top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 26 - Perfect Courtesy

Below is the material for our Family Prayer Cell on July 20, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


PERFECT COURTESY

By: Bro. Martin Valenzuela

 

1. Panimula


Sa linggong ito, itutuloy natin ang ating pag-aaral sa aklat ng Titus. Sa mga nakaraang FPC natin, matatandaang nagbigay ng mga paalala si Paul sa mga taga Crete sa pamamagitan ni Titus kung ano ba dapat ang tamang asal ng mga mananampalataya ng Diyos. Inisa-isa niya kay Titus ang mga expectations sa mga mananampalataya sa loob at labas ng church.

Ngayong linggo, pag-usapan natin ang tungkol sa “perfect courtesy” at kung ano ba ang dahilan kung bakit marapat tayong magtaglay nito.

II. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


Panginoon, sa aming pag-aaral at pananalangin ngayong gabi, pangunahan at samahan mo po kami. Buksan mo ang puso namin sa mga pagtuturo mo at ihanda mo kami sa pagtugon mo sa aming mga panalangin. Maraming salamat po at maluwalhati ka sa aming pagtitipon sa iyong pangalan at sa presensya ng Banal na Espiritu. Amen.


III. PAG-AAWITAN


https://www.youtube.com/watch?v=6inUmejqW9s


Come let us offer

A sacrifice of praise

The fruit of our lips

Giving thanks

The fruit of our lips

Giving thanks

So come and offer sacrifices

Come and offer

Praise unto the Lord

IV. PRAISE REPORT


Kung kayo po ay may mga pasasalamat sa Panginoon, maaari niyo po itong ishare sa grupo. Ipatotoo sa mga kasama mo sa grupo kung gaano mo pinasasalamatan ang Diyos sa mga ginagawa sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.


V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Titus 3:1-7 (ESV)


3 1 Remind them to be submissive to rulers and authorities, to be obedient, to be ready for every good work, 2 to speak evil of no one, to avoid quarreling, to be gentle, and to show perfect courtesy toward all people. 3 For we ourselves were once foolish, disobedient, led astray, slaves to various passions and pleasures, passing our days in malice and envy, hated by others and hating one another. 4 But when the goodness and loving kindness of God our Savior appeared, 5 he saved us, not because of works done by us in righteousness, but according to his own mercy, by the washing of regeneration and renewal of the Holy Spirit, 6 whom he poured out on us richly through Jesus Christ our Savior, 7 so that being justified by his grace we might become heirs according to the hope of eternal life.


Titus 3:1-7 (MBB)

3 1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4 Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.


VI. MESSAGE


Ang mga salitang “perfect courtesy” sa ESV ay “meekness” sa KJV. Kapag sinabi nating meekness, ito ay pagpapakita ng kahinahunan at paggalang, katulad ng isang tupa. Ang pagiging meek o gentle ay di nangangahulugan ng pagiging mahina at walang kalaban-laban. Meekness is not weakness. It is strength under control.


Si Jesus ay perfect example ng “perfect courtesy.” Maraming beses siyang inakusahan, pinagsinungalingan, at hindi binigyan ng tamang pagtrato, subalit pinairal niya ang self-control at calmness niya sa maraming pagkakataon. Hindi ibig sabihin na siya ay mahina at hinahayaan lang niya na tapak-tapakan siya ng mga tao – nilalagay lang niya sa lugar ang kanyang katwiran at kapangyarihan – ayon sa Will ng Diyos.


Kung tayo ay may “perfect courtesy” sa mga tao, kaya na din nating:

§ magpasakop at sumunod sa mga pinuno at maykapangyarihan;

§ maging handa sa paggawa ng mabuti.

§ huwag magsalita ng masama laban kaninuman,

§ umiwas sa pakikipag-away, at

§ maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao


Ngunit possible ba na magawa natin ito? Dahil itinuturo ito ng salita ng Diyos, possible! At meron tayong mga dahilan kung bakit natin kailangan magpakita ng “perfect courtesy” sa mga tao sa paligid natin. Isa-isahin natin.


1. God showed us how good and kind he is (3-5)

Pinakitaan tayo ng Diyos ng kanyang kabutihan at kabaitan


“Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin.”


