Below is the material for our Family Prayer Cell on December 2, 2020.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Lost and Found
December 2, 2020
Luke 15:1-10
by Ptr. Kay Oyco-Carolino
1. Pagbati
2. Pag-aawitan
Song #1
F-C-F-C-F-F7
God is so wonderful, I can’t explain, but I can say
Bb-Bbm-F-C-F
Glory, hallelujah! Praise His holy name!
F-F-C-F
I’m free, I’m free, I’m free to be a servant of the Lord
F-F-C-F
I’m free, I’m free, I’m free to be a servant of the Lord
F7-Bb-F-Dm-Bb-C
He taught me how to praise Him, He taught me how to sing a song
F- F7-Bb-F-Dm
He taught me how to love!
Gm-C-F
I’m free to be a servant of the Lord!
Song #2
C-F-F7-Bb-F
Amazing grace, how sweet the sound
C-F-C
That saved a wretch like me
F-F7-Bb-F
I once was lost, but now, I’m found
F-C-F
Was blind but now I see
Song #3
F-Dm-Gm- C- Gm-C-F
Now I belong to Jesus, Jesus belongs to me
F-F7-Bb-Gm-F-C-F
Not for the years of time alone, but for eternity
3. Opening Prayer
O, Dios naming Ama, nagpapasalamat po kami sa pahiram po Ninyong hininga at buhay sa bawat isa sa amin. Salamat po dahil sa kabila ng aming nakikitang hindi magandang pangyayari sa paligid, binibigyan N’yo po kami ng katiyakan na “The Lord Reigns!” at alam po Ninyo ang Inyong ginagawa. Patuloy po Kayong naghahari sa amin at hindi po Ninyo kami pinababayaan.
Itinatagubilin po namin sa inyo ang lahat ng aming gagawin, ipananalangin at mapapakinggan na mensahe mula sa Inyong Salita. Tulungan po Ninyo kaming maging mapagpasalamat at sensitive sa Inyong tinig upang ang iyong instructions ang aming sundin.
Salamat po sa pagtugaygay Ninyo sa amin. Sa pangalan ni Hesus. Amen!
4. Praise Reports
Tandaang banggitin kung kanino talaga tayo nagpapasalamat – sa Dios!
5. Mga Anunsyo
ONLINE muna po ang service sa Sunday – 9 am, 2 pm at 5 pm
Tuloy lang po ang tithes & offering collection – mas OK po kung online!
Kasali na po ba kayo sa FB group natin? Doon po may announcements and news. Join po kayo dito: https://fb.com/groups/marikina4square
Subscribe to our Youtube channel: https://youtube.com/marikina4square
.
6. Scripture
1 Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang makinig. 2 Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.” 3 Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito.
4 “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? 5 Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. 6 Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ 7 Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
8 “O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't magsisindi siya ng ilawan, wawalisan ang buong bahay at hahanaping mabuti ang nawawalang salapi hanggang sa ito'y kanyang makita? 9 Kapag nakita na niya ito, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nakita ko na ang nawawala kong salaping pilak!’ 10 Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”
7. Mensahe
Nagtataka at hindi nagugustuhan ng mga Pariseo ang pagkilos ni Hesus na nakikisalamuha sa mga “makasalanan” at nakikikain pa kasabay nila. Para sa kanila, ang mga tax collectors, ang mga babaeng bayaran, mga nangangalunya at iba pang taong mas mababa ang kanilang tingin ay hindi dapat pakisamahan. Ang ugali ng mga Pariseong ito ay nagpapakita na tila “mas banal” sila at “mas magaling” at “mas matuwid” at tila “mas kailangang” pagtuunan ng attention ng Dios.
Kaya sa situwasyong ito, nagkuwento si Hesus ng dalawang pagsasalarawan ng tibok ng Kanayng puso sa paggamit ng NAWAWALANG TUPA AT NAWAWALANG SALAPI.
Sa parehong situwasyon sa mga talinhaga, makikita natin ang ganitong saloobin ni Hesus para sa mga NAWAWALA:
1) Sa mga 100 tupa…..kahit isa lang ang maligaw at baka malallag sa bangin (ang mga tupa ay madalas naliligaw lalo na kung walang nagtuturo o hindi nakinig sa sumisipol na pastol), pilit pa ring hahanapin ito ng pastol. Sa 10 salapi, kahit isa lang ang gumulong o mawala, pilit hahanapin ng babae ito…iilawan ang lugar, magwawalis, at hahanapin nang maigi kung saan napunta.
ANG HEARTBEAT NG DIOS: Ang lahat ng nawawala, naliligaw ay HINDI BASTA INIIWAN…sila ay minamalasakitan upang maibalik sa tamang landas, maibaik sa Dios.
