top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 22

Below is our Family Prayer Cell material for Aug 19, 2020.



Maling Akala

August 19, 2020

Mark 10:35-45

by Ptr. Noolen Mayo

 

Opening Prayer

Hayaan natin na pangunahan tayo ng ating facilitator na buksan sa panalangin upang maging ayon sa kalooban ng Diyos ang lahat ng gawain natin sa FPC at maging focus ang bawat isa sa pakikinig ng Salita at pananalangin.


Welcome

Ngayon ay miyerkules ng gabi na naman at isang linggo na naman ang nakalipas. Nawa ang gabing ito ay mabuksan ang ating kaisipan sa motibo kung paano tayo manalangin sa mapagmahal na Diyos.


Announcements

Pero bago ang lahat, eto muna ang ating mga dapat matandaan…

  • Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, 5 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.

  • Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.

  • Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.


Praise Report

Tunay na napakabuti ng ating Diyos at hindi Niya tayo iniiwan o pinapabayaan man. I-encourage natin ang isa’t isa kung paano sinagot ng Diyos ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng ating mga patotoo. Nais sana nating ito ay naka-sentro sa kadakilaan ng ating Diyos.


Praise and Worship

Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aawit. Pumili ng isang mabilis na kanta at isang mabagal na kanta mula sa mga inaawit sa simbahan.


Intro


Katulad nila James at John, bilang malapit sa Panginoong Hesus (kasama sa ‘inner circle’ kabilang si Peter) tila ba napakadaling humingi ng hiling na ninanais nila para sa kanilang sarili. Ito ay maka-upo ang isa sa kaliwa at ang isa naman ay sa kanan ng Panginoong Hesus kapag Siya ay nasa kaharian na.

Katulad natin na tinatawag na mananampalataya ni Hesus, para bang ang paghingi natin sa Kanya ay napakadali at ito ay laging ayon para sa ating sarili (proteksyon sa kapahamakan, kagalingan sa sakit, probisyon sa araw-araw at kalakasan ng pangangatawan). Hindi ko sinasabi na mali ito ngunit kung hindi ito magbibigay ng kaluwalhatian sa kaharian ng Diyos, nasa maling motibo tayo sa paghiling o pananalangin.


Tignan natin kung papaanong nasa tamang motibo ang pananalangin natin ayon sa Mark 10: 35 – 45. Nire-request ko na ang ama ng tahanan ang magbasa nito ng malakas at malinaw habang pinapakinggan naman natin ito at iniintindi.


Scripture

Basahin ang Mark 10:35-45.


Message


1) KUNG ANG HILING AY UGNAY SA PAGTITIIS AT PAGHIHIRAP NI HESUS, MANGYARI NAWA ANG NAIS NIYA (Mark 10: 38)


Alam natin na naparito sa lupa si Hesus ay upang magdusa at mapahirapan para sa ating kaligtasan. Kung masusunod lang ang Kanyang naisin (Mark 14: 36), ayaw Niya ito ngunit kailangang mangyari ang kalooban ng Diyos Ama para sa ating kaligtasan.

Bakit nangyari o nangyayari ang pandemiyang ito? Marami tayong natutunan sa sitwasyon na ito…hindi karangyaan ang higit sa lahat ngunit ang mag-depende sa ating Manlilikha; sa isang iglap ay pede mawala ang lahat (trabaho, mahal sa buhay, maayos na kalusugan, yaman at iba pa) ngunit ang seguridad ay nasa Diyos lamang.

Nagpapatunay lamang ito na kailangan nating dumaan sa ganito upang mangyari ang kalooban ng Diyos na maranasan din natin kahit papaano ang pagtitiis at hirap na ginawa ni Hesus kahit wala ito sa kalingkingan ng Kaniyang ginawa.

Hindi lagi masaya ang buhay, nararanasan nating mapahiya dahil sa ating pananampalataya kay Hesus; may nadiddisgrasya upang makita ang himala Niya; minsan tayo ay nag-iisa upang maranasan ang yakap ng Kaniyang pagmamahal. Kailangan lang natin maintindihan ang nais Niya ang Siyang magtagumpay.

