Here's our Care Circle "Continuing the Conversation" guide for Sep 26, 2021.
Kung gusto ninyo ng downloadable version, you can get the file here:
Series: Let Us Pray
Topic: Praying in the Spirit
Date: Sep 26, 2021
Opening [Pambungad]
Napakahalaga to build a genuine relationship with your members. Ang discipleship ay hindi lang attendance o pang-sesermon kundi pagkakaroon ng relasyon sa isa’t isa at sama-samang pagtahak sa buhay.
Mga bagay na makakatulong:
1. I-welcome ang grupo.
2. Kung kayang magkaroon ng ice breaker, mas mainam!
3. Kamustahin ang kanilang mga naging nakaraang lingo – any highlights or challenges.
4. Kamustahin kung nagawa ba nila ang application last week
5. Kamustahin kung meron bang answered prayers mula sa inyong mga ipinanalangin.
Rewind [Balikan ang Napakinggan]
Note: Hindi po kailangang daanan isa-isa ang items dito. This full sermon outline ay para maging guide ninyo sa pagrerecap ng topic.
SCRIPTURE: Romans 8:26-27
I. KILALANIN NA TAYO AY MAY KAHINAAN (V.26A)
Ang ating kahinaan ay hindi tayo marunong manalangin ng nararapat. Maging si Apostol Pablo ay kinikilala ang kanyang sarili na may kahinaan.
Ang taong kinikilala ang kanyang kahinaan, ang kawalang kakayahan ay palagi at taimtim na lalapit lagi sa panalangin sa kinikilala niyang Abba Father.
Subalit makailang beses na ba nating naisasantabi ang taimtim na pananalangin sa bawat decision na gagawin sa buhay? Sa bawat gawain na iyong ginagawa, sa loob at labas ng church? Sa iyong pakikipagrelasyon? Sa iyong pagiging good steward ng ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, kasama na ang iyong finances?
Ang mga spiritual giants na ating hinahangaan, ina-idolize magkaminsan subalit sa kabila ng lahat ng iyon ay ang kanilang mataimtim na paglapit sa Diyos sa pananalangin. Examples:
Moses – Let the favor of the Lord our God be upon us Psalm 90:17
Elijah – Elijah was subject to like passions as we are, and he prayed earnestly – James 5:17
Even Jesus during His earthly ministry ay nagbibigay ng Panahon sa mataimtim na pananalangin. Oftentimes, he withdrew Himself from people and from His disciples, go in solitary place and prayed!
Ang sabi ni HUDSON TAYLOR: – “God’s giants have been weak men who did great things for God because they reckoned on God being with them”.
Ang akala natin magkaminsan ay malalakas tayo, kaya ang taimtim na pananalangin ay nakakalimutan. Kaya natin, kaya hindi na inilalapit sa Panginoon ang bawat gagawin na magkaminsan o kadalasan ang resulta ay hindi nagiging maganda
II. KILALANIN NA NAMAMAGITAN PARA SA ATIN ANG BANAL NA ESPIRITU, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin (26b)
Groaning - It is a type of strong prayer. In the Greek the word groaning can be traced back to a word meaning to give birth, or travail.
Hindi po ang Banal na Espiritu ang naggu-groan subalit siya po ay namamagitan…ang Espiritu ang kumikilos sa kaibuturan ng ating puso upang tayo ay manalangin ng hindi kayang ilabas ng bawat letra na manggagaling sa ating bibig. Ito ay nanggagaling sa ating puso
A man’s heart is moved when he groans. Ang pagdaing ay bahagi ng panalangin sa tulong Banal na Espiritu, hindi superficial..nanggagaling sa kaloob-loobang bahagi ng ating puso.
OT Example: Hannah
I Samuel 1:10 – in bitterness of soul Hannah wept much and prayed to God.
10 Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.
Dahil si Hannah ay nanalangin ng buong taimtim at ang buong puso ay nakasentro sa pananalangin..wala na halos lumalabas na malinaw nasalita sa kanyang bibig subalit ang intensity ng pananalangin nya ay ang klase ng panalangin na dinidinig ng Dios sang-ayon sa Kanyang kalooban!
TANDAAN: na sa ating pananalangin, hindi tayo nag-iisa! Sapagkat ang Banal na Espiritu ay kasama natin at siyang dumaraing para sa atin.
III. KILALANIN NA MAY KATAGUMPAYAN ANG PANALANGIN SANG-AYON SA KALOOBAN NG DIOS (v.27)
Ang ating Ama sa Langit, na kaagad nakatingin sa puso, ay binabasa ang ipinahid ng Espiritu ng Diyos doon, at hindi natin kailangan pang ipaliwanag ang kahulugan nito. Binasa niya mismo ang puso: "Alam niya,' sabi ng teksto, "ano ang isipan ng Espiritu." Ang Espiritu ay kaisa ng Ama, at alam ng Ama ang ibig sabihin ng Espiritu.
Siya, ang Espiritu ang ang gumagawa ng pagbabago, nagre-rewrite ng ating panalangin. Kasama sa ginagawa ng Espiritu ang pagsasaayos ng ating kaunawaan at kung papaano tayo lalapit sa Dios upang ang ating mga salita at desires ng ating puso ay maging sang-ayon sa kalooban ng Dios. In short, isinulat ng Espiritu ang hangarin sa panibagong isipan, at nakikita ito ng Ama.
SALIKSIK NA PUSO NG TAO + NAMAMAGITAN ANG ESPIRITU = KATAGUMPAYAN SANG AYON SA KALOOBAN NG DIOS
In other words, kapag ang puso ng tao si Kristo ang nakaluklok…si Kristo ang sinusunod…si Kristo ang commander in chief PLUS ang Espiritu ng Dios na siyang tagapamagitan para sa bawat Kristyano ng tamang content ng panalangin ayon sa kalooban ng Diyos, ito ay magbibigay ng KATAGUMPAYAN!!!
Ang panalanging binigyang inspirasyon ng Espiritu ng Diyos ay matagumpay.
Reflect [Magnilay-nilay]
Masama ba o mabuti na kinikilala natin ang kahinaan natin? Ano ba ang pagkakaintindi mo dito?
Bakit kaya nakaka-apekto sa prayer life natin kapag hindi natin nakikita ang kahinaan natin?
May time na ba sa buhay mo na hindi mo na alam ang salitang sasambitin sa panalangin, at ang Holy Spirit na ang tumulong mamagitan through your groans and speaking in tongues?
Kung hindi mo pa nararanasan ang nasa question #3, bakit kaya? Naranasan mo na ba maging “filled with the Holy Spirit”?
Ayon sa pagkakaintindi mo, ano ang susi para sa katagumpayan ng panalangin?
Ano ang pwede mong gawin sa iyong prayer life para maiapply lahat ng natutunan nating ngayong month of September?
Practice [I-apply ang Natutunan] and Prayer [Panalangin]
WAG I-SKIP. GAWIN ITO! Itanong ang prayer request ng bawat isa. Each one ay dapat may isang ipagppray. I-apply ang mga natutunan tungkol sa prayer habang pinapanalangin ang naka-assign s aiyo.
Nawa ay hindi matapos dito ang pag-apply ng natutunan natin about prayer. Ugaliing magkaroon ng personal prayer time.
Hindi natin makikilala nang lubusan ang Diyos, maiintindihan ang importansya ng presensya nya, mai-dedeclare ang Salita ng Diyos in prayer, at maiintindihan ang tulong ng Holu Spirit, kung hindi natin alam ang Salita ng Diyos. Aralin po natin ang Bibliya. Kung kailangan ng tulong, kausapin ang iyong CC leader, mentor or mag-message sa https://m.me/marikina4square
Closing [Pangwakas]
I-remind ang grupo tungkol sa mg ito:
- Kanilang daily Bible reading and devotion
- Pagdalo sa church
- Pagbibigay (tithes and offering)
- Pananalangin (kasama ang Prayer Cell)
- Pag-care sa iba
- Pag-seserve sa ministry – baka wala pa silang ministry, marami pong available!
Comments