FPC: Akala Mo Lang - May Babalik Pa Kaya?

FAMILY PRAYER CELL – AUGUST 2026, WEEK 4
THEME FOR THE MONTH: AKALA MO LANG
THIS WEEK’S TITLE: MAY BABALIK PA KAYA?
PAGBATI
Welcome muli sa ating Family Prayer Cell! This is our last meeting for the month, at nawa ay marami tayong natututunan bilang isang pamilya! Maraming salamat sa Panginoon sa mga prayers na tinutugon Niya – mga personal prayers, mga family prayers, at marami pang iba! Ngayong gabi, sama-sama tayong muli sa pananalangin at pagsamba sa ating buhay na Panginoon!
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Salamat po, Panginoon sa kabila ng sunod-sunod na pag-ulan, nananatili kaming matatag bilang isang pamilya. Ngayong araw sa aming pagsasama-sama, kami po ay inyong samahan din ng inyong presensya at nawa ay malugod ka sa aming mga gagawin, sasabihin, iisipin, at ipapanalangin. Pangunahan mo po kami. Amen.
PAG-AAWITAN – maaaring may mag-lead o gumamit ng videoke
Thank You LordDon Moen | Thank You LordHillsong |
I come before You todayAnd there's just one thing that I want to sayThank You LordThank You LordFor all You've given to meFor all the blessings I can not seeThank You LordThank You LordWith a grateful heartWith a song of praiseWith an outstretched armI will bless Your nameThank You LordI just wanna thank You LordThank You LordI just wanna thank You LordThank You LordFor all You've done in my lifeYou took my darkness and gave me your lightThank You LordThank You LordYou took my sin and my shameYou took my sickness and healed all my painThank You LordThank You Lord | For all that You’ve done, I will thank YouFor all that You’re going to doFor all that You’ve promisedAnd all that You areIs all that has carried me throughJesus I thank You
And I thank YouThank You LordAnd I thank YouThank You Lord
Thank You for loving and setting me freeThank You for giving Your life just for meHow I thank YouJesus, I thank YouGratefully thank YouThank You
|
PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
Luke 17:11-19 (MBBTAG)
Sa paglalakbay ni Jesus papuntang Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Habang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung ketongin. Tumigil ang mga ito sa may kalayuan at sumigaw, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”
Pagkakita sa kanila ay sinabi ni Jesus, “Lumakad na kayo at magpatingin sa mga pari.”
Habang sila'y naglalakad, silang lahat ay gumaling at luminis. Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano.
“Hindi ba't sampu ang pinagaling?” tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik upang magpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tumayo ka na at umuwi. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
Salamat sa mensahe ng Diyos sa atin ngayon araw! Ito ay isang paalala sa ating lahat sa isang bagay na maaaring hindi natin masyadong nagagawa consistently. Subalit kung natural lang sa atin ang gawaing ito, salamat sa Diyos! Nawa ay ipagpatuloy lang natin ito, at makahawa din tayo sa iba.
Napaka-simple at straightforward ng kwentong ating binasa. May sampung ketongin na nasa hangganan ng Samaria at Galilea. Ayon sa Law of Moses, ang isang taong may ketong ay tinuturing na “marumi” at dapat na lumayo sa mga tao dahil sa kanilang karumihan. Kaya sila ay nasa outskirts ng bayan, malayo sa pakikihalubilo sa iba.
Kaya naaappreciate natin si Jesus na sinadyang dumaan kung nasaan ang mga ketonging ito. Hindi nagkataon lang, kundi sinadya niya. At sila ay kaniyang pinagaling.
Ayon din sa kautusan ni Moses, tanging ang pari lang ang makakapag-declare kung sila ay “malinis” na at maaari nang bumalik sa community. At yun ang inutos ni Jesus sa kanila.
Pansinin: habang sila ay naglalakad, silang lahat ay gumaling at luminis (v.14)! Subalit sa kaniang sampu, isa lang ang nakaisip na bumalik kay Jesus para magpasalamat. Nasaan kaya ang siyam? Hindi nabanggit sa Bible pero we can assume na dumiretso sila sa pari para magpa-“certify” na sila ay malinis na, at pagkatapos ay dumiretso na sa kanilang mga pamilya dahil sabik na sabik na silang makauwi!
Pero yung isang lalaki, hindi pa man siya nakakapunta sa pari, nag-u-turn agad para mag-thank you kay Jesus! Hindi lang basta thank you, kundi nag-worship siya!
But one important thing mentioned in the story: isa siyang Samaritano.
