Below is the material for our Family Prayer Cell on August 24, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
SSSHHH...
By: Sis. Edith Manalo
1. Panimula
Maganda po ang ginagawa ng ating Diyos sa ating Faith Night. Marami tayong bagay na natutunan na nagpapalago ng ating pananampalataya sa Diyos. Natutunan natin na mahalaga na tayo ay nagmemerorize at nagmemeditate ng Salita ng Diyos. Maganda na ang lumalabas sa ating bibig ay ang Salita ng Diyos at pag naranasan natin na ito ay nangyayari sa ating buhay, tumataas ang antas ng ating pananampalataya.
Ganun din po sa ating Family Prayer Cell, magandang nag aaral tayo ng Salita ng Diyos at nagdadasal bilang isang pamilya. Nalulugod ang Diyos kapag ang kanyang mga anak ay nagkakaisa sa panalangin. Muli ay buksan natin an gating mga puso sa Salita ng Diyos at kausapin natin ang Diyos nang may pananampalataya na sasagutin Nya ang ating mga panalangin.
II. PAG-AAWITAN
GOODNESS OF GOD
https://youtu.be/-f4MUUMWMV4
Verse 1
I love You Lord
Oh Your mercy never fails me
All my days
I've been held in Your hands
From the moment that I wake up
Until I lay my head
I will sing of the goodness of God
Chorus
All my life You have been faithful
All my life You have been so, so good
With every breath that I am able
I will sing of the goodness of God
Verse 2
I love Your voice
You have led me through the fire
In darkest nights
You are close like no other
I've known You as a father
I've known You as a friend
I have lived in the goodness of God
Bridge
Your goodness is running after, it’s running after me
Your goodness is running after, it’s running after me
With my life laid down, I’m surrendered now, I give You everything
Your goodness is running after, it’s running after me
III. PRAISE REPORT
Alalahanin po natin ang magandang ginawa sa ating ng Diyos nitong nakaraang Lingo. His mercy never fails us and let us declare His goodness by sharing our praise report.
IV. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon, sa aming pag-aaral at pananalangin ngayong gabi, pangunahan at samahan mo po kami. Buksan mo ang puso namin sa mga pagtuturo mo at ihanda mo kami sa pagtugon mo sa aming mga panalangin. Maraming salamat po at maluwalhati ka sa aming pagtitipon sa iyong pangalan at sa presensya ng Banal na Espiritu. Amen.
V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
Titus 3:8-11 ((MBBTAG)
8 Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at kapaki-pakinabang sa mga tao.
9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at walang halaga.
10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,
11 dahil alam mong ang ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang nagpapakilalang siya'y mali.
Titus 3:8-11 (ESV)
The saying is trustworthy, and I want you to insist on these things, so that those who have believed in God may be careful to devote themselves to good works. These things are excellent and profitable for people.
But avoid foolish controversies, genealogies, dissensions, and quarrels about the law, for they are unprofitable and worthless.
As for a person who stirs up division, after warning him once and then twice, have nothing more to do with him, knowing that such a person is warped and sinful; he is self-condemned.
VI. MESSAGE
Sa pag tutuloy nang ating pag aaral sa Titus, sinabi ni Pablo kay Titus na wag nyang hayaang siya ay hamakin bagkus ay ipahagay ang kagandahang loob ng Diyos na available na sa lahat ng tao na kailangan ng kaligtasan.
Pinaalalahanan din si Titus sa chapter 3 na paalalahanan ang Kristiano doon na magkaroon ng perfect courtesy (meekness) at magagawa lamang ito dahil sa pag-ibig ng Ama, sa pamamagitan ni Hesus at sa tulong ng Banal na Espiritu. Tayo ay maaring maging matuwid dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sapamamagitan ni Hesus Kristo.
Gustong ipagdiinan ni Pablo kay Titus na ituro ito sa kanila nang may confidence. Ang mga bagay na ginawa at ipinangako ng ating Panginoon ay mapanghahawakan natin. Kung patuloy tayong mananalig sa kanya, magbubunga ito nang paggawa ng mabuti. Tayo ang unang nakaranas ng kabutihan ng Diyos kaya ang pag gawa ng kabutihan ay inaasahan makita sa atin at maging bunga natin bilang Kristiano. Nararapat lamang na tayo ay gumawa ng kabutihan sa ating kapwa.
Sinabi ni Pablo na ipagpatuloy ang paghahayag ng Salita ng Diyos at ang maging seryoso sa pag gawa ng mabuti dahil ito ang pinakamainam, pinakatamang gawin at bawat tao ay makikinabang dito.
REFLECTION:
Kailan tayo huling gumawa ng mabuti sa ating kapwa? Nagiging lifestyle ba natin na maging pagpapala sa ibang tao kung paanong pinagpapala din tayo ng Diyos?
