top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Family Prayer Cell 36

Below is the material for our Family Prayer Cell on December 16, 2020.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


Ang Nagpapakababa ay Itinataas

December 916 2020

Luke 18:9-14

by Ptr. Kay Oyco-Carolino

 

1. Picture Taking


Kumuha ng picture ng inyong grupo at i-comment agad sa post sa MFGC FB account at isulat ang mga pangalan ng nasa picture.Do not forget to post sa FB to encourage all of us, kahit late na kayo nag FPC! And for attendance purposes.


Pwede niyo rin pong ipost sa sarili niyong page o sa PH-208 group PERO mahalaga po na mai-comment niyo sa post ng MFGC tungkol sa FPC – kahit late na kayo mag-FPC :)


2. Pagbati


3. Pag-aawitan


Song #1


D7 - G - Gm - D - Bm - Em – A - D - D7

To be like Jesus, to be like Jesus, all I ask is to be like Him

G - Gm - D - Bm - Em – A - D

All through life’s journey from earth to glory, all I ask is to be like Him


Song #2


C – Am - Dm – G – Dm - G - C

Make me a servant humble and meek, Lord, help me lift up those who are weak

Am - Am7 – Dm - Fm – C – F - C

And may the prayer of my heart always be…..Make me a servant, make me a

G – C – G - C

Servant, Make me a servant today.


4. Opening Prayer


5. Offering


Actual na magcollect ng offering para masanay na nag-aalay sa Dios. Irecord ang attendance, i-record ang amount at ipunin. Ipadala sa church o padaanan sa pastor.

BDO - MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH – 006970029203

GCASH/COINS/PAYMAYA – 09175571551

BPI – MELODY KAY CAROLINO - 0019503526


6. Mga Anunsyo


  • Online muna ulit ang ating service sa Sunday ng 9 am, 2 pm, 5 pm.

  • MMND ONLINE SAMBANG GABI (insert poster of MMND) - Dec. 21-24, 7 pm - 8 pm only. YOU CAN SEND THE LINK TO EVERYONE YOU KNOW WHO NEED JESUS! YOU CAN CELEBRATE AFTER EACH NIGHT

  • REMIND EACH OTHER TO CONTINUE TO DO THIS FPC!!! We need to pray!!!!

  • TITHES AND OFFERING, tuloy lang sumunod sa Panginoon!

  • Tumatanggap pa rin tayo ng THANKSGIVING OFFERING (o Everybody’s Birthday) :) (Age x amount per year = total offering) - MAG-SET ASIDE NA AT IBIGAY SA PANGINOON

  • Kasali na po ba kayo sa FB group natin? Doon po may announcements and news. Join po kayo dito: https://fb.com/groups/marikina4square

  • Subscribe to our Youtube channel: https://youtube.com/marikina4square

.

7. Scripture


Luke 18:9-14

9 Sinabi rin niya ang talinghagang ito sa mga taong matuwid ang tingin sa sarili at hinahamak naman ang iba. 10 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis.


11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’


13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’


14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.”


8. Mensahe


Intro: Ano ang tingin natin sa ating mga sarili kapag tayo ay nakakapanalangin? Sa tagal na natin bilang Kristiyano at marami-rami na rin ang ating nalalaman tungkol sa Panginoong Hesus, ano ang tingin natin sa ating sarili?


Hindi natin namalayan na natapos natin ang halos buong aklat ng Mark/Marcos. At ngayon matatapos na naman natin ang halos buong aklat ng Luke/Lucas lalo na ang tungkol sa mga attitude sa pananalangin. Nakakalamang ba tayo sa iba?


Ang passage na ito ay talinghaga lamang, hindi tunay na nangyari ngunit posibleng mangyari. Gumagamit si Hesus ng mga kuwentong madaling maka-relate ang mga tao sa paligid Niya sa panahong iyon. Ang mga karakter sa Kanyang kuwento ay totoong mga karakter na nasa paligid nila at ang templo ay totoong nandun bilang kanilang dalanginan.


Tingnan natin ang pagkakaiba ng dalawang karakter na ito na pumasok sa temple upang manalangin:

ANG PARISEO

  • Ang isang Pariseo ay isang Judio na maraming alam sa Batas ni Moises (Law, mostly the First five books of the BIble)

  • Siya ay relihiyoso, at masasabing “masunurin” sa “bawat titik” ng batas. Malakas ang kumpiyansa nila sa sarili nilang “katuwiran”

  • Galit rin ang mga Hudyo sa mga Pariseo kasi mayayabang sila. Gusto nilang maghari-harian at pinagmamalaking alam nila ang Batas ngunit hindi naman nila ginagawa ang mga ito ayon sa layon ng batas. Tinitingnan nila ang iba na mas mababa sa kanila


ANG MANININGIL NG BUWIS

  • Ang trabaho ng isang tax collector ay hawig sa ating mga BIR agent sa ating panahon. Siya ay naniningil ng mga iba’t ibang buwis sa ari-arian, sa negosyo, atbp. (may poll tax, land tax, etc.) . Sila ay mga Judio na binabayaran ng mga Romano upang maningil.

  • Notorious ang mga tax collector kasi dinadagdagan nila ang mga sinisingil nila...yung surplus ay binubulsa nila.

  • Galit ang mga kapwa nila Hudyo sa kanila kasi para silang ‘makapili” (mga traydor sa panahon ng Hapon) na nagtataksil sa sarili nilang kadugo


Sa talinghaga, isang Pariseo at isang kolektor ng buwis ang pumasok sa templo upang MANALANGIN.


ANG PARISEO

  • Ang gestures niya sa panalangin: Nakatayo,marahil sa harap, sa gitna

  • Ang laman ng panalangin: O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.’

ANG MANININGIL NG BUWIS

  • Ang gesture niya sa panalangin: Malayo-layo, hindi tumitingala sa langit, at hinahampas ang sariling dibdib

  • Ang laman ng panalangin: O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!


Ano ang masasabi ninyo sa kanilang mga gesture at laman ng panalangin? (Humingi ng sagot.)


Ang Pariseo...lumabas sa kanya ang pagiging ‘legalistic” at ‘self-righteous’:

  • Ang tindig ay may astang mayabang, in comparison sa Pariseo

  • Maraming sinasabi sa panalangin ngunit pagkukumpara ng kanyang sarili sa masasamang tao, at binanggit din ang kasama niyang nanalangin na kolektor ng buwis

  • Nagpapasalamat sa Dios…Pero pagkatapos nagpasalamat ay niyabang ang sarili sa niyang mga ginagawa...nagfa-fasting/ayuno twice a week daw, nagta-tithes nang buong-buo.


Ang Kolektor ng Buwis….nakita ang kanyang sarili na mababa:

  • Nahihiyang lumapit sa Dios dahil alam niyang marami siyang ‘kalokohan’

  • Hindi makatingala sa langit sa sobrang kahihiyan, hindi makaharap sa Dios

  • Nababagabag ng konsyensya na pinakita ng pagdagok sa sarili

  • Inaamin na siya ay makasalanan

  • Napakapayak na panalangin ng paghingi ng tawad

  • Simpleng paghingi ng kahabagan/pagpapatawad sa Dios

Reflection:

  • Sa pagdiscuss natin ngayon, pansinin mo kung parang naging Pariseo ka rin..sa paghusga sa Pariseo

  • Paano tayo lumalapit sa Dios sa pananalangin?


Conclusion:

Pansinin natin ang lesson na tinuro ni Hesus sa Kanyang mga tagapakinig nung panahon na iyon.


“Ang lalaking ito'y umuwing matuwid sa harapan ng Diyos, at hindi ang Pariseo. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakababa ay itataas.”


1. Sa mata ng Panginoon, ang matuwid ay ang ang “makasalanang” kolektor, at hindi ang Pariseo

2. Sa mata ng Panginoon, itataaas Niya ang mga taong katulad ng ‘makasalanang” kolektor dahil sa kanyang pagpapakumbaba.


Maging maingat tayo sa laman ng ating mga panalangin at pagtingin natin sa ating mga sarili. Pansinin natin ang pinapansin ng Dios...mapagkumbaba. At ganito ang nirereward ng Panginoon.


9. Praise Reports


Magpasalamat sa Dios sa mga taong nakita ninyong halimbawa ng pagpapakumbaba at ngayon ay itinataas na ng Panginoon. Pasalamatan ang Panginoon, nang may pagpapakumbaba, sa Kanyang mga biyaya ng paglilinis, pagpo-provide ng pangangailangan, pag-iingat, karunungan, kapayapaan sa pamilya, atbp.


10. Pananalangin


  1. Humbly come before God in worship. See yourself as a sinner saved by His grace. Be intense and extravagant with thankfulness and gratefulness sa ginawa Niya sa buhay mo.

  2. Humingi ng tawad sa Dios kung hindi sa Kanya naibibigay ang kaluwalhatian

  3. Pray for ‘religious’ people’ to come humbly before His feet and acknowledge Jesus as God

  4. Pray for JCLAM; STAFF, SERVICES, PLANS FOR DECEMBER, PASTORS, MEMBERS - gabay ng Dios

  5. Pray na dagdagan ng Lord ang ating tiyaga at pasensya sa mga nangyayari sa paligid

  6. Pray with humility para sa ating gobyerno..national at local

  7. Pray with humility for your loved ones na makilala si Hesus bilang Tagapagligtas!


11. Pangwakas na Panalangin at Salu-salo

177 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page