top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 20

Updated: Aug 5, 2020

Below is our Family Prayer Cell material for Aug 05, 2020.



Nagpapapansin Din Si Hesus

August 5, 2020

Mark 6:45-52

by Ptr. Noolen Mayo

 

Welcome

Marami tayong mga panalangin sa Dios. Hindi man sabay sabay na tinutugon ng Dios ang mga ito, ang mahalaga, ayon sa Kanyang Salita at layunin, ay natutugunan ang mga ito sa Kanyang tamang panahon.


Opening Prayer

Mag-assign ng isa mula sa inyo upang buksan ang gabing ito sa panalangin. Ipanalangin na ang presensya ng Diyos ay madama ng lahat sa lahat ng bahagi ng gawaing ito.


Praise and Worship


Praise Report

Sa buong linggong nagdaan, papaano nagpapansin si Hesus sa iyo ng Kaniyang kabutihan? (hal. (1) may natapos kang deal / kontrata mula sa isang customer na matagal mo ng kinakausap; (2) muntik ka ng mahagip ng motor sa iyong pagtawid; (3) kahit wala kang trabaho ngayong ‘quarantine’, tuloy-tuloy pa rin ang probisyon ng pangkain mo at ng iyong pamilya).


Scripture

Basahin ang Mark 6:45-52.


Message


INTRO: Ang Mark 6 ay may tatlong bahagi ng pagpapakita ni Hesus ng Kanyang mga himala…

  • Mark 6: 30 to 44 – pagpapakain sa 5000 gamit ang konting tinapay at isda

  • Mark 6: 45 to 52 – lumakad si Hesus sa tubig

  • Mark 6: 53 to 56 – pinagaling ni Hesus ang mga may sakit sa Gennesaret

Gustong-gusto ni Hesus i-reveal ang Kaniyang sarili sa mga tao kung sino Siya; ano ang kaya Niyang gawin; papaano kamangha ang pagkilos Niya at bakit Niya ito ginagawa sa atin.

Hayaan ninyong magbigay tayo ng dalawang pagkakataon kung papaano nagpapapansin si Hesus sa atin sa pamamamagitan ng mga talata mula sa Mark 6: 45 to 52 at mag-assign ng isa upang basahin ito ng malakas at malinaw.

1) SA PAGKAKATAON NA WALA NA TAYONG MAGAWA (Mark 6: 47 to 48)

Karamihan sa mga disipulo ni Hesus ay mga mangingisda at siyempre magagaling silang bangkero at kahit anong gawin nilang sagwan ay hindi pa rin nila maabot ang pampang. Ngunit eto si Hesus lumapit sa kanila sa pamamagitan ng paglakad sa tubig kahit sa gitna ng lakas ng hangin upang i-reveal ang Kaniyang sarili sa kanila.

Maraming pagkakataon na rin sa ating buhay ang maranasang magdepende sa ating galling ngunit tila bang wala pa rin pinatutunguhan ang lahat. Kayod ka nang kayod para sa iyong pamilya pero wala ka pa ring ipon hanggang ngayon; ginagawa mo ang lahat para maayos ang pamilya mo pero tila hindi napapansin ito; o kaya nama’y nagamit mon a lahat ng gamot para sa iniinda mong sakit pero wala pa ring lunas.

Baka naman katulad tayo ng mga disipulo na nagbabase sa tanging galling. Pinansin na ba natin si Hesus at pinalapit sa ating buhay? Binuksan ang puso at tinanggap Siya bilang Panginoon natin sa araw-araw? O naiintindihan ba natin ang talagang pangangailang kay Hesus sa anong sitwasyon na mayroon tayo?

2) SA PAGKAKATAON NA TAKOT NA TAKOT TAYO (Mark 6: 49 to 51)

Dumating din sa pagkakataong makikita natin na ang mga disipulo (mga atapang na tao) ay nagsisigawan sa takot dahil akala nila ay nakakita sila ng multo na naglalakad sa tubig. Pero bago magtalunan ang mga ito sa bangka, nagsalita agad si Hesus ng, ‘Wag kayong matakot, ako ‘to!’ upang muli ay i-reveal ang Kaniyang sarili para lumakas ang kanilang loob kasabay ng pagtigil ng malakas na hangi sa Kaniyang pagsakay sa bangka.

