top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 23

Updated: Aug 24, 2020

Below is the material for our Family Prayer Cell on August 26, 2020.



Magpakatotoo

August 26, 2020

Mark 11:12-19

by Ptr. Glo Bernal-Oyco

 

Welcome

Wow! Tunay na napakabuti ng Dios! March 15 nung nag-start ang Quarantine period, five and a half months na! 164 days to be exact...And our God continuesly showed His favor to us sa iba't ibang kaparaanan. Nawa ay excited pa rin ba tayo na kapag Wednesday at Sunday ay tayo-tayo pa ring magkakapamilya ang magkakasama? Nagsasawa ka na ba? Yung totoo? :) Five days na lang, at BER months na. Magbago man ang panahon, patuloy tayong magbigay ng kapurihan sa Kanya sa kabila ng lahat ng nararanasan natin dahil Siya ay laging totoo at tapat sa atin :)


Praise and Worship

Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aawit.


AKO'Y MAGPUPURI SA PANGINOON VERSE: C#m F#m AKO’Y MAGPUPURI SA PANGINOON G# C#m AKO’Y MAGPUPURI SA PANGINOON C#m F#m AKO’Y MAGPUPURI SA PANGINOON G# C#m PURIHIN NATIN ANG PANGINOON CHORUS: B PURIHIN SI YAHWEH E PAGKAT SIYA AY MABUTI G# C#m KANYANG INILIGTAS ANG MGA API B MAGPUPURING LAHAT E ANG ‘YONG NILALANG A G# SA PAG-IBIG MONG WALANG HANGGAN

DRAW ME CLOSE TO YOU F Bb/F C/F F Dm Bb Dm Bb/C (2x) (help me find a way) F Bb C F Cho F Bb/F F Dm Bb C F Bb/F F Gm Bb/C C F Verse: Draw me close to you Never let me go I lay it all down again To hear you say that I'm your friend You are my desire No one else will do 'Cause nothing else can take your place To feel the warmth of your embrace Help me find the way Bring me back to you Chorus: You're all I want You're all I've ever needed You're all I want Help me know You are near


Opening Prayer

Ang pinakapanganay na anak na kasama sa FPC ang syang manguna sa panalangin.


Praise Report

Magpakatotoo sa ating patotoo. I-encourage natin ang isa’t isa kung paano sinagot ng Diyos ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng ating mga patotoo. Nais sana nating ito ay naka-sentro sa kadakilaan ng ating Diyos. Siya ay totoong sumasagot sa ating mga panalangin :)


Scripture

Mark 11:12-19 (Isa-isang magbabasa ng bawat verse ng lahat ng miyembro ng pamilya)


12Kinabukasan, dumating sila galing Bethany. Gutom na noon si Jesus. 13May nakita syang isang madahon na fig tree sa di kalayuan. Lumapit sya para tingnan kung may makukuha syang bunga dun. Pero, puro dahon dahon lang ang nakita nya kasi hindi pa panahon para mamunga ang mga fig trees. 14Sabi niya sa fig tree, "Wala nang kahit sinong makakakain pa ng bunga mo!"


15Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok si Jesus sa Temple. Pinagtabuyan nya palabas ang mga nagtitinda ng kalapati. 16Hindi nya pinayagang dumaan sa compound ng Temple ang sino mang may dalang paninda. 17Pagkatapos, nagturo sya at nagsabing, "Nakasulat sa Scriptures, 'Ang Temple ko ay tatawaging house of prayer para sa lahat ng mga bansa' pero ginawa ninyo itong hide out ng mga magnanakaw!"


18Narinig ng mga chief priests at ng mga teachers ng Law ang sinabi ni Jesus, kaya nag-isip sila ng paraan para patayin sya. Natatakot kasi sila sa kanya kasi sobrang bilib na ang mga tao sa mga sinasabi nya.


19Nung gabing yun, lumabas ng city si Jesus at ang mga disciples nya.


Message


Kapansin-pansin ang emosyon ngunit totoong reaksyon ng ating Panginoong Hesus sa mga talata na ating binasa. Bukod sa mga talatang ito, meron pa bang pagkakataon na nabasa ninyo na si Hesus ay nagpakita ng ganitong mga reaksyon?Anu ang iyong naramdaman nang si Hesus ay nagalit? Hindi lang sya nagalit, nagbigay pa Siya ng sumpa (curse). Dalawang matinding emosyon: NAGALIT NG MAY ANGAS (FURIOUS – galit na galit) at NAGBITIW NG SUMPA. Pwede naman palang magalit? At magbitiw ng curse? Pero bakit nga ba ang isang mapagmahal na Tagapaglitas, at nagbigay ng Kanyang buhay para sa katubusan ng lahat ng tao ay nagpakita ng ganitong mga emosyon?


Ang mga Bible scholars/commentarists ay nag-iisip din bakit ang isang puno ng fig tree ang paglalabasan ni Hesus ng Kanyang galit. Dahil ba sa Siya ay nagugutom at wala siyang nakitang bunga, sa Kanyang paglapit sa puno ng igos (fig tree)?

Samantalang nung panahon na iyon ay sadyang di pa panahon ng pagbunga ng igos. Natural marahil na wala pa Siyang makukuhang bunga kaya’t para bang di makatarungan na kagalitan at sumpain ang puno ng igos?


Ito ang unang pagkakataon na instead na magbigay si Hesus ng himala or magperform ng miracle, curse ang Kanyang sinabi. Bakit kaya?


