Below is the material for our Family Prayer Cell on June 22, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
ACTIONS NOT FOUND
By: Sis. Edith Manalo
1. Introduction
Nakakahanga po ang mga ginagawa ng ating Panginoon Hesus noong narito pa siya sa mundo. Ang kanyang mga kilos at ginagawa ay nagpapakita na tunay na Siya ay anak ng Diyos. Bagamat sya ay Diyos nga, sya ay tao din at nakakaramdam ng lahat ng nararamdaman ng isang tao na katulad natin… nagugutom, mauuhaw, kumakain, napapagod, natutulog, nagdadasal at humihingi ng gabay mula sa ating Ama na nasa langit.
Makikita sa kanyang mga ginagawa at pag uugali na seryoso syang sumusunod sa lahat ng ipinag uutos ng Ama at ipinahahayag ang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng tao. Katulad ni Kristo, makita nawa ang pag ibig ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng ating pananalangin.
2. Pag-aawitan
PURIFY YOUR PEOPLE - https://youtu.be/qPyVpJ55qX8
Purify Your people, O God.
Cleanse us with Your fire, O Lord.
May we walk uprightly.
In the presence of Your love.
Purify Your people, O God.
Make us holy Lord, we pray.
In Your likeness.
Righteous in our ways.
Let us be a praise.
To the glory of Your grace.
Purify Your people, O God.
3. Pambungad na Panalangin
Purihin ka aming Diyos sa araw na ito na muli kaming makakapanalangin at makakapag aral ng salita mo. Dalangin nga po naming na bigyan mo kami ng pusong dalisay na sumusunod sa ‘yo. Sa lahat nang aming pagkukulang at sa nagawa naming hindi nakapagbigay lugod sa iyo nitong mga nakaraang araw patawarin mo po kami. Bigyan mo po kami ng pusong marunong sumunod sa iyo at makita ka sa aming mga buhay.
Samahan mo po kami sa aming pananalangin at buksan mo ang aming mga puso sa iyong salita. Ikaw po ang maitaas sa oras na ito… Amen!
4. Praise Report
Ang Diyos ay nanatiling tapat sa atin kahit minsan ay hindi tayo nagiging tapat sa Kanya. Maari ba nating ibahagi ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa ating nitong nakaraang Lingo? Kahit pakiramdam natin ay hindi tayo deserving sa biyaya Nya pero ibinigay pa din Nya pa din ito sa atin.
5. Scripture Reading
Titus1:10-16 ((MBBTAG)
10 Sapagkat maraming tao, lalung-lalo na ang mga galing sa Judaismo, ang suwail at nanlilinlang sa iba sa pamamagitan ng mga katuruang walang kabuluhan.
11 Kailangang pigilan sila sa kanilang mga ginagawa sapagkat ginugulo nila ang mga pamilya at nagtuturo ng mga bagay na hindi dapat ituro, kumita lamang sila ng salapi.
12 Isa na ring taga-Creta na kinikilala nilang propeta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay palaging sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw.”
13 Tama ang kanyang sinabi, kaya't mahigpit mo silang pagsabihan upang maging wasto ang kanilang pananampalataya,
14 at huwag nang maniwala pa sa mga alamat ng mga Judio, o sa katuruan ng mga taong tumalikod sa katotohanan.
15 Malinis ang lahat ng bagay sa may malinis na isipan, ngunit sa masasama at di-sumasampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan.
16 Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit ito'y pinapasinungalingan ng kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi nababagay sa gawang mabuti.
Titus 1:10-16 (ESV)
10 For there are many who are insubordinate, empty talkers and deceivers, especially those of the circumcision party.
11 They must be silenced, since they are upsetting whole families by teaching for shameful gain what they ought not to teach.
12 One of the Cretans, a prophet of their own, said, “Cretans are always liars, evil beasts, lazy gluttons.”
13 This testimony is true. Therefore, rebuke them sharply, that they may be sound in the faith,
14 not devoting themselves to Jewish myths and the commands of people who turn away from the truth.
15 To the pure, all things are pure, but to the defiled and unbelieving, nothing is pure; but both their minds and their consciences are defiled.
16 They profess to know God, but they deny him by their works. They are detestable, disobedient, unfit for any good work.
6. Message
Si Titus, katulad ni Timothy ay itinuturing din na anak ni Pablo sa pananampalataya. Isa syang Hentil na naging Kristiano at nakasama ni Pablo sa pagmimisyon. Iniwan sya ni Pablo sa Crete para maayos nya ang mga bagay na dapat ayusin sa simbahan sa Crete at makapili sya ng mga leaders na nakabatay sa mga katangian na ibinlin ni Pablo.
Kinakailangang may mabuting katangian ang mga leaders na kanyang pipiliin dahil alam ni Pablo na marami sa mga Cretans ay may masamang pag uugali.
Tignan natin ang mga ugaling nabanggit ni Pablo tungkol sa kanila
(Titus 1:10,12).
· Hindi sila submissive (insubordinate)
· Marami silang sinasabi (empty talkers)
· Manloloko (deceivers)
· Nagtuturo ng mga bagay na hindi dapat ituro kumita lamang ng pera
· Sinungaling (liars)
· Asal-hayop (evil-beast)
· Batugan at matakaw (lazy gluttons)
Karamihan sa mga Kristiano sa Cretans ay galing sa Judaismo (circumscision party). Naniniwala kasi sila na tatanggapin sila ng Diyos sa pamamagitan nang mahigpit na pagsunod sa Batas ni Moses. Ito ay taliwas sa turo ni Pablo na sila ay maliligtas dahil sa kagandahang loob ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Hesus (by grace through faith).
Kaya ganun na lamang ibinilin ni Pablo na ang pipiliin ni Titus na leaders ay may mabuting katangian para maituro nila ang tama at maituwid ang may kontra dito.
Dahil sa ganito nilang pag uugali dapat ay ituwid sila ng diretso o prankahin sila para maitama ang mali nilang ginagawa kasama na dito na maitama ang mali nilang paniniwala sa mga alamat ng mga Hudyo at maling katuruan.
Kahit sa panahon nating ngayon hindi maiiwasang may mga ganitong klaseng mga kristiano. Ang mga salita at pag uugali ay makamundo. Minsan wala nang pinagkaiba ang mga Kristiano sa hindi mananampalataya. Maraming ang professing Christians, kung tawagin ay “Kristiano”, “taga-sunod ni Kristo” pero makikita nating taliwas ang kanilang ginagawa at sinasabi sa itinuturo ng Diyos. Labelled as Christians but their actions deny Him.
Ang mga taong ito ay nagsasabing kilala nila ang Diyos pero hindi naman nakikita sa kanilang ginagawa.
Kung ang totoong Kristiano ay may dalisay na puso at iisipan, ang mga bagay na kanyang gagawin ay mabuti at matuwid sa mata ng Diyos. Sila ay buong pusong sumusunod sa Diyos at makikita ito sa kanilang ginagawa, sinasabi at pag uugali. Pagmamahal ang katangiang mangingibabaw sa kanila. Ngunit, kung ang tao ay hindi totoong sumasampalataya sa Diyos at marumi ang pag iisip, lalabas ang kasamaan at karumihan sa kanyang ginagawa. Makikilala mo sa ang isang tunay na Kristiano sa pamamagitan ng kanyang bunga.
REFLECTION:
Maari nating tignan at suriin ang ating mga sarili…
· Sumusunod ba talaga ako at ginagawa ko ba ang mga sinasabi sa Salita ng Diyos?
· Ang nakikita ba sa aking pag uugali at pamamaraan ay katulad ng isang tunay na Kristianong sumusunod sa Diyos?
· Ang aking bang iniisip at ginagawa ay nakakalugod sa Diyos?
CONCLUSION:
Bilang Kristiano dapat tayo ay kumilos nang naayon sa ating pananampalataya at pamamaraan ni Hesus. Nararapat lamang na gawin natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Hindi maaring sabihin nating tayo ay taga sunod ni Kristo kung hindi naman talaga natin sya sinusunod at ang ginagawa natin ay salungat sa ipinag-uutos ng Diyos.
Makita nawa sa ating pamumuhay at pag uugali na tayo ay tunay na Kristiano. Sa mga aksyon natin makikita kung sino talaga ang ating sinasamba.
Santiago 1:22
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
7. Pananalangin
1. Humingi nang tawad sa Diyos kung hindi nakita sa ating buhay at pag uugali ang pagiging Kristiano.
2. Magkaroon ng dalisay na puso na susunod at isasabuhay ang Salita ng Diyos.
3. Lumago sa spiritual na aspeto at maging tunay na taga-sunod ni Kristo.
4. Anointing sa mga leaders ng church, committed workers and ministers
5. Ipanalangin ang ating mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa for strength, protection, comfort and favor sa kanilang trabaho.
6. Ipanalangin ang unity sa ating bansa and good governance.
7. Ipagray din ang personal prayer requests ng bawat isa.
8. Closing Prayer
Salamat sa iyong Salita na patuloy na nagpapaalala at nagtutuwid sa amin. Tulungan mo po kaming sumunod sa iyo at maging doer ng Salita mo.
Salamat sa pagsagot sa aming mga dalangin at patuloy na pag gabay sa mga susunod pang mga araw. Ikaw nga po ang aming itataas sa aming mga buhay. Pagpalain mo kaming lahat na narito at umaasa sa biyaya mo.
Salamat po, sa pangalan ni Hesus, Amen!
9. Announcements
1. Huling Sunday na po na 9 am ang ating face-to-face na gathering. Please register through https://bit.ly/mfgcevents
2. Invite others to join ONLINE PRAYER CELL kung walang kapamilya na kasama.
3. Children’s Church via Zoom every Saturday, 9AM to 11AM. ONLY UNTIL JUNE 25. For July, physical na po ang ating Children’s Church.
4. FAITH NIGHT – coming this June 29 (next Wednesday). See you po sa church ng 7 pm!
10. Picture Taking, Offering, Salu-Salo
WAG PONG KALIMUTAN MAGREPLY SA ATING POST WITH YOUR PICTURE. ITO PO ANG ATING ATTENDANCE.
Offering:
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments