top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 30

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 21, 2020.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Discipled to Disciple

October 21, 2020

Luke 10:1-12

by Ptr. Noolen Jebb Mayo

 

1. Pambungad na Panalangin


Ang ating facilitator ang magbukas ng panalangin para sa ating Family Prayer Cell sa gabing ito. Idulog ang pagkilos ng Kanyang presensya at pang-unawa sa mga Salita na ating maririning ngayon.


2. Pagbati


Magandang araw sa inyong lahat! Pwede ba nating sabihan ang isa’t isa ng ‘Isa kang pagpapala sa aking buhay!’


3. Mga Anunsyo


PASTOR APPRECIATION DAY

Mahal mo ba ang iyong mga pastors? Pastor's Appreciation Day sa MFGC sa October 25, 2020! May iba't ibang paraan para maipakita ang care mo sa kanila :)


P - PRAYER PARA KAY PASTOR

Napakahalaga po na isama natin sa ating mga prayers palagi ang ating mga pastor at ang kanilang ministry and pamilya :)


A - AYUDA PARA KAY PASTOR

Pwedeng magpadala ng love gifts in cash through our pastors' bank accounts:

Kay Carolino - BDO - 006970134627

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299

Gloria Oyco - BDO - 006970168262


S - SOCIAL MEDIA LOVE

Sa October 25, sabay-sabay natin ipakita ang ating love for our pastors by posting about them on our Facebook, Instagram or Twitter with the hashtag #MFGCPastorApp.


T - THANK YOU VIDEO

Magsend sa ating Facebook page ng video ng iyong sarili at ng inyong pamilya na nagsasabing: "Thank you, pastors!"

Deadline: Oct 24


O - OUR LOVE FOR THEIR FAMILIES

Let us also remember the families of our pastors and think

of ways na pwede natin silang ma-bless! Let us treat the pastors' families as if they are our families too!


R - REGALO PARA KAY PASTOR

If you have gifts for our pastors--whether food or other items--you can also give it to them directly from October 19 to 24 (if sa bahay nila dadalhin) or much better po if you can give it in person sa October 25 service.


PHYSICAL SERVICE

May 30 na katao na pwedeng dumalo sa service tuwing Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 15 YEARS OLD AT ABOVE 65 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


SCHEDULE:

October 25 - Cluster 3, 4, 5 (Parang, Fortune, Marikina Heights, Nangka, San Mateo)

November 1 - Cluster 6, 7 (Sto. Nino, Calumpang, Sta. Elena, Outside Marikina)


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice


OTHER ANNOUNCEMENTS

  • Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request through them :)


4. Pagpapatotoo


Pwede ba nating marinig ngayon kung papaano ka ginamit ng Panginoon upang maging isang pagpapala sa kapwa? (ex. Nakapa-abot ka ng ulam sa kapitbahay; nakamusta mo ang isang kaibigan at naipanalangin mo siya; nasamahan mo ang isang kapatiran at natulungan mo siya sa kanyang problema)


5. Pag-aawitan


Ako Ay Lalapit chords by Musikatha


Verse

Db Ab/C Abm/B Bb7

ako ay lalapit sa iyong harapan

Ebm Daug/Eb Ebm7 Ab

puso ko’y luluhod sa iyong kabanalan

Db Ab/C Abm/C Bb7

at kahit hindi man ako karapat-dapat

Ebm Daug/Eb Ebm7 Ab

ngunit sa biyaya’t dugo mong nilaan

Ebm Ab

O HESUS...

Chorus

Gb Fm-Bbm-Ebm

ako’y lalapit...

Abm Gb Fm-Bbm-C-Ab

mag-aalay ng pagpupuri sa’yo

Gb Fm-Bbm-Ebm

ako’y aawit ...

Abm Gb Fsus/C-F7 Bbm-Ebsus-Eb7

itataas ang aking tinig sa’yo

Ebm Fm Bbm7 Ab7 Db

ako’y mananahan sa piling mo


6. Scripture


Buksan ang Bibliya sa Luke 10:1-12 at basahin ito.


7. Mensahe


Nung nakaraang linggo ay napag-aralan natin ang pangangailangan ng ‘how to’ sa Discipled to Disciple – kalimutan ang sarili at gawing prioridad ang nais ng Diyos; bigyang halaga ang kaluluwa kaysa sa ano mang kumikinang sa ating mata; at huwag ikahiya si Hesus dahil isa din itong ‘form’ ng walang pagtitiwala sa Kanya.


At ngayon ay pag-aaralan natin ang tunay na kaligayahan sa paggawa ng naturang ‘great commission’ ng lahat ng mananampalataya ayon sa Lucas 10: 1 – 12 (basahin ang talatang ito).


Ang unang bahagi ay ang pagdulog nito sa panalangin. Idulog ang pangangailangan ng mangagawa (v 2) at walang iba kundi IKAW ito (v 3). Ano ba ang kinakatakot natin para sa gawaing ito? Binigyan tayo ng privilege ng Hari ng mga hari; Maylikha ng langit at lupa na gawin ito. Di ba isang kasiyahan ang pag-utusan ng presidente ng Pilipinas sa isang departamento nito? O kaya naman ang boss mo sa opisina ay sinabihan ka na pangunahan ang isang proyekto? Tanggapin natin ang pinapagawang hamon ng Diyos na buhay nang may kasiyahan.


Provided ang lahat ng pangangailangan (v 7). Napakasayang isipin na ipagkakaloob Niya ang lahat ng pangangailangan natin habang ginagawa ang hamon na ito. Kahit sa gitna ng mga sakripisyo na haharapin, pangako Niya na ipagkakaloob lahat ng ito. Uulitin ko, kahit sa gitna ng hirap, pagod, sakripisyo sa paggawa ng hamon na ito, nariyan ang katapatan ng Diyos sa buhay natin.


Ang isa pang kasiyahan ay ang ‘privilege to heal’ o magamit tayo para matugunan ang pangangailangan ng mga taong inaabot natin (v 9a). Hindi man sa physical healing pero pwede naman sa emotional or spiritual healing. Isang fulfilling sa pakiramdam ang pagsunod dito at ikaw mismo ang ginamit ng Panginoon para sa mga taong inaabot mo. Huwag nating sayangin ang privilege na ito; huwag nating hayaan na iba ang gamitin ng Diyos para makita ang kaluwhatian Niya.


At ang huli ay ibahagi ang kaharian ng Diyos (v 9b). Kapag nasimulan na nating ipakita ang kabutihan ng Diyos sa buhay ng mga taong ito, madali na nating maibahagi ang kaharian ng Diyos sa kanila. Ito ang isa sa mga layunin ng Diyos para sa ating lahat (walang hindi kasama dito). Ito ang dahilan kung bakit nakakilala ka sa Panginoon upang maging ‘Discipled to Disciple’. Tunay na nakatataba ng puso kung maibahagi mo ito sa mga taong higit din na nangangailangan sa Kanya.


Habang ginagawa natin ito, tunay na nararanasan na natin ang kasiyahan na dulot ng pagsunod dito. Ano pa ang hinahantay natin? Tinawag tayo na maging ‘Discipled to Disciple. Ngunit ang higit na kasiyahan dito ay ang nakasaad sa (vv 17 – 20) kung saang bumalik na ang Kanyang mga sinugo. Sila ay nakakapagpasunod ng masasamang espiritu at ang higit pa dito ay ang pangalan nila ay nakasulat na sa langit. What a privilege to be a follower of Christ that makes followers of Christ. Sumama na dito at uwag magpahuli..


8. Pananalangin


1) Patuloy natin idulog ang ating mga sarili na mag-handa sa hamon na ito at sumunod sa nais ng Diyos na maging kabahagi sa Discipleshp Program ng ating simbahan.

2) Idulog din natin ang mga ‘missionaries’ natin sa ibang bansa ng anointing ng Diyos, provisions & protection din sa kanila. CANADA: Ptr Jhun Agarpao & family and Ryan Barraca & family; SINGAPORE: Rich & Helen Gianchard; HONGKONG: Bong & Dang Hermosa; Bulubundukin ng Pilipinas: Ptr Delfin Corona (National President of Foursquare Philippines) at kung may mga kakilala pa kayo.

3) Ihanda ang mga puso ng mga mahal natin sa buhay upang makakilala si Jesus at tanggapin Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas ng kanilang buhay. State their names and claim for answered prayers.

4) Ipanalangin natin ang bansa ng Israel na patuloy na ingatan ng Panginoon; pagpalain ang bansa; mga liders; at mga mamamayan dito. Sila ay maging pagpapala din sa mga bansang nananalangin sa kanila.

5) Ang bansa natin ay patuloy din nangagnailangan ng panalangin na kahit sa unti-unting pagluwag sa quarantine, nandiyan pa rin ang pag-iingat / protection ng Panginoon sa virus ng Covid-19; karunungan ng mga IATF para sa mga implementasyon ng kanilang mga programa; & maayos at responsableng pagkilos ng DOH.

6) Tanungin mo ang prayer request ng iyong nasa kanan at kaliwa at ipanalangin sila.

.

9. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

  • BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH - 006970029203

  • DROP BY THE OFFICE - Mon - Fri, 8 am to 3 pm


10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo


Ang ina ng tahanan naman ang magwakas sa atin sa panalangin at para sa ating pagsasalo-saluhan. Pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng ating mga panalangin at patuloy na bigyan ng papuri ang Diyos sa ating buhay.


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

176 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page