Below is our Family Prayer Cell material for Aug 12, 2020.
Title: Kay Hesus, Hindi Ka Dedma!
Text: Mark 7:24 - 30
Welcome
Magandang gabi sa atin! Week 22 na....pang-5 months na natin na tayo ay may FPC! (Pero FPC 21 ito dahil sa joint prayer & fasting natin last time.)
Praise and Worship
Song 1:
In the name of Jesus,In the name of Jesus We have the victory,
In the name of Jesus,In the name of Jesus
Demons will have to flee, When we stand on the name of Jesus Tell me who can stand before,
In the mighty name of Jesus, We have the victory.
Song 2:
Jesus, name above all names
Beautiful Savior,
Glorious Lord.
Emmanuel, God is with us,
Blessed Redeemer, Living Word.
Oh! I praise your name.Jesus, name of all names.
Blessed Redeemer, Living Word.
Blessed Redeemer, Living Word.
Opening Prayer
Mag-assign ng isa mula sa inyo upang buksan ang gabing ito sa panalangin. Ipanalangin na ang presensya ng Diyos ay madama ng lahat sa lahat ng bahagi ng gawaing ito.
Praise Report
Sa buong linggong nagdaan, papaano nagpapansin si Hesus sa iyo ng Kaniyang kabutihan? (hal. (1) may natapos kang deal / kontrata mula sa isang customer na matagal mo ng kinakausap; (2) muntik ka ng mahagip ng motor sa iyong pagtawid; (3) kahit wala kang trabaho ngayong ‘quarantine’, tuloy-tuloy pa rin ang probisyon ng pangkain mo at ng iyong pamilya).
Scripture
Umalis si Jesus at pumunta sa bayan sa malapit sa Tyre. Nag-stay sya sa isang bahay at ayaw niyang malaman ng mga tao na nandun sya, pero nalaman pa rin nila. Merong isang nanay na may anak na batang babaeng sinasapian ng masamang espiritu. Nalaman ng nanay na nandun si Jesus kaya nagmamadali syang pumunta at lumuhod sa paanan ni Jesus. Isa syang Gentile nataga-Phoenicia, lugar yun sa Syria. Nagmakaawa sya kay Jesus na palayasin ang masamang espiritung sumapi sa anak nya. Sabi ni Jesus, "Hayaan munang makakain ang mga bata. Hindi tamang kunin ang mga pagkain ng mga bata at ihagis sa mga aso."
Sumagot ang babae, "Pero sir, ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain din po ng mga pagkaing nalalaglag ng mgabata."
Kaya't sinabi ni Jesus sa kanya, “Dahil sa sinabi mo, umuwi ka na. Makikita mong lumayas na ang demonyong sumapi sa anak mo."
Umuwi ang nanay at inabutan ang anak nyang nakahiga sa kama. Wala na ang demonyong sumapi dito.
Message
INTRO:
Naranasan nyo na ba na nakipag-usap ka sa pamamagitan ng text message or call at di sumasagot ang kausap mo? Nakakailang text ka na, deadma! Nag-call ka pa, deadma! Nag-follow-up ka ng application mo internet, answering machine lang ang paulit-ulit na maririnig mo. At minsan kaharap mo pa ang kausap mo, deadma pa rin! Anung mararamdaman mo? (Keep your answers sa sarili mo, mamaya ay ibahagi mo as we go along sa pag-aaral ng ating Scripture text ngayong gabi)
BACKGROUND:
Matapos gumawa ng magkakasunod na mga himala, si Hesus ay patuloy na nagiging kilala at may mga turo Siya na direktang pagsalungat sa mga tradisyunal na turo ng mga Pariseo at mga Eskriba. At ito ay makikita sa usapin na ang nakarurumi sa tao ay hindi angpagkain na pumapasok at ang food itself kundi ang kundisyon ng puso at ang intensyon/motibo nito. At upang ipakita ang Kanyang direktang pagsalungat sa mga tradisyonal na turo ng mga Pariseo at mga Eskriba, Siya ay nagtungo sa lugar ng mga Gentile, ang rehiyon ng Tyre (ngayon ay Lebanon). Ang Tyre ay kaaway ng Israel at nung kapanahunan ni Hesus, ito ay kilala bilang mayamang lugar at dinodomina ang mga mahihirap na taga-Galileans.
