Below is the material for our Family Prayer Cell on October 5, 2022.
Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:
Don't Be Double-Minded
By: Natz Fetil
I. PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Maraming salamat, Panginoon sa iyong pag-iingat sa bawat isa sa amin. Sa kabila nang pabago-bagong panahon, palagi kang nakabantay sa amin. Maraming salamat sa mga panalanging tinugon mo na mula noong nakaraang FPC at nakalipas na Faith Night. Samahan mo po kaming muli at pakinggan sa aming pag-aaral ng iyong Salita, sa aming pag-aawitan at pananalangin, at sa aming pagpapatotoo ng kabutihan mo. Amen.
II. PASASALAMAT
Kung sino man po ang may patotoo sa ginawa ng Panginoon, lalo na kung kayo po ay naka-attend ng Faith Night, maaari niyo pong ibahagi sa grupo upang ma-encourage din sila kung paano tumutugon ang Diyos sa ating mga panalagin.
Gayun din kung sino man po ang may pasasalamat sa Panginoon dahil sa kabutihan niya sa inyo sa buong linggong lumipas, maaari niyo rin po itong i-share sa group.
Makigalak po tayo sa patotoo ng isa’t isa.
III. PANIMULA
Noong nakaraang FPC, pinag-aralan po natin ang ibang klaseng kagalakan mula sa book of James (Santiago sa Tagalog Bibles) patungkol sa – “Joy in Trials” o “Kagalakan sa Gitna ng Pagsubok”
Ngayon naman po ay ipagpapatuloy ang pag-aaral sa librong ito upang mas mapatatag ang ating pananampalataya sa Diyos at lalong lalo pang matuto patungkol sa karunungan nais ng Diyos ipagkaloob sa atin habang tayo’y naghihintay sa kanyang muling pagbabalik.
IV. PAG-AAWITAN
Bago po ang lahat, tayo po muna ay umawit sa Panginoon:
YouTube Link: https://www.youtube.com/watch?v=ErwiBz1QA4o
Great is Thy faithfulness, O God my Father There is no shadow of turning with Thee Thou changest not, Thy compassions, they fail not As Thou hast been, Thou forever will be
Great is Thy faithfulness
Great is Thy faithfulness
Morning by morning new mercies I see
All I have needed Thy hand hath provided
Great is Thy faithfulness, Lord, unto me
Pardon for sin and a peace that endureth Thine own dear presence to cheer and to guide Strength for today and bright hope for tomorrow Blessings all mine with 10, 000 beside
Great is Thy faithfulness
Great is Thy faithfulness
Morning by morning new mercies I see
All I have needed Thy hand hath provided
Great is Thy faithfulness Great is Thy faithfulness Great is Thy faithfulness, Lord, unto me
V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
James 1:-8, NIV
5 If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.
6 But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind.
7 That person should not expect to receive anything from the Lord.
8 Such a person is double-minded and unstable in all they do
Santiago 1:5-8, MBB
5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.
6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan.
7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong
8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.
VI. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
Sinulat ang aklat ng James para sa mga mananampalatayang dumaranas ng persecution at kahirapan. Marami silang kinakaharap na social at spiritual conflict. Ang ibang mga believers ay nagiging compromising na rin sa kanilang buhay. Nais ni James na itama sila at i-challenge na hanapin ang katwiran ng Diyos upang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga pagsubok.
Sa kabila ng kanilang nararanasan nais ng Diyos na ang mga mananampalataya ay patuloy na humingi ng buong pagtitiwala sa Diyos. Ipinatuloy nga ni James ang pagtuturo sa kanila kung ano ang dapat hilingin at ang posisyon ng puso at pananampalatayang siguradong tutugunin ng Diyos.
1. Ask Him for Wisdom – Humingi sa Kanya ng Karunungan (5a)
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.
Kung ating mapapansin pagkatapos palakasin ni James ang mga mananampalataya na sila magkaroon ng “Kagalakan sa Gitna ng Pagsubok”. Unang binanggit ni James sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ang hingilin agad sa Diyos ay “Karunungan” o “Wisdom”.
Hindi sinabi ni James na dapat ang hilingin ay pera, lumapit sa mga taong ma-impluwensya, o maging katanggap-tanggap ang ano mang mga kompromiso o iba pang katulad nito.
Ang sabi sa Proverbs 4:7, KJV
Wisdom (Karunungan) is the principal thing; therefore get wisdom: and with all thy getting get understanding.
