top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 25 - Actions Not Found

Below is the material for our Family Prayer Cell on July 6, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:




WASTONG ASAL

By: Ptra. Kay Oyco-Carolino

 

1. Introduction


Last week, nasaksihan po natin ang pagkilos ng Dios sa ating Faith Night. Naranasan ng marami ang pangungusap ng Dios tungkol sa pagtupok ng mga hadlang sa pananalangin. Ang Banal na Espiritu ay buhya na buhay na nangungusap upang mai-ayos tayo ayon sa kalooban ng Dios. Kung hindi ka nakarating sa unang Faith Night, abangan na lang po ang susunod na schedule. Huwag mawalan ng excitement o zeal! Patuloy lang po tayo sa pananalangin.


Sa huling material po natin sa FPC, pinakita po sa atin na kailangang magpakita na TAMANG MGA ACTIONS bilang mananampalataya. Hihimayin po natin lalo ang mga ito ngayon.


2. Pag-aawitan


3. Pambungad na Panalangin


Dios naming Ama, tumitingal po kami sa Inyo, nalalamang sa Inyo lang po galing ang lahat ng baay. Kayo po ang aking Manlilikha at Kayo rin po ang aming Tagapaglitas at Panginoon. Patuloy po Ninyo kaming linisin upang malinis po kaming haharap sa Inyo sa araw na ito. Salamat po sa Inyong kahabagan at patuloy na kagandahang-loob.


Panginoon, itinatagubilin po naming sa Inyo ang Family Prayer Cell na ito. Nawa ay malugod po Kayo at hindi po namin gawin ito bilang obligasyon sa pagsunod sa utos.


Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na kami sa Inyong kasagutan. Sa ngalan ni Hesus.


4. Praise Report


Ipatotoo o sabihin sa mga kasama mo kung paano mo pinasasalamatan ang Dios sa mga ginagawa NIyang pagbabago sa iyong buhay – spiritual, financial, emotional, relational, physical, intellectual?


5. Scripture Reading


Tito 2:1-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

o (vs.1) Ang ituro mo naman ay ang mga bagay na naaayon sa wastong aral.

o (vs.2) Sabihin mo sa matatandang lalaki na sila'y maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at maging matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis.

o (vs. 3) Sabihin mo sa matatandang babae na sila'y mamuhay na may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing kundi magturo sila ng mabuti,

o (vs. 4) upang maakay nila ang mga kabataang babae na mahalin ang kanilang mga asawa at mga anak.

o (vs. 5) Ang mga kabataang ito'y kailangan ding turuan na maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang asawa upang walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos nang dahil sa kanila.

o (vs.6) Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili.

o (vs. 7) Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.

o (vs. 8) Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo. Kaya't mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin.

o (vs. 9) Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin at kalugud-lugod sa kanilang mga amo. Hindi nila dapat sagut-sagutin ang mga ito,

o (vs.10) ni pagnakawan man. Dapat silang maging tapat sa lahat ng pagkakataon, upang maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng mga katuruan ng Diyos na ating Tagapagligtas.


6. Message


Intro: Binanggit ang mga ugali hindi maganda ng mga Cretans sa ating nakaraang FPC material. Isa-isahin nating ang mga wastong aral o dokrtine na tinuturo ni Pablo kay Tito upang maging mabuting taga-sunod ni Kristo. Kanino ka kaya makaka-relate sa mga ito?


1. MATANDANG LALAKI (UFM?) vs. 2 – maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at maging matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis.


Discuss: Ano nga ba ang mga naoobserve natin na ugali ng mga matatandang lalaki na tila saliwa sa naisin ng Dios, ayon sa mga nabanggit? Magbigay ng mga sampol ng sitwasyon.


Magtulungan po tayo na magawa ng matatandang lalaki ang wastong katuruan ng Dios.


2. MATATANDANG BABAE (UFW?) vs. 3 - mamuhay na may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing kundi magturo sila ng mabuti,

Discuss: Bakit kaya ganito ang instructions ni Pablo? Ano kaya ang meron sa mga babaeng Hudio? Magbigay ng sampol ng situwasyon ngayon na nakikitaan ang mga adult women na saliwa sa naisin ng Dios.

Magtulungan po tayo na magawa ng matatandang babae ang wastong katuruan ng Dios para sa kanila. May dahilan ang Dios e. Tingnan natin sa verse 4. Mag-react.