Pero hindi tayo nanatiling alipin ng mundo. Tayo ay nilingap at inahon ng Diyos sa pagkakalubog sa kasalanan – dahil sa kanyang pag-ibig. Wala tayong maiyayabang sa kanya dahil wala namang kaibig-ibig sa atin. Pero dahil sa kanyang kabutihan at kagandahang loob, narito tayo ngayon at nag-eenjoy ng kanyang pagmamahal.


“Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin”


2. The Holy Spirit washed us and gave us new birth (5-6)

Nilinis tayo ng Banal na Espiritu at binigyan ng bagong katauhan


Hindi lang tayo niligtas ng Diyos, tayo rin ay nilinis na ng Banal na Espiritu upang maging capable tayo na gumawa nang mabuti sa kapwa at magpakita ng “perfect courtesy!” Hindi na tayo tulad ng dati na mga alipin ng mundo at pinamamahayan ng masamang ugali. Tayo ay ipinanganak nang muli (born again) at nagkaroon na ng bagong buhay (regeneration).


“Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”


3. Jesus treated us much better than what we deserve (7)

Tintrato tayo ni Hesus nang higit sa dapat nating tanggapin


Isa pang dahilan kung bakit marapat tayong magpakita ng “perfect courtesy” ay dahil tayo mismo ay recipient ng perfect courtesy ni Hesus. Hindi naman tayo karapat-dapat sa pag-ibig at pagtanggap niya, pero sa kabila ng ating kagaspangan at kasalanan, pinakita pa rin niya sa atin na maaari natin itong tanggapin.


Kung bakit niya ito ginawa sa atin, ay upang maging matuwid tayo sa pamamagitan ng kanyang kagandahang loob. Siya ang naging pattern natin, kaya pwede rin nating i-extend ang “perfect courtesy” na ito sa iba. Kung hindi tayo pinagdamutan ni Hesus, bakit natin ipagdadamot ito sa iba?


“upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.”


Sa totoong buhay, ang perfect courtesy na instruction at inaasahan sa atin bilang mananampalataya ay mahirap ipamuhay – subalit sa pag-ibig ng Diyos, sa paglilinis ng Banal na Espiritu, at sa example ni Hesus, maaari tayong maging manananagumpay!


VII. PANANALANGIN


1. Ipanalangin ang mga nasa authorities

a. Mga nasa national at local government

b. Mga leaders ng Foursquare denomination

c. Mga pastor at leaders ng ating church

d. Mga magulang sa bawat tahanan

2. Ipanalangin ang ating church at ang bawat members/attendee na tayo ay magpakita ng “perfect courtesy” sa ating mga nakakasalamuha.

3. Ipanalangin ang mga Finders and Seekers. Magpatuloy sa pagsasaliksik sa Panginoon ang bawat new believers na naaabot ng ministry natin.

4. Ipanalangin ang ating Children’s Ministry. Na lumaki ang mga batang ito na may takot sa Panginoon at buhay na patuloy na binabago ng Banal na Espiritu.

5. Ipanalangin ang ating sermon series. Maging kasangkapan ang bawat mensahe upang lumakad tayo ayon sa salita ng Diyos, at taliwas sa takbo ng mundo.

6. Ipanalangin ang bawat isa.


VIII. PANALANGING PANGWAKAS


Ama naming Diyos, maraming salamat sa kabaitan at kagandahang loob mo na ibinigay sa amin. Salamat, Banal na Espiritu sa paglilinis at pagbibigay sa amin ng bagong katauhan. Panginoong Hesus, salamat dahil ikaw ang perfect example at kami ang unang recipient ng iyong “perfect courtesy”, na sa kabila ng aming kasalanan at kagaspangan, inibig at binago mo kami. Tulungan mo po kami na maipakita din ang “perfect courtesy” na ito sa iba. Amen.


IX. PAALALA


1. Physical Services – 7 am and 10 am (Adults and Kids)

2. Premiere/Online Replay – 2 pm and 6 pm

3. MMND Activities “REUNITED”:

§ July 24 – United Foursquare Men

§ July 31 – Foursquare Senior Youth

4. Please post your pictures sa Facebook page ng MFGC, and share with us kapag meron po kayong mga testimony at answered prayers!

60 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page