Below is the material for our Family Prayer Cell on September 2, 2020.
Keep Advancing
September 2, 2020
Luke 2:40/52
by Ptr. Kay Carolino
Welcome
Opening Prayer
Praise and Worship
Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aawit.
DAY BY DAY
(D7) G C G Em
Day by day, I’ll walk a little closer to my Lord
Am - D G
day by day, day by day (repeat)
G7 C G
Where He leads me, I will follow
A7 D
Where he sends me, I will go.
G C G Em
Day by day, I’ll walk a little closer to my Lord
Am - D G
day by day, day by day (repeat)
GIVE THANKS
F A Dm Am
GIve thanks with a grateful heart, give thanks to The Holy One
Bb F Eb C
Give thanks because He’s given Jesus Christ, His Son (Repeat)
Dm Gm C Am
And now, let the weak say “I am strong”, Let the poor say, “I am rich”
Dm Eb - C F
Because of what the Lord has done for us. Give thanks.
Praise Report
Maraming dapat ipagpasalamat sa Dios. Kung titingnan natin ang bawat aspeto ng ating buhay, tiyak na may makikita kang maaari mong ipagmamapuri sa Dios.
Hahatiin natin ang ating testimony ayon sa aspeto:
Mauna muna ang gustong magpasalamat sa kanilang pisikal na kalagayan
Susunod yung mga masaya or emotionally steady
Mag-thank You sa Panginoon yung may mga tao sa paligid nila na nag-encourage sa kanila
Sino ang nagpapasalamat sa mga bago nilang natutunan sa buhay - politika, current events, pagluluto, pagtatanim, etc.
Magpuri ang mga natutuwa sa kanilang paglago sa Dios
Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
Message
"Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao."
Mahalaga ang paglago. Sino ba naman ang ayaw ng paglago. NGayong pandemya, inaabangan o nakikita na natin ang paglago ng:
1. Buhok - bawat pagsuklay, kakashampoo at dahil sa stress, maraming nagsisinipis na buhok..falling hair..at nawa sa tulong ng aloe vera plant ay tumubo muli (haha!) Para sa iba, tuluy-tuloy ang paghaba, pagkapal ng buhok na nagiging ermitanyo na (haha) at mga oppa (k-pop).
2. Halaman - sa parami na parami na mga plantitas at plantitos, nakakatuwang makita ang paglago ng mga tinanim na gulay, bulaklak o ornamental plant...nakaklungkot kapag nagsilanta at namatay. Habang lumalaon, yung mga lumalago ay gusto nating i-share sa FB kasi masarap ang feeling. Lalo na kung nakakaharvest na ng kakainin for the day doon.
3. Pera - nadadagdagan dahil sa pagdami ng clients, napopromote sa trabaho, nakakatanggap ng tulong ng gobyerno kahit mahaba ang pila...ang mahalaga, lumalago ang laman ng wallet.
Maganda ang mga ito ngunit, kailangan nating makita ang ating paglago bilang tao -- sa bawat aspeto ng ating buhay. Tingnan natin si Hesus. He grew up in right proportion or balance. Look at the verse again. Anu-anong mga speto ni Hesus ang lumago?
1. He grew in stature - Lumaki sa pangangatawan. Hindi sinabi sa Bibliya ang buhay ni Hesus after dinedicate Siya sa templo. HIndi sinabi ang edad nung tumakas silang pamilya. Nung nasa Tween age na Siya uli nabanggit (12 years) nung naiwan Siya sa templo. Ngunit, hindi maitatanggi na lumaki Siyang malusog. Fast forward, hindi kakayanin ng isang ‘undernourished’ o mahinang tao ang pinagdaanan ni Hesus sa krus ng Kalbaryo. Malamang, Siya ay naging maliksi at malakas na bata.
2. He grew in wisdom - Lumawak ang Kanyang karunungan. Napaligiran si Hesus ng isang pamilyang may takot sa Dios. Hindi tayo magugulat kung nag-aral din Siya ng Torah (The Law), pinapakabisado pa nga ito sa mga batang Judio, sa edad na 6 -- ayon sa kostumbre/custom ng Jews. He was growing intellectually according to the instructions and study of The Scriptures.
