Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Oct 10, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Topic: The Lord Is My Shepherd
Series: Like a Shepherd
Date: Oct 17, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan], Reflection [Magnilay-nilay] and Practice [I-apply ang Natutunan]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
I. The Lord provides for our needs
A. I shall not want
· Subok na natin ang ating Shepherd when it comes to provision. Ang sabi nga “I shall not want”.
· Hindi ibig sabihin ng want dito ay ang pagkakaroon ng gusto. Naku hindi tayo mauubusan ng kagustuhan. Lagi tayong may gusto!
· Pero ang sabi dyan ay chaser, meaning hindi lacking. Sa tagalog, “Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang, hindi ako mawawalan”.
· Hindi man yung ine-expect natin ang dumarating, pero hindi tayo nawawalan. Hindi man yung gusto natin ang binibigay, pero higit pa ito sa ating pangangailangan.
B. He makes me lie down in green pastures
· Hindi lang basta nagbibigay ang Panginoon ng ating pangangailangan, nagbibigay din Siya ng kapahingahan.
· Hindi pa man tayo pinapanganak, may provision na agad ang Diyos para makapagpahinga tayo. (Exodus 23:12)
· Imagine our good shepherd not suggesting but commanding us to rest! Inuutusan tayong magpahinga! Bakit kaya? Kasi we have this tendency as humans to overthink and overwork, kagaya ng mga Israelites na slaves sa Egypt, thinking na kaya nating iprovide sa sarili natin ang lahat ng ating pangangailangan.
· Saan daw tayo pinapahiga ng Panginoon? Sa green pastures! Para siyang disyerto na tuyo ang lupa, pero sa lupang ito may mga munting damo na tumutubo, sprigs lang. Minsan napapadpad sa makapal na damo, pero madalas sapat lang para makakain ang lahat ng tupa sa bawat araw. Hindi niya ibinibigay ang lahat ng gusto natin, pero ang lahat ng ating kailangan. Kaya nga ang manna ng mga Israelites di ba, sapat lang sa isang araw, otherwise masisira. At ang turo ng ating Panginoong Hesus sa pananalangin: “Give us this day our daily bread” – Matthew 6:11.
C. He leads me beside still waters
· Dinadala ng shepherd ang tupa sa panatag na tubig dahil madaling matakot ang mga ito. Isa pang dahilan, in danger sila kapag nabasa ang wool nila sa running water. Mas bibigat ang kanilang katawan at mahihirapan silang kumilos. Kaya kailangang dalhin ng shepherd ang mga tupa sa still waters.
· May mga pagkakataon po na hindi lang basta pinagpapahinga ng Panginoon ang ating katawan, binibigyan din po Niya tayo ng mga pagkakataong makausap Siya personally bilang pahinga sa ating mga kaluluwa.
· Kailan po kayo huling pinayapa ng Panginoon? Ito po ang quiet waters. Ito po ang “peace that surpasses all understanding” sa Philippians 4:7. Mismong si Hesus na Living Water ang ating nagiging source! Kaya tayo napapayapa!
· Pansinin din po natin yung word na ginamit – He leads. Ang pagli-lead ay susunod tayo sa kanya. Pero minsan din, pinapauna niya tayo para makarating sa still waters. Ang Diyos po ay hindi pastol na ituturo lang kung saan tayo pupunta tapos bahala na tayo. Kasama po natin Siya!
CC Reflection:
1. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na hindi ka pinagkulang ng Panginoon.
2. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na binigyan ka Niya ng kapahingahan.
3. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na binigyan ka Niya ng kapayapaan.
4. Bakit kaya tayo nahihirapan minsan na magtiwala na ang Diyos ang magbibigay ng ating mga pangangailangan (material, emotional, etc)?
CC Application:
1. Dahil alam mo nang hindi ka pagkukulangin ng Panginoon, bibigyan ka Niya ng kapahingahan, at bibigyan din ng kapayapaan, ano na dapat ang attitude mo….
a. Kapag parang magkukulang ang budget?
b. Tungkol sa trabaho / business / pag-aaral?
c. Kapag naiistress o nagugulumihanan?
|
II. The Lord preserves our emotional wellness
A. He restores my soul
· May mga pagkakataon bilang mga tupa nang Panginoon, dadaan tayo sa tinatawag nating dark night of the soul. Sa mga ganitong panahon po, to the rescue ang ating Good Shepherd. He restores our soul.
· Ang ibig sabihin po ng pagre-restore ay pagbabalik sa dati kaayusan.
· Katulad natin na maaaring dumadaan sa mga “pitik” at moments na bigla na lang tayong hindi nagpa-function. Pero as soon as we connect to our source, sa ating Good Shepherd, nagiging ok na tayo!
· Nagiging maayos na ulit ang ating pananaw sa buhay, nagkakaroon na tayo ulit ng pag-asa, nagtitiwala na ulit tayo sa tao. Pine-preserve ng Panginoon ang ating emotional wellness dahil mahalaga sa Kanya na maayos ang kondisyon ng ating puso.
