Below is the material for our Family Prayer Cell on September 16, 2020.
The Lord of the Sabbath
September 16, 2020
Luke 6:1-11
by Ptr. Kay Carolino
Welcome
Opening Prayer
Praise and Worship
Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aawit.
Today is the Day
I'm casting my cares aside. I'm leaving my past behind.
I'm setting my heart and mind on You, Jesus.
I'm reaching my hands to Yours, believing there’s so much more,
Knowing that all You have in store for me is good, it’s good.
Today is the day You have made. I will rejoice and be glad in it.
Today is the day You have made. I will rejoice and be glad in it.
And I won’t worry about tomorrow; I’m trusting in what You say.
Today is the day. Today is the day.
I Love You (Slow)
I love You more than anything.
I love You more than anything
I love You. Lord, I give my life to You.
I love you more than anyone.
I love You more than anyone.
I love You. Lord, I give my life to You.
(I praise You)
Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
Scripture
Luke 6:1-11 (MBB)
1 Isang Araw ng Pamamahinga, nagdaraan sina Jesus sa isang triguhan. Ang kanyang mga alagad ay pumitas ng mga trigo, kinuskos sa kanilang mga kamay at kanila itong kinain.
2 “Bakit kayo gumagawa ng ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga?” tanong ng ilang Pariseo.
3 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang minsang magutom sila ng kanyang mga kasama?
4 Di ba't pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog, na bawal kainin ninuman maliban sa mga pari lamang? Binigyan pa niya ang kanyang mga kasama.”
5 At sinabi pa ni Jesus, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
6 Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Doon ay may isang lalaking paralisado ang kanang kamay.
7 Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga.
8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon.
9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, “Tatanungin ko kayo. Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”
10 Tiningnan niyang isa-isa ang mga taong nakapaligid at pagkatapos ay sinabi sa lalaki, “I-unat mo ang iyong kamay!” Ini-unat nga ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling.
11 Nagngitngit naman sa galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang maaari nilang gawin kay Jesus.
Message
Ano nga ba ang Sabbath? (Wikipedia)
As a background, the Biblical Sabbath day is Saturday, the seventh day of the week. The Ten Commandments prohibit doing any work on the Sabbath. The first Christians were Jews who continued to worship as Jews, but they also worshipped on Sunday, the day Jesus rose from the dead. When Gentiles began to convert to Christianity, disputes arose about whether the Gentile Christians had to observe the Jewish laws. The Church "Council of Jerusalem" decided, with the guidance of the Holy Spirit, that it was not necessary for Christians to observe rules about circumcision, dietary restrictions, Sabbath observance and other aspects of Jewish law. Today, most Christians follow the tradition of Sunday worship.
Pansinin natin ang ating binasa na text. Magkakasama si Hesus at ang Kanyang mga alagad. At tiyak na may mga Pariseo / Pharisees (relihiyoso at legalistic na mga leaders sa panahon ni Hesus...na may angas dahil memorized nila ang Batas/The Law. Gustung gusto nilang nakikita na sinusunod ng lahat ang Batas hanggang sa huling letra nito. Kapag hindi, may karampatang kaparusahan at madalas ay kamatayan ayon din sa Batas) at sila ay laging nakabantay sa ginagawa nila Hesus.
Tingnan natin ang ginawa ng grupo ni Hesus:
Vs. 1 Pumitas sila ng trigo, hindi na hinugasan, pinunas na lang sa damit at kinain
Vs. 6,8, 10 May isang paralisado na lalaki na nasa sinagoga (umpukan na parang Bible Study). Pinatayo niya at pina-unat ni Hesus ang kanyang paralisadong kamay at inunat niya ito at ito ay gumaling.
Dalawang bagay ang ginawa nila na nagtulak sa mga Pariseo na ma-intriga dahil sa paglabag nila sa Batas...BAWAL MAGTRABAHO sa Araw ng Sabbath (Shabbat sa mga Judio). Dapat ang lahat ay nagpapahinga, bawal magkikilos, minsan sa isang linggo, alinsunod sa pattern ng paglikha ng Dios na sa huling araw ay Siya ay nagpahinga.
