top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell #1 - Thy Word is a Lamp

Below is the material for our Prayer Cell #1 for the year 2023.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:



Thy Word

By: Ptra. Kay Carolino

 

I. PAG-AAWITAN


It’s a great day to praise the Lord (3x) Walking in the Light of God

Walk, walk, walk, walk in the Light (3x) Walking in the Light of God

(serve, love, thank)



You are holy, holy

Lord there is none, like You

You are holy, holy

Glory to You alone


I sing Your praises forever

Deeper in love with You

Here in Your courts

Where I'm close to Your throne

I've found where I belong

II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


(Manalangin with HANDS RAISED)


Ama naming Dios, kami po ay nagpapasalamat sa buhay na iyong ibinigay ---- buhay na nagliwanag dahil sa Liwanag ng Inyong ipinakita sa amin sa pamamagitan ng Inyong Salita. Nawa’y magpatuloy po kami sa Inyong Liwanag upang hindi na po kami maligaw ng landas. Nawa’y hindi ka masilaw ng liwanag ng kayamanan ng mundong ito, nang liwanag ng biglang-yaman; hindi ka mabulagan ng katanyagan at sariling kagandahan at kaguwapuhan…..kungdi makita naming patuloy ang ningning ng Inyong kabanalan at ng Inyong Banal na Salita. Tulungan po Ninyo kami sa aming pananalangin, Banal na Espiritu. Sa pangalan ni Hesus, Amen!


III. INTRODUCTION


Sino sa atin ang nagkaroon ng karanasan sa mga ganitong bagay? Maaari bang magkuwento?


1. Nagtatawas - ano ang naipapakita kapag nagpatawas

2. Nagpapahula - sa anong medium’ o paraan? Palad mo? Tarot cards? Glass? Crystal Ball? atbp.

3. Nagpapa-arbularyo – sino ang may sakit at ano ang sakit? Ano’ng nangyari?

4. Nagsusuot ng mga amulet, bracelet, etc. – sino ang nagbigay? Para saan daw? Effective ba?

5. Nagpapakulam


Malamang, nagawa mo ang mga ito dahil hindi mo po naman nakikilala ang tunay na magbibigay ng kaliwanagan sa lahat ng iyong hinahanap. O, kaya naman ay, kinalakihan na ginagawa kasi ng inyong pamilya ang ganitong paghanap ng praktikal na paraan upang mabigyang lunas ang mga problema o makahanap ng liwanag sa madilim na situwasyon.


The worship and seeking of supernatural powers other than God have been around since the beginning. Satan has used witchcraft to prevent people from finding holy spirituality in God alone. He uses witchcraft such as mediums, horoscopes, and games to entice people away from God and toward a power that gives self-enlightenment. The Bible speaks often on the consequences of following false idols and falsehood.

IV. SCRIPTURE READING


I Chronicles 10:13-14

13 Namatay si Saul sapagkat hindi siya naging tapat kay Yahweh at sinuway niya ang kanyang mga utos; sumangguni pa siya sa kumakausap sa espiritu ng namatay na 14 sa halip na kay Yahweh. Kaya siya'y pinatay ni Yahweh at ibinigay ang paghahari kay David na anak ni Jesse.


V. MESSAGE


Background: Si Haring Saul ay nasusukol na… Si Propetang Samuel ay patay na kaya wala na siyang mapuntahan. Pinagbawal niya ang pag-operate at pag-consult sa witchcraft. Ngunit sa kagipitan niya, naisip niyang solusyon ay magtanong sa mga mangkukulam sa Endor habang siya ay nagpanggap na hindi si Haring Saul.. Natakot siempre ang mangkukulam baka ipapatay siya ng hari dahil bawal nga. Ngunit pinangakuan ni Haring Saul ang mangkukulam na hindi ito mapapahamak.


Lumabas sa pangkululam ang tila mukha ni Propetang Samuel.

II Samuel 18:15 “Why have you disturbed me by calling me back?” Samuel asked Saul. “Because I am in deep trouble,” Saul replied. “The Philistines are at war with me, and God has left me and won’t reply by prophets or dreams. So I have called for you to tell me what to do.”

Tingnan natin ang nangyayari sa isang tao kung di niya alam ang pupuntahan o sino ang lalapitan:

1) Nadarama ang laki ng kanyang problema – “I am in deep trouble.”

2) Nag-iiba ang pananaw o pagtingin sa Dios – “God has left me and won’t reply by prophets or dreams.”

3) Naghahanap ng mapupuntahang taliwas sa nais ng Dios - So I have called for you to tell me what to do.”

Ang ‘you’ ay ang mangkukulam. Hindi daw alam ni Haring Saul ang gagawin. Gusto Niyang maliwanagan sa ka nyang sitwasyon kaya, hayun. Kung sino ang pinaka-praktikal yung ang naiisip.

Micah 5:12 I will tear down your walls and demolish your defenses. I will put an end to all witchcraft, and there will be no more fortune-tellers.

Deuteronomy 18:10-13 For example, never sacrifice your son or daughter as a burnt offering. And do not let your people practice fortune-telling, or use sorcery, or interpret omens, or engage in witchcraft, or cast spells, or function as mediums or psychics, or call forth the spirits of the dead. Anyone who does these things is detestable to the Lord. It is because the other nations have done these detestable things that the Lord your God will drive them out ahead of you. But you must be blameless before the Lord your God.