3. KABATAANG MAY-ASAWA (FYC?) vs. 5 - maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang asawa upang walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos nang dahil sa kanila.

Discuss: Maagang nagsisipag-asawa ang mga Judio. Marahil, ang kanilang kahandaan sa buhay may asawa ay salat pa. Bakit kaya ganito ang mga wastong aral na dapat matutunan ng mga kabataang may asawa na? Magbanggit ng mga sampol na situwasyon. Ano nga daw ang long-term na dahilan kung bakit kailangang mabantayan ang bagay na ito?

4. KABATAANG LALAKI (FY, FYC?) vs. 6 - Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili.

Discuss: Hindi na sinama ang mga babae dito dahil ina-assume na na ang mga kabataang babae ay natuturan ng mga mga matatandang babae. Bakit kaya importante ang pagpipigil sa sarili na wastong aral para sa kabataang lalaki? Magbigay ng mga sampol na situwasyon na sila ay nasusubok sa area na ito.

5. MGA ALIPIN (subordinates, employees, helpers?) vs. 9-10 - masunurin at kalugud-lugod sa kanilang mga amo. Hindi nila dapat sagut-sagutin ang mga ito, ni pagnakawan man. Dapat silang maging tapat sa lahat ng pagkakataon, upang maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng mga katuruan ng Diyos na ating Tagapagligtas.

Discuss: Inaasahan talaga na ang mga nagtatrabaho sa ilalim ng isang ‘amo’ o ‘superior’ o isang nag-uutos ay magpakita ng ugaling kaiga-igaya. Ano ba ang mga situwasyon na nangyayari ngayon sa mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng employer? Bakit napakahalaga rin nito?

6. MGA NAGTUTURO (teachers, pastors, mentors, diciplers?) tulad ni Titus/Tito vs. 7-8 - maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo….Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo. Kaya't mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin.

Discuss: Mabigat ang standard talaga sa mga nagtuturo. Hindi madali ngunit magagawa sa tulong at gabay ng Dios. Sampol! Sampol! Iyan talaga ang ginawang standard sa mga teachers/pastors/disciplers. Bakit kaya? Ano kaya ang maaaring mangyari?

CONCLUSION: Habang nadadagan ang mga nagiging Christians sa panahon nila Pablo, ganoon na lang ang pag-iingat niya para ang ‘testimony’ ng buhay ng mga bagong Christians ay hindi magbigay ng kahihiyan sa Dios. Specific ang mga instructions, mga wastong aral na hindi lang basa susundin, kungdi ipamumuhay ayon sa Salita ng Dios.

Saan man tayo dito sa mga nabanggit, nawa’y maisapamuhay natin ang mga bagay na ito para sa pagpapalaganap ng kaharian ng Dios at sa atin mismong ikabubuti.


7. Pananalangin


1. Bawat depart ment sa ating church: UFM, UFW, FYC, FSY, FY, FCM – na magkaroong ng lifestyle na na-aapply ang mga WASTONG ARAL.

2. JCLAM new set of leaders – anointing, wisdom and unity

3. Mga activities ng Metro Manila North District – Theme: REUNITED – pagsama ng Dios at ma-inspire at ma-apply ang matututunan ng lahat ng a-attend

4. Bagong pamahalaan – ang mga namiminuno – huwag manaig ang power-tripping kungdi matakot sa Dios.

5. Nagsipagtapos – gabay sa susunod na hakbang, probisyon, at inspirasyon

6. For one another.


8. Announcements


1. Physical Services – please register po sa https://bit.ly/mfgcevents para mas mapabilis ang ating sign-ups

Adults – 7 am and 10 am

Kids – 7 am and 10 am

2. Premiere/Online Replay – 2 pm and 6 pm

3. MMND Activities “REUNITED”:

- July 16 – Foursquare Children’s Ministry

- July 17 – United Foursquare Youth

- July 24 – United Foursquare Men

- July 31 – Foursquare Senior Youth

4. JCLAM upcoming activities

- Salt and Light on Sunday – July 10

- PC, Tech and Hospitality Fellowship – July 10, 9 am

- Faith Night - July 13, 7 pm!

5. Please post your pictures sa Facebook page ng MFGC, and share with us kapag meron po kayong mga testimony at answered prayers!

91 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page