FPC: Akala Mo Lang - Walang Wala Ba?
- Marikina Foursquare

- 1 day ago
- 5 min read
FAMILY PRAYER CELL – AUGUST 2026, WEEK 1
THEME FOR THE MONTH: AKALA MO LANG
THIS WEEK’S TITLE: WALANG WALA BA?
I. PAGBATI - ____________
Magandang gabi, FAMILY! Isang buwan na lang at ‘BER’ months na! Merry Christmas! Busy ang marami sa atin! Pag-aaral? Pagtatrabaho? Gawaing bahay? Busy rin sa senado dahil sa impeachment case laban sa Vice-President na si Ma’am Sarah Duterte. Katatapos lang ng SONA ni Pres BBM. Pero kahit ano pa man ang ating ginagawa, mag-pause muna tayo ha, para gawin ang napakahalagang bilin sa atin ng Dios: ANG MAGSAMA-SAMA SA PANANALANGIN.
Thankful tayo sa Lord kasi buhay tayo! May hininga! May kinakain! May natutulugan!
II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN - ____________
Pray tayo. Dios naming Ama, nagpapasalamat po kami sa gabing ito na kami ay sama-samang makakapanalangin. Thank you po sa aming pamilya. Thank you po sa mga blessings na meron kami at natatanggap naming. Pinupuri ka po namin! Nagpapakumbaba kami sa Inyong harapan at lumalapit nang may pagtitiwala na kasama Ka po namin at sasagutin ang aming mga panalangin. Sa pangalan ni Hesus, amen!
III. PAG-AAWITAN – may mag-lead o gumamit ng videoke
NAPAKABUTI NG ATING DIOS ‘di Siya nagbabago
Napakabuti ng ating Dios, ‚di S’ya nagkukulang
Itaas ang ngalan N’ya, lahat ng nilikha
Napakabuti nga ng ating Dios!
Ang nais ko’y magpasalamat sa ating Dios
Ang nais ko ay magpuri, itaas ang ngalan ni Hesus!
ALAM KONG MAY MAGAGAWA ANG DIOS, alam kong may magagawa ang Dios
Kung ako’y magtatapat, sa Kanya ay susunod; Alam kong may magagawa ang Dios.
KAY BUTI BUTI MO, Panginoon, sa lahat ng oras, sa bawat araw
Ika’y laging tapat kung magmahal; Ang Iyong kaawaan ay magpa-walang hanggan. (2x)
Pinupuri’t sinasamba Kita, Dakilang Dios at Panginoon
Tunay ngang Ika’t walang katulad, Tunay ngang Ika’y di nagbabago
Mabuting Dios na sa atin ay nagmamahal
IV. PAGBASA NG SALITA NG DIOS – maaaring basahin ng isang tao o salitan o hali-halili
Juan 21:1-14 MBBTAG
1 Pagkatapos nito, muling nagpakita si Jesus sa mga alagad sa tabi ng Lawa ng Tiberias. Ganito ang nangyari:
2 magkakasama sina Simon Pedro, Tomas na tinatawag na Kambal, Nathanael na taga-Cana sa Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang alagad.
3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, “Mangingisda ako.” “Sasama kami,” sabi nila. Umalis nga sila at sumakay sa isang bangka. Magdamag silang nangisda, subalit wala silang nahuli.
4 Nang mag-uumaga na, tumayo si Jesus sa pampang ngunit siya'y hindi nila nakilala.
5 Sinabi niya, “Mga anak, mayroon ba kayong huli?” “Wala po,” sagot nila.
6 “Ihulog ninyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo,” sabi ni Jesus. Inihulog nga nila ang lambat at nang hilahin nila ito ay hindi nila makaya sa dami ng huli.
7 Sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus, “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, nagsuot siya ng damit dahil nakahubad siya noon at saka lumusong sa tubig.
8 Dumating sa pampang ang kasama niyang mga alagad, sakay ng bangka at hila-hila ang lambat na puno ng isda. Hindi sila gaanong malayo sa pampang, mga siyamnapung metro lamang.
9 Pagkaahon nila sa pampang, nakakita sila roon ng isdang iniihaw sa nagbabagang uling, at ilang tinapay.
10 “Magdala kayo rito ng ilang isdang nahuli ninyo,” sabi ni Jesus.
11 Kaya't sumampa sa bangka si Simon Pedro at hinila sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda; isandaan at limampu't tatlo lahat ang nahuli nila. Hindi nasira ang lambat, kahit ganoon karami ang mga isda.
12 “Halikayo at mag-agahan kayo,” sabi ni Jesus. Isa man sa mga alagad ay hindi nangahas magtanong sa kanya kung sino siya sapagkat alam nila na siya ang Panginoon.
13 Lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila. Ganoon din ang kanyang ginawa sa isda.
V. MENSAHE
Dumating ka ba sa panahon o season ng iyong buhay na ikaw ay WALANG-WALA? O kaya naman ngayon ay kinakapos ka?
Ang kuwento ng magkakaibigang mangingisda sa Bibliya ay isa sa mga laging natuturo sa curch. Babanggitin ko ang mga ilan sa mga datos tungkolsa kuwentong ito na binasa natin kanina.
