top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 35

Below is the material for our Family Prayer Cell on December 9, 2020.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


Tulad Ng Mga Bata

December 9, 2020

Luke 18:15-17

by Ptr. Kay Oyco-Carolino

 

1. Pagbati


2. Pag-aawitan


Song #1


D

Ang lahat ng mga bata, iniibig ni Hesus;

A-D-D7-G-D

Kahit na anong kulay, kahit na anong bayan

D-A-D

Ang lahat ay iniibig ni Hesus


Jesus loves the little children, all the children in the world

Red, brown, yellow, black and white, all are precious in His sight

Jesus loves the little children of the world


Song #2


C-Am-Dm-G-C-Am-Dm-G

I love You….. more than anything...I love You…...more than anything

C-Am-Dm-G-C-(G7)

I love You…Lord, I give my life to You.


I love you more than anyone I love You...more than anyone I love You

Lord, I give my life to You

(I praise You more than anything...)


3. Opening Prayer


4. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203

GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551

BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526


5. Mga Anunsyo

  • Tumatanggap pa rin tayo ng THANKSGIVING OFFERING (o Everybody’s Birthday) :) (Age x amount per year = total offering) - MAG-SET ASIDE NA AT IBIGAY SA PANGINOON

  • Online muna ulit ang ating service sa Sunday ng 9 am, 2 pm, 5 pm.

  • TITHES AND OFFERING, tuloy lang sumunod sa Panginoon!

  • Kasali na po ba kayo sa FB group natin? Doon po may announcements and news. Join po kayo dito: https://fb.com/groups/marikina4square

  • Subscribe to our Youtube channel: https://youtube.com/marikina4square

.

6. Scripture


Luke 18:15-17

15 Inilalapit ng mga tao kay Jesus pati ang kanilang mga sanggol upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang mga kamay. Nang ito'y makita ng mga alagad, sinaway nila ang mga tao. 16 Ngunit tinawag ni Jesus ang mga bata at sinabi, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat para sa mga katulad nila ang kaharian ng Diyos. 17 Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makakapasok doon.”


7. Mensahe


Intro: Ano ang tingin natin sa mga bata? Depende ba ito sa bata? Namimili ba tayo ng mga batang bibigyan ng attention?


Pansinin na ang mga magulang ay excited na dalhin sa Panginoong Hesus ang kanilang mga sanggol. Kusa nilang ginagawa ito. Puede nating i-imagine na baka nag-uunahan pa silang lumapit kay Hesus. Gusto nilang madampian o mahawkan man lamang ni Hesus ang kanilang mga sanggol. Bakita kaya? Anong meron kay Hesus? Approachable siya? Maamo ang countenance Niya?


Sa panahon natin ngayon, iniiwas nga natin ang mga bata sa mga strangers kasi baka madampot (ma-kidnap, kunin ang mga organs, gamitin sa sindikato, gawing sex slave, atbp). Pero noong panahon ni Hesus, gustung-gusto ng mga adults si Hesus, na pati ang mga anak nilang paslit ay gusto nilang mailapit kay Hesus. Ngunit hindi ito tanggap ng mga alagad.


Tingnan natin ang pagkakaiba ng pagtrato ng mga alagad at ni Hesus sa mga bata:


MGA ALAGAD

Nang makita agad na papalapit kay Hesus, sinaway agad nila

SI HESUS

Nang nakita Niya ang bata, tinawag Niya ang mga ito (malamang ang magulang ng mga sanggol ay kasama dito)


MGA ALAGAD

Ang tingin nila ay makadistorbo kay Hesus kaya pinigilan nila lumapit

SI HESUS

Sinabihan ni Hesus na 1) hayaan lang silang lumapit 2) huwag silang pagbawalan


Bakit ganoon na lamang ang pagtrato ng mga alaga? Sadya bang salbahe sila sa mga bata? Hindi naman. Hindi pa lang nila naiintindihan ang ibig ituro sa kanila ni Hesus. Nagkataon lamang na:

  1. Ang Israel ay may lipunan na mataas ang pagtingin sa mga “lalaki” at tatay. Sa English...patriarchal society. Kaya ang mga babae at ang mga bata ay ginagalang ngunit nasa likod lamang o pangalawang priority lamang.

  2. Ang mga rabbi (ra·bai) o teacher na katulad ni Hesus ay ginagalang. Maraming gustong makinig sa Kanya na mga adults. Naisip nila marahil na mahihirapan si Hesus kapag kinuyog Siya.

  3. Usually, ang mga rabbi ay nagtuturo sa mga “best” students kaya baka pinoprotect lang nila ang image ni Hesus.


Ngunit, kitang-kita natin kung paano Niya pinapahalagahan ang mga bata. Positibong pinagagawa Niya: Hayaang lumapit. Negatibong pinagagawa: Huwag silang bawalan. WALA NANG KOKONTRA PA RITO!


Ngunit may HIGIt NA ARAL ANG PINAKITA NI HESUS TUNGKOL SA MGA BATA...

“Ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makakapasok doon.”


BUMALIGTAD NA: Gusto Niyang ipakita ang isang katangian ng mga bata na PAYAK na PAGTANGGAP SA KAHARIAN NG DIOS...HINDI KUMPLIKADO, HINDI MAARTE, HINDI MAGULO, WALANG MARAMING MALALIM NA TANONG...KUNGDI MAKALAPIT NANG SIMPLE KAY HESUS.


GUSTO NI HESUS NA KATULAD NG BATA, YAKAPIN NATIN ANG KAHARIAN NG DIOS NA KANYANG PINAGHAHARIAN NANG MAY PAYAK NA PAGTITIWALA. Hindi Niya tayo pipigilan, hindi Niya tao babawalan. Malugod Niya tayong tatanggapin at pagpapalain!


Reflection:

  • Hanggang ngayon, hindi pa ba nagbago ang pagtingin mo sa mga bata, anak mo man o hindi?

  • Masasabi mo bang ang pananampalataya mo sa Dios ay tila sa bata? (pakinggan ang mga sagot)


8. Pananalangin

  1. Enjoy worshiping Jesus ..linger in His presence.. As a child comes near to Jesus

  2. Humingi ng tawad sa Panginoon sa pagtrato natin sa mga bata o ibang pagtingin natin sa mga ito.

  3. Magbanggit ng mga bata na hindi mo sariling anak: Declare blessing sa kanila...na kahit musmos pa sila ay magkaroon sila ng takot at pagmamahal sa Dios.

  4. Pray that the children will find joy amid the pandemic.

  5. Pray na yung may mga magulang na nagmamaltrato ng mga anak ay makilala si Hesus.

  6. Ipanalangin ang mga mag-asawang gustong magka-baby. Banggitin ang mga pangalan.

  7. Pray for JCLAM; SERVICES, PLANS FOR DECEMBER, PASTORS, MEMBERS - gabay ng Dios


9. Praise Reports


Ipangalandakan sa isa’t isa kung gaano naging mabuti ang Panginoon! (MATERYAL NA PROBISYON? PISIKAL NA PAGPAPALAKAS? PAGBABAGO NG BUHAY? MASAYANG RELASYON? TIBAY NG LOOB? BINIBIGAY NA TALINO? SPIRITUAL NA PAGLAGO?)


10. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo


Ang ina ng tahanan naman ang magwakas sa atin sa panalangin at para sa ating pagsasalo-saluhan. Pasalamatan ang Diyos sa katugunan ng ating mga panalangin at patuloy na bigyan ng papuri ang Diyos sa ating buhay.


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes. Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC.

170 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page