Sang-ayon sa pag-aaral, may dalawang klase ng panahon ng pagbunga ang puno ng igos: kapag lumilitaw na ang mga dahon ay sabay na magkakaroon din ng mga mumunting buko (little nubs – see Figure 2) ng bunga. Or yung tinatawag na maliliit na buko before magkaroon talaga ng mga bunga. At ito ay pwedeng kainin, ang mga makakakita nito ay pwedeng pumitas at maibsan ang kanilang gutom. Ang mga mumunting buko na ito ay lalaki at mahihinog (see Figure 1). Hindi pa nga panahon ng pagbunga ng igos, subalit dahil sa mga dahon (see Figure 2), ito ay nagpapahiwatig na siya may bunga.



Figure 1.Fruit of fig tree

Figure 2.Fig tree leaves

Ito ang dahilan kung kaya't nilapitan ni Hesus sa pag-aakalang siya ay makakapitas ng bunga. Ngunit sa kabila ng napakaraming dahon, ay wala Siyang nakita kahit mumunting buko ng igos. Nagugutom siya, gusto niyang kumain pero fake pala yung dami ng dahon na Kanyang nakita. Na kung titingnan sa malayo ay malusog subalit sa malapitan ay maituturing na dead tree dahil hindi niya nagagawa or naibibigay ang DAPAT NA GINAGAWA o INAASAHAN sa kanya. Dahil dito ang puno ng igos na ito ay nagpapakita ng pagpapa-imbabaw o pagkukunwari (show-off) na siya ay may bunga ngunit sa katotohanan ay wala naman pala. (v.13)


Hindi siya nakapagpakita ng munti mang bunga sa kabila ng malago niyang dahon. Hindi siya nagpakatotoo. Ano ang implication nito sa buhay- Kristyano?

REFLECTION:

  1. Gaano katagal na tayong nakakilala kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas? Sa loob ng panahong iyon, may mga pagbabago na bang nangyari sa iyong buhay na nagbunga ng maganda upang makita ang resulta ng iyong pagiging Kristyano? (Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa upang makapag-share)

  2. Kung ikaw personally ang tatanungin, anu kaya ang magiging reaksyon ni Hesus sa iyong Christian walk?

Ang verses 15 - 19 ay masusing naipaliwanag sa ating Livestreaming last August 23, 2020 na kung saan ay nagpapahayag na may nakalaang lugar para sa mga Gentile sa loob ng templo, subalit dahil sa ginawang "palengke" pamilihan ang lugar na para sa kanila ay nawawalan ng pagkakataon ang mga Gentile na makapasok sa templo ng Panginoon. Ang Dios natin ay Dios ng mga Hudyo o Gentile man...Hindi Siya nagtatangi, Kanyang ipinaabot hanggang sa mga Gentile ang Kanyang kagandahang-loob ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo-Hesus. Nakalulungkot na ang kadahilanan pa ng di sila nakakalapit sa Panginoon ay dahil na rin sa ating mga ginagawa o halimbawa ng isang taong nakakilala kay Hesus or in simple term...di maganda ang nagiging patotoo ng Kristyano at nai-stumble ang mga kamag-anak, kapitbahayan, mga kasamahan sa trabaho at mga tao sa kanyang kapaligiran. Samakatuwid ay napipigilan ang paglapit ng mga tao sa Kanya.


REFLECTION:

  1. Mayroon na ba tayong tao/mga tao na napipigilan ang paglapit sa Panginoon dahil sa ating patotoo? (bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapag-isip at makapag-evaluate)

  2. Kung meron man, anung hakbang ang maari mong gawin upang ikaw ay maging bukas na daan ng paglapit ng tao/mga tao kay Hesus?

CONCLUSION:


Lahat tayo ay may kanya-kanyang kahinaan, sa biyaya ng Dios ay gawin nating kalakasan ang mga kahinaang ito...magpakatotoo tayo. Totoong mabunga at totoong nagiging magandang halimbawa upang ang mga tao ay patuloy na makakilala at makalapit sa ating Dios.


Intercession


Tayo ay dumako sa pananalangin para sa iba’t ibang pangangailangan ng ating mundo, bayan, simbahan, pamilya at sarili…

1) Ang bawat isa ay magkaroon ng personal na pananalangin sang-ayon sa lesson ng ating napag-aralan.


2) Ipanalangin ang bawat miyembro, workers and leaders ng church na ang bawat isa ay maging mabungang Kristyano. Ang bawat isa ay magamit upang maihayag ang Kaniyang Salita kahit nasa tahanan, opisina, school o kaya nasa ibang bansa man tayo. Magkaroon ng karunungan at lakas ng loob upang magbahagi ng Salita.


3) Ipanalangin ang bawat churches (Foursquare and non-Foursquare) na maging masigasig sa missions. Sang-ayon sa ating nakita sa Missiosn report last Sunday ay napakaliit na porsyento ang nagri-respond sa mission field sa mga lugar na hindi pa nararating ng gospel.


4) Ipanalangin ang lahat ng may karamdaman (i-mention ang kanilang mga pangalan); ang mga nalulungkot/nalulumbay, ang mga may anxiety disorders, ang mga mga nagre-recover sa COViD, speedy recovery ng nag-undergo ng operation at mag-a-undergo ng operation.


5) Sang-ayon sa survey, during Livestreaming ang panonood sa bahay ay nagkakaroon ng mgaraming distractions, ipanalangin ang pagkakaroon ng concentration sa panonood at ang reflection at action plan after watching.


6) Ang pag-submit ng bawat Pilipino sa ipinapatupad ng ating pamahalaan.


7) Other matters


Offering



Announcements

Pero bago ang lahat, eto muna ang ating mga dapat matandaan…

  • Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, 5 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.

  • Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.

  • Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.


Victory Song & Closing Prayer


Snacks & Picture Taking

Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

179 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page