top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 29

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 14, 2020.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Discipled to Disciple

October 14, 2020

Luke 9:23-27

by Ptr. Noolen Jebb Mayo

 

1. Pagbati


Nagsimula na ang last quarter ng taon at malapit na ang pasko… Pede na ninyong batiin ang inyong katabi ng ‘Maligayang Pasko’ nang sumaya-saya naman ang ating mundo kahit sa gitna pa rin ng pandemya.


2. Pambungad na Panalangin


Hinihiling natin ang mga tatay (o nangunguna sa pamilya) na buksan tayo sa panalangin at imbitahan ang presensya ng Banal na Espiritu sa ating kalagitnaan at maunawaan din ang Salita ng Diyos na ibabahagi sa atin.


3. Pag-aawitan


Go, Tell It On The Mountain


[Chorus]

D A D A G D

Go tell it on the mountain, over the hills and everywhere;

D A7 D

Go tell it on the mountain that Jesus Christ is born.

[Verse 1]

D A D

While shepherds kept their watching o'er silent flocks by night,

D E A A7

Behold throughout the heavens there shone a Holy Light.

[Repeat Chorus]

[Verse 2]

D A D

The shepherds feared and trembled when lo! Above the earth,

D E A

Rang out the angel chorus that hailed our Savior's birth.

[Repeat Chorus]


[Verse 3]

D A D

Down in a lowly manger the humble Christ was born

D E A

And brought us God's salvation that blessed Christmas morn!

[Repeat Chorus]


4. Pagpapatotoo


Ang ipagpapasalamat natin ngayong gabi ay kung ano ang isang particular na panalangin mo sa Panginoon ang tinugon na Niya sa taong ito? (ex. nakapag-pakasal ka na; nakahanap ka ng trabaho kahit sa gitna ng pandemya; accomplishment mo sa school, etc.)


5. Scripture

Luke 9:23-27
Sinabi nya sa lahat, ‘Kung gusto nyong sumunod sa akin, kalimutan nyo ang sarili nyo, pasanin ang krus nyo araw-araw at sumunod kayo sa akin. Kung gusto nyong iligtas ang buhay nyo, mawawala ito. Pero kung mawalan kayo ng buhay alang-alang sa akin, maliligtas nyo ito. Anong mapapala nyo kung makuha nyo ang buong mundo pero mapapahamak o mawawala naman ang buhay nyo? Syempre, wala. Kung kinakahiya nyo ako at ang mga teachings ko, ikakahiya din kayo ng Son of Man pagdating nya nang may kadakilaan, kasama ang kadakilaan ng Ama at ng mga banal na angels. Sinasabi ko sa inyo, may ilan sa inyo dito na hindi mamamatay hanggat di pa nila nakikita ang Kaharian ng Diyos.’

6. Mensahe


Bago ang passage na binasa natin, makikita natin na kakagaling lang ni Hesus at ng mga disipulo nya sa ministry (feeding of the 5000 sa vv 10 – 17) at galing din sya sa pananalangin (v 18). Samantala, sa simula ng passage natin, binanggit din ni Hesus ang kaniyang kamatayan (v 22) sa kanyang mga disipulo upang ihanda sila sa kanilang nahaharap na ministry – ang discipleship.


Lahat ng nagsasabing sumusunod kay Hesus ay nabigyan ng habilin na tinatawag nating ‘great commission’ sa Mt 28: 16 – 20. Ito ba ang ‘AIM’ mo habang nabubuhay? O di kaya, sinasabi lang natin na tayo ay ‘ligtas’ na pero di naman sinusunod ang Lord ng ating buhay. Sinasabi nating ‘save’ na tayo pero ayaw naman natin ibahagi ang kadakilaan ni Hesus sa buhay natin upang ang iba naman ay maligtas.


Tanong: Kailan ang huling pagkakataon na ginamit tayo ng Panginoon upang magkaroon ng ‘salvation’ ang ibang tao? Ito ba ang layunin mo bilang mananampalataya o taga-sunod ni Hesus?


Sa passage natin ngayon, bibigyan namin kayo ng encouragements para gawin ang isang layunin ng Diyos na malimit makaligtaan at maunawaan ang emphasis na tayo ay ‘Discipled to Disciple’…


Ayon sa talatang binasa natin, masasabi nating sumusunod tayo sa ating Panginoon kung kalimutan natin ang ating mga sarili (deny ourselves). Ang ibig sabihin ay hindi dapat self-contentment (ano ba ang makakapagbigay saya sa akin); self-pleasing (ano ba ang magbibigay ng kasikatan sa akin); o being worldly (inggit, ganid, galit at marami pang iba). Kung si Hesus na ang namumuhay sa atin, atin ding priority ay ang priority ni Hesus noong Siya ay nabubuhay pa sa mundong ito – to seek and save the lost.


Ang binibigyan ba natin ng halaga ay ang yaman sa mundo higit sa ating kaluluwa? Hindi lahat ng kumikinang ay magbibigay satisfaction sa buhay natin. Hinahabol natin ang mga ito, kung saan alam naman natin na hindi rin natin ito madadala sa hukay. Pinapagod natin ang sarili para sa mga bagay na temporal lang ang katiyakan. Nagpapakahirap tayo para sa wala hanggang ang kaluluwa natin ang nawawala na.Higit nating bigyang value ang kaluluwa natin, kaluluwa ng mga mahal natin sa buhay, kaluluwa ng mga kaibigan natin at sa mga nangangailangan kay Hesus.


Kung ikinakahiya natin si Hesus – isa rin itong form of disbelief. Lagi nating claim na may Hesus na tayo sa puso ngunit may pagdududa pa tayong ibahagi ang Panginoong Hesus. Sinasabi nating anak tayo ng Diyos pero natatakot tayong malaman ng mga pamilya, kaibigan, ka-opisina na tayo ay kristiyano na. Tayo ay kabilang sa mga mananampalataya pero hindi tayo nagtitiwala sa kanyang mga Salita. Kailangan nakikita sa atin si Hesus at ipnapakita kahit nasaan man tayo.


Reflection: Kung tayo ay tinatawag na disipulo (taga-sunod) ni Hesus, binibigyan ba natin ng halaga o importansya ang habilin Niya sa atin na ‘to make disciple’? Ano ang pumipigil sa atin upang hindi magawa ang habilin na ito? Kailan natin sisimulan ang pagbigay halaga sa layunin ni Hesus sa atin na mag-disciple?


Marami ang nangangailangan kay Hesus lalo na sa panahon ng pandemyang ito. Kung ang sarili mo ay binibilang mon a disipulo ni Hesus, tinawag ka na ‘Discipled to disciple’.


7. Pananalangin


Bigyan natin ng panahon na maidulog ang mga patungkol sa discipleship program ng ating simbahan…

  1. Ipanalangin natin ang mga namumuno (name names if possible) sa mga small groups ng simbahan (care circle, bible studies, departments kasama na rin ang family prayer cell). Lalo pa silang bigyan ng kasipagan at pagpalain din sila ng Panginoon.

  2. Sa mga wala pang kinabibilangan na small group. Magkaroon sila ng grupo, matuto at lumalim pa sa Panginoon at ma-enjoy nila ang mga small groups nila. Bigyan ng lakas ng loob na lumapit sa mga pastors at leaders para mabigyan ng grupo.

  3. Magbigkas ng isang mahal natin sa buhay, kaibigan o ka-opisina, ka-klase o ka-eskwela na nais makakilala sa Panginoon at bigyan tayo ng panahon na mabahaginan ng Salita ng Panginoon sa linggong ito.

  4. Pagkaka-isa ng ating mga mambabatas especially sa laban tungkol sa speakership ng kongreso.

  5. Patuloy na panalangin para sa mga guro at students… kalakasan at karunungan sa pagtuturo para sa mga guro at pang-unawa at kasiglahan sap ag-aaral para sa mga mag-aaral.