Ang ibig ng Dios ay sa Kanya ,ismo tayo tumawag. Nawawala ang ating pananalig sa Kanya kapag nasa isip pa lang natin na lumapit sa anumang uri ng pangkukulam. Lalo pa’t kung ginawa na natin.

Hal. 1) Nalilito ka sa iyong future. Imbes na sa Salita ng Dios magtanong at makinig sa Banal na Espiritu, nagtatanong tayo sa manghuhula gamit ang mga bagay na walang kadahilanang panaligan.

Hal. 2) Biglang nagkasakit ang anak mo samanatalang kanina lang ang lakas lakas niya. Na-confuse ka at gusto mong maliwanagan kung saan galing yung sakit. Imbes na lumpait sa Dios na Nagpapagaling, mas pinili pang lumapit sa magtatawas para alamin kung sino anging dahilan ng kanyang sakit o sa arbularyo upang madasalan ng may iba’t ibang bulong ang iyong anak.

Hal. 3) Natutuliro ko kung paanoi makaganti sa isang kapitbahay na lumalait sa iyo. Imbes na magsumbong ka sa Dios, sinumbong mo sa isang may hawak ng manikang dinasalan na tinututsok ng karayom.

Atbp.

Psalm/Awit 119: 130 Ang liwanag ng turo mo'y nagsisilbing isang tanglaw, nagbibigay dunong ito sa wala pang karanasan.


CONCLUSION:


Kasuklam-suklam sa Dios ang paghingi natin ng tulong sa mga ganito. Hayaan natin na ang Salita ng Dios

ang maging LIWANAG sa ating mga lalakaran. Unti-unti, makikita natin na ang ating pupuntahan ay nasa

tuwid at nag-iisang Daan patungo sa Katotohanan. Hindi tayo ipapahamak ng Salita ng Dios bagkus

mabibigyan tayo ng Buhay na may kasaganaan.


Marami nang sinubukan ang witchcraft na lalong nagpagulo sa kanila buhay at mga mahal sa buhay.

Nabigo ang mga pangarap, naging salbaheng tao imbes na maging mabuti. Kung naging matagampay nga

ngunit ibinenta naman ang kanilang kaluluwa sa diablo.


At marami na ring sa Salita ng Dios sumandal na makikita nating pinagpapapala ng Panginoon!


VI. PANALANGIN


1) Sabay sabay na manalangin ng paghingi ng tawad sa Dios sa pagtawag natin ng tulong gamit ang iba’;t ibang form ng witchcraft.

2) Sambitin sa Dios ang pangalan ng isang kilala mo na nasa ilalim ng kapangyarihan ng witchcraft.

I-rebuke ang espiritu ng witchcraft sa kanyang buhay.

3) Ipanalangin ang bawat department natin: ANG MGA BATA (FCM), ang mga kabataan (FT at FY), ang ating working group (FSY) ang mga mag-asawang bata-bata pa (FYC) ang mga adult na babae (UFW) at mga adult na lalaki (UFM) ang mga biyudo/biyuda at single parents (NACs) at mga super senior citizens (FAS) - na patuloy na magningning ng Liwanag ni Kristo upang mas marami ang maging children of Light. Ma-reach out nawa ang mga bagong tao sa departments.

4) Ipanalangin ang mga inaalagaang mga disciples – na sila ay magpatuloy sa paglakad kasama ng Banal na Espiritu. Ipanalangin rin ang mga disciple-makers na ma-encourage silang magpatuloy.

5) Anointing para sa mga worship services natin tuwing 9 am na live at 2pm at ang recorded streaming - buksan ng Banal na Espiritu ang spiritual understanding ng lahat ng makakajoin dito.

6) Personal requests or prophetic praying (kahit hindi itanong ang naisin, pray in the Spirit)


VII. PRAISE REPORT


Maaari mo bang pasalamatan ang Dios at ipahayag kung paano ka natigil sa paggawa ng anumang ‘form of witchcraft’? May Salita ng Dios ka bang natutunan tungkol dito?


(Maaaring umawit ng O, How I Love Thy Law - https://www.youtube.com/watch?v=NLG9APGmoBg)



VIII. ANNOUNCEMENTS


1) MASS DEDICATION – Jan 28, Sabado, kung gusto pong sumabay, need ma-interview ng pastors.

2) MASS WEDDING – April 1, Sabado, kung gusto pong sumabay, makipag-ugnayan sa pastors.

3) Invite others to join ONLINE PRAYER CELL at sa FAITH NIGHT (alternate)

4) Go to You Tube. Type MARIKINA FOURSQUARE GOSPEL CHURCH. Click subscribe. Like the videos when you have watched them.

5) Continue with our daily reading of God’s Word and Prayer.

6) Missions Pledging ang Giving

7) Birthday po ng ating 2 pastors: Ptr. Noolen (19th) and Ptra. Glho (12th)



IX. PICTURE TAKING, OFFERING and FOOD

Take pictures and post sa FB page ng JCLAM for attendance sake and most especially to encourage others to join us pray for the country, church & family.


Offering:

Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.


Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:


Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049

Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554

Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622



8 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page