3. He grew in favor with God - Lumaking kalugud-lugod sa Dios. Being raised in a spiritual home, malamang na natutunan NIya kung paano bigyan ng kaluguran ang Dios. Natutunan Niya ang respeto sa Dios, pagiging mabuting tao, at pagtitiwala sa Kanya.
4. He grew in favor with man - Lumaking kalugud-lugod sa mga tao. Jesus had favor with God. Kaya, ang kasunod nito ay favor with man. Ang bunga ng pagiging tama sa harap ng Dios ay magiging pleasant o kaiga-igaya sa ibang tao. Nagkakaroon ng ‘good manners and right conduct’, kumbaga. Jesus became a good person, responsible, industrious (most likely, helping (assisting kahit sa pagbigay ng pako? Pagabot ng maliit na kahoy?) his father Joseph in carpentry or construction tasks. Malamang, gusto rin Siya ng mga kalaro nito kasi hindi Siya gumaganti kapag nakanti.
Ang paglago ni Hesus ay balanced - in proportion ito. Bawat aspeto ng buhay Niya ay maayos na lumalago. Ang ibig sabihin din ng “HE INCREASED” ay “HE KEPT ADVANCING” - parang pagpasok ng isang army nang may paghawi sa mga nakaharang na mga masukal at matataas na halaman o puno ---- malakas, mabilis, maayos, walang sagabal.
REFLECTION:
Gaano katagal na tayong nakakilala kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas? Sa loob ng panahong iyon, may mga pagbabago na bang nangyari sa iyong buhay na nagbunga ng maganda upang makita ang resulta ng iyong pagiging Kristyano? (Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa upang makapag-share)
Kung ikaw personally ang tatanungin, anu kaya ang magiging reaksyon ni Hesus sa iyong Christian walk?
Ang verses 15 - 19 ay masusing naipaliwanag sa ating Livestreaming last August 23, 2020 na kung saan ay nagpapahayag na may nakalaang lugar para sa mga Gentile sa loob ng templo, subalit dahil sa ginawang "palengke" pamilihan ang lugar na para sa kanila ay nawawalan ng pagkakataon ang mga Gentile na makapasok sa templo ng Panginoon. Ang Dios natin ay Dios ng mga Hudyo o Gentile man...Hindi Siya nagtatangi, Kanyang ipinaabot hanggang sa mga Gentile ang Kanyang kagandahang-loob ng kaligtasan sa pamamagitan ni Kristo-Hesus. Nakalulungkot na ang kadahilanan pa ng di sila nakakalapit sa Panginoon ay dahil na rin sa ating mga ginagawa o halimbawa ng isang taong nakakilala kay Hesus or in simple term...di maganda ang nagiging patotoo ng Kristyano at nai-stumble ang mga kamag-anak, kapitbahayan, mga kasamahan sa trabaho at mga tao sa kanyang kapaligiran. Samakatuwid ay napipigilan ang paglapit ng mga tao sa Kanya.
REFLECTION:
Mayroon na ba tayong tao/mga tao na napipigilan ang paglapit sa Panginoon dahil sa ating patotoo? (bigyan ng pagkakataon ang bawat isa na makapag-isip at makapag-evaluate)
Kung meron man, anung hakbang ang maari mong gawin upang ikaw ay maging bukas na daan ng paglapit ng tao/mga tao kay Hesus?
APPLICATION:
Kumusta ang ating paglago bilang tao? Bilang Kristiyano? Balance ba ito? May naiiwan bang area? May na-neneglect ba tayong bahagi ng buhay natin na kailngan nating pag-ibayuhin o palaguin?
Example:
1. Baka maalam tayo sa Bibliya at mga talata nito ngunit palpak naman tayo sa ugali natin sa ibang tao. Madalas tayong mang-away, manghusga, at feeling “mas holy”. Hindi magiging kabilib-bilib ang ating pananampalataya kapag puro tayo talino sa Bibliya ngunit kulang naman sa aplikasyon nito.
