FPC: Akala Mo Lang - Kaya Pa Ba Natin?

FAMILY PRAYER CELL – AUGUST 2026, WEEK 3
THEME FOR THE MONTH: AKALA MO LANG
THIS WEEK’S TITLE: KAYA BA PA NATIN?
PAGBATI
Welcome muli sa ating Family Prayer Cell! This is our third meeting for the month at maraming salamat sa Panginoon sa mga prayers na tinutugon Niya – mga personal prayers, mga family prayers, at marami pang iba! Ngayong gabi, sama-sama tayong muli sa pananalangin at pagsamba sa ating buhay na Panginoon! Let us make Jesus the center of our family worship!
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Salamat po, Panginoon sa aming pamilya, sa buhay ng bawat isa na narito. Buong pagpapakumbaba kaming lumalapit sa inyong harapan, iniimbitahan ang inyong presensya na sumama sa aming Family Prayer Cell ngayong araw. Mangusap ka po sa amin, mula sa pinakabata hanggang sa pinaka-may edad naming kasama ngayon. Salamat po at malugod ka nawa sa amin. Amen.
PAG-AAWITAN – maaaring may mag-lead o gumamit ng videoke
Panibagong SiglaMusikatha | StillHillsong |
Tatakbo ngunit ′di mahahapo Lalakad, 'di mapapagod Maghihintay ng may tagumpay ′Pagkat pag-asa ko ay na Sa'yo
Tatakbo ngunit 'di mahahapo Lalakad, ′di mapapagod Maghihintay ng may tagumpay ′Pagkat pag-asa ko ay na Sa'yo
Tulad ng agila′y paiilanlang Ng may Panibagong Sigla Ako ay agilang paiilanlang Ng may Panibagong Sigla
Ikaw ang hangin na nagtutulak sa akin Sa ibabaw ng bagyo na nagngangalit O Diyos, purihin Ka sa Panibagong Sigla Sa Panibagong Sigla
| Hide me nowUnder Your wingCover meWithin Your mighty handWhen the oceans rise and thunders roarI will soar with you above the stormFather, You are King over the floodI will be still know You are GodFind rest my soulIn Christ aloneKnow His powerIn quietness and trust |
PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
Mateo 8:23-27 (MBBTAG)
Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad. Habang sila'y naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. Kaya nilapitan ng mga alagad si Jesus at ginising. “Panginoon, iligtas ninyo kami! Mamamatay kami!” sabi nila. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. Namangha silang lahat at sinabi, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”
PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
Sobrang napapanahon ang ating pag-aaral ngayong linggo. Usapang bagyo tayo. Ano ang pinaka-hindi mo malilimutang experience tungkol sa bagyo (o kahit anong natural disaster)?
Sa passage na binasa natin, si Hesus at ang kanyang mga alagad ay sumakay ng bangka at naglayag. Ngunit bago pa man sila bumiyahe sa dagat, tuloy-tuloy na ang naging ministry ni Hesus (see 8:1-17), kaya marahil sa pagod ay nakatulog siya. Nang biglang may dumating na malakas na bagyo sa dagat, at halos itaob na ng mga alon ang kanilang bangka!
Sa takot nila, ginising ng mga alagad si Hesus at nagmakaawang iligtas sila. Sa paggising ni Hesus, ni-rebuke niya ang mga ang alagad, Why are you afraid? You have so little faith!” Siguro pupungas-pungas pa siya kasi kasarapan ng tulog niya tapos ginising siya. Pagkabangon niya, sinaway niya ang bagyo! Instantly naging payapa ang lahat at ang mga nakasaksi ay namangha kung paanong ang hangin at alon ay sumusunod kay Hesus.
Classic Sunday school story ito na maaaring narinig na natin maraming beses na. Pero magandang mapaaalalahanan pa rin kung gaano ka-applicable ito sa ating buhay Kristyano, at sa ating pamilya.
Sa bawat unos, to the rescue si Hesus
Katulad ng bagyong pinagdaanan ng mga alagad, dumadaan din tayo sa iba’t ibang klaseng unos sa buhay – as individuals and as family. Pero salamat dahil to the rescue si Hesus sa atin! May mga pagkakataong nagpapadala siya ng mga tao, o ina-arrange niya na maging mas favorable sa atin ang sitwasyon upang hindi tayo tuluyang malunod sa problema.
Think of a time na may tumulong sayo sa problemang pinagdaanan mo. It could be an officemate, a classmate, or a church friend. Yung ni-rescue ka sa labis na kalungkutan, sa pagkapahiya, o sa higit na pagkalubog. Salamat sa taong yun, pero higit na salamat kay Lord for bringing that person to rescue us!
