top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 32

Updated: Nov 24, 2020

Below is the material for our Family Prayer Cell on November 4, 2020.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Discipled to Disciple

November 4, 2020

Luke 10:17-20

by Ptr. Glo Oyco

 

1. Pagbati


2. Pag-aawitan


I have given you authority

I have given you authority

To trample on snakes and scorpions

And to overcome

All the power of the enemy (oh, to overcome)


Nothing will harm you (nothing)

Nothing will harm you

Nothing will harm you

Nothing will harm you (nothing)

Nothing will harm you


How lovely on the mountains are the feet

How lovely on the mountains are the feet of Him

Who brings good news, good news

Announcing peace, proclaiming news of happiness

Our God reigns, our God reigns

Our God reigns, our God reigns

Our God reigns, our God reigns


3. Pambungad na Panalangin


Hinihiling natin ang mga tatay (o nangunguna sa pamilya) na buksan tayo sa panalangin at imbitahan ang presensya ng Banal na Espiritu sa ating kalagitnaan at maunawaan din ang Salita ng Diyos na ibabahagi sa atin.

.

4. Scripture


Luke 10:17-20 (MBBTAG)


17 Masayang-masayang bumalik ang pitumpu't dalawa.[b] Iniulat nila, “Panginoon, kahit po ang mga demonyo ay napapasunod namin dahil sa kapangyarihan ng inyong pangalan.”

18 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit. 19 Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at daigin ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo. 20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasunod ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”


Luke 10:17-20 (NIV)


17 The seventy-two returned with joy and said, “Lord, even the demons submit to us in your name.”

18 He replied, “I saw Satan fall like lightning from heaven. 19 I have given you authority to trample on snakes and scorpions and to overcome all the power of the enemy; nothing will harm you. 20 However, do not rejoice that the spirits submit to you, but rejoice that your names are written in heaven.”


5. Mensahe


Ang Luke chapter 10 ay naglalaman ng pagkakapili ng Panginoong Hesus sa 72 disciples at ang pag-send sa kanila sa iba’t ibang bayan. Nagbigay din si Hesus ng mga alituntunin at tagubilin sa mga dapat at di dapat nilang gawin sa kanilang paghayo. At sila ay ipadadala katulad ng parang mga tupa sa gitna ng mga wolf (Luke 10:3).


At sa ating teksto ngayong gabi, (Luke 10:17-20); ang kanilang mga kapahaygan mula sa kanilang paghayo ang kanilang dala-dala kay Hesus. Kung sila ay 72 , mayroong 36 na pares na nagbigay ng kanilang mga report.


1. Ang mga disciples ay nagreport ng may kagalakan! (v.17a)

Matapos silang ipadala ni Hesus sa iba’t ibang lugar ang 72 ay may mga baon-baon na report! Na naglalaman ng masidhing kagalakan sa kanilang mga ginawa. Kagalakan na dala marahil ng katotohanan na bagamat hindi sila kasama sa original na 12 disciples, sila ay nakagawa ng mga ipinagtagubulin sa kanila ng Panginoong Hesus na “kahit ang mga demonyo ay napapasunod naming”. They are amazed! Ang ibinigay ni Hesus na pangako sa labindalawang disciples ay kanilang naranasan (Luke 9:1) Tinipon ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga may sakit.

2. Ang mga disciples ay may authority na magpalayas ng mga demonyo (v.17b)

Lubhang nagulat ang 72 disciples na kahit ang mga demonyo ay kanilang napasunod.

3. Ang mga disciples ay may kapangyarihan na tapakan ang mga ahas at mga alakdan at daigin ang kapangyarihan ng kaaway (v.19)

Ang ahas ay alakdan ay parehong may taglay na kamandag na may kakanyang makapamatay ng tao. Ang ahas sa Book of Genesis ay nagsi-symbolize ng kaaway (serpent)..maninila, mangloloko at makapanira. Yan ang kanyang kayang gawin.

Subalit ang mga bagay na ginagawa ng kaaway ay kayang daigin ng mga disicples.