Ang mga Samaritans ay kino-consider na kaaway ng mga Jews. Mababa ang tingin ng mga Jews sa mga Samaritans. Hindi usual na nakikipag-ugnayan ang mga Jews at Samaritans sa isa’t isa.
Pero sa tagpong ito, nabuwag ang social at racial barriers dahil mas nanaig ang pasasalamat.
Ang title ng ating mensahe ngayong araw ay: May Babalik pa Kaya?
Kailan ka huling tumanggap ng biyaya mula sa Panginoon? Biyaya ng kagalingan dahil sa sakit mo o ng mahal sa buhay? Biyaya ng karunungan para sa interview mo, o para sa exam? Biyaya ng kapayapaan nung last time na natakot ka para sa iyong safety? Biyaya ng kalakasan ng katawan? At iba’t ibang klase ng blessing from the Lord. Nagpapasalamat ka ba sa Lord?
Minsan kasi nagiging usual na lang sa atin ang mga biyayang tinatanggap natin from the Lord. Nasanay na tayong may pagkain naman na kinakain, nasanay na tayong may trabahong pinapasukan, nasanay na tayong may bahay na inuuwian, nasanay na tayong gumigising sa umaga. Pero para sa iba, ito ay isang malaking biyaya – na sa atin ay normal na lang. Kaya hindi na natin ipinagpapasalamat, kasi sanay na. Hindi na tayo bumabalik.
Para naman sa iba, mas naka-focus tayo sa blessing kaysa sa nagbibigay ng blessing. Masyado tayong fixated sa tatanggapin natin from the Lord. Kaya kapag dumating na, nalilimutan natin ang nagbigay. Sa mga churches, marami ang nagpapa-pray ng trabaho, subalit kapag natanggap na sa trabaho, nakakalimutan na ang church. Hindi na tayo bumabalik.
Pero ang Samaritan – considered an outcast, an outsider, an enemy to the Jews, ay bumalik para magpasalamat at magpuri para sa Diyos. He is ready for more!
Iisa lang ang mensahe na iiwan sa atin ng topic natin ngayong araw: Maging mapagpasalamat sa maliit o malaking bagay.
Kailan ka huling nagpasalamat sa Lord?
Bilang conclusion, walang pilitan, subalit ang lahat ng may gustong ipagpasalamat ay bigyan ng pagkakataong magpasalamat sa Diyos.
PANALANGIN - Mag-assign sa pamilya kung sino ang may ibig mag-pray, kahit simple lang basta may pagtitiwala sa Dios!
1. Head of the family: Magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap ng pamilya: Ipanalangin ang pamilya: kaligtasan, kalusugan, probisyon sa mga pangangailangan, pag-iibigan, at pangunguna ng Banal na Espiritu sa buong pamilya.
2. Magpasalamat sa church family kung saan inilalapit tayo sa Diyos. Ipanalangin ang leadership ng church, at ang mga gawain nito. Isama na rin ang construction ng elevator, at provision para dito.
3. Ipanalangin ang mga kabataaan sa church. Sa dami ng mga araw na hindi nakapasok sa school dahil sa sunod-sunod na suspensions, maka-adjust nang maayos, at makahabol sa lessons.
4. Ipanalangin ang mga kababayang apektado ng sunod-sunod na pag-ulan: mga hindi nakapasok sa trabaho, mga nabaha o nasira ang bahay, mga pananim, at mga ari-arian.
5. Ipanalangin ang mga kapatirang nagluluksa sa panahong ito. Ang pagpisan ng Banal na Espiritu sa kanila.
6. Mga personal na panalangin.
PAALALA
1. Mag-like o mag-heart sa MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH Facebook
2. Maaaring balikan ang mga mensahe natin tuwing linggo sa ating YouTube channel
3. Patuloy na mag-attend ng ating church services:
First Service: 7:30-9:30 am Second Service: 10:30 – 12:30 pm
4. May mga Sunday School department classes tuwing 9:30-10:30 am: Adult Women (TeaTime); Adult Men (Kapehan); Teens and Youth (Brewkada); Tuwing unang Linggo ng buwan, same time: Young Adults (Breaktime)
5. Missions' pledges
PANGWAKAS NA PANALANGIN, PICTURE-TAKING, PAGSASALO-SALO, PAG-COLLECT NG OFFERINGS
Magpasalamat sa Dios sa sagot sa panalangin. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyayang pagkain ng Dios, kung mayroon.
Kung nais mag-collect ng offerings bilang isang pamilya, ilagay lang sa isang sobre na may label na Family Prayer Cell. Ito ay voluntary.
Kung magpo-post ng picture sa social media, gamitin ang hashtag na #familyprayercell




Comments