Kaya pa ring maging payapa kapag kasama si Hesus sa bangka
Imagine what could have happened sa bangka kung wala si Hesus? Ang sabi sa passage, “halos matabunan ng mga alon ang bangka.” May mga balita tayong naririnig – mga artista, mga kilalang tao, usually pa nga mayayaman at talagang maimpluwensya, ang nagpapakamatay kasi hindi nila kinakaya ang mga unos sa buhay nila. Nakakalungkot. Bagaman naniniwala tayong totoo ang clinical depression, pero higit tayong naniniwala na may kapayapaan tayong matatanggap mula kay Kristo.
Kumusta ka sa byahe mo? Kasama mo ba si Hesus? Hindi man palaging smooth ang takbo ng buhay, subalit kung kasama natin si Hesus, may maaasahan tayong patnubay at saklolo sa panahon ng pangangailangan. Unfortunately, marami sa atin ang nagiging last option na lang si Hesus. Iimbitahan na lang Siya kapag nasa gitna na ng trouble o ng masalimuot na sitwasyon. Subalit napakalaking kaibahan ang mangyayari sa atin kung sa una pa lang ay kasama na natin siya sa bawat byahe ng buhay natin.
Si Hesus ay higit sa anumang unos
Ang sarap namnamin ng naging tagpo sa gitna ng bagyo: “Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon.” Kaya kinilabutan sa pagkamangha at pagkatakot ang mga naka-witness ng miracle na yun! Imagine, sa isang utos lang ni Hesus, kumakalma ang bagyo!
If the winds and the waves obey the Jesus, paano pa kaya ang mga pagsubok na pinagdadaanan natin? Maliit na bagay lang yan kumpara sa kapangyarihan Niya. Kayang-kaya Niya tayong i-rescue sa mga “gabundok” nating problema!
At hindi lang mga problema, maging sa mga pag-uusig na maaarin ating maranasan dahil sa pagsunod natin kay Hesus, makakaasa tayong nakahihigit Siya!
“I have said these things to you, that in me you may have peace. In the world you will have tribulation. But take heart; I have overcome the world.” - John 16:33
Conclusion: Kaya pa ba natin? Kung sa sarili lang nating lakas at kakayanan, hindi natin kayang lampasan ang mga unos na dumadating sa atin. Pero salamat sa Panginoong Hesus na kasama natin sa ating “bangka” na nagre-rescue sa atin!
May kasama tayong nagliligtas – akala mo lang wala, pero meron!
PANALANGIN - Mag-assign sa pamilya kung sino ang may ibig mag-pray, kahit simple lang basta may pagtitiwala sa Dios!
1. Head of the family: Kung may pinagdadaanang pagsubok bilang pamilya, sama-samang idulog ito sa Panginoon (pinansyal na pangangailangan, may karamdaman sa pamilya, sigalot, etc.)
2. Ipanalangin ang ibang pamilya na alam niyong may pinagdadaanang mabigat na pagsubok; na makaranas din sila ng pag-rescue ng Panginoon sa kanilang unos.
3. Ipanalangin ang ating mga katatayan sa church – mga Adult Men at Senior Adult Men. Idulog sa Panginoon ang kanilang mga sakripisyo, mga pagsubok, at mga pangangailangan.
4. Ipanalangin ang ating mga kananayan sa church – mga Adult Women at Senior Adult Women. Idulog sa Panginoon ang kanilang mga sakripisyo, mga pagsubok, at mga pangangailangan.
5. Ipanalangin ang A Missing Rib na gaganapin sa Baguio City ng August 20-22. Ito ay dadaluhan ng mga Single Young Adults mula sa church at sa iba pang mga churches ng MMND. Pag-iingat ng Panginoon, katagumpayan ng activity, magandang panahon.
6. Mga personal na panalangin.
PAGPAPATOTOO
Sino ang gustong magpasalamat sa Dios? Magpatotoo sa ginagawa ng Dios sa iyong buhay. Gawing ABC (Accurate ang kuwento; Brief lang, walang paliguy-ligoy; Christ-Centered, hindi tayo ang bida.) Itaas ang Panginoong Hesus!
PAALALA
1. Mag-like o mag-heart sa MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH Facebook
2. Maaaring balikan ang mga mensahe natin tuwing linggo sa ating YouTube channel
3. Patuloy na mag-attend ng ating church services:
First Service: 7:30-9:30 am Second Service: 10:30 – 12:30 pm
4. May mga Sunday School department classes tuwing 9:30-10:30 am: Adult Women (TeaTime); Adult Men (Kapehan); Teens and Youth (Brewkada); Tuwing unang Linggo ng buwan, same time: Young Adults (Breaktime)
PANGWAKAS NA PANALANGIN, PICTURE-TAKING, PAGSASALO-SALO, PAG-COLLECT NG OFFERINGS
Magpasalamat sa Dios sa sagot sa panalangin. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyayang pagkain ng Dios, kung mayroon.
Kung nais mag-collect ng offerings bilang isang pamilya, ilagay lang sa isang sobre na may label na Family Prayer Cell. Ito ay voluntary.
Kung magpo-post ng picture sa social media, gamitin ang hashtag na #familyprayercell




Comments