Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Sep 19, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: Let Us Pray
Topic: Prayer Hands
Date: Sep 19, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
INTRO:
Alam mo bang malaki ang role na ginagampanan ng bibig sa bawat buhay natin? Even with God, alam Niya ang kahalagahan ng SALITA mula sa ating mga bibig as we see in ISAIAH 55:11 –
Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.
QUESTION: Paano natin makikita ang example nito sa time of creation?
ANSWER: Even in the time of CREATION, God spoke the Word and it came to be. (Example: Let there be light…)
QUESTION: Ang lahat ng nilikha ay nalikha gamit sa sambit ng bibig, maliban saan?
ANSWER: Sa TAO…because we were created in God’s IMAGE or LIKENESS. (Kaya tayo rin po—bagamat hindi tayo Diyos—ay binigyan ng dominion sa creation at mahalaga & may ‘power’ rin ang bawat sinasabi ng ating bibig.)
Proverbs 18:21 - Death and life are in the power of the tongue, and those who love it will eat its fruits.
QUESTION: Ano ang 2 examples na ibinigay kung saan naging maingat si Jesus sa sinasabi Niyang salita?
ANSWER: Jesus was watchful on the words He speak during these situations: 1. Death of Lazarus – Hindi sinabing “patay” na kundi “natutulog”; 2. Feeding the Four and Five thousand – Hindi sinabing “kulang ito” kundi nagpasalamat at ipinamigay ang pagkain
QUESTION: Isa pang example na binigay ay ang story ani Joshua at Caleb. Bakit sila lang ang nakarating sa Promised Land sa kanilang generation? ANSWER: Sila lang ang nagsambit na kaya nilang talunin ang mga nakatira sa Canaan at i-claim ang possession na nais ibigay ng Diyos sa kanila. Ang mga iba ay natakot at nagsabing hindi nila iyon kaya, masayadong malalaki ang kalaban, etc. Kaya ang nangyari ayon sa Numbers 4:28-29 ay: Say to them, ‘As I live, declares the Lord, what you have said in my hearing I will do to you: your dead bodies shall fall in this wilderness, and of all your number…
ALAM MO BANG MAARI MONG MAPASUNOD ANG IYONG KATAWAN SA PAMAMAGITAN NG IYONG BIBIG?
Makikita natin ang example na ito sa James 3:2-5. Basahin.
2 Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili. 3 Kapag nilagyan ng renda ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. 4 Gayundin ang barko. Kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, naibabaling ito saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon. 5 Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng mga ipinagyayabang. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan.
LET US APPLY THIS IN OUR PRAYERS:
QUESTION: Ayon Matthew 6:5-7, mahalaga ba na sa pampublikong lugar manalangin? At dapat ba maraming salitang sasabihin? ANSWER: Hindi. Wag raw manalangin sa pampublikong lugar KUNG and intension lang ay para makita ng iba. At sabi sa v.7 - Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.
Ang “The LORD’s PRAYER” sa Matthew 6:9-15 ay magandang gabay sa pananalangin. Hindi sa ito mismo ang uulit-ulitin natin ipagpray araw-araw, kundi ang nilalaman nito na hango rin mismo sa Salita ng Diyos.
TANDAAN: MAS MAINAM NA GAMITIN NATIN ANG SALITA NG DIYOS KAPAG TAYO AY NANANALANGIN! Dahil ang Salita niya ay Kanyang tinutupad.
Sa ating message noong Sunday, may tatlong area na tinutukan:
1. RELATIONSHIP: After this manner therefore pray ye: Our Father which art in heaven, Hallowed be thy name.
QUESTION: Ano ang ipinapakita rito?
ANSWER: We can pray to God BELIEVING that HE IS OUR FATHER! May boldness at confidence. Gaya ng sabi sa John 1:12 - But to all who did receive him (Jesus), who believed in his name, he gave the right to become children of God.
2. PROVISION: 11 Give us this day our daily bread
We can pray to God for PROVISION! Napakaraming verse sa Bible na pwede nating gamitin at ideclare kapag tayo ay nananalangin para sa probisyon ng ating pangangailangan. Ilang halimbawa:
Deuteronomy 28:12 - The Lord shall open unto thee his good treasure, the heaven to give the rain unto thy land in his season, and to bless all the work of thine hand: and thou shalt lend unto many nations, and thou shalt not borrow.
Psalm 23:1-2 - The Lord is my shepherd; I shall not want. He maketh me to lie down in green pastures: he leadeth me beside the still waters.
3. PROTECTION: 13 And lead us not into temptation, but deliver us from evil.
We can pray to God for PROTECTION! Napakaraming verse sa Bible na pwede nating gamitin at ideclare kapag tayo ay nananalangin para sa probisyon ng ating pangangailangan. Halimbawa:
Awit 91:2-3 - …sasabihin ko sa Panginoon, “Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan.” Sapagkat ililigtas ka niya sa bitag ng maninilo, at sa nakakamatay na salot.
Reflect [Magnilay-nilay]
Careful ka ba sa sinasabi ng iyong bibig sa normal, day-to-day life? Ano ang dapat mabago sa iyong mga pananalita ngayong naiintindihan na natin na “DEATH AND LIFE ARE IN THE POWER OF THE TONGUE”?
Paano ka mag-pray? Ano ang madalas mong sinasabi kapag nag-ppray? Salita ba ng Diyos ang qino-quote mo o madalas ay kung ano lang ang naiisip? Careful ka ba sa lumalabas sa iyong bibig kapag nananalangin?
Ilan ang alam mong verse (without looking sa Bible) na kaya mong i-declare over your situation, o situation ng ka-CC/kapamilya/kaibigan, o ng ating bansa?
Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi masyado Salita ng Diyos ang idinideclare mo kapag nagppray?
Practice [I-apply ang Natutunan] and Prayer [Panalangin]
WAG I-SKIP. GAWIN ITO! Itanong ang prayer request ng bawat isa. Each one ay dapat may isang ipagppray. Maghanap ng mga verse na pwedeng i-declare para sa kanyang situation/request. I-practice ang ating natutunan at gamitin ang Salita ng Diyos as you pray. (Note to leader: Pwedeng isa-isa magpray, o sabay-sabay, depende sa comfort level, ingatang walang ‘mapapahiya’.)
Hindi natin mai-dedeclare ang Salita ng Diyos in prayer, kung hindi natin alam ang Salita ng Diyos. Aralin po natin ang Bibliya. Kung kailangan ng tulong, kausapin ang iyong CC leader, mentor or mag-message sa https://m.me/marikina4square
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments