top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 25

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 9, 2020.


The Voice

September 9, 2020

Luke 3:1-6

by Ptr. Kay Carolino

 

Welcome


Opening Prayer


Praise and Worship

Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aawit.


(Fast) Lift Jesus Higher

(A7) D D

Lift Jesus higher, lift Jesus higher,

D A

Lift Him up for the world to see

D D7 G

He said “If I, be lifted up from the earth,

D A D

I will draw all men unto Me.”


(Tagalog) Itaas natin! Itaas natin! Si Hesus sa sanlibutan. Sabi NIya,”Kung ako ay itataas, ang lahat lalapit sa Akin.”


(Slow) Lord, I Offer My Life

F Dm

All that I am, all that I have,

C F

I lay them down before You, O, Lord

Dm Dm7

All my regrets and all my acclaim,

Bb F Gm C

the joy and the pain, I’m making them Yours.


F Dm Gm

Lord, I offer my life to You, everything I’ve been through,

Bb C

Use it for Your glory

F Dm Gm

Lord, I offer my days to You, lifting my praise to You

C Dm

..as a pleasing sacrifice

Bb C F

Lord, I offer You my life.


Offering

Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.



Message


MBB version: Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.” Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias,
“Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon. Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran! Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Magiging tuwid ang daang liku-liko, at patag ang daang baku-bako. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Dios.

Background of John the Baptist


Si Juan Bautista ay anak ni Elizabeth at ni Zacharias. Silang mag-asawa ay parehong matuwid at sumusunod sa Dios (Luke1:6-12) Baog dati si Elizabeth ngunit niloob ng Dios na siya ay mabuntis kahit old age na silang mag-asawa. Isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Zacharias at sinabing ang asawa niya ay magdadalantao at ang itatawag sa kanya ay John o Juan. Sasaya sila, at hindi lang sila kungdi mas marami pa. (vs.14) si Juan ay mapupuspos ng Banal na Espiritu, sa sinapupunan pa lamang. Hindi siya iinom ng alak o anumang nakalalasing na inumin.


At ang prophecy/hula sa kanyang buhay ng tatay nya ay nasa Luke 1:76 -77


Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos; sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan, at upang ipaalam sa kanyang bayan ang kanilang kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Ch. 1:80 - “Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya'y nanirahan sa ilang, hanggang sa araw na nakilala siya ng bansang Israel.

Walang naitala sa Bibliya na iba pang ginawa ni Juan. Sa totoo lang, iba ang dating ni Juan. He was ‘DIFFERENT”. Nag-iisa lagi sa ilang/desert, ang kinakain ay kakaiba.. (Matthew 3:4 Now John himself wore clothing made of camel's hair, with a leather belt around his waist. His food was locusts and wild honey.)


Sa wilderness, ang Dios ang kanyang naging kasama, kausap, guro, atbp. (Malamang maluwag sa kalooban ng magulang ni Juan ang kalagayan niya dahil alam nilang iba ang layunin ng Dios sa buhay ng anak nila).


Pagdating sa Chapter, game na ang ministry niya. Hindi man masyadong tanggap ang sinasabi niyang mensahe sa mga tao, lalo na nung nirerebuke niya si Herod sa pag-agaw niya ng asawa ng may asawa. Sa kabila nito, tuloy lang si Juan na mariing binabalita ang mensahe ng Dios sa pamamagitan niya. Nangyari sa buhay na siya ang THE VOICE na sumisigaw sa pag-aannounce ng pagdating ni Hesus sa Israel.


Pause muna: Katulad ni Juan Bautista, ang bawat isa sa atin ay tinawag ng Dios para sa Kanyang layunin. We are different at nagkakaiba-iba rin ang ating calling. Ngunit isa lang ang patutunguhan ng lahat: ANG PAGLAGO NG KAHARIAN NG DIOS!


Reflection: Hindi nahihiya si Juan sa kanyang situwasyon at pagkatawag. May tapang niyang hinaharap ang mga tao at gamiting VOICE ng Panginoon sa mga Judio upang maihanda ang kanilang mga puso sa pagdating ng Messias. (nasa sinapupunan pa lang ni Maria si Hesus sa panahong ito). Siguro, medyo weird siya sa tingin ng iba pero pinakinggan siya ng mga tao. He had created disciples during his time, pero bahagi pa rin yun ng paghahanda sa pagdating ni Hesus sa mundo.


(Take note: Sa passage na binasa natin, hindi pa dumadating si Hesus. Pero sa ating panahon, si Hesus ay dumating na at darating na muli.)


Next point. Tingnan natin kung ano ang inaasahan na mangyayari sa mga buhay ng mga tao sa pag-introduce ni Juan sa darating na Mesias.


1. Every valley shall be filled/ Matatambakan ang bawat libis

Maraming sumunod sa panawagan ni Juan Bautista na magsisi sa kanilang kasalanan. Ang larawang ito ng lambak na napupuno...ay pagdami ng nagpapakumbaba at nagsisisi sa pagsigaw ni Juan ng mensahe ng pagsisisi. Kaya ang mga lamabak ay mapupuno rin ng kasiyahan dahil marami ang kikilala sa pagdating ng Mesias.


