Below is the material for our Family Prayer Cell on November 25, 2020.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Under His Wings
November 25, 2020
Luke 13:31-35
by Ptr. Kay Oyco-Carolino
1. Pagbati
2. Pag-aawitan Pt 1
C-G-Dm-G-C-C-C7-F-G-C
Purihin, purihin Siya
Purihin, purihin Siya
Purihin, purihin Siya
Si Hesus tuwina!
Si Hesus kaligtasan, purihin Siya
Si Hesus kaligtasan, purihin Siya
Si Hesus kaligtasan, purihin Siya
Si Hesus tuwina!
Si Hesus kagalingan, purihin Siya
Si Hesus kagalingan, purihin Siya
Si Hesus kagalingan, purihin Siya
Si Hesus tuwina!
Si Hesus kagalakan, purihin Siya
Si Hesus kagalakan, purihin Siya
Si Hesus kagalakan, purihin Siya
Si Hesus tuwina!
3. Praise Reports
Give a testimony for what God has done FOR YOU and for what God has done THROUGH YOU! (Pasasalamat sa Dios sa ginawa NIya sa iyo o ginawa Niya sa pamamagitan mo.)
4. Pag-aawitan Pt 2
C-Am-Dm-G-Dm-G
Kay buti buti Mo, Panginoon, sa lahat ng oras, sa bawat araw
C-Am-Dm-G-C
Ika’y laging tapat kung magmahal; ang iyong kaawaa’y magpawalanghanggan
C7-F-G-C-F-G-C
Pinupuri’t sinasamba Kita, Dakilang Dios at Panginoon
Dm-G-Em-Am
Tunay ngang Ika’y walang katulad, tunay ngang Ika’y di nagbabago
Dm-G-C
Mabuti ang Dios na sa atin ay nagmamahal.
5. Mga Anunsyo
THANKSGIVING SUNDAY – Araw ng pasapsalamat sa Dios! You can send your THANSGIVING OFFERING and SHARE YOUR TESTIMONY on FB or SMALL GROUP. Our hashtag is #MFGCThanks!
JESUS REIGNS CELEBRATION – Nov. 30, 7:30 a.m. Yung may sasakyan na gustong sumali sa motorcade, pa enlist kay Ptr. Noolen. Sa tanghali. Lahat ng tahanan ay magkakaraoon ng FEAST TO CELEBRATE JESUS. Communiion and blessing the family members. For details, contact the pastors.
SUBSCRIBE TO OUR YOUTUBE. If you subscribe to other channels that only entertain us, why not subscribe to our Youtube that gives us life. Just search JCLAM or go to this link: https://youtube.com/marikina4square
.
6. Scripture
31 Dumating noon ang ilang Pariseo at sinabi nila kay Jesus, “Umalis na kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.”
32 Subalit sumagot siya, “Sabihin ninyo sa asong-gubat na iyon na nagpapalayas pa ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga maysakit. Gayundin ang gagawin ko bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko ang aking gawain. 33 Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas, at sa makalawa, sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta.
34 “Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinusugo sa iyo! Ilang beses kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, gaya ng pag-aaruga ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. 35 Kaya't pababayaan nang lubusan ang iyong Templo. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, ‘Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”
7. Mensahe
Kitang kita natin na determined si Hesus na gawin ang Kanyang misyon. Nais Niyang maintindihan ito ng mga Pariseo at ni Haring Herodes na kahit may tangka pa sa buhay NIya ang mga ito, Siya pa rin ay magpapatuloy. Mariin na rin Niyang pinapaalala sa kanila na matagal na Niyang inaalok sila na magpasakop sa Dios tulad ng mga sisiw na naglilimlim sa ilalim ng mga pakpak ng inahin ngunit tumatanggi ang mga ito!
Ano ba ang nangyayari kapag naglilimlim (BROODING – n. yupyop, halimhim )?
1. The mother hen must sit on the eggs.
2. The mother hen’s presence does several things:
a. SAFEGUARDS / PINAPANGALAGAAN ang mga itlog. Kapag may pasaway na gustong guluhin ang mga magiging sisiw, the hen will attack them, beat the enemy with her wings, jump on them and peck them with their beak. KITANG-KITA ang pag-iingat sa mga nililimliman niya.
b. WARMS / PINAPAINITAN ang mga itlog gamit ang kanyang katawan. May tamang init na kailngan upang patuloy magdevelop ang mga itlog. DAMANG-DAMA ang init ng malasakit ng sa mga nililimliman.
c. MOISTS / MAGHALOMIGMIG / BASAIN NANG BAHAGYA. The hen keeps the eggs moist. Kapag nag-roll ang itlo p[alaba sa pugad, magiging BAD EGG ito dahil magda-dry, manunuyo. The hen transmits some of her moisture to the chicks, even thru the shells. ALAGANG-ALAGA ang mga ito upang hindi masira.
d. LEARNS THE VOICE / NASASANAY SA TINIG ng inahin. Natututo ang mga sisiw na makilala kung sino talaga ang magulang nila sa tinig na laging naririnig ngmga ito. NATUTURUAN ang mga sisiw na hindi pakinggan ang ibang tinig.
e. ROLLS THE EGGS OVER / BINABALIKTAD o INIIKOT SA KABILANG SIDE. Kapag hindi ginawa ito, hindi nadedevelop anng maayos.TULUY-TULOY NA PAG-ARUGA.