Kung may ibinilin si Pablo kay Titus na dapat gawin, may instructions din sya ng mga bagay na HINDI dapat gawin dahil ito ay walang halaga at useless.
Ang sabi ni Pablo sa Titus 3:9-10…
1. Iwasan ang mga issues na pagmumulan lamang ng pagtatalo.
Iwasan ang mga tsismis, intriga at panggagatong na nagdadala lamang ng di pagkakaunawaan.
2. Iwasan ang di matapos tapos na talaan ng mga ninuno (Old Testament Characters). Iwasan ang pagmamayabang ng mga angkan at pagtataas sa sarili.
3. Iwasan ang pagdedebate tungkol sa Kautusan.
(2 Tim 3:16-17) Ang Salita ay Diyos ay ginagamit para sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway ng mali, pagtatama ng likong gawain at pagbibigay ng guide sa para sa tamang pamumuhay. Hindi ito ginagamit sa pagdedebate at pakikipagtalo.
4. Iwasan ang taong gumagawa ng division, pagtapos mong syang sawayin ng una at ika-lawang beses.
Ang mga gawaing ito ay pagsasayang lamang ng oras at walang kabuluhan. USELESS!
Iwasan natin ang mga ganitong foolish arguments.
Pag sinabing iiwasan, ito ay tinatulikuran, ipinapaling ang mukha sa ibang direksyon. Dahil ang mga usaping ito ay walang saysay, mas mabuting iwasan at tumahimik na lamang…
Shhh…
V. 11 Ang mga taong ito ay iniiwasan dahil sila ay masama at ang kanila mismong ginagawang kasalanan ang nagpapahamak sa kanila. Out of the abundance of the heart, the mouth speaks. Ipinapakita lamang ng kanilang sinasabi ang kalagayan ng kanilang mga puso. Ang kanilang sinasabi ang nagpapahamak sa kanilang sarili.
REFLECTION:
Anong mga paraan ang pwede nating gawin (action plan) para maiwasan natin ang mga ito gawain?
CONCLUSION:
Tayo ay nilalang ng Diyos para gumawa ng mabubuting bagay (Eph 2:10). Ito ang mga bagay na makapagbibigay kaluguran sa Diyos. Habang gumagawa tayo ng mabuti sa kapwa, ipinapakita din natin kung sino ang Diyos na ating pinaglilingkuran.
May mga bagay din na dapat nating iniiwasan dahil sa ito ay walang halaga at hindi makakapagbigay kaluguran sa Diyos. May mga bagay na hindi na pinapatulan at dapat ay tumahimik na lamang dahil ito ang pinakamabuting gawin. Kaya sa tuwing tayo ay natutukso na gawin ang mga bagay na dapat iwasan… sabihin natin sa ating sarili… Shhhhh…
VII. PANANALANGIN
1. Ang bawat mananampalataya ay matutong magpigil ng sarili sa pagsasalita nang mga bagay na di nakakalugod sa Diyos (tame the tongue).
2. Magkaroon ng humility at complete submission sa pagtutuwid ng Diyos.
3. Maging lifestyle ang pagtulong at paggawa ng mabuti sa kapwa
4. Evangelism and discipleship – anointing sa mga Finders sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos, more souls for the Lord, more committed mentors and mentees, bootcamp
5. Sunday Services – Musicians, singers, preachers, testmonies, lahat ng tatayo sa harapan
6. Ipanalangin ang ating mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa for strength, protection, comfort and favor sa kanilang trabaho.
7. Peace and order ng ating bansa
8. Ipagray din ang personal prayer requests ng bawat isa.
VIII. PANALANGING PANGWAKAS
Panginoon, salamat po Ama sa lahat ng kabutihan mo sa amin. Salamat sa iyong anak na Hesus na ibinigay mo para kami ay maligtas. Tulungan mo po kami na maging katulad mo at gumawa din ng mabubuting bagay. Tulungan mo po kaming maging daluyan ng iyong pagpapala sa ibang tao.
Humihingi din po kami ng tawad sa mga salita na nabanggit namin na hindi naging kalugod-lugod Syo. Pagkalinisin mo nga po ang aming mga puso at gawin itong dalisay para ang lumabas sa aming mga labi ay mga bagay na kapuripuri sa iyo. Tulungan mo din nga po kaming tumahimik kung kinakailangan at matutong magtiwala sa kabutihan mo.
Maraming Salamat po sa oras na ito at inaangkin naming ang lahat ng kasagutan sa aming mga panalangin. Yes and Amen!
IX. PAALALA
1. Physical Services – 7 am and 10 am (Adults and Kids)
2. Online Replay – 2 pm and 6 pm
3. UFW Alabaster Outpouring on September 4
4. Please post your pictures sa Facebook page ng MFGC, and share with us kapag meron po kayong mga testimony at answered prayers!
Comments