Isa ito sa dapat natin matutunan na mga Kristyano na humaharap sa pagsubok, hindi sa lahat ng oras pera ang kailangan natin, hindi rin ma-impluwensyang tao at lalong lalo na hindi magkompromiso sa kahit anong bagay upang malagpasan ang pagsubok na ating kinakaharap.
Ang nais ng Diyos sa atin ay humingi tayo ng “Wisdom” or “Karunungan” – Una dahil ito ang Kanyang kalooban (God’s Will). Ang pahilin ng “Wisdom” sa Diyos ay pagpapakita ng pagtitiwala sa Kanya lamang at hindi sa sarili nating karunungan at kakayanan.
Dapat din nating malaman hindi Niya tayo ilalagay sa kapahamakan. Ngunit, ito ang “Karunungan” na magbibigay sa Kanya ng tiyak na Kaluguran.
2. He gives without finding fault – Siya ay nagbibigay ng walang panunumbat (5b)
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.
Marami sa ating ang nahihirapan lumapit sa Diyos dahil na-iisip natin na tayo’y hindi karapat-dapat bigyan ng Diyos dahil sa ating mga shortcomings (kamalian).
Nakakatuwang malaman na ang sabi ni James ang Diyos ay nagbibigay ng walang panunumbat.
Ibig sabihin nito sinasabi ng Diyos tuwing tayo’y hihiling sa kanya ng karunungan hinding-hindi nya babanggitin sa atin ang mga salitang:
“Oh lalapit ka lang naman dahil may problema ka”
“Hihiling kana naman kasi hindi mo na naman kaya yang pinagdadaanan mo”
“Napakahina mo talagang believer, diba dapat alam mo nay an at natutunan mo nay an sa nakaraang faith night at fpc”
At kung ano-ano pang mga salitang hindi mapapalakas ang ating pananampalataya sa Kanya. Bagkus, dapat natin malaman na ang mga salitang ito ay nang gagaling sa ating kaaway na si satanas dahil ayaw nya na tayo’y lumalapit and maranasan ang kabutihan ng ating Diyos.
Bakit ang Diyos ay hindi nanunumbat sa mga Mananampalataya, dahil ang nasusulat sa
1 Corinthians 5:21
God made Him (Jesus) who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God.
Si Jesus ang tumanggap nang lahat ng kaparusahan dahil sa ating kasalanan at ngayon tayo’y namumuhay sa Kanyang katwirang ipinagkaloob sa mga nanampalataya sa Kanya at tayo’y tinawag na mga Anak ng Diyos (John 1:12)
3. He gives Generously – Siya ay nagbibigay ng Sagana (5b)
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.
Nakatutuwang isipin na importanteng mabanggit ni James na kapag tayo’y humiling sa Diyos ng karunungan hindi lamang ito walang panunumbat kundi “sagana” rin. Anong ibig sabihin nito? Na kapag tayo’y humiling sa Diyos ng karunungan, ibibigay Niya itong ng “Sagana” – Hindi sakto lamang kundi naguumapaw na karunungan upang mapagtagumpayan natin ang ating mga pagsubok sa buhay.
Ibig sabihin nito kapag tayo’y humiling sa Diyos. Siya ay bukas palad na magbibigay sa atin ng “Wisdom”. Kahit anong oras, anong sitwayson o pagkakataon. Saganang ipagkakaloob sa atin ito ng ating Diyos.
Kaya nga masasabi natin na tunay ngang maari tayong magkaroon ng “Kagalakan sa Gitna ng Pagsubok”
4. Believe and Do not Doubt – Maniwala at wag Magduda (6-8)
6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan.
7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong
8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.
Dahil sa ating mga unang napag-aralan maari tayong humiling at maniwala sa salita ng Diyos ng walang pagdududa
1. Humiling tayo ng “Wisdom” or “Kanurungan” – Kalooban ito ng Diyos (God’s Will) na hilingin natin sa kanya kapag tayo ay nasa pagsubok
2. Ang Diyos ay hindi nanunumbat – Dahil kay Jesus, tayo’y anak nang Diyos
3. Ang Diyos ay nagbibigay ng “sagana” – kapag tayo’y humiling alam natin na nag-uumapaw na karunungan ang ibibigay ng Diyos sa atin.
Dahil sa mga katotohanang iyan, nais ni James na tayo’y tunay na maniwala, magtiwala at huwag magduda kapag tayo’y humiling sa Diyos ng “Karunungan”.
