Below is the material for our Family Prayer Cell on June 15, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
WHO ARE YOUR FRIENDS?
By: Ptra. Kay Carolino
1. Introduction
Kapag nasusundan natin ang sermon serye, makikita natin na napaka-intentional ni Hesus sa Kanyang mga ginagawa Niya kahit na mga day-to-day at basic na activities: kumain, lumakad, gayundin ang matulog, at magkuwentuhan. Katulad ng ginagawa natin ngayon. Sinasadya nating gawin ang FPC na ito para ang layunin ng Dios ay mangyari. Hindi saying ang ating pagtitiyaga kahit 1, 2 3 o higit pa tayo! Gagawin ng Dios ang Kanyang mga sinabi lalo na’t tayo ay hindi lang basta nilalang NIya kungdi mga anak Niya at tinuturing Niyang Kanyang mga kaibigan.
2. Pag-aawitan
I am a Friend of God
Who am I that You are mindful of me
That You hear me, when I call
Is it true that you are thinking of me
How You love me
It's amazing
I am a friend of God
I am a friend of God
I am a friend of God
He calls me friend
God almighty Lord of Glory
You have called me friend
3. Pambungad na Panalangin
Dios naming Ama, salamat po sa pagturing Ninyo sa amin bilang Inyong mga kaibigan. Kaya nagpapasalamat po kami sa patuloy Ninyong pag-iingat sa amin sa buong linggo. Salamat po sa probisyon, sa karunungan, sa trabaho, sa spiritual family ng JCLAM, sa mga taong nanalangin para sa amin, sa mga kaibigan, sa mga mahal sa buhay, at sa mga ministries at spiritual gifts po Ninyo sa amin.
Panginoon, itinatagubilin po naming sa Inyo ang Family Prayer Cell na ito. Nawa ay malugod po Kayo at hindi po namin gawin ito bilang obligasyon sa pagsunod sa utos.
Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong kasagutan. Sa ngalan ni Hesus.
4. Scripture Reading
2 Timoteo 4: 9-18 (MBBTAG) Mga Personal na Tagubilin
9 Sikapin mong makapunta dito sa lalong madaling panahon. 10 Iniwan na ako ni Demas dahil sa kanyang pag-ibig sa daigdig na ito; pumunta siya sa Tesalonica. Si Cresente naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmacia. 11 Si Lucas na lamang ang kasama ko rito. Hanapin mo si Marcos at isama mo rito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gawain. 12 Pinapunta ko sa Efeso si Tiquico. 13 Pagpunta mo rito, dalhin mo ang aking balabal na naiwan ko sa Troas sa bahay ni Carpo. Dalhin mo rin ang mga aklat, lalo na iyong mga gawa sa balat ng hayop.
14 Napakasama ng ginawa sa akin ng panday na si Alejandro. Pagbabayarin siya ng Panginoon sa kanyang mga ginawa. 15 Mag-ingat ka sa kanya, sapagkat mahigpit niyang sinalungat ang ipinapangaral natin.
16 Sa unang pagharap ko sa hukuman ay walang sumama sa akin; pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. 17 Ngunit sinamahan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang makapangaral nang lubusan sa lahat ng Hentil, at ako'y naligtas sa tiyak na kamatayan. 18 Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin nang ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman! Amen.
***
9 Timothy, please come as soon as you can. 10 Demas has deserted me because he loves the things of this life and has gone to Thessalonica. Crescens has gone to Galatia, and Titus has gone to Dalmatia. 11 Only Luke is with me. Bring Mark with you when you come, for he will be helpful to me in my ministry. 12 I sent Tychicus to Ephesus. 13 When you come, be sure to bring the coat I left with Carpus at Troas. Also bring my books, and especially my papers.[a]
14 Alexander the coppersmith did me much harm, but the Lord will judge him for what he has done. 15 Be careful of him, for he fought against everything we said.
16 The first time I was brought before the judge, no one came with me. Everyone abandoned me. May it not be counted against them. 17 But the Lord stood with me and gave me strength so that I might preach the Good News in its entirety for all the Gentiles to hear. And he rescued me from certain death.[b] 18 Yes, and the Lord will deliver me from every evil attack and will bring me safely into his heavenly Kingdom. All glory to God forever and ever! Amen.