B. He leads me in the paths of righteousness for His name's sake
· Madalas sarili nating kasalanan ang nagdadala sa atin ng sarili nating kalungkutan. Kahit na nili-lead tayo ng Panginoon, minsan lumiliko tayo either sa kanan or sa kaliwa. Kaya tayo naliligaw.
· Alam po natin ang pakiramdam nang may kasalanang tinatago sa Lord. Mabigat. Parang laging may nakadagan. Walang joy. Parang napakalayo ni Lord sa atin kapag nagkakasala tayo.
· Pero ano po ang ginagawa ng ating Good Shepherd kapag ninanais nating bumalik sa Kanya? He leads us in the paths of righteousness. Dinadala Niya tayo sa tamang landas! Paano Niya po ito ginagawa? Minsan nagpapadala po si Lord ng mga mensahero para paalalahanan tayo. O kaya may kaibigang mangungumusta sa atin. O kaya bigla ka na lang may mababasa or mapapakinggang reminder na magpapaalala sa iyo na bumalik ka na sa Kanya. Mga tapik sa atin na nagsasabing mahalaga tayo sa kanya.
· At hindi po biro ang ginawa ng Diyos para i-lead tayo sa righteousness. “For our sake he made him [Jesus] to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God.” – 2 Corinthians 5:21. Buhay at kamatayan po ni Hesus ang naging path of righteousness natin, kaya tayo may maayos na relasyon sa Diyos sa kabila ng ating mga kasalanan.
CC Reflection: 1. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na binalik ng Diyos ang pag-asa sa iyong buhay at ni-restore sa dating kaayusan. 2. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na itinama ng Diyos ang landas mong tinatahak. Paano ka Niya ibinalik? CC Application: 1. Dahil alam mo nang ang Diyos ay nag-rerestore at nagwawasto ng ating lakad, ano na dapat ang attitude natin kapag “nadadapa” o “naliligaw”? 2. Kung tinanggap mo na si Kristo, ikaw ay RIGHTEOUS na sa harapan ng Diyos through Jesus. Ipamuhay na natin ang righteousness na ito. |
III. The Lord protects us from danger and harm
A. Though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me
· If you want to know how the Lord protects us from all evil,g basahin niyo po ang Psalm 91.
· How many times have we been protected by the Lord? Yung muntik ka nang masagasaan, muntik masunugan, muntik ma-aksidente. O kaya naman mahuhulog ka na sana sa maling tao tapos biglang nahila ka ng Panginoon! Pinrotektahan ka ni Lord sa matatamis na salita at pangakong hindi matutupad. That’s protection from danger!
· In death or in life, if we are in Jesus, we are protected. In fact, sabi ni Lord, “I have engraved you on the palms of my hands” – Isaiah 49:16. Hindi natin kailangang matakot maging sa kamatayan dahil maging ang kamatayan ay tinalo na ni Hesus! Maaaring mawala sa atin ang casing na ito, pero bibigyan tayo ng glorified body! Hindi po final destination ang kamatayan, kundi isang pintuang nagbubukas for us to finally be in fellowship with Jesus, our Shepherd and Lover of our soul!
B. Your rod and Your staff they comfort me
· Staff of direction
o to direct
o to establish boundaries
o to rescue
o to give comfort
· Rod of correction
o to protect
o to correct
o to inspect
· Ang tupa kapag sobrang pasaway na, binabali ng shepherd ang paa. Ouch! Bakit ito ginagawa? Para hindi ito lalong mapahamak. At anong ginagawa sa tupang bali ang paa? He would then bind up the leg and carry the lamb in his arms, eventually placing the lamb at his feet, where it would stay close to its shepherd. This hard experience was done for the good of the lamb. What a beautiful picture of chastisement. When God admonishes us, His children, we must recognize that He is good in all that He does. Masakit, pero mas napapalapit sa Shepherd.
· Mapagmahal ang Diyos, no doubt about it. At dahil mahal Niya tayo, hindi Siya nangingiming gumamit ng disiplina. “For the Lord disciplines the one he loves, and chastises every son whom he receives.” – Hebrews 12:6. Matakot po tayo kung di na tayo dinidisiplina nang Panginoon!
· The Lord protects us from danger and harm, minsan yung danger dala rin ng sarili nating kalokohan. Pero nire-rescue pa rin tayo ni Lord!
· The Lord vindicates us! He fights for us! Kung tayo man ay inaalipusta, dinuduro-duro ng mga hindi mananampalataya, dinadaya tayo ng iba, ginugulangan tayo, ang Panginoon ang gaganti para sa atin.
· The Lord knows us personally. He inspects us one by one. He knows not just our name but our waking up and our lying down. Binabantayan tayo hanggang sa pagtulog natin.
