Below is the material for our Family Prayer Cell on August 10, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
HUWAG HAMAKIN
By: Ptra. Glo Oyco
1. Panimula
Kamusta po ang bawat isa na dumadalo sa ating FPC? Nawa ay nagiging mas masigasig tayo sa ating pananalangin habang mas natututunan po natin ang Salita ng Panginoon, maging ang patloy na pagkakakilala natin sa Banal na Espiritu na siyang gumabagay sa ating pananalangin. Natatandaan pa po ba natin ang huling lesson na napag-aralan nating sa ating FPC? Ang tungkol sa Perfect Courtesy na kung saan ang ipinakitang halimbawa ay ang pagiging halimbawa ni Jesus. Kaya po Siya’y ating awitan at papurihan s apanimula ng ating gawain.
II. PAG-AAWITAN
May Galak, May Saya
May galak, may saya, may tuwa
Sa piling ng Diyos
Sapagkat hirap ng puso ay naglalaho
May awit, may sayaw, at papuri
Para sa Diyos
Na hatid ng pusong pinagpala Niyang lubos
Handog N’ya ay kapayapaan
Handog N’ya ay kagalakan
Handog N’ya ay kalakasan
Sa bawat pusong napapagal
Kaya’t ang awit ng papuri
Awit ng pasasalamat
At ang awit ng pagsamba
Ay para lang sa Kanya
**
Ikaw ang Tunay na Diyos
Pupurihin Ka O Diyos
Ang aming alay ay pagsamba
Kaluwalhatian buong karangalan
Kapangyarihan Mo'y walang katulad
(Koro)
Ikaw ang tunay na Diyos
Ika'y walang katulad
Ika'y nag-iisa Ikaw lamang wala ng iba
Sa'yo ang aming awit dinggin ang aming tinig
Isisigaw sa buong mundo
Kadakilaan Mo
III. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Dakilang Dios, pinasasalamatan at pinupuri Ka po namin sa Iyong walang sawang pagmamahal sa amin, pagkalinga sa amin at pagtutuwid sa aming mga kalikuan, iwinawasto kami aming mga pag-uugali na saliwa sa Inyong aral. Sa nagdaang isang Linggo ay higit po naming kayong nakikilala maging ang pagpatnubay sa amin ng Banal na Espiritu.
Kaya nga po aming ipinagtatagubilin sa Inyong mapagpalang kamay ang aming Family Prayer Cell na patuloy na maging kaparaanan ng kalakasan naming sa pamamagitan ng aming sama-samang pakikinig ng Inyong mga Salita at sama-samang panalangin.Maging kagalakan po nawa sa bawat isa ang matapat na pagdalo sa ating FPC. At hindi maging kabigatan at ipagwalang bahala ninuman ang ganitong gawain. Ito ang aming dalangin, sa matamis na pangalan ni Hesus, Amen!
IV. PRAISE REPORT
Ipatotoo o sabihin sa mga kasama mo kung paano mo pinasasalamatan ang Dios sa mga ginagawa NIyang pagbabago sa iyong buhay sang-ayon sa ating mga napag-aralan at napakinggan sa FPC at Faith Night.
V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
Tito 2:11-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)
o (vs.11) Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao..
o (vs.12) Ito ang nagtuturo sa atin upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at upang makapamuhay tayo ngayon nang may pagpipigil, matuwid at karapat-dapat sa Diyos
o (vs. 13) habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
o (vs. 14) Inihandog niya ang kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang maging bayan niyang masigasig sa paggawa ng mabuti
o (vs. 15) Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman…
VI. MESSAGE
Intro: Sa pagbabalik-aral natin sa ating last FPC material, ay natutunan natin na si Hesus ang perfect example ng perfect courtesy. Sa talatang ating pag-aaralan, ay mayrooong salitang binanggit si Pablo kay Tito na nagbibigay ng paalala at encouragement, ang mga salitang HUWAG HAMAKIN.
Ang sabi ni Pablo kay Tito HUWAG mong hayaang HAMAKIN ka ninuman sapagkat:
NAHAYAG NA ANG KAGANDAHANG LOOB NG DIYOS AY:
1. Nagdudulot ng kaligtasan ng lahat ng tao v.12a
Tama po ang kagandahang loob ng Diyos ay para sa lahat, hindi Siya namimili. Iniligtas ka Niya hindi dahil mabuti ka, or mabait ka. Iniligtas ka ng Diyos dahil sa Kanyang kagandahang loob at kabilang ka sa tumanggap ng biyaya ng Kanyang kagandahang loob. HUWAG HAMAKIN ang Kanyang kagandahang loob.