Natatakot tayo para sa ating pamilya tungkol sa hinaharap, ano ang kanilang kinabukasan. Marahil nangangamba ka rin sa mga nararamdaman mo sa iyong katawan na matagal mo na ring iniinda. At isa pang nagbibigay nginig sa iyo ay ang pagkabaon mo na sa utang.

Huwag tayong sumigaw sa takot kundi pansinin at pasakayin natin si Hesus sa ating buhay at hayaan na Siya ang mag-drive sa ating bangka. Matitigil din kahit anong lakas ng hangin ang pedeng manira sa atin basta’t Siya ang kasama natin. Siya ang may control ng lahat at nakaka-alam ng kinabukasan. Pansinin si Hesus at huwag matakot, ‘Ako ito’, ang sambit Niya sa atin.

CONCLUSION:

Hindi lang sa dalawang pagkakataon upang i-reveal ni Hesus ang Kaniyang sarili sa atin NGUNIT SA LAHAT NG PAGKAKATAON. Sa panahong masaya tayo dahil may achievement ang ating anak; may malubhang sakit ang isa sa mga mahal mo sa buhay; o nagtatagumpay ka sa mga natatamo mo sa opisina.

Marapat lang na mabigyan natin si Hesus ng pagkakataon na mapansin sa pagpupuri, sa pagpapasalamat; sa paglapit ng panalangin sa Kanya upang hindi tayo maging katulad ng mga disipulo na hindi nakakaintindi o hindi abot ng isip nila (ayon sa verse 52) kung sino si Hesus bilang DIYOS ng ating buhay.

Intercession


Sa oras na ito ay patungo tayo sa pagdulog ng mga pagkakataong wala na tayong magawa o kaya nama’y takot na takot tayo sa ating mga sitwasyon,

  1. Kung mayroon kang isang mahal sa buhay na para bang nawawalan ka na ng pag-asa para magbago – sambitin mo ang pangalan niya kay Hesus upang ma-encounter niya si Hesus sa kanyang buhay.

  2. Tila ba nababagalan ka na sa pagsugpo ng CoViD 19 ng ating gobyerno partikular sa DOH at IATF – hayaan natin ang ‘head of the family’ ang manguna sa pagdulog ng karunungang mula sa Panginoon para sa mga namumuno sa DOH at IATF.

  3. Para bang wala ng magawa ang mga kapatiran upang magkaroon ng trabaho lalo na sa nangyayari sa ating ekonomiya – ang panganay na anak naman ang manalangin para sa mga naghahanap ng trabaho (karunungan at probisyon sa requirements).

  4. Marami pa rin ang natatakot para sa kinabukasan ng ating mga estudyante – ang mga nanay naman ang dumulog kay Hesus para gabayan sila sa pag-aaral; direksyon sa anong blended learning process ang angkop para sa kanila.

  5. May mga baon sa utang at takot ng harapin ang mga tao / institusyon na humahabol sa kanila – ang buong pamilya ay sabay-sabay manalangin upang magkaroon ng Kalayaan ang mga taong baon sa utang.

  6. Natatakot ka na rin ba saan aabot ang pandemya na ito at damay na rin ang kinabukasan mo – minsan pa ay buong pamilya kayong manalangin pero ine-encourage ko kayong lahat na tumayo at idulog na may magandang kinabukasan at pag-asang inaasam ang bawat pamilya ng mga mananampalataya kay Hesus.


Offering



Announcements

Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, 5 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.


Picture Taking

Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.


Snacks & Closing Prayer

Mag-assign muili ng isa upang magpasalamat sa katugunan ng mga panalangin natin; mag-declare ng biyaya sa lahat at pag-iingat ng Banal na Espiritu sa buong lingo na naman na darating. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyaya ng Diyos.


246 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page