top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 27

Below is the material for our Family Prayer Cell on September 23, 2020.


Great Reward

September 16, 2020

Luke 6:27-36

by Ptr. Kay Carolino

 

Welcome


Praise and Worship

Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-aawit.


Mahal na Mahal Kita, Panginoon


D-F#m-G-A-D-F#m-G-A

Mahal na mahal Kita, Panginoon!

D-F#m-G-C-A

Mahal na mahal KIta, Panginoon!

F#m-B-F#m

Kailan ma’y ‘di Kita ipagpapalit, ‘pagkat sa piling Mo’y langit

Em-A-D

Mahal na mahal Kita Panginoon!


F#m-Bm-Em-A

Habang buhay, papupurihan Ka

F#m-Bm-Em-A

Habang buhay, maglilingkod sa'Yo

F#m-Bm-Em-A

Habang buhay, pagibig ko sa ‘Yo’y iaalay!


O, Mahal Kita sa Panginoon


A7-D-G-D-A7

O, mahal kita sa Panginoon

D-Bm-Em-A

O, mahal kita sa Panginoon

Em-A-F#m-Bm

Nakikita ko, kaluwalhatian Niya

Em-A-D

O, mahal kita sa Panginoon


Opening Prayer


Praise Report

May natanggap ka bang reward o gift mula sa Panginoong Dios nang nakaraang Linggo. Share to the group.


Scripture


Luke 6:27-36
27 “Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ng mabuti ang mga napopoot sa inyo. 28 Pagpalain ninyo ang sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga nang-aapi sa inyo. 29 Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag inagaw ang iyong balabal, huwag mong ipagkait ang iyong damit. 30 Bigyan mo ang bawat humihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian, huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. 31 Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.
32 “Kung ang nagmamahal lamang sa inyo ang inyong mamahalin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Ang mga makasalanan man ay nagmamahal din sa mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ang mga gumagawa lamang ng mabuti sa inyo ang gagawan ninyo ng mabuti, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay gumagawa rin niyan! 34 At kung ang makakabayad lamang ang inyong pauutangin, anong pagpapala ang nararapat sa inyo? Kahit ang masasamang tao ay nagpapautang din sa kapwa nila masama, sa pag-asang sila'y mababayaran. 35 Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat. 36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin.”.

Message


Intro: Noong si Hesus ay nasa lupa, ang mga tinuturo Niya ay kakaiba sa mga tinuturo ng mga ibang teachers of the Law. Kakaiba, hindi dahil saliwa ito o mali ito, kungdi radikal ang mga ito. Ang akala ng ibang mataas na standard na ng Ten Commandments ay “nahigitan” pa ng mga turo ni Hesus dahil hindi ito ang inaasahang magiging ugali ng mga tao.


Sa ating binasa, magbanggit tayo ng mga tila pinagagawa ni Hesus na alam nating hindi kinasanayan at tila hindi kayang gawin ng ordinaryong tao: (Let every person involved look for them in the passage one by one.)


  1. Vs. 27 Love your enemies...mahalin ang kaaway

  2. Vs. 27 Do good to those who hate you...Gawan nang mabuti ang kinapopootan

  3. Vs. 28 Bless those who curse you……..Pagpalain ang mga sumusumpa

  4. Vs. 28 Pray for those who mistreat you...Ipanalangin ang mga umaapi

  5. Vs. 29 If struck on one cheek, turn the other...Kapag sinampal, iharap pa ang kabila

  6. Vs. 29 If cloak (outer clothing) is taken, give the tunic (inner clothing)...Kapag kinuha ang balabal, ibigay mo pa ang damit sa ilalim

  7. Vs. 30 Give to everyone who asks you...bigyan ang bawat humuhingi

  8. Vs. 30 If anything is taken from you, do not demand its return...Kapag may kinuha, huwag nang bawiin

  9. Vs. 31 DO OTHERS AS YOU HAVE THEM DO TO YOU...Gawin sa iba ang gusto mong gawin din sa iyo..

  10. Vs. 36 Be merciful...Maging mahabagin

Sampung mga radikal na tinuro ni Hesus na sa unang pagtingin ay “parang lugi”. “parang unfair”, tila “one-sided”, tila mabigat. Mukhang mahirap gawin kasi dati, sa Old Testament, “tooth for a tooth” at “eye for an eye” - kung anong ginawa sa iyong masama, may karapatan kang gumanti sa level ng ginawa sa iyo. Pero hindi ganito ang tinuturo ni Hesus. Walang elemento ng pagganti. Walang elemento ng galit. Puro pagpapakita ng kagandahang asal kahit tila agrabyado (disadvantaged).


Ano ang katuwiran ni Hesus tungkol dito? Bakit ganito?

Vs. 32-34 Sabi Niya, “kung mahal mo lang ang mahal mo”, ano ‘yun? Normal lang ‘yun. Natural. Kung mabait sa atin, mabait din tayo sa kanya. Kung maalaga sa atin, e, di concerned din tayo sa kanya. Walang extra pogi points kapag nagmamahal sa mga taong gumagawa rin nito sa atin. Ang may credit sa Dios ay yung higit pa rito ang ginagawa --- kahit hindi tayo minamahal ay minamahal pa rin natin. Ang walang relasyon sa Dios, ang “sinners” o “unbelievers” --- ganito ang sinusunod na standard --- mamahalin lang ang nagmamahal. Kapag hindi na mahal, e, hindi na rin mamahalin, nagpapautang lang sa marunong magbayad (sinners lend to sinners, umaasa ng buong bayad), gumagawa lang nang mabuti sa gumagawa nang mabuti. Sa Dios...walang credit ang paggawa ng ganito. (Pero sa totoo lang, bidang bida pa ang mga taong gumagawa nito na tila they are super men and women.)


Vs. 35 Kaya ang challenge ni Hesus sa Kanyang mga followers ay UMANGAT PA sa ginagawa ng marami! Ito ang MAY REWARD, ito ang ginagantimpalaan! Hindi lang iyon! Kikilalanin tayong SONS OF THE MOST HIGH… Dahil ang Most High God ay mabait kahit sa mga engrato (ungrateful, unthankful) at masama , dapat ang mga ANAK DIN NG DIOS ay gayundin!


Dapat, magmana sa Ama sa kabutihan at kabaitan! Kasi ang ating Ama ay mahabagin, kaya dapat ang mga anak ng Dios ay mahabagin din.


Sa totoo lang, mahirap gawin ito kung wala ang tulong ng Banal na Espiritu. Pero kung pinapahalagahan natin ang ginagawang pagmamahal, pagpapatawad, pagtataguyod sa atin ng Dios, makakayanin natin gawin ang pinagagawa Niyang mga “radikal” na bagay. This thing SETS US APART from others. Kaya mapapansin ng iba….kakaiba ang ating kilos dahil mas nagiging mabuti na tayo kaysa sa dati.


At sa mga nag-a-apply na nito sa kanilang buhay kahit pa-unti-unti, nakikita na nila ang gantimpala ng pagsunod. GREAT REWARD. Examples of this are: peace and harmony in the family, success sa mga anak, daily protection, becoming salt and light of the earth, more financial blessings, more godly partnerships are transpiring, etc.


Conclusion:


Huwag tayong manghinawang gawin ang pinagagawa ni Hesus sa Kanyang Salita. GREAT REWARD ang nakaabang sa mga sumusunod. We are not “just sinners” that love the lovable but we are now “sinners who are saved by His grace and mercy” that can now love the unlovable.


Intercession


We will pray and declare blessings sa mga hindi natin masyadong gusto:

  1. Pray for a member ng family that you do not like so much (secret)

  2. Pray for a relative that turns you off. Declare blessing upon him/her.

  3. Pray for the government -- whatever on which political party you are siding with -

  4. Pray for a friend that betrayed you.

  5. Pray that you might be able to help someone in need kahit na parang pa-ulit ulit na.

  6. Pray for bashers, slanderers, backbiters at mga tsismosa na sumisira sa buhay mo. Pagpalain mo sila sa iyong panalangin.

  7. Ipanalangin ang mga nang”onse” sa iyo sa negosyo, mga nanloko. Bless them that they will come to know Jesus and live a better life.

  8. Pray that even amid those planning to attack the global economy -- ay magiging matatag ang mga anak ng Dios at mangunyapit sa Kanya.

  9. Other prayer concerns - may mga kapatiran tayong may COVID at may ibang sakit. Pray for and bless them in the Lord!

Action Plan: Bless someone this week by doing an act of kindness na ANGAT sa standard.

Offering

Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.



Announcements


Important Announcement:

May 30 na katao na pwedeng dumalo sa service tuwing Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 21 YEARS OLD AT ABOVE 60 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


SCHEDULE:

September 27 - Cluster 3, 4, 5 (Parang, Fortune, Marikina Heights, Nangka, San Mateo)

October 4 - Cluster 6, 7 (Sto. Nino, Calumpang, Sta. Elena, Outside Marikina)


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice


Other Announcements:

  • UNIFIED PRAYER AND FASTING po sa Wednesday (September 30)

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.

  • Missions pledges - 'Wag po natin kalimutan ang ating missions offering na ating ipinledge noong simula ng taon :)

  • Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.

  • Support MFGC market basta walang laglagan, laging tulungan!

  • Bring your offerings to church - office is open from 8 am to 3 pm only

  • Obey government protocols!

  • Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, at ang 3rd service po ay 6 pm na ngayon. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.

  • Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.

  • Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.


Picture Taking, Closing Prayer & Snacks

Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

210 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page