top of page
Writer's pictureMarikina Foursquare

Prayer Cell 32 - Pagtatangi

Below is the material for our Family Prayer Cell on October 19, 2022.


Kung gusto mo ng printable version, pwedeng idownload dito:


Pagtatangi

By: Ptr. Noolen Mayo

 

I. INTRODUCTION


Magandang araw sa lahat! Isa na namang pagkakataon na mabigyan ng kaluwalhatin ang ating Diyos sa ating mga gagawin sa araw na tio sa pamamagitan ng pagpupuri, pagpapasalamat, pananalangin at pakikinig ng Kaniyang Salita. Kaya’t hayaan ninyo na bigyan muna natin ng papuri ang Diyos sa atting pag-aawitan. Halina’t tumayo tayong lahat at sabay-sabay sa pag-awit ng may pasasalamat sa kabutihan Niya sa atin araw-araw.


II. PAG-AAWITAN


HALINA’T SAMA-SAMA

by Musikatha

Halina’t sama-sama Purihin natin Siya Halina’t sama-sama Awitan natin Siya

Ipalakpak ang inyong kamay Itaas at ikaway Lahat ay magsabing Diyos ay buhay

III. PAMBUNGAD NA PANALANGIN


Tunay ngang ang Diyos ay buhay! Hindi Niya tayo pianpabayaan sa lahat ng sitwasyon ng ating buhay, kaya’t marapat natin Siyang itaas sa ating papuri at pasasalamat. Ibigay natin ang ating pagsamba sa Kanya habang ang lahat ay magsambit ng kanyang pasasalamay sa ating buhay na Diyos.


Salamat o Diyos, sa mga biyaya at pagpapala mo sa amin sa tuwina. Nararanasan namin ang pag-ibig Mo sa bawat oras dahil nariyan Ka lagi. At sa aming gagawin sa araw na ito, Ikaw ang malugod at maitaas, Ikaw ang aning bibigyan ng karangalan.


Kaya nais naming anyayahan ang presensya ng Banal na Espiritu at ang Kaniyang pagkilos sa aming kalagitnaan sa gawaing ito. At ito ang aming dinudulog sa Pangalan ni Hesus, amen!

IV. PRAISE REPORTS/TESTIMONIES


Bago natin marinig ang Salita ng Diyos ay bigyan muna natin Siya ng pasasalamat sa pamamagitan ng ating ‘testimonies’. Dugtungan ang mga salitang ito... ‘Pinupuri ko ang Diyos dahil Siya ay ang aking ____________’. Katangian Niya na inyong naranasan sa linggong ito.(ex. Tagapagpagaling; Kapayapaan, Tanggulan, at iba pa)


V. PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


James 2: 1 – 9 / Santiago 2: 1 – 9


Mga kapatid ko, bilang mga mananampalataya kay Jesu-Cristo na ating maluwalhating Panginoon, dapat maging pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao. Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang lalaking may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating din doon ang isang dukha na gusgusin ang damit, at inasikaso ninyong mabuti ang nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sinabi naman ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya'y, “Sa sahig ka na lang umupo,” nagtatangi na kayo at humahatol nang mali. Mga kapatid kong minamahal, makinig kayong mabuti! Hindi ba't pinili ng Diyos ang mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya? Ngunit hinahamak ninyo ang mahihirap. Hindi ba't ang mayayaman ang umaapi sa inyo at sila ang kumakaladkad sa inyo sa hukuman? Hindi ba't sila rin ang lumalait sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos? Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos ng Diyos na ating hari, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Ngunit kung nagtatangi kayo ng tao, kayo'y nagkakasala, at batay sa Kautusan, dapat kayong parusahan


VI. PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS


Ang totoong pananampalataya sa Diyos, ang resulta ay totoong pagbabago ng buhay! Ito ang tema ng aklat ng James (Santiago) kung saan nakikita ang pagbabago sa pamamagitan ng pag-iisip at pag-gawa / pagkilos.


Kaya dito sa mga talatang ating binasa, isang praktikal na example ang kaniyang binanggit ngunit marami sa atin; kahit mga Kristiyano na ay di nagtatagumpay dito. Ito ay tinatawag na ‘pagtangi’ - partiality o favoritism sa ingles.


· Kung christmas party, nabibigyan ng mas maayos na pagtrato ang nagbibigay ng mas mahal o magandang mga regalo; lalo na kapag malaking halaga ng pera ang inaabot nito.

· Mas binibigyan mo ng oras at prioridad ang mga mas nakakatulong sa iyo dahil nahihiya kang hindi sila mapagbigyan kaysa sa mga wala kang tulong na nakukuha sa kanila. Minsan di mo pa nga pinapansin ang mga ito.

· Nakakalungkot isipin na maging sa simbahan ay mas kinakausap mo ang iyong mga kakilala na kaysa sa mga bago at bisita, mga nasa isang sulok lang na walang pumapansin o sabihin na natin mga walang dating sa ating paningin.

· Kahit ayaw man nating banggitin, may pagtangi din tayo sa mga anak natin lalo na kapag kilala mo kung sino ang nakakatuwang mo; matagal mo siyang di nakita; at masunurin sa iyo; o malabing sa lahat; atiba pang sitwasyon.

· May paboritong pastor, di magsisimba kung hindi siya ang preacher. 😊 😊 😊

· At marami pang iba.


Reflection:

Mag-isip ng isang sitwasyon na nagawa mo ang favoritsm? At ngayon pa lng ihingi mo na ito ng tawad sa Panginoon.


