, hindi na galit ang Dios sa atin, bagkus kungdi bati na? Siya na naglikha sa atin ay daily delight na Niya uli.


4) Redemption – release from captivity, slavery or death by payment of a price called ransom – Si Hesus na ang nagbayad through His blood; the action of regaining or gaining possession of something in exchange for payment, or clearing a debt.


I Tim. 2: 5-6 ….the man Christ Jesus, Who gave Himself as a ransom for all— the testimony that was given at just the right time.


Relevance: Wala na tayong utang na dapat bayaran spiritually kasi bayad na! Malaya na tayo sa tanikala ng kasalanan.


Hindi ba napakabangong-samyo sa Dios na dahil kay Kristo, hindi na nagingimi ang Kanyang nilikha dahil may gapos… pero ngayon ang mga anak Niya ay may confidence na!

CC Reflection: 6. Mula sa apat na nabanggit sa itaas, ano ang pinaka-naappreciate mo ngayon (o kaya ay yung ngayon mo lang natutunan)? Ibahagi ang pagkaintindi mo dito gamit ang iyong sariling salita.

Conclusion:


Isa. 64: 6 We have all become like the unclean; all our righteous deeds are like a menstrual rag - mabaho, masangsang, kadiri, filthy and dirty


Ginawa ng Dios ang lahat, sinakripisyo ang Bugtong NIyang Anak para hindi na tayo umalingasaw sab ahi ng ating kasalanan!


Eph. 5: 26 to make her holy, cleansing her by the washing with water through the word, 27 and to present her to himself as a radiant church, without stain or wrinkle or any other blemish, but holy and blameless


As an exchange for our stench in all areas of our life, Jesus Christ became a SWEET AROMA OF SACRIFICE TO GOD THE FATHER.


From condemned to being accepted, from guilty to forgiven, from dying to living, from STINKING WITH SIN TO SMELLING with JESUS’ FRAGRANCE!



Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Tinanggap mo na ba si Hesus sa iyong buhay? Kung hindi pa, ngayon na ang pagkakataon! (CC Leader: Please explain the Gospel to your member and lead them to prayer.)

2. Kung tinanggap mo naman na si Hesus, ibahagi sa grupo ang iyong testimony / patotoo kung paanong napalitan ang “masangsang” na amoy ng kasalanan sa iyong buhay ng “mabangong” sakripisyo ni Hesus.

3. Ibahagi si Hesus sa iba. Ishare ang iyong storya sa kahit isang tao man lang ngayong linggo.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page