May magagawa ang isang taong may pananampalataya at sumusunod sa kalooban ng Dios. Ang isang isang taga-sunod ni Kristo ay may kapangyariahn na tapakan ang mga lalang ng kaaway.

PAPAANO NAGAWA NG MGA DISCIPLES ang mga nasabing bagay? sa pamamagitan ng PANGALAN NI HESUS! (V.17B)

Isang simpleng formula ang ibinibigay: sa pamamagitan ng Pangalan ni Hesus. Bilang mga anak Niya na tumanggap kay Hesus, ang bawat ay nagkaroon ng karapatanna gamitin ang kapangyarihan ng Pangalan ni Hesus upang magpalayas ng mga demonyo, tapakan ang gawa ng kaaway.

Katulad ng cheque, na nagkakahalaga ng isang million, ito ay mapapasaiyo lamang kung ito ay may pirma ng nagbibigay ng nasabing halaga. Kung ito ay walang signature, hindi maaaring i-withdraw ang nasabing amount. In short, walang kapangyarihan ang sinumang binigyan ng kahit na gaano kalaking halaga kung ito ay walang signature ng nagbigay. Sapagkat ang kanyang pangalan ang nagpapatunay ng pag-release nya ng nasabing amount sa recipient na magpapatunay ng authority ng recipient to disburse the amount.

Ganun ang ginawa ni Hesus, binigyan Niya ng authority at power ang mga disciples sa PAMAMAGITAN NG KANYANG PANGALAN. Ito ay ipinagkaloob Niya kasabay ng pagsunod ng mga disicples sa pagtungo sa bawat lugar na kung saan sila ay pinapunta ni Hesus.

Ngunit sa kabila ng kagalakan na makapagpalayas ng demonyo, tapakan ang gawa ng kaaway ay mayroong higit na makapagbibigay ng kagalakan sa mga disicples, at ito ay ang NAKATALA ANG KANILANG MGA PANGALAN SA LANGIT. Ito ang joy beyond compare, na ang ating pangalan ay nakatala sa Book of Life.

REFLECTION:

  • Nararanasan ba natin ang naranasan ng 72 disciples na nakapagpapalayas ng demonyo?

  • Anu-ano ang maaring kadahilanan kung bakit hindi mo ito nararanasan sa ngayon?

(Bigyan ang bawat isa na makapagbahagi ng kanilang katugunan)


6. Pananalangin

  1. MMND Conference every Friday: November 6, 13. 20 at 27. (7:00PM – 9:00). Ito ay para sa mga credential holders.

  2. Personal na maranasan ang power at authority ng bawat mananampalataya

  3. Children’s Ministry (na mas maging creative ang bawat lesson presentation, maging responsive ang bawat bataang nakakapanood)

  4. Patuloy na panalangin sa bansang Israel

  5. Ang recovery ng mga nasalanta ng bagyong Rolly (Bicol Region, Mindoro province).

  6. Pagkakaroon ng discipline ng bawat Pilipino sa pagsunod sa IATF PROTOCOLS.


7. Pagpapatotoo


8. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

  • BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH - 006970029203

  • DROP BY THE OFFICE - Mon - Fri, 8 am to 3 pm


9. Mga Anunsyo


PHYSICAL SERVICE

May 50 na katao na pwedeng dumalo sa service tuwing Linggo sa simbahan. BAWAL PO ANG MGA BELOW 15 YEARS OLD AT ABOVE 65 YEARS OLD AT ANG MGA MAY SYMPTOMS.


Kailangan po mag-register kung dadalo. Hindi pwedeng mag-walk nang hindi nakarehistro ang iyong pangalan.


MAG-SIGN UP SA LINK NA ITO: http://bit.ly/mfgcphysicalservice


10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo


Ang ina ng tahanan naman ang magwakas sa atin sa panalangin at para sa ating pagsasalo-saluhan. Pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng ating mga panalangin at patuloy na bigyan ng papuri ang Diyos sa ating buhay.


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

176 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page