MESSAGE PROPER:
Mula sa Galilea,si Hesus ay nagtungo sa Tyre subalit ayaw Niyang malaman na Siya ay naroroon. Bakit naman kaya Siya pupunta sa lugar ng mga Gentile at gagawing secret pa rin na Siya ay naroon? Maaring nais muna ni Hesus na magpahinga at magkaroon panahon na mapag-isa. Subalit may isang babaeng nakaalam ng Kanyang mga himalang nagawa at nung nagkasakit ang kanyang anak ay agad agad siyang lumapit kay Hesus upang pagalingin ang kanyang anak na sinasapian ng masamang espiritu. Ang nanay na ito ay isang Griyego, taga-Syro-Phoenecian. Ibig sabihin, isa siyang Gentile, hindi siya isang Jew.
Pinagaling ba agad ni Hesus ang kanyang anak?
Let’s go deeper. Alamin natin ang mga ginawa ng nasabing ina nung nalaman niya na nandun si Hesus na napabalitang nagpapagaling ng mga maysakit at gumagawa ng mga himala.
1. NAGMAMADALI SIYANG PUMUNTA – hindi nagpapetik-petik, nagmamadali sya..merong sense of urgency, excitement dahil meron siya ng malalapitan na makakatulong sa kanya alam niya rin kung sino ang lalapitan niya.
2. LUMUHOD SA PAANAN NI JESUS - nagpapakita ng kanyang pagpapakumbaba at ng marubdob na pangangailangan kay Hesus upang pagalingin ang kanyang anak.
3. NAGMAKAAWA CONTINUOUSLY KAY JESUS - nung sumagot si Jesus ng: "Hayaan munang makakain ang mga bata. Hindi tamang kunin ang mga pagkain ng mga bata at ihagis sa mga aso."
(Ayon sa mga commentarists, ang quotation na ito ay nangangahulugan na bilang promised Messiah ang ministeryo ni Jesus ay una muna para sa mga Israelita o mga Hudyo ngunit meron ding takdang panahon na ang gospel ay makakarating din sa mga Gentile). At dahil ang nanay ay nagmula sa mga Gentile hindi siya agad-agad na tinugon sang-ayon sa kanyang pangangailangan right at that moment na nagsabi siya kay Jesus. PRIORITY ang mga Jews. Sila muna ang dapat bigyan ng pansin, ang alagaan at asikasuhin. Ano kaya ang mararamdaman nung nanay? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ay na-deny sa iyong kahilingan? Or i-ignore ang iyong request at maipagkumpara sa isang alagang aso? (Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maglahad ng kanilang katugunan)
Ang tugon ng babaeng Gentile: "Pero sir, ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain din po ng mga pagkaing nalalaglag ng mga bata."
Ouuucchhh...napakasakit naman na ihambing sa isang dog...pero patuloy na nagmakaawa ang babae, hindi sya na-offend bagkus ay tinanggap nya ang paghahambing sa isang aso (alagang aso). Kinikilala ng babae na bagama't siya ay isang Gentile ay maaari pa rin siyang makatanggap ng blessing kahit na iyon ay nagmumula lang dun sa nalalaglag. Hindi sya ang priority, hindi sya ang una, magkaganunma'y ipinakita niya at ipinaramdam nya kay Jesus ang kanyang willingness na kung ano lamang ang malalaglag/matatapon mula sa mesa, iyon ay kapareho din ng pagkain na kinakain ng bata at iyon ay isang malaking pagpapasalamat at kanyang tatanggapin.
