Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Oct 3, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Topic: The Good Shepherd
Date: Oct 3, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan], Reflection [Magnilay-nilay] and Practice [I-apply ang Natutunan]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
Batay po sa Salita ng Dios, ang mga tao ay hinalintulad sa mga tupa. Pag-aralan natin saglit ang mga katangian ng tupa para sa ating kabatiran at ikumpara natin ito sa ating mga buhay.
Mga Katangian ng Tupa
1. No sense of direction - Kapag ang mga tupa sa isang pen ay palalabasin sa pintuan ngunit may nakaangat n akonting tali parang luksong lubid, tatalunin naman nya yun nang bahagya. Sunud-sunod na iyon ang gagawin na lahat ng tupa, leap over the rope. At kahit tanggalin ng pastol ang tali, yung mga tupa ay tatalon pa rin. Di ba, ang bright?
Paghahambing/Comparison: Huwag natin pagtawanan ang tupa kasi dito hinalintulad ang tao. Nangyayari din sa atin ito. Kung sino ang sikat, kung saan basta kikita, kahit ano pang paraan niyan, sunod lang tayo nang sunod.
Pangangailangan/Need: Ang bawat isa sa atin, gaano man tayo kagaling o katalino, ay nangangailangan ng gabay na magdadala sa atin sa direksiyon pabalik sa Maylikha sa atin. Mas alam Niya kasi kung ano ang nakakabuti sa ating buhay.
Bible verse: Isaiah 53: 6 Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad…
Action Plan: Sinabi ng Dios na tayo ay tila ligawing tupa, kaya…MAGPA-LEAD TAYO.
REFLECT: Paano mo nakikita ang katangiang ito sa iyong buhay? Anong mga pagkakataon ka tila nawawalang ng “sense of direction”?
APPLY: Paano mo magagawa ang action plan sa iyong buhay?
2. Defenseless - Ang tupa ay walang kakayahang manakot sa mga umaatake sa kanila na wild beasts and predators.
Paghahambing/Comparison: Bilang mga tao, ang damig situwasyon na dumarating sa ating buhay na tayo ay tila mga ‘talunan’ dahil sa mga sinasabi at ginagawa ng iba’t ibang tao sa ating pagkatao. Ang daming gustong mambola, manloko, mang-scam, mang-iwan, at magpahirap sa ating buhay.
Pangangailangan/Need: Dahil defenseless rin tayo, kailangan natin ng higit na Magtatanggol sa atin. Kailangan natin ang Manlilikha na mas nakakaalam ng totoo. Yung gaganti para sa atin. Kailangan natin si Hesus na makapangyarihan upang tulungan tayong gamitin ang Kanyang Salita upang labanan ang tangka ng Diyablo at ng mga demonyo sa ating buhay! Kailangan natin ang isa’t isa upang makapagtulungan laban sa kaaway na gustong manira sa ating buhay.
Bible Verse: Matthew 9: 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol
Action Plan: Mahabagin si Hesus at alam Niyang hindi natin alam ang gagawin. Hayaan mong ipagtanggol ka ng Dios!
REFLECT: Paano mo nakikita ang katangiang ito sa iyong buhay? Anong mga pagkakataon ka tila nagiging “defenseless”?
APPLY: Paano mo magagawa ang action plan sa iyong buhay?
3. Cannot get up by itself and cannot heal its own wound - Kapag naglalakad ang tupa sa mga hindi pantay na burol, minsan, dahil sa kanilang bigat ay natutumba, at ang apat nilang paa ay kumakaway-kaway sa ere…na tila nagsasabing… “tulong!” Madalas, naiiwan na siya kaya wala nang nakakakita ng kanyang paghingi ng tulong.
Paghahambing/Comparison: Ang tao ay nilikha hindi upang mag-isa at kayanin mag-isa ang lahat ng challenges sa buhay. Nagiging ‘cast sheep’ na hirap na hirap makabangon…sa dami ng utang, sa dami ng nagiging kagalit, sa sunud-sunod na trahedya sa pamilya, sa tuluy-tuloy na kalamidad. Hindi niya kakayaning iligtas ang sarili niya. Hindi kaya ng tao na sagutin ang kanyang mga sariling tanong. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit ang daming namamatay, nagkakasakit at nagdadalamhati sa paligid sa ganitong panahon ng ating buhay.
Pangangailangan/Need: Kailangan ng tao ng Isang tutulong upang maligtas siya sa lahat ng hirap, masalba at maahon siya sa kumunoy na humihila sa kanya pababa, at maglapat ng permanenteng kagalingan sa kanyang sakit – pisikal man o espiritwal. Talagang hindi natin kakayanin mag-isa. We need Someone Who is stronger than us… wiser than us… Whose ways and thoughts are higher. That is GOD alone!
Bible Verse: Isaiah 40:11 At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.
.
Action Plan: Masarap maramdaman ang yakap at alaga ni Hesus. Hayaan mong pagyamanin ka Niya sa Kanyang kandungan.
REFLECT: Paano mo nakikita ang katangiang ito sa iyong buhay?
APPLY: Paano mo magagawa ang action plan sa iyong buhay?
4. Emotional and not meant to carry heavy burdens – Mabilis maapektuhan ang mga tupa, sensitive, lalo na kapag may mga strangers sa kanilang paligid. Kapag inaapi sila, hindi sila lumalaban at hindi na nakakapangatuwiran, at iiyak na lang. Mabilis matakot, madistress at ma-stress.
Paghahambing/Comparison: Ang tao ay mabilis ring maapektuhan…lalo na ang mga Pilipino. Napaka sensitive po natin --- kaunting sigalot, konting hindi pagkakaintindihan, konting problema, parang naaawa na tayo sa ating sarili at magmumukmok lang sa tabi. Kung hindi naman ganito, ay nagtatapang-tapangan at nagyayabang-yabangan na lang tayo na harapin ang mga ito na nagdudulot ng bigat sa ating mga damdamin. Kinakaya kahit alam niyang mabigat na.
Pangangailangan/Need: Kailangan natin ng tinig at tawag na ating susundin para hindi tayo basta mabigatan. Kailangan natin ng Magbubuhat ng ating dalahin…the great Burden-bearer...Someone who can carry our load to help us be strengthened. Walang iba po kungdi si Hesus, na inako na ang bigat ng pagkakasala ng mundo – kasama na ang mga sakit, dalamhati at lahat ng guilt.
Bible Verse: John 10:27 - Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.
REFLECT: Paano mo nakikita ang katangiang ito sa iyong buhay? Saang aspeto ka madalas burdened? Bakit ka kaya nahihirapan isuko ang mga ito sa Diyos?
5. Settle for less – Ang mga tupa ay nakokontento sa mga bagay na kailangan nila kaya kahit anong madatnan nila ay ginagrab na nila ito.
Paghahambing/Comparison: Parang tayo rin…kung ano ang una, pinaka-madali, tila sa tingin natin ay pinaka-masarap ang ating sinusunggaban….thinking na mabibigyan tayo nito ng pangmatagalan ginhawa at pakinabang. Ngunit mali pali. Lalo pala tayong dinala nito sa mga panganib sa buhay na tila wala nang kapatawaran at kaayusan na mangyayari
Pangangailangan/Need: Kailangan nating iwaksi ang mga bagay na pinupuntahan at sinsandalan at kinakapitan natin na nagpapahamak sa atin. We need Someone Who will satisfy us for eternity…Kailangan natin si Hesus na nagbibigay ng buhay na walang hanggan…kapayapaan ng puso at isip, at kagalakang hindi mapapantayan ng kahit anong bagay dito sa mundo. JESUS ALONE CAN SATISFY!
Bible Verse: Psalm 23:1-2 Ang Panginoon ang aking Pastol ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Action Plan: Si Hesus ang Mabuting Pastol. Wala ka nang hahanapin pa. Nasa Kanya ang lahat ng kailangan mo. Don’t settle for less.
REFLECT: Paano mo nakikita ang katangiang ito sa iyong buhay? Saang mga area ka nagsesettle for less?
APPLY: Paano mo magagawa ang action plan sa iyong buhay?
Conclusion:
Basahin ang John 10. Nandito ang mga katangian ng GOOD SHEPHERD at walang iba kungdi si Hesus po ito na Bugtong na Anak ng Dios!
1) Sinasabi niya na kilala ka Niya at ibig Niyang gawin mo Siyang tagapanguna ng iyong buhay bilang iyong Pastol. Dadalhin ka Niya sa lugar na kung saan ikaw ay makakasumpong ng buhay na masagana.. may kapayapaan, may kagalakan at may kahulugan.
REFLECT: Gusto mo ba ng ganitong klaseng buhay?
2) Sinasabi ni Hesus sa iyo na Siya ang Good Shepherd. Huwag mo nang isurrender ang buhay mo sa ibang huwad na pastol, mga impostor na nangangako ngunit nang-iiwan rin pala sa huli. Kapag ikaw ay nasa Kanyang poder, mararanasan mo ang tunay na pamilya na nagmamahal sa iyo at ibig makipag-ugnayan sa iyo sa kabila ng kung sino ka. Tanggap ka Niya at mahal ka Niya.
REFLECT: Gusto mo ba na may tunay na magmahal sa iyo nang walang kondisyon?
3) Tinatawag ka na Niya ngayon! Siya mismo ang tumatawag sa iyo upang iparanas sa iyo ang Kanyang pag-iingat mula sa mga kapahamakan, pangunguna sa maayos na pastulan, at pag-angat sa iyong kinalalagyan ngayon. TInatawag ka Niya upang bantayan ka sa mga masasamang tangka ng Diyablo sa iyong buhay na walang iniisip kungdi ang nakawin ang iyong tunay na kagalakan, sirain ang iyong buhay at iyong pamilya, at patayin ang lahat ng magagandang pangarap na mayroon ka kasama ni Kristo.
May plano Siyang mas mainam, mas mabuti..hindi para pahirapan at saktan ka kungdi bigyan ka ng buhay na puno ng pag-asa hanggang sa pagtatapos ng daigdig.
REFLECT: Gusto mo na bang buksan ang iyong puso at buhay para kay Kristo? Kung natanggap mo na siya sa iyong buhay, sure na sure ka na ba sa desisyon na iyong ginawa?
APPLY: Hindi lang ikaw ang dapat na makakilala kay Jesus. Sino pa sa mga kaibigan at kapamilya mo ang nangangailangan kay Hesus? Ano ang pwede mong gawin para maipakilala Siya sa kanila bilang kanilang Pastol?
Prayer [Panalangin]
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments