top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 31

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 28, 2020.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Discipled to Disciple

October 28, 2020

Luke 9:51-56

by Ptr. Glo Oyco

 

1. Pagbati


2. Pambungad na Panalangin


Hinihiling natin ang mga tatay (o nangunguna sa pamilya) na buksan tayo sa panalangin at imbitahan ang presensya ng Banal na Espiritu sa ating kalagitnaan at maunawaan din ang Salita ng Diyos na ibabahagi sa atin.


3. Pag-aawitan


Banal Mong Tahanan

Ang puso ko’y dinudulog sa’Yo

Nagpapakumbaba, nagsusumamo

Paging dapatin Mong ikaw ay mamasdan

Makaniig ka at sa’Yo ay pumisan


Koro:

Loobing Mo ang buhay ko’y maging banal Mong tahanan

Luklukan ng Iyong wagas na pagsinta

Daluyan ng walang hanggang mga papuri’t pagsamba

Maghari ka o Diyos ngayon at kailanman

.

4. Pagpapatotoo


Sa pamamagitan ng munting game na TRIP TO JERUSALEM ang bawat miembro ng pamilya ay magbibigay ng kanilang mga praise reports na mag-uumpisa sa bawat titik ng salitang JERUSALEM.

Halimbawa: Titik J – Jesus, ang aking kalakasan.


5. Scripture


Lucas 9:51-56 (Magandang Balita Biblia)

51 Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, buo na ang Kanyang kapasyahang pumunta sa Jerusalem.

52 Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Pumunta sila sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan.

53 Ngunit ayaw siyang patuluyin ng mga Samaritano dahil buo na ang kanyang kapasyahang pumunta sa Jerusalem.

54 Nang makita ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, gusto ba ninyong magpaulan kami ng apoy mula sa langit upang sila’y lipulin (tulad ng ginawa ni Elias)?”

55 Ngunit hinarap sila ni Jesus at sila'y pinagalitan, (Hindi ninyo alam kung anong espiritu ang nasa inyo. Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang ipahamak kundi iligtas ang mga tao.”)

56 At nagpunta sila sa ibang nayon.


Luke 9:51-56 (ESV)

51 When the days drew near for him to be taken up, he set his face to go to Jerusalem.

52 And he sent messengers ahead of him, who went and entered a village of the Samaritans, to make preparations for him.

53 But the people did not receive him, because his face was set toward Jerusalem.

54 And when his disciples James and John saw it, they said, "Lord, do you want us to tell fire to come down from heaven and consume them?"

55 But he turned and rebuked them.

56 And they went on to another village.


6. Mensahe


Ang paglalakbay ni Hesus ay patuloy magmula sa Galilea papuntang Jerusalem. At bahagi ng Kanyang paglalakbay ay ang pagtuturo na kinapapalooban ng iba’t ibang kaparaanan. Kung minsan ang kanyang pagtuturo ay sa pamamagitan ng tagubilin (instruction) at magkaminsan ay sa pamamagitan ng correction. Sa mga talata na ating binasa ay pag-aaralan ngayong gabi ay napapaloob ang dalawang kaparaanan ng pagtuturong ito ng ating Panginoong Hesus.


Isa-isa nating pag-aralan ang bawat verse..


A. The Decision:

51 Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Jesus sa langit, buo na ang Kanyang kapasyahang pumunta sa Jerusalem.


Nalalaman ni Jesus ang Kanyang personal na time table, pagkatapos ng lahat ng Kanyang mga ginawa (pagpapagaling ng maysakit, pagpapakita ng himala) at nalalapit na panahon na pag-akyat sa langit ay merong syang mataimtim na pagpapapasyang ginawa: ipinasya Niyang pumunta sa Jerusalem. “SET HIS FACE” nagpapakita ng strong determination na bagama’t alam Niya na sa lugar ng Jerusalem Siya mamatay,


B. The Rejection

52 Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Pumunta sila sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan.

53 Ngunit ayaw siyang patuluyin ng mga Samaritano dahil buo na ang kanyang kapasyahang pumunta sa Jerusalem.


Nagpadala si Jesus ng mga tao na maghahanda sa Kanyang pagdating sa lugar ng Samaria, isa sa mga nayon/barangay ng Jerusalem, ngunit hindi sila pinatuloy. Ang pagtanggi ng mga Samaritano ay sa kadahilanan ng pagkakaroonng hindi magandang pagkakaunawaan ng mga Hudyo at mga Samaritans. At si Jesus bilang isang Hudyo ay hindi nila tinanggap.


C. The Reaction

54 Nang makita ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, gusto ba ninyong magpaulan kami ng apoy mula sa langit upang sila’y lipulin (tulad ng ginawa ni Elias)?”


Sina Santiago at Juan (James at John), dalawa sa mga disciples ni Jesus Christ ay nagkaroon ng matinding reaction, na may kasama marahil na pagkagalit. Sila ay kilala bilang “sons of thunder” daala ng kanilang maingay at marahas na personalidad. Ito ay nakikita sa kanilang pagiging marahas na reaksyon.


Hindi kaya may pagmamalaki ang reaction nina Santiago at Juan? Ito ba ay bunsod ng kanilang pagmamahal kay Jesus o bunsod ng kanilang tunay na katauhan?


D. The Correction/Instruction (Jesus rebuked Santiago and John)

55 Ngunit hinarap sila ni Jesus at sila'y pinagalitan, (Hindi ninyo alam kung anong espiritu ang nasa inyo. Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang ipahamak kundi iligtas ang mga tao.”)


Ang katugunan ni Jesus sa marahas na reaksyon nina Santiago at Juan ay sa pamamagitan ng correction/pag-rebuked. Alam Niya ang nasa puso ng dalawa, maging ang espiritu na nasa kanila kaya’t ay hinarap at pinagalitan ni Jesus. “HINARAP sila ni Jesus”, an urgency of correction that very moment. Pag-correct na may kasamang pagtuturo. At muli ay Kanyang itinuro kina Santiago at Juan ang kadahilanan ng Kanyang pagparito: para sa kaligtasan ng mga tao.


E. The Redirection

v.56 At nagpunta sila sa ibang nayon.


Ito ay pagpapakita ng isang magandang halimbawa kung papanu dapat tumugon sa rejection. Si Jesus ay hindi nagpakita ng negative emotion sa Kanyang tinaggap na rejection kundi paglisan at muling paghanap ng ibang lugar upang Kanyang bigyan ng katuruan.


REFLECTION:

Sa ating kapanahunan, bilang mga DISCIPLES sa ating kapanahunan at papaano tayo nagkakaroon ng katugunan sa mga sumusunod na pangyayari sa ating buhay?

  • Sa ating DECISION, tayo ay firm at absolute sa mga ipinapagawa sa atin ng Panginoon? Nang si Jesus ay nagtungo papuntang Jerusalem, SIYA AY MAYROONG BUONG KAPASYAHAN (firm decision)

  • Sa mga REJECTIONS sa buhay (rejections ng mahal sa buhay, na kaibigan, ng kamanggagawa)

  • Sa mga CORRECTIONS/INSTRUCTIONS mula sa Salita ng Panginoon, at mula sa mga tao na binigyan ng wisdom. Tumatanggap ba tayo ng corrections? Are we willing to change and be changed?

  • Kapag merong REDIRECTION, meron mas mabuting plano ang Panginoon

(Bigyan ang bawat isa na makapagbahagi ng kanilang katugunan)


7. Pananalangin

  1. Sang-ayon sa katugunan sa Reflection, ang bawat isa ay magkaroon ng personal prayer.

  2. Social Engagements (4Ps, PH208, JCLAMCS) na madisiciple ang mga nakaka-attend

  3. Church Plants: Rodriguez, Cupang, Tumana, Balubad

  4. Corruption sa Government – ma-implement ng maayos ang bawat programa

  5. Patuloy na panalangin para sa mga guro at students… kalakasan at karunungan sa pagtuturo para sa mga guro at pang-unawa at kasiglahan sap ag-aaral para sa mga mag-aaral.

  6. Ingatan ang bansa sa mga sakuna, lalo na sa mga bagyo, LPA, habagat na nagbibigay baha; sa lindol at sunog, maging sa patuloy nab anta ng Covid-19 sa bansa.


8. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

  • BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH - 006970029203

  • DROP BY THE OFFICE - Mon - Fri, 8 am to 3 pm


9. Mga Anunsyo


PHYSICAL SERVICE

May 30 na katao na pwedeng dumalo sa service tuwing Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 15 YEARS OLD AT ABOVE 65 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice


OTHER ANNOUNCEMENTS

  • Alabaster offerings of UFW - Tinatanggap po ang inyong mga alabaster offering through our usual offering methods. Ibilin po na ito ay para sa alabaster.

  • Siguro po ay meron kayong natatanggap na chat mula sa ating MFGC online team para pasalamatan kayo sa pag-attend ng service. Replyan naman po natin sila, at pwede tayo magshare ng testimony at prayer request through them :)


10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo


Ang ina ng tahanan naman ang magwakas sa atin sa panalangin at para sa ating pagsasalo-saluhan. Pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng ating mga panalangin at patuloy na bigyan ng papuri ang Diyos sa ating buhay.


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

151 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page