  6. Ingatan ang bansa sa mga sakuna, lalo na sa mga bagyo, LPA, habagat na nagbibigay baha; sa lindol at sunog, maging sa patuloy nab anta ng Covid-19 sa bansa.

8. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

  • BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH - 006970029203

  • DROP BY THE OFFICE - Mon - Fri, 8 am to 3 pm

9. Mga Anunsyo


PASTOR APPRECIATION DAY

Mahal mo ba ang iyong mga pastors? Pastor's Appreciation Day sa MFGC sa October 25, 2020! May iba't ibang paraan para maipakita ang care mo sa kanila :)


P - PRAYER PARA KAY PASTOR

Napakahalaga po na isama natin sa ating mga prayers palagi ang ating mga pastor at ang kanilang ministry and pamilya :)


A - AYUDA PARA KAY PASTOR

Pwedeng magpadala ng love gifts in cash through our pastors' bank accounts:

Kay Carolino - BDO - 006970134627

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299

Gloria Oyco - BDO - 006970168262


S - SOCIAL MEDIA LOVE

Sa October 25, sabay-sabay natin ipakita ang ating love for our pastors by posting about them on our Facebook, Instagram or Twitter with the hashtag #MFGCPastorApp.


T - THANK YOU VIDEO

Magsend sa ating Facebook page ng video ng iyong sarili at ng inyong pamilya saying: "Thank you, pastors!"

Deadline: Oct 24

Pwede rin magshare ng message kung bakit mo sila pinapasalamatan.


O - OUR LOVE FOR THEIR FAMILIES

Let us also remember the families of our pastors and think

of ways na pwede natin silang ma-bless! Let us treat the pastors' families as if they are our families too!


R - REGALO PARA KAY PASTOR

If you have gifts for our pastors--whether food or other items--you can also give it to them directly from October 19 to 24 (if sa bahay nila dadalhin) or much better po if you can give it in person sa October 25 service.


PHYSICAL SERVICE

May 30 na katao na pwedeng dumalo sa service tuwing Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 21 YEARS OLD AT ABOVE 60 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


SCHEDULE:

October 11 - Cluster 1 (Malanday)

October 18 - Cluster 2 (Concepcion, Tumana)

October 25 - Cluster 3, 4, 5 (Parang, Fortune, Marikina Heights, Nangka, San Mateo)

November 1 - Cluster 6, 7 (Sto. Nino, Calumpang, Sta. Elena, Outside Marikina)


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice


OTHER ANNOUNCEMENTS

  • Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request sa kanila para maisubmit sa leadership.

  • Missions pledges - 'Wag po natin kalimutan ang ating missions offering na ating ipinledge noong simula ng taon :)

  • Support MFGC market basta walang laglagan, laging tulungan!

  • Bring your offerings to church - office is open from 8 am to 3 pm only

  • Obey government protocols!

  • Tatlong service schedule na po ang meron tayo tuwing Sunday: 9 am, 2 pm, at ang 3rd service po ay 6 pm na ngayon. Gawin ang makakaya para sumabay mag-church sa isa sa mga oras na ito.

  • Meron na po ba kayong mga Care Circle? Hindi ito para lang sa mga "matatagal na" o para sa mga nakapag-aral sa Bible School. Lahat po ng taga-MFGC ay inaanyayahan na mag-join sa isang Care Circle. Magkakaroon po kayo ng mga bagong kaibigan sa church na tutulong sa inyo sa buhay-espiritwal at kung paano ito iaapply sa ibang bahagi ng inyong buhay. Pwede kayo mag-signup sa link na ito.

  • Siguraduhin pong updated ang inyong info sa aming records. pwedeng i-click itong link na ito para mag-submit ng iyong number, birthday, etc.


10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo


Ang pinakabata sa grupo ang magwakas ng panalangin, pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng mga panalangin natin at ang mga biyaya na pagsasalo-saluhan natin.


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

210 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page