1. Experts na sila. 7 sila. Matagal na silang mangigngisda. Ang tirahan nila ay sa Galilee…Malapit sa dagat, Lake Capernaum. Sanay na sanay na silang makita ang dagat at mga panahon kung kelan sila mangingisda. They fished every single day, kaya malamang na ulam nila ay laging…? FISHDA (hahaha) pang breakfast, lunch, at dinner! They probably talked about fish all day long. In fact, they loved fishing so much that they decided to make a business out of it.
2. Nangyari ang kuwento matapos si Hesus ay nabuhay muli sa mga patay. Kaya, bumalik na sila sa pangingisda. Sabi ng talata, pangatlong beses na nagpakita sa mga disciples si Hesus (una sa Road to Emmaus) (pangalawa, sa closed door assembly sa Jerusalem).
3. Kinaumagahan, matapos walang nahuling kahit nag-overnight na sila sa malalim na bahagi ng dagat, may tinig na nagsabing ihagis nila muli ang kanilang lambat. Pautos at tila alam na alam ng nagsalita ang kanyang gagawin, kahit hindi siya kasamahan nila bilang mangingisda.
Sa kuwento sa Bibliya, pito na silang nagtulung-tulong pero walang nahuli. WALANG NAHULI!
WALA BA TALAGA? o hindi lang nila naisip na magpasaklolo kay Hesus? Ano kaya ang dahilan?
A. Ang galing o kasanayan at ang lakas ng mas marami o anumang sipag at pagtitiyaga ay hindi garantiya ng maraming pagpapala! KUNG SI HESUS ANG KASAMA, SA KANYA DAPAT GALING ANG LAHAT-LAHAT! (lakas, diskarte, galing, dunong, atbp.)
B. Pero may nakakilala ng tinig ni Hesus kahit marahil nakatalikod siya sa Kanya. Sabi nya: Siya ang Panginoon! Pansinin na dali-dali siyang nagsuot ng damit at the sound of Jesus’ voice! (sabi ng Bibliya, hinubad na niya e…tanda ba ito ng pag-give up n’ya at kawalan ng pag-asa o pagod?) KAILANGANG MAKILALA AT MAKINIG SA TINIG NG PANGINOON!
C. Marami silang nahuli, hindi nga nila nakayang basta mailagay sa pampang; hindi na sa
malalim, dyan lang sa malapit nakakuha (90 metersmaway). May bilang ang isda (binilang nila!
153! From zero!) Pero hindi nasira ang kanilang lambat (source of livelihood nila ang fishing).
KAPAG SI HESUS ANG NAGSABI, MANALIG TAYO SA MAAARI AT KAYA NG NIYANG GAWIN!
Conclusion: WALANG-WALA BA TALAGA? O WALA LANG PAGTITIWALA? O WALA LANG PAGSUNOD SA KANYA? Ang sarap isipin na si Hesus pa ang nagyaya sa kanila kumain ng agahan. At siempre, kakain sila na ang ulam ay isdang nahuli! Napaka-fresh! Walang tanong-tanong! NAKILALA NILANG LAHAT NA SI HESUS ANG KANILANG KAUSAP!
AKALA LANG NATIN WALA, PERO MERON! BASTA KASAMA SI HESUS!
VI. PANANALANGIN
MAG-ASSIGN SA PAMILYA KUNG SINO ANG MAY IBIG MAG-PRAY, KAHIT SIMPLE LANG BASTA MAY PAGTITIWLA SA DIOS!
1) Kung mayroon sa pamilya na para bang nawawalan na ng pag-asa NA MAKAAHON SA BUHAY. Manalangin ng sama-sama (kung marami) o ipanalangin ng isang tao ang mga taong nagpahayag ng kahirapang bumangon.
2) Ang ating pamahalaan: banal na takot sa Dios upang magkaroon ng integridad sa pamamahala.
3) Ang mga nag-aattend sa JCLAM church ay LUBOS NA MAKILALA SI HESUS at pagtiwalaan na Siya ang tunay na may magagawa sa ating buhay.
4) Kung sino man ang kilala ninyong may pinagdaraanang karamdaman, banggitin ang pangalan at kung alam ang sakit, ay banggitin din at ipanalangin.
5) Magtanungan kung ano ang ibig ipag-pray na personal request. Magdalanginan, by pair o isa na lang mag-lead.
VII. PAGPAPATOTOO
Sino ang gustong magpasalamat sa Dios? Magpatotoo sa ginagawa ng Dios sa iyong buhay. Gawing ABC (Accurate ang kuwento; Brief lang, walang paliguy-ligoy; Christ-Centered, hindi tayo ang bida.) Itaas ang Panginoong Hesus!
VIII. MGA ANUNSYO –
1. Mag-like o mag-heart sa MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH Facebook
2. Maaaring balikan ang mga mensahe natin tuwing linggo sa ating YouTube channel
3. Patuloy na mag-attend ng ating church services:
First Service: 7:30-9:30 am Second Service: 10:30 – 12:30 pm
4. May mga Sunday School department classes tuwing 9:30-10:30 am: Adult Women (TeaTime); Adult Men (Kapehan); Teens and Youth (Brewkada); Tuwing unang Linggo ng buwan, same time: Young Adults (Breaktime)
IX. PANGWAKAS NA PANALANGIN
Magpasalamat sa Dios sa sagot sa panalangin. Isama na rin sa panalangin ang pagsasalu-saluhang biyayang pagkain ng Dios, kung mayroon.
X. MAG-PICTURE-TAKING at IPASA SA KINAUUKULAN




Comments