Kapag tiningnan natin ang proseso ng paglilimlim at pagiingat ng inahin sa kanyang mga inakay, kitang-kita natin ang sakripisyo, malasakit, at pagmamahal nito sa kanyang nililimliman.
Hinambing ni Hesus ang Kanyang sarili sa inahin na naglilimlim. Kung paano nito gustong maipasailalim ang mga inakay sa Kanyang mga pakpak upang kupkupin sila nang maayos, ganoon ang ibig Niyang mensaheng ipaabot sa mga tumutilgsa sa Kanya. NAPAKALALIM na PAGSASALARAWAN NG PAGMAMAHAL NG DIOS SA MGA TAONG IBIG MAGPASAKOP SA KANYA.
Imbes na pigilan o patayin ang mga ‘propeta’ o ang mga taong nagsasalita tungkol sa Mabuting Balita ng pagliligtas ng Dios, kailangan ng mga Pariseon ito at ni Haring Herodes na kilalanin ang Dios.
Reflection:
Ano ang nararamdaman mo sa ganitong pagsasalarawan?
Conclusion:
Anuman ang kalagayan ng mga tao, mahirap man o hindi masyadong mahirap; anuman ang pinagdadanan ng mga tao ngayon; anuman ang pagtingin ng tao sa kanyang sarili, nawa…maraming tao ang magpasakop at mapasailalim sa pagaaruga ng Dios. Kung alam lang nil ana iba talaga ang may relasyon sa Panginoon.
Nawa’y i-enjoy natin ang pagkupkop sa ating ng Dios, pasalamatan Siya at magpagamit tayo sa Dios upang ang iba ay maranasan din ito.
8. Pananalangin
Dahil sa bagyo, maraming nagkakasakit dahil kulang sa tulog, sobrang pagod, kulang sa tamang pagkain at pagkain sa tamang oras, at mga nababad sa tubig at nabasa ng ulan. IPANALANGIN ANG SAPAT NA KAPAHINGAHAN NG KATAWAN AT KAGALINGAN.
Pagpapasalamat sa Dios sa mga nagbibigay, tumutulong, nananalangin para sa ating mga ginagawang relief operations. IPANALANGIN NA PAGPAPALAIN SILA NG PANGINOON NANG HIGIT PA SA KANILANG NARARANASAN.
Ang mga physical services natin: Presensya ng Dios ay maranasan ng nasa church at nasa mga tahanan o opisina nila; internet signals sa lahat; maraming maabot ng Salita ng Dios. IPANALANGIN AT I-REBUKE ANG ESPIRITU NG KATAMARAN AT KAWALANG GANA SA PAKIKINIG NG SALITA NG DIOS.
Ang BICOL at CAGAYAN ay nasalanta rin. IPANALANGIN NA PATULOY SILANG MANGUNYAPIT SA DIOS at GAMITIN ANG MGA FOURSQUARE CHURCHES para MAKAPAGLINGKOD.
KALIGTASAN (salvation) at PAG-IINGAT (protection) PARA SA BUONG PAMILYA AT MGA KAMAG-ANAK NA NASA MALAYONG LUGAR – Magisip at magbanggit!
Ang ating mga Pastors at Church Staff: KALAKASAN – inside and out, PROTECTION AND HEALING FROM COVID AND OTHER DISEASES
Ang PILIPINAS, RIZAL AT MARIKINA CITY – IPANALANGIN ANG KARUNUNGAN AT IBAYONG LAKAS PARA SA MGA NAMUMUNO. Pagod na pagod na rin ang isip, puso, at katawan nila. LIFT THEM UP TO GOD!
IPANALANGIN ANG INYONG BARANGAY CAPTAIN AT KANYANG MGA STAFF – BIGYAN SILA NG DIOS NG TUNAY NA MALASAKIT AT GANTIMPALA SA KANILANG MABUBUTING GINAGAWA.
9. Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH - 006970029203
DROP BY THE OFFICE - Mon - Fri, 8 am to 3 pm
10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo
Ang ina ng tahanan naman ang magwakas sa atin sa panalangin at para sa ating pagsasalo-saluhan. Pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng ating mga panalangin at patuloy na bigyan ng papuri ang Diyos sa ating buhay.
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.
Comments