4. TUMUGON SI JESUS SA KAKULITAN NG BABAE
Kaya't sinabi ni Jesus sa kanya, “Dahil sa sinabi mo, umuwi ka na. Makikita mong lumayas na ang demonyong sumapi sa anak mo."
Dahil sa tugon ng babae (v.28), nakita ni Jesus ang kundisyon ng kanyang puso, bagamat siya ay isang Gentile, Ang Panginoong Hesus ay tumugon na di pa man niya nakikita ng personal ang kanyang anak. Pinalaya na ni Jesus sa masamang espiritu ang kanyang anak.
Hindi lamang niya napakinggan, ito ay kanyang nakita nung siya umuwi na ang kanyang anak ay nakahiga na sa kama.
(Note: ang kanyang ay payapa ng nagpapahinga ng kanyang makita sa kanyang pag-uwi)
CONCLUSION:
Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa o ng buong mundo dahil sa pandemya, dumarating sa bawat isa ang katanungan o kaisipan, ini-ignore ba ng Dios ang ang kahilingan ng kanyang mga Kanyang mga anak? Ilang buhay pa ang mawawala dulot ng pandemyang ito? Mga sakit na ilang buwan o taon ng ipinapanalangin subalit walang kasagutan. Mga pangangailangan sa araw-araw (pagkain, tirahan, mga bayarin sa tubig, kuryente)
Ang babaeng Gentile ay nagbigay ng napakagandang halimbawa ng paglapit kay Hesus: may pagmamadali, pagpapakumbaba, nagmakaawa (nagmamakulit, nagpupumilit) kay Hesus na bigyang katugunan ang kanyang kahilingan para sa anak na nangangailangan ng kagalingan.
Anuman ang ating pangangailangan ngayon gabi, ilapit natin ito sa Panginoon katulad ng ginawang paglapit ng babaeng Gentile. Tayo ay mga Gentile, subalit binigyan din tayo ng karapatan na lumapit sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesus. Kay Hesus, hindi ka made-deadma J
Intercession
Magpasalamat tayo at sambahin ang Ating Panginoong Dios!
Magpartner-partner at magpanalanginan sa isa't isa (yung mga panahon na nai-ignore mo ng sinasadya o di sinasadya ang iyong ka-partner, maaari ding humingi ng sorry sa bawat isa)
Ipanalangin ang mga maysakit ng COViD at ang mabilis na pagdami nito sa ating bansa. (Maaring isama sa panalangin ang mga kakilala na naapektuhan na ng virus)
Ang mga churches (Foursquare at non-Foursquare) na dahil sa mga pangyayari ay mapipilitang magsara pangsamantala. Na sa kanilang pagkakaroon ng ONLINE SERVICES ay mas marami ang maabot ng gospel.
Ang pagbubukas ng klase sa August 24. Kahandaan ng bawat estudyante at bawat guro sa panibagong sistema ng pagtuturo. Ito ay maging produktibo at maabot ang antas na dapat matutunan ng bawat mag-aaral.
Ang mga nag-open online businesses (food, equipments, furniture, clothing, footwear), na ito ay pagpalain at paunlarin ng Panginoong Hesus.
Ang ating government officials and leaders (magmula sa Pangulo hanggang sa mga Barangay captain dahil sa muling pagsasailalim ng NCR at iba pang lugar sa MECQ).
Ang bawat Pilipino na maging mapagbantay at masunurin sa ipinatutupad ng ating government.
Other matters
Offering
Announcements
Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, 5 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.
Picture Taking
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.
Snacks & Closing Prayer
Mag-assign muili ng isa upang magpasalamat sa katugunan ng mga panalangin natin; mag-declare ng biyaya sa lahat at pag-iingat ng Banal na Espiritu sa buong lingo na naman na darating. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyaya ng Diyos.
Comments