2. Baka napakabait at napakabuti natin, ngunit, hindi naman disiplinado sa kalusugan...Kulang sa nutrisyon, kulang sa exercise, kulang sa tulog, may bisyong nakakasira, atbp. Paano tayo tatagal sa paglilingkod sa Dios kung sarili natin katawan ay hindi lumalago nang maayos? Hindi tayo puedeng maging abusado sa katawan na binigay ng Dios sa atin.
3. Baka napaka-sociable natin. Ang dami nating kaibigan. Marunong makisama sa harap ng mga tao. Sikat na sikat sa ibang tao, puede na ngang tumakbong Yorme o Kapitan. Ngunit baka salat naman tayo sa bagay na makaktulong sa ating espiritual na paglago. Puro sariling pilosopiya, sariling pananaw, at sariling paninidigan lang natin ang ating binabandila ngunit, nakakalimutan ang pangangailangan ng kaluluwa at mga instructions ng Dios. Magandang makita na dala natin si Hesus sa ating pagiging sociable.
4. Baka naman sagana sa laro, exercise, sa pagbatak ng muscles, pagkain nang husto, pagpapaganda... at tila naiiwan ang bagay na panloob na kailangan ng paglago. Nagugustuhan ka ng tao dahil sa panlabas na anyo ngunit kapag nakilala ka na nila, ay salbahe pala dahil naalagaan ang ugali.
5. Baka naman puro puso..puro pag-ibig, ligaw, love life….hindi naman makatulong sa pamilya...pleasing sa iba’t ibang lover, ngunit unpleasant sa father, mother, brother, sister. Hindi balance.
6. Baka naman matatag sa lahat ng bagay ngunit hindi naman gustong matuto pa. Huminto na ang pagkaalam, hindi nagiging interesado sa mga bagay na puede ang makatulong sa paglagong intelektwal.
REFLECTION:
Check natin ang areas ng ating buhay. Balanced ba? Saang area naiiwan?
CONCLUSION:
BUO ang PAGKALIKHA SA ATIN...BUO ang ating PAGKATAO....BUO dapat itong LUMALAGO...SA TULONG AT BIYAYA NG DIOS AT NG MGA TAO SA PALIGID NATIN…..KEEP GROWING IN PROPORTION! KEEP ADVANCING UNTIL JESUS COMES!
Announcements
Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, 5 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.
Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.
Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.
Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.
Picture Taking
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.
Intercession
1. Kanya-kanyang panalangin: PAGHINGI NG TULONG SA DIOS SA PAG-AAYOS NG BUHAY...BALANCE GROWTH AND DEVELOPMENT
2. Assign: (if possible, mention names)
a. Physically challenged - may kapansanan (mahal sila ni Lord!); may sakit (pagalingin sila ni Lord!); nag-aabuso sa katawan (maging disiplinado sa biyaya ni Lord!)
b. Emotionally unstable - patatagin ng Dios sa kabila ng pinagdadaanan; stability and strength in the inner man ; self-control
c. Socially unpleasant - maging gentle sa pakikitungo, ngunit matalino pa rin sa pakikipagnegosasyon; walang kaibigan - magkaroon ng kaibigan; magkaroon ng matinong dabarkads, magalang na pakikitungo sa kahit kaninong tao
d. Mentally lacking - additional knowledge in current events, in Bible matters and other things na makakatulong sa buhay at paglakad kay Kristo.
e. Spiritually lagging - nanghihina, nagba-backslide (careful!), tinatamad sa bagay na espiritwal, nangangayat ang spiritual life, nagtatampo sa Dios, nagdududa sa Dios-- muling palakasin, pataasin ang pananampalataya, pabalikin sa presensya Ng Dios
3. Concert Prayer /Sabay sabay
a. Lahat ng aspeto ng paglago ng ating mga Government Officials - from The President to the Kagawad
b. Lahat ng aspeto ng paglago ng bawat miyembro ng pamilya/angkan - from the Father to Bunso to extended families
c. Lahat ng aspeto ng paglago ng mga Foursquare family - from Ptr. Delfin Corona to all licensed pastors
4. Lahat ng estudyante ay i-lay hands ng mga hindi. Ipanalangin sa bawat aspeto ng kanilang buhay (or puede ring mag mamuno)
5. Lahat ng senior citizens ay i-lay hands ng mga hindi pa senior. Gayundin ang gawin.
Bình luận