5. Message
Intro: Hanapin lahat ang nakikita ninyong pangalan sa Bible passage natin ngayon. Hanapin kung sino ang mga nakatulong…at sino ang mga nang-iwan. (5 minutes)
Ano ang nadiscover nyo? (Check n atin kung tama ang classification natin sa kanila)
Ang ating binasa ay mga tagubilin ni Pablo kay Timoteo. Until his last message, he was quite frank and even named names. Nagbanggit ng mga pangalan…mga pangalang noon pa nabuhay ngunit nababasa natin hanggang sa ating panahon.
Pause: Kung ikaw kaya yung isa sa mga nabanggit na pangalan, ano kaya ang magiging pakiramdam mo? Ano nga kaya ang motibo ni Pablo sa pagname-drop sa kanila?
Unang-una, pinapakita sa atin ni Pablo na:
1) May mga kaibigan siya. Name his friends. Iba’t iba ang kanilang mga gawain. Hanggang sa huling verses ng chapter 4 (open your Bible). Hanapin ang mga verses.
2) Nasubok ang friendship nila nang si Pablo ay inuusig ng Roman government. Marahil natakot sila. Hanapin ang verse/s
3) Mapapansin natin na hindi lang personal friends kungdi malaking tulong sa ministry. Hanapin ang verses na kung saan nabanggit yung tulong sa ministry. Hindi siya iniwan sa ministry.
4) Marahil, mga kaibigan din niya lahat sila ngunit, sa kalaunan, ay iniwan na siya. At may binanggit na dahil kung bakit siya iniwan. Hanapin ang verse/s na iyon.
5) Nananatili rin siyang ‘close’ sa mga kaibigan niya. Hanapin ang verses.
6) Very comfortable si Pablo sa mga friends niya dahil may mga personal siyang bilin. Hanapin ang verse’s na iyon.
7) Alam niyang ang Dios na ang bahala sa mga “kaibigan’” na gumawa sa kanya nang hindi mabuti
Application: Who are your friends? In your mind, maaari ka bang magisip ng 7 pangalan na maaari mo ring mabanggit ang naitutulong sa iyo?
Refelction: Kung tayo ang kaibigan ng iba, ano kaya ang maaari nating gawin para ang mga kaibigan natin ay manatili o kaya patuloy na maglingkod sa Dios?
Kung tayo naman ang kanilang kaibigan, ano ang mga bagay na maaari nating iwasan para hindi mapunta sa hindi amgandang ending ang ating mga relasyon.
Tototoong nakakahinayang ang mga sandalling nagkasama, ngunit kung nagiging TOXIC na, at hindi na nagbibigay ng kaluguran sa Dios, mas bigyang pansin na lang natin ang mga kaibigang nagkakatulungang iangat ang antas ng pagmamahal at paglilingkod sa Dios.
Kung ngayon ka pa lang maghahanap ng friends, ano ang maaari mong maging goal?
Mabuti na lamang na si Hesus ay ating CONSTANT FRIEND. Anytime, anywhere..Hindi nangiiwan.
6. Praise Report
Ipatotoo o sabihin sa mga kasama mo kung paano mo pinasasalamatan ang Dios ang mga friends mo ngayon – paano sila binigay ng Diyos sa iyo bilang regalo..
7. Pananalangin
1. ASK GOD FOR GODLY FRIENDS!
2. CHANGES IN CHURCH STRUCTURE AND DISCIPLESHIP PLANS
3. FATHERS, SINGLE FATHERS, WIDOWERS, SPIRITUAL FATHERS
4. OFWS
5. BUSINESSMEN
6. CHURCH LEADERS
(Kung may gustong umawit:That’s What Friends Are For)
8. Closing Prayer
9. Announcements
1) Physical Service is back. Register through https://bit.ly/mfgcevents
2) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3) We have daily prayer items posted on FB. Isama sa ating panalangin ang mga ito.
Mag-type ng AMEN kung nagawang magpray.
4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH.
Click subscribe. Like the videos when you have watched them 5) Children’s Church via Zoom every Saturday, 9AM to 11AM.
6) Like and subscribe to our You Tube MMND PAP ALBUM 2 ‘DAKILA’
7) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Bình luận