2. Nagtuturo sa atin upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman. v.12b Anu ano nga ba ang mga makamundong pamumuhay at damdaming makalaman na patuloy mong ginagawa o nagagawa?
3. Nagtuturo upang mamuhay ng may pagpipigil, matuwid at karapat dapat sa Diyos. v.12c
Ang mga panglinggong mensahe na ating napakinggan noong nakaraang buwan ng Hulyo ay nagbibigay ng mga paalala, pagtutuwid ukol sa mga dapat at di dapat nating ginagawa. Tayo ay patuloy na pinapaalalahan na talikuran, iwasan ang mga makamundong pamumuhay. Simula sa mga pananalitang bastos, mapangahas, at walang galang na pananalita, kung papaanong ang katawan ay nagagamit sa damdaming makalaman. Sinusunod ang pita ng laman o ang tawag ng laman kahit pa makakasira sa kanyang katawan. Maaring ang mga ito ay may kurot sa iyong pagkatao, tandaan po na sa kagandahang loob na Diyos ay nagdulot ng kaligtasan, nagtuturo upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman upang mamuhay ng may pagpipigil at karapat dapat sa Diyos.
4. Inihandog Niya (Jesus Christ) ang kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan
5. Nilinis tayo upang maging bayan niyang masigasig sa paggawa ng mabuti
Habang tayo ay naghihintay sa muling pagbabalik ni Jesus, ang kagandahang loob o ang biyaya ng Diyos ang patuloy na nagtuturo upang maging matagumpay sa araw araw na pamumuhay sapagkat ang bawat isang tumanggap kay Hesus ay pinalaya na sa lahat ng kasamaan at nilinis na upang maging mga mananampalataya na maging masigasig sa paggawa ng mabuti.
Ang pagiging matuwid at karapat dapat sa Diyos ay nararapat nating patuloy na isinasapamuhay habang tayo ay masugid na naghihintay sa DAKILANG ARAW ng pagbabalik ng Dakilang Diyos at Tagapagligtas na walang iba kundi ang Panginoong Hesus.
CONCLUSION: Balikan natin ang sinabi ni Pablo kay Tito, sa vs.15, Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman. Ikaw ay pinalaya na sa lahat ng kasamaan at nilinis na. Reflection: Nagagawa ba nating ipahayag ng lubusan ang kagandahang loob ng Diyos? Ano pa ang pumipigil sa iyo upang ito ay gawin?
VII. PANANALANGIN
1. Bawat member ng JCLAM na magkaroong ng lifestyle na naipapahayag ang kagandahang loob ng Diyos sa sinuman na makakasalamuha.
2. Mai-apply ang kapangyarihan na pagpapalakas ng loob sa bawat isa.
3. JCLAM new set of leaders – anointing, wisdom and unity
4. MDP Ministers Development Program ng 11 District
5. Ang mga kapatiran na may karamdaman. Angelika Manlangit (para sa procedure na isasagawa)
6. Ang nalalapit na SY 2022-2023 (private at public school), magkaroon ng maayos na pagkakaroon muli ng F2F classes.(preparation ng bawat schools)
7. For one another.
VIII. PANALANGING PANGWAKAS
Ama naming Diyos, maraming salamat sa kabaitan at kagandahang loob mo na ibinigay sa amin. Salamat, Banal na Espiritu sa paglilinis at pagbibigay sa amin ng bagong katauhan. Panginoong Hesus, salamat dahil ikaw ang perfect example at kami ang unang recipient ng iyong “perfect courtesy”, na sa kabila ng aming kasalanan at kagaspangan, inibig at binago mo kami. Tulungan mo po kami na maipakita din ang “perfect courtesy” na ito sa iba. Amen.
IX. PAALALA
1. Physical Services (with Children’s church) – 7 am and 10 am / Livestreaming or Premiere – 2 pm and 6 pm
2. FY and FSY activities coming soon!
3. Kapihan every Sunday morning at 9 am with UFM
4. Please post your pictures sa Facebook page ng MFGC, and share with us kapag meron po kayong mga testimony at answered prayers!
Comments