Reflection Questions:
· Isipin kung tila pareho ang asal natin sa mga Pariseo…..kapag hindi natin “kasama sa church”, kapag hindi natin “kapuso, kapamilya, kapatid”, kapag “pasaway” sa ating paningin, kapag “hindi born again”……may pakiramdam ba tayo na “mas mataas” tayo?
· Paano tinitingnan ng iyong “spiritual eyes and heart” ang mga naliligaw? Nais mo ba talaga silang hanapin o naghihintay ka na lang at nagsasabing “bahala na sila sa buhay nila!” at nagbabaka sakaling bumalik nang kusa?
2) Kahit tupa o salapi, ang mga taong may pag-aari ng mga ito ay natuwa nung natunton ang hinahanap. May galak silang umuuwi at tinatawag ang kanilang mga kapitbahay at kaibigan upang ibalita ng mabuting balita.
ANG HEARTBEAT NG DIOS: Ang isang kaluluwang naliligaw at nasumpungan ay isang malaking dahilan sa pagsasaya. Hindi ito itinatago, bagkus gumagawa pa ng SHOUT-OUT tungkol dito! Isang bagay na ipinagmamalaki na ang nawawala ay nasusumpungan!! Iyan ang tibok ng puso ng Panginoon na nawa’y maging tibok rin ng ating puso!
Reflection Questions:
· Kailan ka huling natuwa? Ngunit kailan ang huling katuwaan mo dahil may nadala kang naliligaw at napanumbaik sa Dios? O kaya naman, nalaman mong may nawawala ngunit nasumpungan ng Dios at nakaranas ng Kanyang kaligtasan?
· Paano mo pinapakita na natutuwa ka? O wala lang?
3. Sa kadulu-duluhan ng Kanyang talinhaga, parehong binanggit ni Hesus na ang buong kalangitan ay tuwang-tuwa kapag may NASUSUMPUNGAN NA NALILIGAW NG LANDAS. Imagine the joy!
ANG HEARTBEAT NG DIOS: Hindi lang ang Dios ang masaya….NAKIKIGALAK ANG BUONG KALANGITAN kahit ISANG KALULUWA pa lang ang pinag-uusapan. Paano pa kaya kung mas marami pa?
Reflection Questions:
· Honest Talk: May nadala ka na ba sa paanan ng Panginoon na kahit isang kaluluwa na ISINUKO ANG KANYANG BUHAY KAY HESUS at NAGPATULOY na maging TAGASUNOD Niya? Naka ilan ka na?
· Kitang kita natin na gusto talaga ng Dios ng REJOICING OVER LOST PEOPLE WHO ARE NOW FOUND! Ano ang contribution mo sa rejoicing na ito?
CONCLUSION:
Kung Christian ka na ngayon, hindi mob a naisip na nagging masaya ang kalangitan para sa iyo kasi ONCE YOU WERE LOST BUT NOW YOU”RE FOUND?
Nawa, magkaroon tayong lahat ng pagnanais na MALAKING KATUWAAN pa ang ating maririnig dahil nagging bahagi tayo ng PAGHANAP sa MGA NAWAWALA!
8. Pananalangin
Consecration prayer: Manalangin nana gkanya kanya upang ihingi ng tawad ang pagiging “tamad at walang malasakit” sa mga nawawala.
PRAYER FOR UNSAVED FRIENDS AND LOVED ONES - mention their names
Prayer for the sick, the quarantined (all the church staff!), and the weak. (and their families, too!) May God strengthen them inside and out!
“JESUS REIGNS” - na patuloy na mamayani sa ating bansa, sa mga probinsiya at siyudad, sa barangay at pamilya natin. Rebuke ang kilos ng kaaway upang sirain ang mga buhay ng mga Pilipino!
Huwag mag-prosper ang SOGIE BILL, hindi dahil “ayaw natin sa mga ganitong orientation kungdi, sapat na ang ating mga batas ngayon tungkol sa diskriminasyon. Ang pagpasa nito ay mawawalan ng Karapatan ang mga lingkod ng Dios na sabihin ang nasa Salita ng Dios. Kahit anong paliwanang natin na mahal ng Dios ang lahat, hindi pa rin matanggap ng mga nagsusulong na ito ‘hindi personalan’ kungdi kungdi ito lamang ang nararapat.
Patuloy na probisyon sa bawat pamilya
Other concerns
9. Offering
Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.
BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH - 006970029203
DROP BY THE OFFICE - Mon - Fri, 8 am to 3 pm
10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo
Ang ina ng tahanan naman ang magwakas sa atin sa panalangin at para sa ating pagsasalo-saluhan. Pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng ating mga panalangin at patuloy na bigyan ng papuri ang Diyos sa ating buhay.
Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.
Comments