2. Every mountain and hill brought low/ Mapapatag ang bawat burol at bundok.

Ang kayabangan ng mga Pharisees sa panahon ni Juan ay bongga. Palalo sila dahil alam nila ang batas at sila ang nagpapatupad nito. Ngunit sila mismo ay hindi inaaply ang mga nakasulat sa batas. Puro salita at yabang lang. Kaya ang larawang ito na mga bundok at burol ay ipapatag sa pagdatin ng Mesias, ayon sa mensahe ni Juan. Ang kapalaluan o pride o amor propio ay ibabagsak sa pagdating ng Mesias.


3. The crooked places shall be made straight / Magiging tuwid ang daang liku-liko.

Maraming liko sa kanilang pangangatuwiran...lalo na sa mga heathen / hindi naniniwala sa Dios. Marami ring corrupt at salbahe sa kanilang mga transaksyon. Marami sa panahong iyon na relihiyoso lang ngunit hindi alam ang direksiyon nila sa buhay. Ang liku-likong daan ay maitutuwid sa pagdating ng Mesias.


4. The rough ways smooth / Patag ang daang baku-bako.

Ang mga attitude ng mga tao ay may kagaspangan. Ang kanilang mga asal ay tila asal ng kawalan ng pananampalataya. Sa pagdating ni Hesus, ang mga ugali ng mga taong hindi kaaya-aya ay maaayos. At sa mga may problemang haharapin, ang Mesias ang magiging solusyon upang ang mga ito ay malutas o mapatag.


Reflection: Dahil ito ay mangyayari pa lang sa kanilang panahon, kitang-kita na antin ngayon na nangyari na ang lahat ng ito sa ating panahon. Malamang ay nangyari na ang mga ito sa personal mong buhay. Naging instrumento ang TINIG ni Juan upang maihanda ang mga puso ng mga tao sa pagdating ni Hesus na tunay na magpapatawad sa kanila. Si Juan ay advance party lamang upang ang mga puso ng mga tao ay maging handa sa pagtanggap ng Kanyang mga aral.


Sa ating panahon, tayong may relasyon kay Kristo ay ang Juan Bautista na naghahanda ng daan patungo sa Tanging Daan. Tayo na ngayon ang THE VOICE in the market, in school, in the office, at home, in the neighborhood, etc. na kung saan maihahahnda natin ang mga puso ng mga tao sa pagpasok Niya sa kanialng buhay. Hindi nahihiya, hindi natatakot, hindi namimili, hindi nagmamalaki, hindi basta sumisigaw kungdi, nalalaman ang layunin kung bakit tayo naging Christian. Dapat, sa pamamagitan natin, ay: Makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’/ All flesh shall see the salvation of God


Nawa, magamit nga ng Dios ang ating buhay, OUR VOICE, just like John The Baptist’s, so that people from all walks of life will come to know the Messiah, Jesus Christ! Let YOUR VOICE BE HEARD!!!! (AND YOUR ACTIONS, TOO!)


Announcements


Important Announcement:

Para sa mga taga-Cluster 1 - may 30 na katao na pwedeng dumalo sa service sa Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 21 YEARS OLD AT ABOVE 60 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice



Other Announcements:

  • Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.

  • Support MFGC market basta walang laglagan, laging tulungan!

  • Bring your offerings to church - office is open from 8 am to 3 pm only

  • Obey government protocols!

  • UNIFIED PRAYER AND FASTING ON THE LAST WEDNESDAY OF SEPTEMBER.

  • Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, 5 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.

  • Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.

  • Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.

Intercession

  1. Marami pa ang makakilala sa Panginoong Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon -- from all walks of life -- anumang antas ng pinag-aralan, babae man o lalaki, bata man o matanda. Marami ang sasaya kapag ganito ang mangyari!

  2. Manalangin sa mga tila palalo/proud sa larangan ng pamahalaan, ng pamayanan, ng simbahan, at tahanan (baka kasali tayong lahat dito!). Magpakumbaba ang lahat sa Panginoon upang mapakinggan NIya ang ating mga panalangin.

  3. Manalangin para sa mga liku-liko ang landas. Specify the names. Not because we are better than they are but because we desire that they will experience how God has straightened out our lives.

  4. Manalangin para sa mga Christians na patuloy na magbunga! Ang mga ugali ay maging mas maayos, at ang pakikisalamuha sa tao ay mas katanggap-tanggap.

  5. Manalangin para sa mga nadidiscourage ---- isama na ang Presidente ng Pilipinas at ang cabinet nya, mga frontliners, mga manggagawa ng Dios, heads of the families --- may God’s love and protectionsustain them.

  6. Pray for those who have financial struggles -- debts, bills, budgeting, business, etc.

  7. Manalangin para sa mga estudyante mula sa preschool hanggang nag dodoctorate -- smooth adjustment and wisdom

  8. Comfort and love and patience for the sick and for those care for them - enumerate, and the mourning - Sis. Amelia’s clan


Picture Taking, Closing Prayer & Snacks

Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture. Let us encourage each other na mag-participate sa FPC! Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

162 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page