Kumbaga, institusyon na ito na hindi dapat mabali. At kitang kita ng mga Pariseo ang ginawa ni Hesus at ng mga alagad….
1) ang pagpitas ng trigo - para sa kanila ay pagtatrabaho
2) ang pagpapagaling sa may sakit ay pagtatrabaho…...
KAYA PARA SA KANILA...UNLAWFUL...BAWAL..DI TAMA.
Pause: Ano kaya ang motibo ng mga Pariseo? Bakit ba sila galit na galit? Tama nga kaya sila? Sa palagay ninyo, trabaho ba ang kanilang ginawa sa panahon ng Sabbath?
Pansinin natin ang pagtingin ni Hesus sa ganitong mga situwasyon. Nirebuke NIya ang mga Pariseo an , in their face, sinabi Niya ang tunay na “spirit of the Law” , ang tunay na ibig sabihin at bakit naging batas ang Sabbath. Tinuruan ni Hesus ang mga Pariseo:
Ginamit Niya ang kuwento ni David at ang mga tauhan niya na sa gitna kasi ng giyera, gutom na gutom sila, at ang pagkain na lang na available ay yung bread sa templo na dapat sana ang pari lang ang maaaring kumain. NGUNIT MAY NAGUGUTOM na mga SUNDALO NG DIOS. Hindi naging paglabag iyon dahil mas mahalaga ang kalagayan nila David nung panahon na iyon.
Ipinabatid ni Hesus na Siya ang Lord of the Sabbath….na mas mahalaga Siya kaysa sa araw na tinutukoy nila. Just getting konting fruits na nadaanan nila sa kalye upang mapunan lang ang kaunti man lang na gutom ay tinuring Niyang hindi masama at hindi paglabag sa Sabbath. Mas concerned siya sa pangangailangan ng tao kasya maging legalistic.
Kaya pagdating sa verse 9, ito ang tanong Niya: Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” Nirebuke Niya ang mga Pariseo sa pagkakataong iyon dahil mas naiisip muna nila ang panghuhusga kaysa pagtulong. Kaya tinapon Niya ang tanong sa kanila upang sila mismo ang maka-realize sa ginagawa nila---- dahil lang Sabbath Day ay hindi sila tutulong? Dahil Sabbath day ay hindi nila imi-meet ang needs sa paligid nila? Dahil may pinipiling araw ang pag-salba ng buhay ng tao? May pinipiling araw ang paggawa ng mabuti? (Colossians 2:16-17 New Testament instructions on the observation of Sabbath)
REFLECTION:
Para sa Dios, mahalaga sa Kanya ang buhay ng tao kaysa pagsunod sa Batas. Mas mahalaga sa ating panahon na makita natin na si Hesus ang Panginoon ng Sabbath. Walang batas ang higit sa Kanya. Ang Kanyang layunin, ang laman ng Kanyang puso ay ang mga kaluluwang o mga taong maaaring masalba at maituwid at mabigyan ng tulong. Hindi layunin ni Hesus na i-check muna Niya ang lahat kung sumusunod sa lahat ng Batas bago tumulong. Hindi gugustuhin ni Hesus na Lunes hanggang Sabado lang tutulong, pagdating ng Linggo--dahil kailangan nang magpahinga-- ay bawal munang maghugas ng plato, bawal mamalengke para sa pamilya, bawal mag-abot ng tulong sa nangangailangan, atbp.
Mas mahalaga na tingnan natin ang Lord of the Sabbath kaysa yung “bawal dito, bawal doon” na pinipilit i-impose kahit minsan ay gawa na ang mga ito mismo ng mga tao.