CC Reflection: 1. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na pinrotekahan ka ng Diyos mula sa sakit o panganib. 2. Magshare ng example kung paano mo naexperience sa buhay mo na dinisiplina ka ng Diyos para sa iyong ikabubuti. 3. Agree ka ba na “the Lord disciplines the one he loves”? Paano napapakita ang pagmamahal sa pagdidisiplina? CC Application: 1. Dahil alam mo nang ang Diyos ay nagpoprotekta, ano na ang attitude mo tungkol sa mga danger na pumapalibot sa atin? Kailangan bang parang takot na takot tayo palagi? (Tandaan: The Lord protects us, at tayo naman ay gumamit ng WISDOM sa ating mga ginagawa – example: magsuot ng mask, ‘wag masyadong pumunta sa lugar na may tumpukan ng maraming tao, etc.) |
IV. The Lord promotes us before all creation
A. You prepare a table before me in the presence of my enemies
· This is a picture the Bible wants us to see – that time will come when we will enjoy the presence and fellowship of our Good Shepherd habang ang iba na piniling humiwalay sa kanya ay manonood lang sa atin.
· Remember po, hindi lang tayo ia-acknowledge ng Lord privately – but publicly He will declare that we are His children, the sheep of His pasture! Proud na proud po sa atin at masaya ang ating Shepherd kapag proud at masaya tayo sa Kanya. Kaya tayo binibigyan ng banquet! Sine-celebrate niya po ang relationship natin sa Kanya! Ang tanong, sine-celebrate din kaya natin Siya?
· Hindi po natin iniinggit ang iba dahil Kristyano tayo at ang iba ay hindi. Pero dahil sa mayamang biyaya ng Diyos, maaari din nating i-encourage ang iba na maging bahagi ng celebration na ito.
You anoint my head with oil, my cup overflows
· Ang mga tupa po ay nilalagyan ng oil to protect them sa mga langaw na nangingitlog sa kanilang mga sugat at openings sa katawan.
· Sa panahon natin ngayon, ano ba ang usual na nilalagyan ng langis? Yung mga kinakalawang, yung mga lumalangitngit. Ang oil po ay simbolo ng Holy Spirit sa Bibliya. Taking this illustration by example, baka kaya may mga taong lumalangitngit sa church, or medyo kinakalawang na sa ministry, or panay “whining ang complaining and murmuring…” baka kulang sa langis. Baka hindi makakilos ang Banal na Espiritu.
· Our Good Shepherd also gives us anointing through the Holy Spirit. (2 Corinthians 1:21-22)
· Sinelyuhan na po tayo ng Panginoon! In essence, the Lord has marked us, “mine!” protektado, selyado, separated because we’re special to the Lord. Dahil sa Banal na Espiritu na nananahan sa atin, we have the power, the authority, the anointing that comes from the Lord! We can bear the fruit of the Spirit!
CC Reflection: 1. Nakaka-experience ka ba ng persecution dahil sa pagmamahal mo sa Diyos? (Tandaan: Iba ang persecution sa ‘consequence’) 2. Nararanasan mo ba ang “filling” of the Holy Spirit sa araw-araw? (Bakit kaya hindi?) CC Application: 1. Always desire to be FILLED with the Holy Spirit. Araw-araw. Minu-minuto. Hindi lang ‘pag Sunday o ‘pag may altar call. |
Conclusion:
As we conclude this message, let me remind you of what the Lord has done for us: He provides for our needs, preserves our emotional wellness, protects us from harm and danger, and promotes us before all creation – kumpleto! At hindi pa po yan conclusive! Marami pang binigay ang Panginoon sa atin, even His life! Walang area ng buhay natin ang hindi niya binigyang pansin, lahat pinupunan niya! The Good Shepherd is more than good!
Kaya naman we can always say that if we follow our shepherd, “surely goodness and mercy shall follow me all the days of my life! Kapag sumusunod tayo sa Panginoon, susundan tayo ng mga pagpapalang sa Kanya lang nagmumula! There will never be a day in which the goodness and mercy of the Lord will not be immediately nearby.
Hindi siya maybe, hindi siya probably. Surely! Susundan tayo ng kanyang mayamang biyaya. Susundan tayo ng kanyang pag-ibig. Susundan tayo ng Kanyang kagandahang loob. At madalas pa nga, umo-overtake pa!
And I will dwell in the house of the Lord forever. Wala nang mas hihigit pa sa biyayang kasama natin ang Diyos for eternity. When that day comes when we can be with the Lord forever, our joy and our blessings will be complete!
But there’s a catch. Ang pinaka-mahalaga sa lahat. Lahat nang ito ay available sa atin at fully mae-enjoy lang natin - If the Lord is our Shepherd! Psalm 23 begins with the statement: The Lord is my Shepherd.
Ang tanong, is the Lord your Shepherd? I hope He is.
CC Application: 1. Si Lord na ba ang Shepherd mo? Tinanggap mo na ba si Hesus sa iyong buhay? Kung hindi pa, ito na ang pagkakataon! 2. Hindi ba mas nakakatuwa kung pati ang mga kaibigan at mahal natin sa buhay ay makakilala sa Diyos? I-share natin sa iba ang pag-ibig Niya! |
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments