top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

CC - Oct 31 - The Shepherd's Mission

Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Oct 31, 2021.


Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:


 

Topic: Shepherd of the Land

Series: Like a Shepherd

Date: Oct 31, 2021


Opening [Pambungad]


Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang Care Circle ay hindi lang para sa attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.


Mga bagay na makakatulong:

1. I-welcome ang grupo.

2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!

3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.

4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week

5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.


Rewind [Balikan ang Napakinggan]


Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.


1. A good shepherd searches for the lost sheep

Ezekiel 34:11 - For thus says the Lord GOD: “Indeed I Myself will search for My sheep and seek them out.


People matter to God, both the lost and found.


8 common excuses ng mga Kristiano para hindi maghayag ng Salita ng Diyos:

· “They may ask a question I can’t answer.” (Baka di ko masagot ang tanong nila)

· “I’m scared” (Nakakatakot kaya baka ma-reject ako)

· “It is not my responsibility” ( Di ko responsibilidad yan! Responsibilidad yan ng mga pastor)

· “I don’t know how to witness” (Di ko alam pano ang gagawin)

· “I don’t speak well” (Di ako magaling magsalita, baka mautal ako)

· “I don’t know how to start a conversation about the Lord” (Pag ganyang Lord, Lord na hindi ko alam paano uumpisahan)

· “I am afraid my friends will remember the bad things I have done. Or I don’t have a good testimony today” (Baka maalala nya na natarayan ko at nasungitan ko sya dati)

· “I don’t have time” (Busy ako at wala akong time sa mga ganyan)


Pag ganito po, papaano na masasagip ang mga taong nawawalan ng pag asa, mga helpless kung walang maghahanap sa kanila? Yung tinatawag na “cast sheep” – mga tupang natumba, hindi makabangon at walang shepherd na tumulong?? Maari po silang mamatay!


Sabi ng Diyos, I have no pleasure in the death of the wicked,

Hindi nalulugod ang Diyos sa kamatayan ng mga tayong hindi nakakakilala sa Kanya. Kaya ganun na lang ang galit nya sa mga pastol na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin.


So how do we search for a sheep?


A. Look for people in the circle of influence


Eze 34:12 - “As a shepherd seeks out his flock on the day he is among his scattered sheep, so will I seek out My sheep and deliver them from all the places where they were scattered on a cloudy and dark day.”


Kung paanong hinahanap ng pastol ang tupa niyang nawawala, gayon ko hahanapin ang aking tupa. Kukunin ko sila saanman sila itinapon noong panahon ng kanilang kasamaan.


B. Look for people who are in the period of transition


Ang “Period of Transition” sa buhay ng tao ay katulad ng:


Namatayan ng asawa o meyembro ng pamilya, nahiwalay sa asawa, problema sa anak, nawalan ng trabaho, nagkasakit, bumagsak sa exam o board exam, nabasted, nag break ang mag juwa, problema sa in-laws at marami pang iba.


In short, ang period of transiton ay any form of STRESS, CRISIS, AND CHANGE! Kapag humaharap na tayo sa challenges ng buhay.


Evangelism is not “Hard selling” the gospel, only if we choose to serve and love people.


Ang pagpapakilala sa Diyos ay wala sa galing ng pagsasalita o sa convincing power o sa sales talk nung tao. Hindi ito ipinipilit na para tayong nagbebenta ng produkto para nila kunin. Kung pipiliin lamang nating maglingkod at magmalasakit sa mga taong nahihirapan at nawawalan na nang pag asa sa buhay. Marami ang makakabalik sa DIyos.


2. A good shepherd establishes the sheep in the Lord’s flock


Eze 34:13

And I will bring them out from the peoples and gather them from the countries, and will bring them to their own land; I will feed them on the mountains of Israel, in the valleys and in all the inhabited places of the country.


Titipunin ko sila mula sa iba’t ibang dako upang ibalik sa sarili nilang bayan. Doon ko sila aalagaan sa kaparangan ng Israel, sa tabi ng mga bukal na tubig at magagandang pastulan


Ang mabuting pastol ay naghahanap sa tupa, pagkatapos ibinabalik sa kanyang kawan at doon ito ay inaalagaan.


Tayo bilang pastol, paano natin sila maalagaan?

A. Feed the sheep


Ang misyon natin bilang pastol ay magpakain sa ating mga tupa ng Salita ng Diyos, mga fresh revelation from God kaya mainam na may regular devotion tayo, nag-aaral ng Bibliya. Mahirap po kung pati tayo ay gutom at wala nang gana sa pagbabasa ng BIblya, baka wala na din tayong mapakain sa tupa.


B. Secure the Flock

Eze 34:15

“I will feed My flock, and I will make them lie down,” says the Lord GOD.

Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan.


A good shepherd is physically present with the sheep in difficult times. Sinasamahan ng mabuting pastol ang mga tupa hangang sa malampasan nila ito. Kaya po minsan ay mga counselling, nangangamusta, nagtitext o pm, tinatawagan natin sila o video call lalo at tumutulong tayo sa abot ng ating makakaya. Nawawala ang takot at pangamba ng tao nila pag alam nilang sila ay covered sa panalangin ng mga kapatiran. Mas nagiging secure ang pakiramdam nila pag may karamay sila.


C. Heal the sheep

Eze 34:16

“I will seek what was lost and bring back what was driven away, bind up the broken and strengthen what was sick ; but I will destroy the fat and the strong, and feed them in judgment.”

Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, at babantayan ang malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang kailangan nilang pagkain.


Ang misyon ng pastol ay tumutulong para maghilom ang kanilang mga sugat. May mga taong lumiit na ang tingin sa sarili nila at pakiramdam nila na sila ay talunan dahil na din siguro sa mga di magandang karanasan. Ang mabuting pastol ay tumutulong para maibalik ang self-image, self-esteem, and self-worth ng mga taong sugatan. Tinutulangan silang magpatawad. Ipinakikita ng pastol na ang halaga nila sa Diyos at ang purpose ang Diyos sa buhay nila para maging buo ulit sila.


God wants to heal our broken hearts and make us whole again.


Pero may mga sugat din na nanggagaling mula sa loob ng kawan… Natitisod ng mga matatabang tupa at nasusuwag o nabully ng malalaks. Gumigitna ang pastol para mawala ang mga galit sa puso. Kahit minsan ang pastol ay nasasaktan na din kapag pumipiglas ang mga tupa na gustong kumawala. Pero nariyan pa din sya para mag alaga at itama ang mga pagkakamali. Dahil hinding hindi nya hahayaang may mawala muli kahit isa sa kanyang tupa.


***


Ang misyon po natin bilang pastol ay hindi pang Linggo lamang kundi kasama ito sa ating pang araw araw na buhay. Sabi ko po kanina, hindi natin mapaghihiwalay ang misyon natin bilang Kristiano sa ating totoong buhay.


Walang katumbas ang saya ng taong nagagawa ang misyon bilang pastol. Dahil ito ang nagbibigay sa atin ng sense of purpose, nag fulfillment, nagkakaroon ng kabuluhan and buhay dahil ginagawa natin ang dahilan kung bakit tayo ay narito sa mundo.


CONCLUSION:


May misyon tayo! Ang misyon ng Mabuting Pastol (HESUS) ay misyon din natin! Ibalik natin ang mga naliligaw sa totoong nagmamay-ari sa kanila! Gawin natin ang gampanin ng isang mabuting pastol.


Reflection [Magnilay-nilay]


1. Ano ang naging sagot mo sa mga tanong noong Linggo:

- Ano ang misyon mo sa buhay?

- Ano ang misyon mo bilang Kristyano?

2. Bakit sinasabing hindi natin mapaghihiwalay ang misyon natin bilang Kristiano sa ating totoong buhay?

3. Sa pagkakaintindi mo sa mensahe, ikaw ba ay inatasan ng Diyos na maging pastol? Bakit?

4. Mula sa “8 common excuses ng mga Kristiano para hindi maghayag ng Salita ng Diyos” sa itaas, alin ang madalas mong nagiging rason? Ano ang pwede mong gawin para hindi na ito maging ‘excuse’?

5. Masasabi mo bang ipinapamuhay mo ngayon ang misyon mo na maging pastol? Bakit o bakit hindi?

6. Kung ikaw ay mayroon nang “tupa” na inaalagaan, nagagawa mo ba ang tatlong binanggit (feed, secure, heal)? Bakit o bakit hindi?


Practice [I-apply ang Natutunan]


1. Mag-isip ng dalawang tao sa iyong circle of influence na pwedeng mabahagian ng Kabutihan ng Diyos. Simulang silang ipanalangin at pakitaan ng malasakit.

2. Mag-isip ng isang taong iyong kakilala na nasa period of transition sa kanyang buhay. Simulang siyang ipanalangin at pakitaan ng malasakit.

3. Kung ikaw ay mayroon nang “tupa” na inaalagaan, paano mo pa mas mapapa-igi na mag-feed, secure, and heal?

4. Alam mo bang focus ng ating church ngayon ang evangelism & discipleship? Kung nais mong i-apply ang natutunan ngayon sa pamamagitan ng pagpapa-disciple o pag-didisciple, sabihan ang iyong CC leader.

5. Sumali sa mga kaganapan (o kahit sa Facebook group chat) ng inyong department para ma-connect ka sa ibang mga kapwa Kristyano na nagiging pastol rin. Sumali rin sa Facebook group ng MFGC.


Prayer [Panalangin]


Closing [Pangwakas]


I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:

- Kanilang daily Bible reading and devotion

- Pagdalo sa church

- Pagbibigay (tithes and offering)

- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)

- Pag-care sa iba

- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!

16 views0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


bottom of page