Halimbawa:
Bawal maglabas ng pera ng Lunes. Mauubos agad. Ngunit ang Panginoong Hesus ay Dios ng lahat ng araw na kayang magbigay ng pagpapala sa mga tao ayon sa Kanyang kalooban ang batay sa Kanyang Salita.
Bawal magpakasal sa parehong taon. Malas daw. Ngunit ang Panginoong Hesus ang nagtatakda ng mga relasyon. Ang tagumpay ng pag-aasawa ay batay sa pagsunod sa prinsipyo ng Dios sa relasyon at hindi nakabatay sa taon, o linggo o araw na tinakda ng tao.
Hindi ka tutulong sa gawaing bahay kasi busy ka sa church, dahil may livestream, dahil makikinig ka ng sermon. Tama pong makita na mahalaga ang mag-Sabbath rest upang i-enjoy sa buong araw ang presensya ng Dios, mag-kuwentuhan tungkol sa Kanyang kabutihan, kumanta ng mga papuri sa Dios. Ngunit kung inutusan naman ng Nanay o matandang kapatid na maghain ng pagkain, o maghugas ng pinggan upang makatulong ay hindi dapat iwasan o tanggihan. Sa tamang paliwanag, magkaroon ng compromise na MAY FOCUSED TIME SA SABBATH WORSHIP at may time din sa gawaing bahay.
(Take note: Ang payo ay gawin talaga ang isang araw na enjoying His presence, let the body regain its strength kung nung 6 days ay ang trabaho, and enjoy the fruit of their labor. Hinay-hinay din sa pagtatarabaho sa panahon na tinakdang Sabbath rest.)
Announcements
Important Announcement:
Para sa mga taga-Cluster 2 (Concepcion and Tumana)- may 30 na katao na pwedeng dumalo sa service sa Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 21 YEARS OLD AT ABOVE 60 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.
Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.
MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice
Other Announcements:
Missions pledges - 'Wag po natin kalimutan ang ating missions offering na ating ipinledge noong simula ng taon :)
Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.
Support MFGC market basta walang laglagan, laging tulungan!
Bring your offerings to church - office is open from 8 am to 3 pm only
Obey government protocols!
UNIFIED PRAYER AND FASTING ON THE LAST WEDNESDAY OF SEPTEMBER.
Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, at ang 3rd service po ay iuurong ng 6 pm. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.
Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.
Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.
Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.
Intercession
Enjoy worshiping Jesus ..linger in His presence
Ask God’s forgiveness...not seeing Him as the Lord of the Sabbath...either masyadong pagod pa rin kahit Sabbath day..o sobrang pahinga naman na minsan ay malayo ang puso sa pagtulong at pagmalasakit.
Pray that SOON, we will enjoy Sabbath worship inside the church already! Huwag nawa tayo masanay na hindi nagsisimba. Strategy ng kaaway ‘yan para unit-unting mawala ang alab ng mga mananampalataya.
Pray for those who are prohibited to go out: The seniors, the young and the kids….they can find ways to worship God and honor God. Huwag silang bumitaw sa pananampalataya.
Pray that those who continue to exercise generosity will be BLESSED by the Lord. Magbanggit ng mga mapagbigay, maliit man o malaki, individual o grupo, government people o private citizens, na sila ay pagpalain ng Dios.
Pray for one another’s requests.
Pray for the pastors. The Lord will bless the work of their hands.
Pray for couples...mention some names you know….na si Hesus ang maging center lagi
Pray for ofws...mention names you know...na safe sila at mapakilala nila si Hesus sa mga tao sa paligid nila.
Praise Report
Ipangalandakan sa isa’t isa kung ganoon kabuti ang Panginoon! (MATERYAL NA PROBISYON? PISIKAL NA PAGPAPALAKAS? PAGBABAGO NG BUHAY? MASAYANG RELASYON? TIBAY NG LOOB? BINIBIGAY NA TALINO? SPIRITUAL NA PAGLAGO?
Picture Taking, Closing Prayer & Snacks
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.
Comments