2) KUNG ITO AY UGNAY SA PAGLILINGKOD KAY HESUS, MASUNOD NAWA ANG KALOOBAN NIYA (Mark 10: 43 – 44)


Katulad nga ni Hesus, Siya ay naparito upang HINDI PAGLINGKURAN ngunit Siya ay naparito upang maglingkod. Ang hiling nila James at John ay upang sila ay paglingkuran, naghahangad sila ng kapangyarihan o kaluwalhatian para sa kanilang sarili kaya na-bad trip din sa kanila ang mga disipulo.

Ang panalangin ba natin ay upang makapaglingkod sa kaharian ng Diyos? Nananalangin tayo na pagyamanin ng Diyos pero hindi tayo marunong na maging mabuting katiwala sa mga biyaya Niya; ninanais natin na maging tanyag o kilala sa lipunan pero takot tayong magbahgi ng Kanyang Salita; gusto natin ng maayos na kalusugan pero hindi man lang natin makamusta ang iba pa nating kapatiran.

Alalahanin natin na ang isang layunin natin sa buhay ay mag-ministry pero hanggang ngayon takot pa rin tayong maglingkod sa kapwa o kaya naman ang ninanais natin ay maging makapangyarihang leader pero naghahari-harian lang naman (Mark 10: 42).

Tayo ay nabubuhay hindi lang para sa sarili natin o kaya naman para lang sa pamilya natin. Kaya kapag nanalangin tayo, naisin natin kung paano nating mapaglingkuran ang kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

CONCLUSION:


Madalas nating mga panalangin ay para lang sa ating kapakanan o para sa ating pamilya ngunit hindi natin nauunawaan ang motibo nito ay kadalasan para sa pansarili lamang. Baguhin natin ang ating pananaw sa pananalangin; dapat ito ay para sa kaligtasan ng karamihan (tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon) at paglilingkod sa Kaniyang kaharian.

Huwag tayong maging katulad nila James at John na may pansariling layunin. Maging katulad natin si Hesus na mas minabuting unahin ang kalligtasan ng sanlibutan at mapaglingkuran ang sangkatauhan kaysa sa sariling kapakanan.

Intercession


Tayo ay dumako sa pananalangin para sa iba’t ibang pangangailangan ng ating mundo, bayan, simbahan, pamilya at sarili…

1) Sabay-sabay ang buong pamilya sa pananalangin na sa gitna ng pandemiya ay gamitin ang sitwasyon na ito upang mas marami pa ang makakilala sa Panginoong Hesus bilang sariling Tagapagligtas at Panginoon.

2) Idulog ng mga nanay ang mga ‘missionaries’ na kahit wala sila sa comfortable zone ng buhay nila ay maranasan nila ang kalinga ng Diyos nasaan man silang dako ng mundo. Isama na rin natin ang proteksyon at pangangailangan nila.

3) Ang bawat isa ay manalangin na tayo mismo ay magamit upang maihayag ang Kaniyang Salita kahit nasa tahanan, opisina, school o kaya nasa ibang bansa man tayo. Magkaroon ng karunungan at lakas ng loob upang magbahagi ng Salita.

4) Ang mga lingkod ng Diyos (pastor, church leaders / workers) ay nangangailangan din ng panalangin. Pangunahan naman tayo ng mga panganay na idulog ang patuloy na anointing ng Diyos para sa kani-kanilang ministries.

5) Para sa mga pangalawa naman - Ang mga lingkod ng bayan (mula sa president, municipal / city mayors at barangay captains) naman kung saan ito ang kanilang layunin ay magampanan nila ito ng may takot sa Diyos at sumusunod sa katuwiran ng Salita ng Diyos.

6) Patuloy na makapaglingkod pa sa kaharian ng Diyos ang mga seniors (ayon sa kanilang kakayahan); mga may sakit (pagalingin upang maglingkod sa Diyos) at mga professionals (inspite of time constraints) ay makahanap ng panahon para maglingkod.


Offering



Closing Prayer

Inaasahan naman natin ang mga bunso na wakasan tayo sa pananalangin. Maging mapagpasalamat sa katugunan ng Diyos at maging ayon sa nais at kalooban ng Diyos ang ating mga naging panalangin. Isama na rin ang pagpapasalamat sa biyaya ng Diyos na ating pagsasalu-salohan.


Snacks & Picture Taking

Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

237 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page