ANG PAGTANGI AY WALANG PAGTITIWALA SA DIYOS – sa madaling salita ay hindi ka naniniwala na ang Diyos ang ‘Great Provider’. Mas tinitignan natin na ang mga mayayaman o yung mga may kaya ang makakatulong sa atin para ma-provide ang mga pangangailangan natin. Kaya madalas lagi tayong nakadikit sa kanila o kaya naman ay mas nabibigyan natin sila ng pabor,


Ang mananampalataya ni Hesus ay confident na ang kaniyang Diyos ay Provider kaya madali lang at pantay ang pagtrato niya sa mayaman at mahirap. Madalas tayo nagkakamali kapag ang nabibigyan natin ng halaga lagi ay ang mga kinikilingan at mga binibigyan natin ng pabor. Hindi lagi sa panahon ay nariyan sila at meron din sila; lapit lang lagi sa nakaka-alam ng bukas o hinaharap natin, walang iba kundi ang ating Panginoon.


He will never go wrong! Alam Niya kung ano ang pangangailangan mo; batid Niya kung ano ang naisin o nararamdaman mo; nauunawaan Niya kung ano ang kalagayan mo. Kaya ang Panginoon ang ating pagtiwalaan – hanggang dulo ay hindi ka Niya iiwan o pababayaan man.


Reflection:

Nasubukan mo na bang hindi ka mapagbigyan ng pabor ng taong inaasahan mo?

ANG PAGTANGI AY PAGKAKASALA SA DIYOS – ito ay kasalanan. Isa sa mga golden rules ng Diyos ay ibigin ang kapwa tulad ng sarili. So natural na ito ay paglabag sa utos ng Diyos kung di natin kayang ibigin ang kapwa natin dahil mayroon kang pagtatangi sa kanila. Ayaw ng Diyos na maging mapanghusga (judgmental) tayo dahil sa standard ng mundo natin.


Imbes na nagiging gabay ka nila at magbigay kalakasan, mas napapahiya sila at nanghihina dahil mga kapatiran pa mismo o kaya naman ay mananampalataya pa ni Hesu Kristo ang nagdududa sa kanila. Hindi mo naipaparamdam ang pagmamahal mo sa kanila bagkos kinamumuhian mo sila. Nagkakasala ka sa Diyos dahil hindi mo sila iniibig.


Ang ating pagtingin ay mas binibigyan ng respeto ang mas mayaman kaysa sa wala; ayaw nating makihalobilo sa mga mas nakatatanda dahil di natin sila ma ‘gets’; mas binibigyan natin ng value ang mas malaking halaga ang binibigay; mas may matututunan tayo kapag educated ang kausap natin. Ang katotohanan sa mata ng Diyos ay walang mas mahalaga o mas magaling kaysa sa isa.


Reflection:

May pagkakataon na ba sa buhay mo na mas binigyan mo ng pabor ang sa tingin mong mas mahalaga o mas magaling kaysa sa iba?


CONCLUSION:


Ngayon, balikan natin ang tema ng aklat ng Santiago... ang isa sa magandang assessment natin kung may pagbabago na tayo sa isip o ugali ay alamin natin paano tayo magbigay ng pagtrato sa kapwa natin.


Sino ang madalas natin kausap sa simbahan? Nabibigyan ba natin ng pagkakataon na maka-musta man lang yung mga hindi pa natin kakilala? Nabibigyan ba natin ng tulong ang mga sabihin natin na di natin ‘vibes’? Napaglilingkuran ba natin yung mga mahihirap; may mga may sakit; mga namatayan at dumaranas ng kalungkutan o mas madalas sa kasiyahan lang tayo nakikisama?


VIII. PANALANGIN


1) Maghanap ng kapareha at ipanalangin ang isa’t isa upang hindi maging practice o ugali ang ‘partiality’, ‘favoritism’, o pagtangi.

2) Foursquare National Convention this coming Oct 25- 28, 2022 @ Pangasinan.

Twenty-Six (26) delegates from JCLAM

3) Pastors’ Appreciation Day this coming Oct 30, 2022. But moreover, so much to pray for them. (God’s wisdom & anointing; provisions & protection; good health; their whole family & many more)

4) Maraming nagkasakit for the past weeks until this week. Pray for their healing; provisions & their families too (peace of mind & comfort).

5) 1st Quarter examination week for our students. Pray for wisdom & knowledge as they review; favor for high grades; protection for going to school and going back home)

6) Jesus Reigns Grand Celebration (favor for permits; wisdom & coordination of clusters; provisions & cooperation of local churches; & anointing of program).


X. PAALALA


1) Pastors’ Appreciation Day on October 30, 2022

2) Missions Giving on October 30, 2022 (every last Sunday)

3) Jesus Reigns Celebration on Nov 30, 2022

4) JCLAM Anniversary on Dec 3 & 4, 2022 @ Boso-Boso Highland Resort


XI. PICTURE TAKING, PAGKOLEKTA NG OFFERING at PAGSALU-SALO


Take pictures and post sa FB page ng JCLAM for attendance sake and most especially to encourage others to join us pray for the country, church & family. Offering: Pwede ninyo itong ipasa sa Gcash ng church (Rosemarie A – 09276882006) at indicate lng na FPC ito o kaya naman dalhin sa simbahan mula Lunes hanggang biyernes alas 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Hanapin si kuya Martin Valenzuela. Kung nais magbigay ng LOVE GIFT SA MGA PASTOR: Kay Carolino - BDO - 006970134627 / GCASH - 09189919049 Noolen Jebb Mayo - BDO - 006240020299 / GCASH - 09998840554 Gloria Oyco - BDO - 006970168262 / GCASH - 09394378622


25 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page