top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 28

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 7, 2020.


Real Family

October 7, 2020

Luke 8:19-21

by Ptr. Kay Carolino

 

Welcome


Praise and Worship

Pasalamatan natin ang ating Diyos sa pamamagitan ng ating pag-awit.


DAY BY DAY

(D7) G C G Em

Day by day, I’ll walk a little closer to my Lord

Am - D G

day by day, day by day (repeat)

G7 C G

Where He leads me, I will follow

A7 D

Where he sends me, I will go.

G C G Em

Day by day, I’ll walk a little closer to my Lord

Am - D G

day by day, day by day (repeat)


GIVE THANKS


F A Dm Am

GIve thanks with a grateful heart, give thanks to The Holy One

Bb F Eb C

Give thanks because He’s given Jesus Christ, His Son (Repeat)

Dm Gm C Am

And now, let the weak say “I am strong”, Let the poor say, “I am rich”

Dm Eb - C F

Because of what the Lord has done for us. Give thanks.


Opening Prayer


Praise Report


Scripture


Luke 8:19-21
Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. Kaya't may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; nais nilang makipagkita sa inyo.” Ngunit sinabi ni Jesus, “Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid.”

Message


Sa panahong ito, patuloy na ginagawa ni Hessus ang Kanyang misyon sa lupa – nagtuturo, nagpapahayag ng kaligtasan, gumagawa ng mga himala, nagpapatawad, atbp. Hindi na Niya madalas kasama ang nanay Niya (sa lupa) na si Maria at ang Kanyang mga kapatid (mga naging anak ni Jose at Maria pagkatapos na naipanganak si Hesus by “virgin birth”). Palipat-lipat si Hesus at ang 12 Niyang mga alagad, sila Maria Magdalena, Joanna, Susana at marami pang (‘UFW’) mga kababaihan na tumutulong na suportahan ang ministry ni Hesus galing sa sarili nilang bulsa.


Minsan, bumisita si Maria at ang mga kapatid Niya upang makita si Hesus. Marahil, miss na miss na nila si Hesus. Yun nga lang, sobrang sikip ng lugar, ang daming nakapaligid kay Hesus kaya hindi sila makapasok at makalapit.


May nakapansin o nakaalam na nasa labas sila Maria at ‘brothers’ kaya naipasabi kay Hesus na naghihintay sila sa labas at gusto Siyang makita.

Ngunit ang hindi inaasahang tugon ni Hesus, “My mother and brothers are those who hear God’s Word and put it into practice” - “ang nanay at mga kapatid ko ay ang mga nakikinig at sumusunod sa Salita ng Dios”.


PAUSE: Ano ang obserbasyon ninyo sa itinugon ni Hesus? Bakit ganun ang sagot Niya? (Bigyan ng pagkakataon na makabigay ng opinion bago ibigay ang mga options sa ibaba)

  • Mahihirapan lang Siyang lumabas at makita sila dahil masikip ang silid

  • Nasa gitna Siya ng pagtuturo kaya hindi mabuting putulin ito

  • May pagka-walang galang sa pamilya ang tinugon ni Hesus sa nagsabi sa Kanya

  • Hindi na Niya tinuturing ang pamilya nila Maria na totoong pamilya kasi sa totoong buhay ay Anak Siya ng Dios Ama sa langit

  • May itinuturo Siya tungkol sa “priorities” natin sa buhay

Nang isinuko na natin ang ating buhay sa Panginoong Hesus


Si Hesus ay ipinadala ng Dios Ama sa ating daigdig upang iligtas ang tao. Ang sinapupunan ni Maria ang ginamit ng Dios na kung saan Siya ay maisisilang. Lumaki si Hesus nang maayos, may takot sa Dios, may karunungan, at maayos ang relasyon sa ibang tao. Hindi Siya pasaway (Lukas 2:52). Batay dito, hindi naging bastos si Hesus sa ibang tao lalo na sa Kanyang mga magulang. At alam din ni Maria na Siya ay ina lamang ni Hesus sa katawang-lupa at hindi siya “ina ng Diyos”. Alam niyang may higit na layunin ang Dios Ama sa Kanyang anak na si Hesus – na ipahayag ang Kaharian ng Dios.


Habang Siya ay nagtuturo sa mga tao, ibig Niyang ipakita sa lahat na ang Dios at ang pagsunod sa kalooban Niya ang “central” o “priority” sa buhay ng mga tagasunod ng Dios. Inaangat Niya sa antas na “spiritual” ang pagsunod sa Dios. Tama na sa “flesh” o laman ay mayroong pamilya si Hesus ngunit sa usapang espiritwal, may higit na dapat pagtuunan ang tagasunod ni Hesus – ang gawin ang pinagagawa ng Dios, i-apply ang mga natututunan.


Ibig ituro ni Hesus mismong sa panahon na iyon na may higit na pagsunod kaysa sa pagsunod sa mga kapamilya at iyon ay ang pakikinig ng Salita ng Dios na may kasamang “application” o “practice”.


Hindi Niya ibig ipahiya ang Kanyang pamilya bagkus ginamit na Niya itong “illustration” o larawan ng kahalagahan ng pag-aaply ng Salita ng Dios.


REFLECTION QUESTIONS:

  1. Ano ba talaga ang prayoridad mo sa buhay? Maituturing mo ba ang iyong sarili na “real family” ng Dios?

  2. Anu-anong mga bagay na tinuro na ni Hesus ang hindi na-aapply sa ating buhay?Halimbawa:

  • Mabuti ang maging magalang sa magulang… napapraktis ba?

  • Mabuti ang manalangin para sa pangangailangan kahit anong oras… napapraktis ba?

  • Mabuti ang magrelease ng pagpapatawad… napapraktis ba?

  • Mabuti ang maging generous o mapagbigay… napapraktis ba?

  • Mabuti ang makinig sa sinasabi ng Dios… napapraktis ba?

  • Mabuti ang maging masipag… napapraktis ba?

  • Mabuti ang makiisa sa Dios sa Kanyang layunin sa mundo… napapraktis ba?

  • Mabuti ang huwag abusuhin ang katawan… napapraktis ba?

  • Mabuti ang makapakinig sa Salita ng Dios… napapraktis ba?


Intercession


  1. Individual: That God will be central in each one

  2. Concert Prayer (no one leading):

    1. The followers of Christ will be a “real family” – inaapply ang Salita ng Dios

    2. Ang mga guro – magkaroon ng “supernatural” na karunungan upang magawa ang layunin ng Dios.

    3. Ang mga estudyante mula preschool hanggang Masters ay makapagtiyaga at adjust sa New Normal at bigyan sila ng kalusugan at katalinuhan

  3. Someone will lead (all agree):

    1. Nawalan ng trabaho at nagsara ng negosyo – tumingin sa Dios at hanapin ang kalooban Niya

    2. May sakit at nagdadalamhati – aliwin ng Panginoon at pagalingin ni Lord nang buong-buo

    3. Nag-aaway o may hidwaan – mag-anak, sa kapitbahay, sa trabaho, sa church – pag-ibig ng Dios ang pumuno sa kanilang puso

  4. Personal prayer concerns (pray for one on left and one on right)

  5. Ang bansang Pilipinas at sarili niyong lugar at baranggay – katuwiran, pagkakaisa, takot sa Dios.


Offering

Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.



Announcements


Important Announcement:

May 30 na katao na pwedeng dumalo sa service tuwing Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 21 YEARS OLD AT ABOVE 60 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


SCHEDULE:

October 11 - Cluster 1 (Malanday)

October 18 - Cluster 2 (Concepcion, Tumana)

October 25 - Cluster 3, 4, 5 (Parang, Fortune, Marikina Heights, Nangka, San Mateo)

November 1 - Cluster 6, 7 (Sto. Nino, Calumpang, Sta. Elena, Outside Marikina)


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice


Other Announcements:

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.

  • Missions pledges - 'Wag po natin kalimutan ang ating missions offering na ating ipinledge noong simula ng taon :)

  • Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.

  • Support MFGC market basta walang laglagan, laging tulungan!

  • Bring your offerings to church - office is open from 8 am to 3 pm only

  • Obey government protocols!

  • Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, at ang 3rd service po ay 6 pm na ngayon. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.

  • Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.

  • Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.


Picture Taking, Closing Prayer & Snacks

Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

195 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page