Sinabi rin ni James sa Chapter 4:6, NLT
And he gives grace generously. As the Scriptures say,
“God opposes the proud but gives grace to the humble.”
“but gives grace to the humble” – mapagpakumbaba
Ang paglapit sa Diyos upang humiling ng “Karunungan” ay isang simbolo ng pagpapakumbaba. Na sinasabi natin “Panginoon, meron akong pinagdaraan. Hindi ko kaya ito kailangan ko ng Iyong tulong.”
Ito ay simbolo ng pagtitiwala sa Diyos and hindi kahinaan bilang mananampalataya.
Ihihalintulad ni James sa na parang alon sa ang mga nagdududa dahil dalawa lang naman ang pwede nating pagpilian. Magtiwala sa kagandahan ng salita ng Diyos o magtiwala sa sarili nating panguunawa sa sitwasyon o sariling kakayahan.
Kung ang paghiling ng “Wisdom” ay kalooban ng Diyos, Sya’y hindi nanunumbat at nagbibigay ng sagana. Maari bang tayo’y huwag magduda?
Romans 2:4b, Ang Salita ng Diyos
Hindi mo ba nalalaman na ang kabutihan ng Diyos ang gumagabay sa iyo sa magsisi.
Ang katotohanan, tayo’y nanampalataya hindi dahil sa sarili nating kakayanan at kabutihan kundi Sya, Ang Diyos ang unang nagpakita ng kabutihan.
Kaya ang paglapit at paghiling natin ay hindi nakatutok sa atin kabutihan kundi sa Diyos na ang kabutihan ay walang hanggan.
Ito kabutihang nanggagaling sa Diyos ang magiging daan natin upang mapagtagumpayan ang ating kasalanan, magiging kagalakan sa anuman nating pagdaraanan.
VII. PAGNINILAY-NILAY
1. Anong unang mong hinihiling sa Diyos tuwing ikaw ay may pagsubok?
2. Ano ang mga halimbawa naririnig mo galing sa Kaaway na parang panunumbat galing sa Diyos?
3. Anong nabago sa pananaw mo sa dahil sa katotohanang hindi mo kailangan magduda sa Diyos dahil Sya ay nagbibigay ng walang panunumbat at sagana pagkatapos ng mensaheng ito?
VIII. PANALANGIN
1. Personal Prayer: hilingin sa Diyos na tulunga ka na i-prioritize ang paghiling ng “Wisdom” o “Karunungan” tuwing mayroong pagsubok sa buhay.
2. Ipanalangin ang mga kasamang dumadaan sa pagsubok ngayon. Hilingin sa Diyos na bigyan ng “hearing heart” upang marinig ang kalooban ng Diyos at matanggap ang karunungan para sa kanyang pinagdaraanan.
3. Ipanalangin ang bagong mananampalataya na sumunod sa pamamagitan ng water baptism activity. Nawa’y magpatuloy silang lumago sa Diyos at maging disciple at magdisciple dito sa ating church.
4. Ipanalangin ang ating mga pastors at workers. Hingin sa Diyos na punan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Bigyan sila nawa ng anointing na galing sa Panginoon.
5. Ipanalangin ang mga kapatirang may karamdaman. Hingin sa Diyos ang kanilang kagalingan. Pangalanan kung kinakailangan.
6. Ipanalangin ang mga seniors. Hingin sa Diyos na bigyan sila ng ibayong lakas at creativity para sa kanilang paglilingkod sa kingdom.
IX. PANGWAKAS NA PANALANGIN
Salamat, Panginoon sa pagpapaalala sa amin na kami po ay hindi dapat magduda kapag kami ay humiling sa inyo ng “Wisdom” patungkol sa aming pinagdaraanan. Tulungan mo po kami na malaman ano-ano ang mga kasinungalingan ng kaaway tuwing kami ay hihiling sa inyo at mawaksi namin ito sa pamamagitan ng Pangalan ni Hesus. Nawa ay ang “Wisdom” ang unahin hilingin maliban sa ano pang mga bagay at maniwala kami sa Inyong kabutihan na ito’y matatanggap namin ng walang panunumbat at sagana. Amen.
X. PAALALA
Be a part of a Care Circle, at kung nais maging involved sa discipleship journey, magsabi lang sa ating mga pastor at leaders.
XI. PAGBIBIGAY
Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela.
Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR:
· Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049
· Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554
· Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622
Comments